KASO NG RELIGIOUS DISCRIMINATION AT INTOLERANCE
KASO NG RELIGIOUS DISCRIMINATION AT INTOLERANCE
ni Dennis Espada
Agosto 4, 2009
Naranasan mo na ba ang religious discrimination at intolerance? Kung “oo” ang iyong sagot, basahin ninyo ang maikling salaysay na ito.
Noong huling parte ng Marso, na-engkuwentro ko si Arem (di tunay na pangalan) sa isang sikat na social networking site. Buwan ng Abril, nagsimula kaming magpalitan ng e-mail at ang pangunahing paksa namin ay tungkol sa tula at kanta. Nilapatan niya ng awit ang isang tula ko at nasiyahan ako. Hanggang sa ipinasya naming magkita nang personal para mag-usap ng mga collaborative projects.
Maayos naman ang unang meeting noong Mayo. Katunayan, sumulat pa kami ng tula. Binigyan ko pa siya ng libro. Pero ang isang di ko inaasahan ay nang basahan niya ako ng mga talata sa Bibliya at inaya akong sabayan siya sa pagdadasal. Nagpasalamat ako sa kanya dahil na-appreciate ko 'yung ginawa niya bagaman hindi first time na may nag-share ng salita ng Diyos, at lalong hindi first time na nabasa ko ang Bibliya.
Ayon kay Arem, siya raw ay “friend” ko. Nagtaka ako noong una. Pa'no niya ako tatawaging “friend” eh hindi pa naman niya ako nakikilala ng husto? Naisip ko, ah, siguro ganoon silang mga taga-“Church of God”, mapagkaibigan sa kapwa-tao. Nagpatuloy ang komunikasyon. Nagpatuloy ang usapan tungkol sa tula, kanta, at personal din. Sa palagay ko, masaya siya dahil may nakakausap siya tungkol sa mga paksang iyon. Nag-contribute pa nga siya ng mga tula niya sa chapbooks na inilabas ng isang poet's group. Nanood pa nga siya ng poetry performance namin na ginanap sa isang tanyag na institusyong pangkultura ng gobyerno. Naisisingit paminsan-minsan ang pag-uusap tungkol sa Diyos, espiritu, at relihiyon. Hindi lingid sa kanya, o kahit sa sinumang nakakakilala sa akin, na natuto ako sa tradisyon ng Iglesia Katoliko Romana at nakapag-aral sa isang Katolikong eskuwelahan. Pero sa kabila nito, isa rin akong writer/journalist na di sarado ang isip at aware sa tolerance.
Noong Hulyo 4, nakatanggap ako ng text message mula kay Arem. Sabi niya, dapat na daw matapos ang komunikasyon namin. Sori daw. Hindi na daw dapat dugtungan pa at wala na daw siyang iba pang sasabihin. At wala na daw siyang balak makipagkita sa akin. Reaksyon ko? Na-shock at natulala ako sa sinabi niya. Na-offend ako sa remark at act niyang iyon. Pero nagsimula na akong mag-assess ng situation. Hindi muna ako nagconclude ng anuman. Hindi muna ako nag-single out o nag-rule out. At least, not yet. Kaya sagot ko sa kanya: sana makapag-usap tayo ng personal para ma-explain mo ang reason ng desisyon or action mo. Nag-meet uli kami makalipas ang pitong araw. Doo'y pinagdiinan niyang ayaw na niyang makipag-communicate o makipagkita sa akin. Doo'y inilinaw niya ang tunay na dahilan: “baka ma-jeopardize ko ang kanyang faith.” Ibig sabihin, dapat nang putulin ang “friendship” dahil magkaiba daw kami!
Hindi ko ine-expect na huhusgahan niya ako nang walang basehan. Matapos niyang sabihin ng ilang ulit na siya'y “friend” ko, ngayon nire-reject niya ako dahil, ayon sa kanya, magkaiba kami ng paniniwala. Hindi na daw dapat kami magpatuloy ng komunikasyon, sa kabila ng mabubuting bagay na nagawa ko para sa kanya (talk about utang na loob!).
