Kapag Yumaman Ako
1. Maglalakbay ako sa ibat ibang panig ng mundo ( kung medyo sawa na ako sa dito sa Earth susubukan kong magpatayo ng SPA sa planetang Neptune)
2. Bibili ako ng malaking bahay (Gagawin kong hobby ang pagbili ng bahay at lupa). Yung diyamante ko gagawing ko lang pangalso ng kotse at yung ginto gagawin ko lang paper weight.
3. Bibili ako ng maraming sasakyan ( yun tipong parang nagpapalit ka lang ng brief, uhmmm konti lang pala ang brief ko, sige bibili rin ako ng pabrika ng brief para sa akin )
4. Gagawin kong katulong si Bill Gates tapos ang yaya ko naman si Oprah. Si Bradd Pitt hardinero ko lang yun tapos si Megan Fox eh gagawin ko syang tagalagay ng bimpo sa likod ko kapag pinagpapawisan. Driver ko naman si Zobel de Ayala at tagakamot ko ng itlog si Lucio Tan.
5. Bibilhin ko ang GMA 7 at ABS-CBN para kung anong palabas lang ang gusto kong panoorin ay iyon lang ang ipapalabas nila (bawal sa akin ang koreanovela,chinovela, at kung ano ano pang vela-vela). Si Attorney Gozon ang tagaluto ko ng pop corn, tapos si Gabby Lopez naman ang tagabukas ko ng coke.
6. Kukuha ako ng taong mangungulangot sa akin,para hindi na mahirapan ang hinlalaki ko. Meron din akong tagalinis ng tutuli, at taga-alis ng muta ko sa umaga. Tagalagay ng alcohol sa kamay at katawan ko, kada segundo. At ang gagawa nito ay si Kris Aquino dahil sya ang aking P.A
7. Gagawin kong Orphanage ang Camella Homes para sa mga street children, tapos bibilhin ko ang mga subdivision ng Ayala Land at ito ang ipapamudmod ko sa mga mahihirap. Magpapatayo rin ako ng simbahan na may apat na palapag para maiba naman tapos si Pope ang magmimisa dito kada Miyerkules. (kailangan daw kasing magkawang-gawa)
8. Magpapatayo ako ng isang mall sa aking bakuran, at dito ako mamimili. Ayaw ko kasing ng makipagsiksikan pa sa maraming tao kaya magpapatayo ako ng sariling mall . At gagawin kong salesman si Henry Sy (sa tindahan ng sapatos ko sya ilalagay)
9. Dahil wala akong magawa sa pera ko katulad ni Michael Jackson (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) , eh gusto ko rin magpagwapo. Kaya magpapalaser ako…….magpapalaser sword ako ng ulo then papalitan ito ng ibat-ibang ulo. Yung parang detachable ang ulo tapos ang ipapalit ko sa ulo ko ay ulo ng mga artista, para sikat din ako. Araw araw iba iba ang ulo para masaya.
10. Syempre sa dami ng pinagkakagastusan ko baka maubos ang kayamanan ko. Kaya para ma-maintain ko ang pagiging mayaman, tataya ako sa lotto. Lahat ng kombinasyon tatayaan ko at araw araw akong tataya. Bibilhin ko rin ang lahat ng Casino tapos syempre dahil ako ang may-ari lagi kong papanaluhin ang sarili ko. Kung hindi ko makuha sa ganyan, bibili ako ng imprentahan ng pera. Kaya pwede akong mag-imprenta ng limpak limpak na salapi.
Yan ay ilan lamang sa gagawin ko sa aking kayamanan, medyo nakakapagod din palang gastusin ang pera kahit iniisip mo lang ito. Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera yun nga lang mas lalong mahirap kung wala kang pera.
haha! nakakatuwa po itu!
ikaw na yata ang matagal ko ng hinahanap...
IDOl kita!!!! napatawa mu ako dun hihihi!!
nakakatuwa ka po!!!
"Yung diyamante ko gagawing ko lang pangalso ng kotse at yung ginto gagawin ko lang paper weight."
--ito gusto ko... dami mong naiisip.. haha!!!
^__^ malay mu malay ko.. maging habit ko toh...
itatry ko lang namn po na mag post ng gawa ko...
sana may magbasa hihihh salamat^_^
Hehhee
Salamat naman at napatawa kita!
Medyo may mga previous entries pa ako. Medyo korni, pero baka naman magustuhan mo!
Pampagaan lang ng araw
Ingat lagi!
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
.
'Pag yumaman ako, may ipapapatay ako. Hindi agad-agad, pahihirapan ko muna sila bago patayin. Tatlo sila, gumagala gala pa.
Musta ka na Anne?
Tagal na akong walang balita sa iyo ah? Musta na?
Sino naman ang ipapatay mo? hahhaha! Gawa na uli ng mga entries mo, excited na akong basahin yun uli!
Ingat Anne
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Yun lang (Kuya Ikaw pala yang ROM na yan!hahaha)
Hehhee! Yun lang kuya ?Kala ko bibilhin mo yung buong MCDO
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
nalimutan mo yata kami...
pakishare mo naman ang yaman mo sa akin pre... paki dhl naman ako dito kahit isang wrist watch o mobile lang!









Sapat lang!
Hahaha pinatawa mo ako. Pero parang magiging masama sa iyo ang epekto ng maraming pera, ang titindi ng plano mo! Ayos lang yan, pangarap lang naman eh.
"Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera yun nga lang mas lalong mahirap kung wala kang pera."
Isa lang ang sagot dyan, maghangad ka lang ng sapat.
Cheers!