KATHANG ISIP O PANAGINIP?
Tanong ko...paano ba pumunta ng Puerto Galera? Madali lang, sagot ng kaibigan kong si Bernie habang nagba-bounce bounce ang kanyang ulo sa kung anong ewan na tumutugtog sa kanyang iPod. Sumakay ka ng bus sa Buendia b'yaheng Batangas pier. Bumili ka ng ticket sa ferry papuntang White Beach, gano'n lang.
Sige, punta tayo bukas, teka lang magpapaalam ako sa jowa ko kung papayagan n'ya ako, sabad naman ni Chini, ang babaeng bakla sa tropa.
Pagkatapos naming uminom sa bahay ng kaibigan kong si Chini kagabi, tulad ng dati, nagkayayaan kaming tapusin ang gabi o umpisahan ang madaling araw, sa pinakamalapit na branch ng Starbucks. Sa Banawe.
Alin ang mas masarap? Beer at yosi o kape at yosi?
Mas masarap 'atang matulog, ang sagot kong naghihikab sabay yayang umuwi.
Chini: Tara, hatid na natin si Bernie.
Bernie: (habang nasa loob na kami ng kotse ni Chini) Sa dati, EDSA Balintawak, doon sa may Total Gaz.
Bye Bernie, ingatz!
Blag!!!
Chini: Jo, suot ka seatbelt.
Jo: 'Wag na, madaling araw na, wala ng pulis na huhuli.
Chini: 'Di naman 'yon eh, it's your safety. Baka may mangyari sa 'yo na ako ang kasama mo.
Jo: Don't worry, pagsasabihan ko ang buena familia ko na 'wag kang sisi-sisihin pag namatay ako na ikaw ang kasama ko.
Chini: Psycho ka. Masasabi mo pa ba 'yan sa family mo pag nasa impyerno ka na?
Jo: Dadalawin ko sila para sabihin na 'wag ka nilang sisihin ta's dalawin kita para paalam sa 'yo na napagsabihan ko na sila. What do u think?
Chini: That's fucking scary, 'wag na. Turo mo na lang sa 'kin daan papunta sa inyo. Alam mo na, you can't trust a drunk lady driver.
Jo: Madali lang, countdown mo lang from 10th ave. hanggang 7th ave, ta's liko sa kanan. 10th...9th...8th...7th, kanan. O, dito na lang ako.
Bye, Chini, ingatz!
Blag!!!
1,2,3,4,5,6,7... 101,102,103...putang ina, stress na ang mga sheep katatalon hindi pa rin ako makatulog. Masama 'ata epekto sa 'kin ng mamahaling kape. Coffe Jelly ng Starbucks, sago-gulaman sa kanto, kap'raso lang naman pinag-iba ng lasa. 1001,1002,1003...
EDSA, Balintawak: Bye Chini, ingatz!
Bernie: Putang ina Jo, si Chini hinahabol ng mga parak!
Jo: Fuck, oo nga, bakit?!
Bernie: Minura n'ya ata eh.
Jo: Lagot, pa'no na, anong gagawin natin?!
Humarurot ang sasakyan ni Chini na may tatak MUV- Mystery Utility Vehicle sagot nya ng minsan kong pinansin ang kanyang plaka. Gumewang-gewang sa pag-iwas sa ibang mga sasakyan ang kanyang kotse. Lumiko pagdating sa Monumento circle patungong Rizal avenue.
KADILIMAN...
Akala nila mahuhuli nila ako, ako pa! -boses ni Chini?
Oo nga eh, natakot ako sa 'yo. -si Bernie?
Nasa isang madilim na kwarto kaming tatlo at naririnig ko silang nag-uusap. Unti-unting nagkakaliwanag, galing sa mga ilaw ng poste sa labas.
"Mas maganda, mas masaya pag may liwanag ang buhay" repeat 5x 'til fading- jingle ng Meralco.
Maya-maya pa, tumayo kaming tatlo at sabay-sabay na humitit-bumuga ng sigarilyo. Marlboro -yong pula. Kahit green talaga ang yosi ko.
LIWANAG...
"Ang sama naman ng panaginip ko. Ayoko ng pumunta ng Puerto Galera".
Tok, tok, tok...
Bumaba si Chini upang silipin at buksan ang kumakatok sa pintuan. Iniisip kong baka natunton sya ng mga pulis na humahabol sa kanya ng biglang bumulaga ang mga limang kabataang kapitbahay ni Chini o kapitbahay ko.. habang iniisip ko kung kaninong bahay nga ba kami naroroon.
Maiingay sila. Magugulo, Makukulit. Bagay na hindi namin nagustuhan lalo na si Chini na nanlilisik ang mga matang tinititigan ang mga lasing na bisita. Agad silang kumaripas ng takbo pababa ng hagdan ng makita nilang may matulis na hawak si Chini- isang nanlilimahid na barbeque stick. Sumunod ako sa mga nagsipagtakbuhan upang maisara ang pinto pagkalabas nila. Sa may baytang ng hagdan, napansin ko ang isang patalim. Naipinid ko na ang pintuan ng lumingon ako. Nakita kong may isang lalaking naiwan at pinulot ang patalim na aking nadaanan kanina pababa. Bago pa man n'ya ako sinugod, dali-dali kong binuksan ang pinto at tumakbong patakas. Hanggang sa nagpang-abot kami sa isang makitid na eskinita. Buong lakas kong pilit inagaw ang patalim hanggang sa patilapon n'ya itong nabitawan, bumangga sa pader at muli n'yang nasalo. Muli kaming nagpangbuno, tumilapon paitaas, dumapo sa mababang bubong, dumulas pababa at muli n'yang nasalo. Muli kaming nag agawan. At sa kanyang pagpupumiglas, malakas n'yang naihagis ang patalim patungo sa isang direksyong may tatamaan.
Tsuk!!!
Dumilat ako, matalim ang liwanag na sumilaw sa akin. "Putang-ina, may araw na 'di pa rin ako nakakatulog. Ayaw ko nang pumunta ng Puerto Galera".
"Think of Aaliyah, laugh dont cry I know she want it that way, hey, hey, yeh..." napapitlag pa ako sa lakas ng ringtone ko. Agad kong dinampot ang telepono at pinindot para matahimik na sa kakakanta ang Boyz2men ng kantang alay nila sa namatay na singer na si Aaliyah.
1 message recieved.
Chini: Gud am, Jo. Jst checkng u out. I hd a bad drim kc about us. Hop ur ok. 'Wg na tau 2muloy sa Puerto Galera.
hala :)
kaw talaga, pinagtyagaan mo pa pati old post ko.
salamat na rin.
bahagian mo rin kami ng kwento mo.
kuya!!!
kaya nga po ako naglalagi dito sa site para magbasa ng mga kwento ei nakita ko po ito binasa ko... natapos kong basahin kaya nagcomment ako...
kaya nio nga po ipinost dito para ipabasa sa iba.....db???
inuulit ko po mahilig lang talaga akong magbasa kapag alang ginagawa.... wala po talaga akong katalent talent sa pagsusulat....
ngat....




other wow....
galing naman....
mukhang mag eenjoy talaga ako dito sa FW.... daming mga kwento
ngat.....