Wala akong intensyong i-convert siya o ang sinuman na umanib sa isang partikular na religious sect. Ano'ng proof niya na may ginawa akong makaka-jeopardize sa kanyang faith? May deklarasyon ba ang kanilang pastor na ako ay banta sa pananampalataya niya? Wala siyang sagot sa tanong na ito. May binanggit pa nga siya na “irreconcilable differences” kahit ang term na iyon ay applicable sa kaso ng mga mag-asawa. Alam niyo, madali kong matatanggap kung ang reason niya'y dahil sobrang pangit ko o mabantot ako. Pero tama ba na idiscriminate ako dahil magkaiba kami ng paniniwalang pangrelihiyon?
Sa totoo lang, base sa pananalita ni Arem, ang isyu dito ay hindi na personal sa aming dalawa kundi usaping lipunan. Ang desisyon niyang itakwil ako on the basis of my religious or political affiliation ay kaso ng diskriminasyon na salungat sa diwa ng tolerance. (Tolerance is a fair, objective, and permissive attitude toward those whose opinions, practices, race, religion, nationality, etc., differ from one's own; freedom from bigotry. Source: Dictionary.com). Sa pagsasabi niya sa akin na “makaka-jeopardize sa kanyang faith” at “hindi ko maiiwasang tuligsain ang paniniwala mo”, ginigiit niya na ang paniniwala niya o ng grupo niya ang tama at ang lahat na hindi sasang-ayon sa kanila ay mali. Of course, hindi sasang-ayon sa kanila ang mga lider ng ibang religious sects. Again, pagpapakita ito ng religious discrimination at kawalan ng tolerance. Ito ang ugat na isyu.
Ang ibig sabihin ng “intolerance and discrimination based on religion or belief” ay “any distinction, exclusion, restriction or preference based on religion or belief and having as its purpose or as its effect nullification or impairment of the recognition, enjoyment or exercise of human rights and fundamental freedoms on an equal basis.” (United Nations Declaration on the Elimination of All Forms of Intolerance and of Discrimination Based on Religion or Belief)
Sabi ni Arem, respetuhin at tanggapin ko daw ang desisyon niyang ito dahil kapag nagpatuloy kami (as friends), masasaktan lang daw ako sa mga sasabihin niya at hindi daw siya titigil sa pananampalataya niya. This means hindi siya titigil sa pagtuligsa hindi lang sa relihiyong Katoliko kundi pati sa Hinduism, Buddhism, Islam, etc. Nakakalungkot isiping may mga taong kagaya niya na hindi pabor sa interfaith dialogue.
Mismong ang United Nations, kung saan miyembro ang Pilipinas, ang nagproklama na ang prinsipyo ng “nondiscrimination", “equality before the law” at “right to freedom of thought, conscience, religion and belief” ay parte ng Universal Declaration of Human Rights. Ayon sa Article 2 ng Declaration on the Elimination of All Forms of Intolerance and of Discrimination Based on Religion or Belief: “No one shall be subject to discrimination by any State, institution, group of persons, or person on the grounds of religion or other belief.” Sa desisyon ni Arem, nabalewala ang mga prinsipyong ito.
Tila pinawawalang-saysay ni Arem ang mga pinaglaban ng tanyag na civil rights leader na si Martin Luther King at maging ng ating mga bayani na tumutol sa anumang uri ng diskriminasyon (ethnic, religious, racial, gender).
Kung ang isang desisyon ay bumabastos at humahamak sa dignidad ng isang tao o grupo, gaya ng ginawa sa akin ni Arem, hindi iyon katanggap-tanggap. Malinaw ang pagitan ng tama at mali. Dapat siyang managot sa kanyang acts of religious discrimination and intolerance na kung hindi maiwawasto ay baka tularan pa ng iba, lalo na ng mga kabataan ngayon.
Sa isang daigdig na culturally and racially diverse, mas kailangang palaganapin natin ang positive values like tolerance and interfaith dialogue, at huwag pairalin ang diskriminasyon sa kapwa. Huwag nating hayaang mangibabaw ang mali.
Reply
I agree na ignorance ang unang dapat mabuwag...hindi kasi itinuturo sa mga churches at eskuwelahan ang "nondiscrimination" at ang Universal Declaration of Human Rights. Hindi ganun ka-lakas ang batas para papanagutin ang mga taong nagdidiscriminate sa kanyang kapwa.
