kay haba ng gabi...

dyeppri's picture

                                    naglakbay na ang diwa

                 binalikan ko na ang muling pagkabata

       naglalaro ang  bawat tagubilin ni ama

ibat-ibang mukha ang naipi-pinta...

                     dumagundong ang tunog ng kampana

             walang tigil ang musika sa may bintana

    ang liwanag ay gumagapang sa dilim

nanalangin na lamang ng taimtim...

                                 sandata ko lamang ay ang tinta

                     unti-unting nagagapi ang kalabang droga

         wala man akong kakampi sa ngayon

mga angel lang sa langit ang sumasang-ayon...

                                 pumikit na ang aking mga mata

                     saglit lamang naman ang pamamahinga

         kay hirap man ng aking kalagayan

Siya pa rin naman ang aking sandigan...

                     Salita pa rin  niya ang paniniwalaan...

            Sa dulo’y may pangakong kaligayahan.


hello kuya dyeppri. one query.

are you talking about overcoming drug addiction through surrendering yourself to God? 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

dyeppri's picture

hindi eh...

hindi siya literal na droga (dahil 'di ko pa nasubukan ang drugs...gusto ko nga e-try minsan pero 'di ko kaya at baka hindi ko na mabitawan eh)at hindi din si God dahil naka-caps lock ako kapag gumamit ng panghalip Niya. Hindi ko na rin masyado matandaan talulot kung saan ko na hugot ito, tagal na eh... kung bibigyan ko ng kahulugan sa ngayon ay parang iba sa sinabi ko noon.Hayaan mo at aalalahanin ko ulit kapag may time ako.Wala ako sa kundisyon ngayo dahi 2 nights ako naka duty.pagodFrown at bangenge pa ako.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

dyeppri's picture

binasa ko ulit...

parang ganito ata yun eh...Ginawa ko ito noong may insomia pa ako sa dami ng problema---umaga na kung dalawin ako ng antok. Kaya sa title ay "kay haba ng gabi" at nabalikan ko na sa alaala ang lahat ng nakaraan sa pagkabata ko at hindi pa rin makatulog. Ayaw ko na ng sleeping pills kaya pampaantok ko ay ang pagsusulat ng samot-sari--- Yung bilin ni Ama (na sa pakiwari mo si God) na dapat magsipag ako at may masarap akong maihain sa hapag kainan.Yun ata yun.Yan nga siguro (baka kasi yan ang napipicture ko ngayon sa tula ko eh.) salamat po!Cool (---sabi ng ibang mga manunula na kakilala o ay bawal na bawal  daw eexplain ang sariling tula.Lagot ako! Patawad po...ahihihi)

--talulot: kanya-kanya naman iyan ng pagbasa kaya maaaring tama ka din.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Kung mahaba ang gabi... kay

Kung mahaba ang gabi... kay sarap nga balikan ang mga nakaraan.... o. kailan ang uwi? sana magpakita ka sa amin ihihhihihi pasalubong ha.....

Ingats... dumaan lang me....

jons 

daan lang ulit.. at nitong huli ang haba ng aking mga gabi

hello kuya dyeppri,

 

sabagay ako rin ayaw kong i-explain ang gawa ko... sa unang pagbasa ko kasi parang ganun ang tinutungo... nweis, gaya ng sabi mo maganda ang tula kung maraming pakuhulugan.....

 

sige, break ko lang... sunod ulit ko na lang papaliwanag kung bakit ganun ang tingin ko hehehe

 

pahinga ka muna from work kuya... ingat see you next week dito sa site.. 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Galing!

http://manlalakbay88.blogspot.com

Ang ganda! Basta ako makikibasa lang ng gawa ng iba para matuto. ^_^

dyeppri's picture

salamat dayo...

Ako din naman ay nakikibasa lamang dati (hanggang ngayon nakikibasa pa rin ako sa lab, masyado kasing magagaling sila duon) pero ngayon ay nagtra-try na ding tumula kapag may pinaghuhugutan ako. Try mo din dahil hindi ka matututo kung 'di ka susubok at sa pagkomento ay natututo ka rin. TnxCool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."