Katahimikan

d-younker's picture
Kagandahang inukit ng isang magaling na iskultor.

Nakatayo sa isang madilim na mundo.

Pumipintig ang buhay sa sinapupunan.

Takot ang bumabalot sa dibdib.

Walang lakas.

Tigmak sa luha.

Sa gitna ng dilim, kikislap ang patalim.

Isang guhit ng balaraw sa pulso.

Isang aksyon na kikitil sa dalawang kaluluwa.

Isang katahimikan.


jonsdmur's picture

salamat sa pagbahagi

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

maikli pero buo ang pagkakalahad.... mahusay!

keep on writing!

jonsdmur

d-younker's picture

muli, salamat

salamat.

salamat.

yan lang ang tanging naiisip ko sa ngayon.

hehe.

Similar entries