Kasuklam suklam nga bang maging single ngayong araw ng mga puso?
Isang malaking Kalokohan yang Valentine na yan!
Kaya nauso yang Valentine na yan ay dahil sa ......komersyalismo. Maliwanag na para kumita lang ng pera.
Isang malaking kalokohan na kung kelan lang Valentine eh saka atat na atat magdadate, padalhan ng bulaklak, at kung ano ano pang mga bagay na alam nating pinagkakakitaan lang tayo.
Hindi ako galit sa pag-ibig dahil mayroon akong GF sa ngayon, at pareho kaming nababawan sa mga taong tila nagkukumahog tuwing Valentines Day.
Maraming araw para ipakita mo na mahal mo ang isang tao, at hindi lang Valentines na kung saan mahal ang mga rosas, puno ang booking sa mga restaurant.
Lalo yung ideya na malapit na ang Valentines at kailangan ng magkarelasyon! Isang malaking KALOKOHAN! Ano yan damit na kailangan nasa MODA ka? Ano yan pauso na kailangn makiuso ka? Ang pag-ibig ay hindi MODA o trend na kailangan mong makiuso.
Sa mga taong INLOVE sa pakiramdam ng pagiging INLOVE, iwas iwasan na ang panonood ng Romantic Movie , cinematic lang yan at inuuto lang kayo nyan. Sa mga masyadong naiinlove sa Lovesong, masyado lang nitong pinapasidhi ang IDOLATRY sa isang tao, at sa mga nagbabasa ng Romantic Novel, masyado ka lang kinikilig sa mga iniimadyin mo!
Kung highschool ka, okay lang na kiligin ka pa sa ganito at makisabay sa Valentines day, pero kung ikaw ay matanda na (o pinagkatandaan) siguro alam mo na hindi sa "KILIG" binabase ang pag-ibig
Salamat Sinta
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
To answer your subject line...
Para sa'kin hindi kasuklam suklam ang maging Single tuwing Valentines.
Sa tingin ko rin masyado kasing na su-super-impose ang Norm na dapat pag sapit ng Valentines Day ay may kadate, jowa, ka jerjer whatsoever ka...Ang hindi maganda kasi sa ganitong norm ay nagiging pressure sa isang tao na kelangan may ka date or ka relasyon ka pag sapit ng "Araw ng mga puso" which I think is wrong. Dahil hindi dapat pinupwersa ang isang tao na pumasok sa isang bagay na hindi naman nya talaga gusto kasi hindi rin ito mag work out in the end.
Maganda rin naman na may naka laan na araw para i celebrate ang araw ng pag ibig pero hindi dapat ikahon ng isang tao ang depinasyon nito sa napaka babaw na meaning na aayon sa contexto ng nakasanayan na ng majority mula pa noong naibento ang valentine's day. Tama ka hindi necessary na pagibig sa mag kasintahan ang commemoration na ito, pwede naman family, friends etc.
Naniniwala din ako na kapag inlove ka maraming ways para mag reflect ito sa isang taong "Inlove", kasi nga feeling sya. Madalas ay lumalabas ito sa form ng Art like pag susulat ng Romantic Novel, Pag gawa ng movie, at pag gawa ng kanta in the form of music. At ang mga bagay na ito ay nagiging means para maka relate ang isang "inlove" rin sa mensahe ng Art na iyon.
Kapag inlove ka talaga namang kikiligin ka, kasi kung hindi ka kinikilig baka sa Mars ka galing. At kung kinikilig ka walang masama dito hindi ka pwedeng ikahon sa refection ng pagibig through kilig dahil shadow nga ng pagibig ang kilig gaya ng sabi ko kanina.
Dapat lang maging cautious tayo dahil may thin line ang true love at infatuation pero this is not for us to tell dahil yung taong nakaka dama mismo ang makaka determine nito. We can't tell what they should or shouldn't feel in the first place.
Masarap sa brain cells ang entry mo na ito...Nagising ang utak ko at na challenge ng mag isip ng konti kahit wala namang maisip.
Happy Valentine's day sa lahat!
"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"
kilig
Kapag inlove ka talaga namang kikiligin ka, kasi kung hindi ka kinikilig baka sa Mars ka galing. At kung kinikilig ka walang masama dito hindi ka pwedeng ikahon sa refection ng pagibig through kilig dahil shadow nga ng pagibig ang kilig gaya ng sabi ko kanina.
curious lang ako Jepips, kasi hindi pa talaga ako nakakaranas kiligin e maliban sa kung pagkatapos kong jumingle. kinikilig ba talaga ang mga lalaki? nainlove na ako syempre, mula pa nung tin-edyer ako nakaranas na ako magka crush, ka-relasyon etc. etc. pero hindi ko matandaang kinilig ako kapag nakikita ko ang crush o love ko.
umabot na ako sa edad ko ngayon pero di ko matandaang kinilig ako maliban lang kung jingle na jingle na ako tapos nailabas ko hehe...ako lang ba ang ganito?