Para kay Arem: you are accountable for your actions kaya huwag mong takasan ang iyong offense.
descrimination
naalala ko dito yung kapitbahay naming single mother at may anak na nag-aaral sa private school na pinapatakbo ng mga madre. grabe ang dinadanas na descrimination nung bata kasi nga sabi daw ng mga madre hindi sya pwedeng mangumunyon kasi hindi daw kasal ang mga magulang nya.
naging tampulan ng tsismis at usapan sa buong school ang kalagayan ng bata. ipinatawag ang mommy nito at humantong sa expulsion kasi nga yung bata hindi na normal ang galaw sa school sa dami ng matang nakatuon sa kanya na mapanghusga. ikinatwiran na lang ng madre na hindi daw magandang tingnan ang "broken family" sa school nila kaya kung maaari daw ay ilipat na ng school ang bata. mga madre yan ha.
paano kaya kung ang mommy nung bata ay nabuntis kasi na-rape sya? ibig sabihin pala nun wala siyang puwang (ang bata) na mag-aral sa isang katolikong paaralan at wala siyang karapatan sa matinong(?) edukasyon?
maganda ang post mong ito Dennis. salamat dito.
reply
kahit ako laking catholic school, aware ako sa tolerance. bakit kailangang parusahan ang bata sa kasalanan ng magulang? nakakarelate ako sa batang iyan in a sense na, dahil sa aking paniniwalang spiritual at pulitikal at paggigiit ng hustisya ng kapwa tao, ay binabansagan ako ng kung anu-anong degrading na term.
kung ang madreng ito ay may yellow fever din e mahiya naman siya kina cory at ninoy sa kanyang pagmamaltrato sa bata
salamat din po sa komento :)
Kapag hindi pa lusbusang
Kapag hindi pa lusbusang wasak ang cognitive ng isang tao batay sa kanyang priori at posteriori ay hindi niya mauunawaan ang multi-dimensional ng realidad.
No'ng High School ako, ako ay agnostic, ngunit dahil sa kaklase ko na ngayon ay matalik ko ng kaibigan ay nakonbinse ako na manalig sa lumikha. May pagbabagong naganap naman sa aking pagkatao na ikinatuwa ng magulang ko. Subalit, ang nakakalungkot, yung mga taong may pananampalataya ay iba ang pagtingin sa mundo.
Para bang sila lang ang matino at malinis na nilalang, at kapag hindi ka kaanib ng kanilang pananampalataya ay marumi ka. "Do not be equally yoke with the unbeliever," ito yung kanilang pinanghahawakan.
Kung susuriin mo naman yung paraan ng pag-iisip nila, sila itong may pinakamakikitid na pang-unawa at pananampalataya, ang mahalaga para sa kanila ay maramdaman nilang ligtas sila kahit na makasakit sila ng damdamin ng iba.
Kung sino pa nga yung nagsasabing malapit siya kay Lord ay para sa akin ay mga walang kuwentang nilalang. Yung dating eskwelahan na IS na aking pinagtratrabahuhan ay sandamakmak ang kanilang prinsipyo at paniniwala.
Kailangan ipakita mo na kawangis ka ng Diyos. Ang putik ang babaho ng bibig ng mga opisyal dun na nagpupumilit na maging santo at santa. Tsimis sa kaliwa, tsismis sa kanan at kahit 'yong pinakasulok-sulukan ay pinag-uusapan.
anuman ang ating paniniwala
anuman ang ating paniniwala o di paniniwala sa relihiyon, na napalitan at narebisa habang tayo'y nadadagdagan ng edad, o di kaya'y habang tayo'y nakakasagap ng mas tamang aralin habang umuusad ang panahon, ang bottomline ay pinaiiral natin ang nondiscrimination at tolerance. Ang kawalan o kakulangan nito ang nagtulak kay Arem para gawin ang ginawa nya.
