Kasinungalingan

SimplengRebelde's picture
|

 Kasinungalingan

 

Mahal mo pa ba ako?

Yan daw ang itanong ko sa`yo

Ngayon kung sagot mo'y "Oo."

`Eto lang masasabi ko,

"Hindi na kita mahal."

Kung magagalit ka ilabas mo

Pero bago ka magalit

Tanungin mo muna ako kung bakit

Para ng sa ganon ay maintindihan mo

Alam mo bang napakasinungaling `kong tao?

Niloloko na kita noon pa man

Hindi ako masaya `pag kasama kita

Naiinis ako tuwing nakikita ka

Naiirita ako kapag may kasama kang iba

Ngayong alam mo na

Uulitin ko ang sinabi ko

"Hindi na kita mahal."

Pero...

 Maniniwala ka ba sa isang taong nagsisinungaling?

Naisulat ko `to nung 4th year high school ako..dahil sa kauna unahang babaeng minahal ko. Marami pako neto kaso nasa tropa ko yung notebook.

Nawala daw nya. >.<


jealousy29's picture

WOW...   nakailang ulit

WOW...

 

nakailang ulit ako bago ko siya maintindihan ng maayos hehehehe....

ang ganda ng tulang ito....

pero ask ko lang bakit naman kailangan mo pang masinungaling???

 

na...Smile

SimplengRebelde's picture

kasama yun

kasama yun sa para may konting thrill yung tula.. para may twist..^_^

jealousy29's picture

ganun ba...

ganun ba... ?

pasensiya na hah... hehehe

 

ngat....Smile

Patrickman's picture

tididingdingding... another one joins the list...

okey itong tula mo a! ang galing ng pagkakagamit ng ambiguity at rhyming scheme. ayus! :D

 

keep it up! 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

SimplengRebelde's picture

tenkyu

nyehehe..

salamat sa comment.. matagal na to eh.. ngayon ko lng naisipang i-post..

hehehe..

 salamat salamat..^_^

turn you on daw oh

sabi daw ni patrick oh

ang sarap basahin

parang kabag na....

alam mu na un... cnabi q na sa clan chat eh wahahaha

SimplengRebelde's picture

di ko alam.. haha

nyehehe.. signature nya yan.. basahin mo din yung mga gawa nya, magagandahan ka.. pede mo pang ligawan

nyehehe

Ailem23's picture

ayos!

 maganda ang pagkakahabi ng tula mo...

sulat lang ng sulat! 

melay

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

SimplengRebelde's picture

tenkyu

salamat po..

^_^