Kuya baka galing tayong Mars!heheh Joke lang!
Ang kilig ay Sudden Unexplainable Happiness!Ganun! Kalimitan kasi mga babae lang ang kinikilig kasi sila din yung medyo emotional. Ang kilig kasi eh is more on sa "feelling lang ng pagiging inlove".
Kaya sabi ko na nga ba, magkaplaneta tayo kuya! Hahhaha! ALIEN!!
Ingat
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Hahahah!
Kamusta na si Jonsmur, akala ko ba babalik na yun sa Manila?Nasa Basilan pa rin ba sya (basilan ba??).
Oo naman hindi ka ba nasisiyahan na parang may gumuguhit sa iyong puson after mong umihi! Hindi maipaliwanag na kasiyahan parang sa ano! pangkatapos mong mang-ano! basta yung ano!hahaha
Ingat kuya! Di pa naman tayo abnoy! Mukha lang!
Ingat
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
nasa bulacan na daw si
nasa bulacan na daw si Jondsmur, nanghahala...este nanghahanap pala ng trabaho hehe...
minsan nga titingnan ko mga katabi kong lalaki sa public CR sisilipin ko kung kinikilig din sila kapag umiihi, curious lang baga...
meron pa pala kinikilig din ako kapag kumakain ng kamias.
Hala nasa Bulacan pala si Jons
san ba talaga nagsusuot si Jons? Sa manila maraming trabaho, sa bulacan wala gaano.
Tungkol naman sa pagtingin mo sa mga CR, ingat ka lang kuya, baka bigla ka na lang suntukin dahil akala nila sinisilipan mo sila!hahahha
At regarding kamias, nangangasim kalang kuya,Ganito pag nakikita mo ba si Madam Auring nasisiyahan ka?Di ba may asim lang sya? So hindi mo pwedeng ipareho ang pangangasim sa kilig, not unless kung kinikilig ka kay Madam Auring!hahahha!
ingat
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Kilig et al...
Kuya Rom Uhmmm tinatamad akong mag explain aahahaha... Baka nga ako ang taga Mars kasi Kinikilig din ako pero hindi yung katulad ng diskription mo pag huling patak ng ihi ahaha or pag kumain ng kamias. 'Yung sakin eh, 'yung tipong natutulala ka ng naka smile or instantaneously for sometime mawawala ka sa sarili mo dahil na iisip mo sya tapos mapapasmile ka. Yan yung kilig na tinutukoy ko hindi yung giggles ng mga malalading shits like in the movie. Pero baka nga dahil sadyang kinalakihan ko ang pagiging emosyonal at sampu nang aking mga katropa ay ganito rin sila, well baka kame nga ang taga Mars. Kaya binabawi ko na ang sinabi ko sa unang kumento ko. Ang mga katulad nyo ang Normal ako ang taga Milkway. Ako ang mahirap. Ako ang dukha. 'YUn lang naman.
God Blezz!
"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"
Simula sa sandamakmak na
Simula sa sandamakmak na romantic movies (na halos cliché ang story plots) na ipinapalabas sa sinehan ngayon hanggang sa nagkalat na hugis puso sa kung saan-saang parte ng malls, ayan, masyado na yatang na-sentionalized ang Valentines Day eh. Haha.
I agree.
Totoo nga na ang Valentines Day ay hindi lang para sa mga magjowa. At totoong walang dahilan para malungkot ang walang jowa dahil walang ka-date. At para sa akin, hindi kailangan ng jowa para mag-celebrate ng Vday. Palagi akong single pag V-day at palaging nanay ko ang ka-date ko nun. Masaya pa nga yun e dahil bonding moments. :)
At isa pa, Bday ng pamangkin ko sa Vday. Kaya wala na akong chenelyn sa lovers' lane pag Vday. Pwera na lang kapag nakakakita ako ng mga chever na hindi makapagbayad ng kwarto o magtago man lang para hindi ipakita sa madla ang masyadong intimate moments nila. Katulad nung nakaraang taon na Vday at nagsisimba kami sa Antipolo! Napakaraming magjowa ang HINDI NAMAN TALAGA NAGSISIMBA pero nasa gilid ng simbahan.
Sya nga pala, pwede ko bang malaman kung C ay initial niya o tawagan ninyo? Wala lang. May naalala lang kasi ako.
