Kay Hirap Magsulat ng Nobela
`Sus kayhirap
magsulat ng nobela
Ang prosa ma'y simple
at masarap man magbuo
ng mga pangungusap
at talata...
Ga-raming mga transisyon
ang iintindihin.
Lagyan ng personalidad
ang bawat tauhan.
Baguhin ang pangalan
ng mga higante
nang huwag malitis...
Tuluyan na lang baguhin
ang ayos ng mga haligi
ng kasaysayan
(Para hindi basta hiram).
Sapat ba ang iyong alam?
Ano pa'ng hindi nasabi?
Sayang.
Paano'ng nagkandakilala
sina ganito't ganito?
Paano maiwawakas
ang bawat kabanata?
Paano gawing buombilog
ang mga sinulid
ng salaysay?
Kung ikaw ay may panahon,
pagsusulat ay obligasyon
nguni't ang kathambuhay
ay `di kasindali ng liham.
Saludo sa lahat ng mga magsu-submit sa BlogYourNovelMonth itong Oktubre Uno. Ako, hindi ko pa kayang sumali... pinaghihirapan ko pang ayusin ang nobela ko sa http://www.geocities.com/rraagas/likha/SummerBirth.doc