Salamat sa paglahok sa talakayang ito.
nakipagkuwentuhan ako
nakipagkuwentuhan ako sa isang pinoy na nagt-trabaho sa isang music store dito sa san francisco, tapos tinanong niya ako kung saan ako nagsisimba. sabi ko hindi ako nagsisimba. sinabihan niya ako ng bastos. sino kaya sa amin ang bastos?
hindi ako atheist pero wala na akong religion dahil tinalikuran ko na. ang religion kasi kadalasan kinakahon ang pag-iisip ng mga tao kaya feeling nila sila lang ang tama at ang maliligtas.
http://katya14.multiply.com/journal
hindi porke hindi nagsisimba
hindi porke hindi nagsisimba eh bastos na. alam ba nya ang ibig sabihin ng salitang "bastos"?
kung minsan yung pagtawag sa kapwa ng isang misused word ay discriminatory na
ako tinawag na rin nang kung anu-ano para lang yurakan ang pagkatao ko, di nila alam, may parusang naghihintay sa kanila
salamat anakngfaraon sa iyong feedback
ilang beses na kong
ilang beses na kong nalalapitan ng mga nag-aaya sa mga bible reading. kaya raw nagyuyosi at umiinom at nagdadrugs at nagsesex ang mga tao ay dahil hindi pa nila narerealize ang totoong pagmamahal ng Diyos. nasubukan ko na rin minsan malapitan ng isang lupon ng koreana, nag-aaya na sumali ako sa Church of God. ayos diba
Christine, its up to you to
Christine, its up to you to believe them. as for me, i will listen if i have time, lalo kung libre't walang sinisingil na pera ang sharing nila.
may nakilala akong mga preachers mula sa iba't ibang sects. pero nung ako na ang maglelecture sa kanila, eh panay ang pag-interrupt nila sa sinasabi ko na para bang ayaw makinig. These people ask me to spend time to listen to them but when its my turn to speak, they would shut their ears.
So unfair ang mga taong ganito...
sarcastic ako sa sinabi kong
sarcastic ako sa sinabi kong 'ayos diba'
sinabi ko nung time na yun na andun lang ako para mag-observe at makinig, pero mas interesado silang sabihin na mali ako at dapat akong magpa-baptize uli.
May tinatawag na....
May tinatawag na respeto sa paniniwala ng isang tao. Kung ang pinipilit mo ang isang paniniwalang taliwas sa paniniwala ng ibang tao hindi ito pagrespeto kundi pagtuligsa.
Ang pag-iwas sa isang bagay na alam mong mauuwi lang sa matagal na pagtatalo at hndi pagkakaunawan ay tanda ng respeto. Maiging pag-usapan ang pagkakasundo hindi ang pagdidiin kung sino ang tama at sino ang mali.
Ang interfaith dialogue ay hindi pagpupulong kung sino ang may tamang katuruan o paniniwala kundi paghanap ng mga bagay na ipagkakasundo ng lahat.
Ang pagtatama sa inaakala mong mali ay makukuha sa paglalatag ng matibay na paliwanag at iwanan ito sa kanya para pag-isipan, hindi ito makukuha sa pagpipilit at pasisiksik sa mga bagay na ikaw lang ang nakakaalam.
Ang acts of religious discrimination and intolerance ay ang diskriminasyon dahil sa kanyang relihiyon, ang halimbawa nito ay ang pagtataguri sa ating mga kapatid na muslim na mga terorista at bayolente. Ito ay malinaw na diskriminasyon. At hindi ito nararapat! Kung sakaling inawasan ka ng kaibigan mo dahil sa salungat mong paniniwala itoy personal nyang desisyon, kaya wala na tayong magagawa dun.
Nakakalungkot lang na maraming ipokritong tao na ginagamit sanggalang ang relihiyon. Subalit kung ating iisipin hindi ang relihiyon ang problema kundi ang mismong taong ito. Wag nating pulaan ang relihiyon kundi ang mga taong gumagawa ng kaipokrituhan.
Iyon lamang po, salamat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
nakakalungkot nga na may mga
nakakalungkot nga na may mga taong nagre-reach out sa kanyang kapwa para basahan ng bibliya, ipag-pray over, kaibiganin, at kapag nabigong i-convert para umanib sa church nila, eh tatalikuran na ang kapwa at sasabihing "ayaw na kitang maging friend".
For people like Arem, please learn the lessons of religious tolerance and nondiscrimination. Maaaring magkasundo ang iba't ibang grupo kung bibigyan natin ng pagkakataon.
nakaalungkot isipin....
ipagpaumanhin ninyo ang minsang kawalang respeto ng ibang tao, pero kailangan din nating tanggapin na hindi lahat ng tao ay bukas ang isip para sa isang pagbabago, marami kasing dahilan. minsan dahil ayaw na nilang talikuran ang mga bagay na ine-enjoy nila, minsan naman ayaw nila ng may restrictions, gusto nila malaya nilang nagagawa ang lahat ng bagay, ng walang sumisita o pumupuna, minsan naman gusto lang nilang maging malaya...malaya sa lahat ng bagay. ako adventist, pero inaamin ko kahit sa loob ng bahay sambahan namin may mga ahas din, at masakit mang isipin pero yun ang katotohanan.
minsan tuloy gusto kong magrebolusyon kapag nakakasumpong ako ng mga taong na-didiskrimina ng dahil sa kung ano paniniwala nila, dahil minsan n rin akong nakaranas ng ganyan, sa pagpasok ng araw ng sabado, hanggang sa dumating sa puntong pamiliin nila ako, ang SABBATH o ang GRADES ko. ibabagsak daw ako, pero sa awa naman ng Diyos, sa loob ng ilang taon eto ako, propesyunal n rin. lahat naman nakakaranas ng ganyan. minsan din akong naging biktima na halos ikasira p ng kinabukasan ko...alam ko may mga tao din sa aming nambibiktima. ang relihiyon naman ay daan lamang tungo sa ikakauunlad ng espiritwal mong pamumuhay, di ibig sabihin ng may relihiyon, ligtas na, dahil kahit anong relihiyon mo kung wala kang matibay na pananampalataya wala ding silbi yon.
huwag kayong mag-alala, di ako nangdidiskrima ng iba. :D :D
"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto
di na bago sa akin ang mga
di na bago sa akin ang mga taong sarado ang isip sa pagbabago...mga reaksyunaryo ika nga
well, kahit saan naman may ahas, di na rin bago yun.
nakakasimpatya ako sa iyo sa ginawang pagdiskriminate sa iyo, ako din ay nakaranas nyan noong bata ako. may mga taong nangungutya sa akin dahil may pag-iisip akong naiiba sa kanila, o may nakikita akong di nila nakikita.
lahat ng relihiyong may mabubuting layunin at hindi labag sa batas ang gawain ay okay sa akin, pero dapat sana alisin natin sa ating kukote ang pag-iisip na "ang church/relihiyon ko ang pinakamagaling sa lahat"
ika nga ni Joey Ayala, ang katotohanan ay may dalawang mukha, ang tama sa iyo'y mali sa tingin ng iba
salamat sa response mo...:)
wala yun...
walang anuman...lahat naman ata halos nakakaranas ng ganyan, ang kaya tayong mas may wasto , malawak at bukas na isipan ang nagsasakripisyong umunawa sa mga taong katulad nila...GODBLESS!
"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto
Hindi porke kaanib ang isang
Hindi porke kaanib ang isang tao sa isang partikular na simbahan o grupo eh maliligtas na siya. Ang tao ay maliligtas base sa kanyang ginawa o di ginawa sa kanyang kapwa, irregardless of what group or church he/she is in. At magtatanong ang Diyos: Arem, gaano mo minahal ang iyong kapwa?
pasintabi lang po...
napadaan lang para makisalo sa inyong diskusyon. napansin ko halos lahat ng nag comment ay may experience tungkol sa sinasabi nyong discrimination. kahit nung ako ay college, kung san mas naging "malpit ako sa Diyos", naransan ko at napansin ang kaibahan ng mga paniniwala, halimbawa sa Katoliko at sa Born Again. pero sa ngayon sinasarili ko ang mga katanungan ko sa relihiyon. Kasi kapag nagtanong ako, ang isasagot ng tao ay base sa kanyang sariling paniniwala, at hindi mo malalaman kung iyon ay mula sa Diyos o mula sa sariling pag iisip. I totally agree na may mga taong maka relihiyon daw pero di marunong makipag kapwa tao. Pero please don't generalize (katulad ng ginagawa ng marmi) na lahat ng church people ay mga ipokrito. depende po yan sa grupong kinaaniban mo. I believe that religion is not a ticket to heaven, kundi yung personal na relasyon mo sa Diyos. (pasintabi sa mga atheists dito). Yung faith po ng isang tao ang nagsisilbing hangin ng isang tao sa panahong binabagyo siya ng problema. At yung mga kapananampalataya niya (di lahat) ang nagsisilbing suporta at instrumento ng Diyos para siya manatiling matatag. Yun po ang essence ng pagpapalagong espiritwal. As I've said, wala yan sa relihiyon, nasa personal na relasyon mo yan sa Diyos.
You cannot expect church people to tolerate people na gumagawa ng mali. Halimbawa na lang ay yung abortion, or drugs, or immorality. What is the essence of their religion kung di nila kaya manindigan? pero ang mali lang sa iba, nagiging judgemental na sila na akala mo malilinis. Pero kung makakakilala kayo ng mga tao na although hindi perfect pero may guts na sabihan kayo na mali yan kung talaga naman mali (but in a very motherly way), won't you thank them?
Napansin ko lang kasi na sa sobrang pag eexercise ng freedom ng tao, nawawala na yung kaayusan. Freedom na ren bang matatawag kung makarining tayo ng mga batang nag mumura, makakita ng mga nasisirang pamilya dahil sa mga kumakabit, o mga manunulat na basta iexpress lang ang ideas and emotions pero hindi mganda ang choice of words? We must know that freedom entails responsibily as well. And though I am not advocating any religion here, ang masasabi ko lang po ay kung wala ren naman ang mga turo ng iba't ibang relihiyon (e.g. love others like urself, chooce ur words carefully, etc.) I bet and I am really sure na mawawala na sa alignment ang mundo. Kaya po let us not criticize all the church people here, pero tanungin din natin ang ating mga sarili about the essence of humanity. Sino po ba mas tolerable? Mga church people na nangdidiscriminate ng ibang tao or mga taong ineexercise ang freedom nila pero walang pakialam sa epekto nun sa ibang tao? Hindi po ba't pareho lang? So in the end, only we know if what we have done in a day is worthy and makes us fulfilled as a human. Salamat po.
ang manunulat at imoralidad
o mga manunulat na basta iexpress lang ang ideas and emotions pero hindi mganda ang choice of words? We must know that freedom entails responsibily as well.
gusto ko lang mag comment dun sa binanggit mo tungkol sa mga manunulat na gumagamit ng mga "words na di maganda" ano ba ang depinisyon mo ng di magandang words? yung mga may mura at sexual connotations gaya ng puke, kantot, titi etc.? gusto ko lang malaman mo na ang mga manunulat ay hindi pareho ng obligasyon sa obligasyon ng mga religious entity.
kung paanong iba ang gawain ng pulis sa gawain ng isang teacher, magkaiba ng obligasyon ng manunulat at pari. hindi moralidad ang binabantayan ng mga manunulat sila ay tinatawag na "gatekeeper" ng isang lipunan. sabi ko nga matapos magunaw ang mundo at may mga aliens na lumapag dito sa wasak na earth--para malaman nila ang nakaraang sibilisasyon dito ang una nilang pupuntahan at babasahin ay ang mga gawa ng manunulat at hindi ang record ng simbahan o pamahalaan.
ang mga manunulat kasi ang nagsasaboses at naglalahad ng TUNAY na pangyayari sa isang lipunan PANGIT man ito o MAGANDA. bastos man ito o banal, maitim man ito o maputi, maliit man ito o malaki. sang-ayaon ka man o hindi. ang katangiang ito ng pagsusulat ng isang manunulat kung isasaksak mo sa isang moralidad na pamantayan at hahanguin mo sa konteksto ng di makatotohanang pagpapahayag hindi pagsusulat na matatawag yun--malamang magiging papuri na lamang iyon pabor sa isang sektor o sa gobyerno.
di ko alam kung naiintindihan mo ang mga pinagsasabi ko, pero hangga't ang paligid natin ay nag-uumapaw sa imoralidad, pang-aapi, karahasan at pagka gupiling ng mga taong nasa kapangyarihan sa kayamanan at pagka gahaman----ang mga manunulat ay magsusulat at magsusulat ng mga bagay na mababaho at marurumi bilang repleksyon ng TUNAY na kalagayan ng ating panahon.
huwag nyo pong asahan na ang mga manunulat at gumawa ng mga akdang sintamis ng asukal na ginagawa sa victorias samantalang ang mga sakada ng Negros na siyang gumagawa ng asukal ay inaapi at minamasaker sa kanilang pag aasam ng karampatang bahagi ng yaman.