At oo nga pala, galit ka pa ba sakin?
http://forcedengineer.wordpress.com
o ayan, nabuhay na naman ako
haha... pag talagang maganda ang usapan, napipilitan akong mabuhay kahit nagtatago ako nitong nakaraang mga araw...
eto ang hirit ko diyan. I've been living in this planet for 23 years and never in my entire history as human being na nagdate ako o nagcelebrate talaga ng valentines. so what's new? parang birthday ko lang iyan, walang special feeling. kasi di rin ako nagsecelebrate ng birthday ko
nung college ako, OIC ako ng school fair. sa dami ng gawain, hindi ko na namalayan ung araw na iyan. at nung makatapos ako, may pasok ako sa work kapag valentines day... kaya wala lang din iyan..
pero in fairness, masarap lumabas ng bahay kapag araw na iyan at pagtripan ang mga power trip ng mga magkaka-date. hahaha..
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
yes father!!
amen k jan..magpapari k cguro o magmamadre..pro cool k lng pho..yan ang patok n usapin ngayon ng mga bagetsz
@ Kuya Rom & Spike
Noong isang araw tinanong ko yung katrabaho ko...bakit hindi ka pa nag-aasawa?
Sagot niya: Bakit??? Kukuha lang ako ng papakainin eh hindi ko naman ka-ano-ano?
Parang joke lang ano?! ngunit ngayon pinag-iisipan ko kung bakit nga ba nag-aasawa ang bawat tao, tulad ng pag-iisip ko kung bakit ako kumuha ng pinapakain? (shhhh... sekreto nating tatlo--masmalaki ang sahod niya sa akin kaya parang ako ang pinapakain niya.)
Bakit nakaddress sa akin
Ang tanong dyan ano ba ang tingin mo sa asawa. Kung tingin mo ay isa lang syang responsibildad, eh talagang ganyan ang magiging sagot mo. Kung tingin mo ay para may katuwang sa buhay at magkaroon ng anak iba rin ang magiging sagot mo.
Isa pa naging palamunin naman din tayo (ng magulang natin dati), bakit ngayong ikaw na ang may kakayahang magpalamon saka tayo aayaw!hehhe
Pare active ka na ah
Ingat
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
spike and dyepp
hehe dyep, may sikreto ka ha...
sabihin na nating senior ako sa inyo at obvious naman e. sa pag aasawa at pakikipagrelasyon napaka idealistic pa ninyo lalo na si spike. napaka ideal ng mga pananaw ninyo sa buhay pero once na mag settle ang kapeng barako sa ibaba ng kaldero tsaka nyo lang talagang malalasahan ang tunay na pait ng kape.
oks lang na may mga tinatanaw kayong ideals, kumbaga prinsipyo ito at pamantayan sa pamumuhay---importante ito sa buhay. pero pakatandaan lang ang mundo at paligid ay nagbabago constantly at darating ang araw na ang pamantayan ninyo ay kailangan at dapat ikompromiso.
kagaya ko, siyempre alam nyo naman ang naging buhay ko. gusto ko ng buong pamilya, lahat gagawin ko para sa pamilyang masaya at magkakasama. e kinakailangang makipag hiwalay at kinakailangang gawin na agad. isang desisyong napakahirap at napakasakit pero kailangang gawin.
ito ang sinasabi kong ikompromiso ang prinsipyo, halimbawa lamang ito iba-iba kasi ang kompromiso natin sa buhay. wag lang kayong magsasara ng pamantayan/prinsipyo/idealismo sa buhay. nababago ito gaya ng moral ng tao nababago depende sa pamantayan niya at sa pangangailangan niya.
sana lang wag kayong dumating sa sangandaan ng buhay...
alam mo
kaya ko gusto magsulat tungkol sa mga lablab
at kilig moments
at mga chismis na love is pain
mag-iihian tayo sa mukha... chern chern...
kasi love is unresolved.
laging may conflict.
and conflict drives change.
it provides motion for life (pwede forward, backward, sideward, in, out, repeat to fade)
kaya kahit resolved ko na yang mga love issues ko, hindi naman ibig sabihin nun na dapat ko na siyang i-give up.
masaya kaya.
saka parang kawawa yung mga taong hindi kinikilig in life.
kasi feeling ko, mga duwag sila.
kasi hindi nila kayang aminin na may isang pakiramdam na nakakapa-vulnerable sa kanila.
chismis lang.
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
wahahahahahahahahaha. isang
wahahahahahahahahaha.
isang malaking check and no further explanations. haha












politically correct
maganda at politically correct ang punto mo. mga bagay na madalas kinakalimutan at di nakikita dahil sa tipikal na nakagawian ng mundo natin. nakakasawa na rin minsan makarinig ng mga mababaw na lamentations sa mundong ito na punong-puno ng problema. dapat sana mas makabuluhan pa ang inaatupag ng mga tao.
hindi naman sa dapat isaisantabi ang feelings pero wag naman sanang palobohin at i-exagerrate lalo lang nagiging self-centered ang mga tao sa usaping valentines e.
kaya sa mga in love dyan eto ang videong alay ko: