KAPIRASONG PAPEL

|

tanong nila sakin, ba't daw ako nagsusulat

patulan kahit mga papel na nakakalat;

nagtitiyaga daw sa nagtatae kong pluma

kahit ba ang itchura nito'y pambalot na ng tinapa

 

hindi ko naman daw ito ikakayaman

o ikababago ng antas ko sa lipunan;

walang saysay at aksaya lang daw sa tinta

walang matinong maisulat at isa daw basura

 

ba't di daw ilingon sa mas makabuluhang bagay

at itigil ang paghalik sa papel na walang buhay;

itawid ko daw ang kawawang ligaw kong diwa

sa mundo kung sa'n dapat dilat ang aking mga mata

 

masasakit na paratang pawang may katotohanan

ngunit sa papel humihilik ang mga obrang pinagpaguran;

oo marahil hindi 'to natutumbasan ng anong halaga

at tila hasa ang dila mo sa ganitong pangmamata

 

susulat ako habang may espasyo akong makikita

dugyot man ito sa paningin mo, anong pake mo ba?

naniniwala ako na ito'y pinagdaanan din nila

sila na mga tanyag na at gawa'y isinasapelikula

 

wala akong balak iangat ang ulo ko sa lipunan

at may nakaambang panganib na ako'y mapugutan,

kahit may isa lang na magtitiyagang ako'y subaybayan

gigising ako ng may ngiti at patuloy na siya'y susulatan

 

totoong hindi ako nito kayang ilangoy o iligo sa pera

o ihiga sa yaman kung sa'n may ilan lang ang may kaya,

ngunit di mo rin naman ako kayang buhayin ng iyong mga salita

at di ko hahayaang sunugin mo ang kapirasong papel, kung sa'n ako humihinga.

buhaymakata

ellise dominic's picture

wow ang ganda

 

nakarelate ako ng husto... nice... very nice...  i really liked it po... 

go sulat lang anong paki nila mas masaya ka pa rin sa kanila kasi buhay ka...  

my soulmate  is worth the wait..

dollysbigbaby's picture

magaling magaling

alam mo kapatid totoo itong sinulat mo.may mga taong ganun na lang kababa ang tingin sa mga alagad ng sining (o sa kagaya kong nangangarap). ganun pa man, tuloy lang sa pakikibaka.

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

alam mo...

dito sa FW hindi dugyot at  hindi basura ang tingin sa mga gawa ng bawat miyembro. Naramdaman ko talaga ang tulang ito. Maraming makakarelate dito. Basta sulat ka lang.

ohhnah's picture

^_^

 

 

 wow.. ang sarap namn basahin haha!!! ang galing galing...

paghusayan mu pa ^_________________^

hindi basura ang mga pinagpaguran na isulat ^_^ nakakatuwa!

 

 

 

 

^__^ malay mu malay ko.. maging habit ko toh...

itatry ko lang namn po na mag post ng gawa ko... 

 sana may magbasa hihihh salamat^_^

alierose's picture

 napakaganda

 napakaganda kaya...

kakainspired yung gawa mo..

yung mga tao lang na hindi nakakaintindi ng sining ang nagsasabing basura ang isang magandang obra..

 

 

"huwag mo akong kausapin busy ako."

salamat

 maraming salamat po sa mga nagbasa. nakakataba po ng puso at dahil po diyan, sulat lang po tayong lahat. :)

 

 

a poet started with a pen and ended up with her own masterpieces 

tammmaaa.

SSShh.. Secret lang natin toh

Clap! Clap! Clap!

Gusto ko yung sinabi mo na habang may isang babasa ikaw ay magtutuloy para sulatan pa siya... Woow

isang relasyon ng writer sa reader.. Nakakatouch

 salamat sa pagdaan. ang

 salamat sa pagdaan. ang relasyon ng writer sa reader ay isang commitment na dapat pinanghahawakan ng mabute. :)

 

a poet started with a pen and ended up with her own masterpieces 

Similar entries