Magmumura at mambabastos palagi ang mga akda ng mga manunulat na kagaya ko hangga't may kaapihan sa lipunan at hindi ko ito sinadya para magkalat ng imoralidad. ginagawa ko ito para ipakita ang tunay na mukha ng lipunan na hindi ginagawa ng mga taong-simbahan.
hello
magpapatotoo po ako, brothers and sisters...
dati akong active na miyembro at youth ministry leader sa Church of Christ, isang grupo ng evangelical Christians na kilala sa hindi paggamit ng mga musical instruments habang nagpi-praise and worship.
oh, hindi niyo kinaya no? totoo talaga yun.
kaso lang isang beses noong nagkaroon kami ng youth camp, hindi nagustuhan ng isang grupo ng mga elders yung interpretation ko sa isang activity dahil masyado raw itong liberal. magmula noon ay pinagbawalan na akong makibahagi sa anumang activity bilang leader. pinagbawalan din akong humawak ng mikropono hangga't nasa simbahan.
ang karanasang iyon ay nagpatatak sa akin na may mga tao ngang masyadong nalalasing sa relihiyon. ang religion kasi ay isang social phenomenon, hindi siya spiritual gaya ng faith.
dahil social ang religion, dala niya rin ang mga sakit ng isang society, gaya ng conformity at ostracism. may iba pang naniniwala na hangga't hindi ka kasapi ng isang relihiyon ay hindi maliligtas ang kaluluwa nila.
ngayon agnostic na ako. hindi dahil hindi ako naniniwala sa diyos o sa equivalent niya/nila/nito kundi dahil naniniwala ako na ang faith ay isang napaka-personal na karanasan na dapat madiskubre at mabigyan kahulugan on your own.
wag kang pipikit...
...
...
tagal ko na talagang di nagagawi dito. di ko pa nababasa ng buo yung teksto ng talakayan, kaya di na muna ako makakasagot.
kung may pagkakataon kayo ay pakidaanan ang link sa baba... pandagdag kamulatan ba.
http://www.filipinowriter.com/ang-homosexual-sa-lipunang-magara-cool-at-...
pero sa ngayon: matagal na akong walang kinakapaloobang relihiyon.
pero ako ay masaya, kuntento sa buhay, di nang-aapi, di nagsasamantala at di nanglalamang ng kapwa.
sa tingin ko : Di kailangan magkaroon ng relihiyon para maging tao.
---hehehe.
pasensiya na...may sinabi din pala ako.
sabi nga ng isang brother:
sabi nga ng isang brother: hindi ang relihiyon ang magliligtas sa tao. kapag namatay ang tao, hindi naman tatanungin ng Diyos kung anong church o grupo ang kinaaaniban mo. tatanungin ng Diyos kung ano ang ginawa mo at di mo ginawa sa iyong kapwa tao.
anyway, basahin nyo sana ang article na to:
http://www.cibac.org/content/view/501/46/
http://positivenewsmedia.net/am2/publish/Main_News_1/House_approves_anti...
wala akong update kung nasaang level na ang panukalang batas, pero kung sakaling maipasa ito, magiging criminal offense na ang religious discrimination at kung mapapatunayan ang kaso ay posibleng makulong ang mga kagaya ni Arem.
gusto kong sabihin na: totoong nangyari ang kasong inilahad ko sa aking artikulo.
Updates:
There's someone na nakabasa ng article/post na to at galit na nagsend ng messages sa akin tru online na nag-aakusang "slander" daw ang sinulat ko. Nagpakahinahon muna ako at di sya pinatulan. Chinek ko kanina ang definition: ang slander ay oral or spoken. Bigla akong natawa, kasi ngayon pa lang, talo na sya.
