KASAL
Submitted by pirmiskalang on April 29, 2009 - 1:48pm.
Filipino | Poetry | KASAL
Pikon ka…
Nang nilambing kita,
At ang sabi mo:
Hindi tayo mabubuhay
Kung puro sweetness lang.
Kaya…
Dali-dali tayong naghabulan…
Patungo sa altar…
At nagtuksuhan tayo
Ng mga pangako
Doon na natapos ang lahat…
Hahakbang na tayo
Sa masmataas na bahagi ng hagdanan
Nakakatakot ang mag-isa;
Nakalulula sa dalawa
Paglalaruan natin ang magpakailanman
Iiyakan natin ang habang-buhay,
At magtatampo tayo sa walang hanggan,
Nyek…
Matagal pa ‘yon…
Saka na natin isipin…
Ubusin mo na kasi ‘yan…
‘Uwi na tayo.
OBEJ
» login to post comments | 580 reads


