Kasalanan

alcor eldioan's picture

Kasalanan ng mga matang

Kung saan saan tumitingin,

Ng mga paang

Kung saan saan nakararating,

At ng ihip ng hanging lumiligaw

Bakit hindi iligaw sa paraiso?

 

Kasalanan mo, oh magandang tao

Ng libog, init at imahinasyon

Kasalanan ng salapi at

Mga pangarap na naabot

Ang pighati ng panahon.

 

Kasalanan ng pusong balimbing

Ng damdaming tanga

Manhid, pipe, bingi

At ng kalituhan

Ang mga nakatadhanang kamalasan

Sa kabila ng mga dasal

Sa dilim na taimtim.

 

Kasalanan ng musika at sining

Ng mabigat na pasanin,

Ng paglimot ng kaibigan

Ang lumbay at gulo

Sa buong mundo.

 

Kasalanan ng kabutihan

At ng kasamaan,

Ng sobrang dilim at liwanag

Na nakabubulag,

Ang pabagu-bagong mukha

Ng bawat isa

At ang digmaan sa mundo.

 

Kasalanan ng sarili,

Ng mga magulang, ng mga bayan

At ng mga diyos,

Kasalanan ng bawat isang

Nakararamdam at nagkakasakit

Kasalanan ng isang umpisa

At ng isang wakas,

Kasalanan ng lahat ng mga pangarap

Ang pag-ibig sa mundo.


Jack A. Alvarez's picture

Cliche.

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

alcor eldioan's picture

naghihintay ako ng puna mo,

Sir Jack, mag-comment ka naman po.Gusto ko pa ayusin tong poem na'to. Help. :) Many thanks.

Jack A. Alvarez's picture

Pls. wag mo naman ako i-sir.

 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Jack A. Alvarez's picture

Suhestiyon lang.

Para sa akin lang mas trip ko yung mga tulang 'gumagalaw'.

Kasalanan ng mga matang

Kung saan saan tumitingin,

Ng mga paang

Kung saan saan nakararating,

At ng ihip ng hanging lumiligaw

Bakit hindi iligaw sa paraiso?

farang ganetch:

Kasalanan

ng mga matang malilikot

ng mga paang di napapagod

ng ihip ng hanging nagpapaligaw (nagtaka lang ako bakit nasali ang hangin dito? mukhang di kabilang sa mata at paa.)

bakit di tangayin sa paraiso?

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Alexander Dagrit's picture

Mas maganda

 

sana kung ang tinig na ginamit mo ay iyong pang-postmoderno (paloob):

 

Ako rin ma'y bahagi ng pagkakasala,

mayroon din akong mga pagkukulang,

mga pagkukulang na hindi ko kayang

ituwid at punan.

 

Ang tinig nito kasi ay parang patalastas. Hindi na uso iyan ngayon sa panulaan.

 

 

Ang Tugma, Sukat,at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

alcor eldioan's picture

ah. salamat po sa comment.

ah. salamat po sa comment.