Naisip ko, slander ba ang magsulat ng tungkol sa religious discrimination? Religious discrimination and intolerance is a legitimate issue of public concern and social relevance, at ang essay/artikulo kong iyon ay paglalahad ng tunay na karanasan sa buhay ng isang journalist/media practitioner na gaya ko. Hindi iyon gawa-gawa at hindi rin guni-guni.
Hindi ko in-identify si Arem dahil ang focus ng essay/artikulo ay yung mismong insidente o nangyaring kaso ng religious discrimination and intolerance at hindi ang kanyang character. Kaya I sincerely appreciate na lahat ng nagpost ng comments ay tumutok dun sa topic or issue.
Obviously, hindi lang nawalan ng tolerance ang someone na ito na galit na galit sa akin, kundi pati respect for other's beliefs and opinions. Di alam ng someone na ito na aktibo na ako sa pagtataguyod ng press freedom at free expression nung time na sanggol pa lang sya at di pa marunong magsalita.
Let us all uphold free expression of artists, and press freedom of journalists!
Luca, whatever you want to
Luca, whatever you want to believe, may religion man o wala, ang mas importante sa buhay ay yung character, ika nga e good manners and right conduct. after all, sa langit di naman itatanong ng Diyos kung anong kinaaaniban naten, kundi kung ano ang ginawa naten sa kapwa nung tayo'y nabubuhay pa.
salamat sa iyong komento :) pasensya na at ngayon lang ito napost
Kung religious
Kung religious discrimination lamang ang pag-uusapan, mas matindi ang mga sinapit ko...pero heto pa rin, mas nagiging matatag...
May kanya-kanya nga tayong paniniwala pero hindi ko kayang sabihing lahat ng iyon ay tama. May sarili rin akong paniniwala at iginagalang ko ang paniniwala ng iba. Pero tinitiyak kong kailangan ng isang tao ang relihiyon...
Ui, Dennis taga-FW ka din pala. Dati nakita ko profile mo sa isang site kaso di naman kita mai-message. Hahaha. Nakita din kita sa Book Fair last September 19, 2009 sa SMX, sayang kung alam ko lang na taga-FW ka din eh di sana kasama ka nung EB. Hindi kita nabati, nilampasan ka lang namin ng kasama ko kasi hindi ko sure kung ikaw yun, though alam kong sumusulat ka. February pa kasi nung huli kitang nakita. Nahiya rin kasi ako mapahiya. Anyway, sana naaalala mo pa ako. - Cristina
*******
Mimosa pudica, sensitibong nilalang, Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.











Likas na siguro ang fear ng
Likas na siguro ang fear ng tao sa mga bagay na hindi niya maintindihan at maipaliwanag...At ganun din ang pagiging hindi kumportable sa ibang kultura o ibang mga paniniwala na nakakasalimuha nya sa mundo. Madami pa kasing sarado ang isip at hindi pa kayang kumawala sa grand narratives at meta narratives na kumukulong sa kanya.
Dagdag pa dito ang mystification, stereotypes at kung anu-ano pa.
At higit sa lahat ang paniniwala na ang kinabibilangan niyang kultura, sekta ng relihiyon o political party ang pinaka-angkop at tama.
Minsan tama sa Yoda, fear leads to anger, anger leads to hate and hate is the path of the darkside (parang ganun)
Ang lungkot isipin, lalo na't diverse ang mundong ginagalawan ng tao....
Maging ako, na isang atheist, pro-gay/pro woman at ang pulitikal side ko ay nakaharap pa-kaliwa, nakakaranas din ng discrimination (madalas).
Minsan, maging ako ay nagkakaron din ng pagkakamaling ganito kung saan nakakalimutan ko ang pagiging bukas at nagkakaron din ako ng prejudice sa ilang mga kristiyano (pero as a means of self defense lang),ibang subculture at etc. at pinag-aaralan ko ng mabuti ngayon ang tolerance at pag accept sa equality etc. etc.
Ignorance ang unang dapat mabuwag...
Salamat sa pagpost nito Dennis, at salamat din ng marami sa pagsuporta nyo (Arrest at KM64) sa Bookay.
Nice meeting you too.