Kay Sarap Magmahal, Kay Hirap Masaktan
tama ka doon
siguro nga lagi magkasama iyong dalawa, ang saya at lungkot, sarap at pait..
hindi siguro natin mapipigilan ang puso magmahal dahil kusa na itong tumitibok, ang masakit lang kapag mali iyong tao na gusto nating mahalin..
tulad na nangyari sa akin, kaya nasaktan na naman ako.
ang pagibig talaga sobrang hiwaga, nakakabaliw..
Bakit ka naman nasaktan..
Bakit ka naman nasaktan.. noong pumunta ako sa Lipa.. balita ko may ka date ka... siya ba ang dahilan ng iyong kabiguan?
Huwag kang mag alala marami pang darating na mag mamahal sayo ng tapat....
Sayang di kita nakita kasi may date ka.... sana nakilala din kita...
jonsdmur
okiy...
" kaya bago tayo umibig kilalanin muna nating mabuti para hind tayo masaktan.." sabi mo (setty).
--->hindi ako sang ayon dito. Dahil ang tao ay mahirap mo lubusang makilala dahil paiba-iba siya, pabago-bago. Habang nagsasama kayong dalawa ay patuloy pa rin kayong magkikilanlan. Sabi nga noon ng Lola ko hindi ko pa rin masyadong kilala ang Lolo mo ngunit tinatanggap ko siya kahit ano pa man siya, maganda ngang kinikilala ko parin siya sapagkat iyon ang rekado upang hindi maging kabagot-bagot ang aming pagsasama.
Love is not Blind, Lot is NOT all that matter bagkus isa lamang itong sankap sa pagsasama. Nauubos din iyan ngunit maaari ding gumawa ng paraan upang ibalik ito. Sabi nga ng asawa ko HINI kita mahal kapag ang baho-baho mo (dalawang araw kasi akong hindi naligo kasi may fever ako.hehe).
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
elow po
opo, sinabi ko po iyon, na mabuti kilalanin muna natin ang isang tao at tanggapin ang kanyang ugali bago natin mahalin at pahalagahan ang isat'isa..
dapat talaga tanggapin ang ugali ng taong dapat natin mahalin. kaya siguro madami nasasaktan kasi hindi pa nila masyado kilala ang isang tao, malaman na lang natin ang ugali ng iba kapag matagal na magkasama..
sige po, salamat po sa pagbasa. ito po iyong unang ko blog. sana basahin ninyo din iyong iba ko sinulat., malapit na po iyon. salamat po ulit..
GOD BLESS!!!! i
hay sis... tarang mag-senti
Pasensiya ka na sis, at nung mga moment na nabigo ka sa chuva mong hindi ko na naman nakilala man lang, eh wala ako sa eksena... alam mo naman na abala din ako sa sarili kong problema... ano bang buhay itech! parang nung isang araw lang, masaya nating pinagkukwentuhan sila ah (iyong siya mo at siya ko.) Well, ang masasabi ko lang sis... sana this time natuto ka na... ilang beses ko na inuuntog sa ulo mo na wag ka basta-basta sumusugod sa giyera. pero dahil tao ka rin lang na may emosyon, di mo pa rin napigilan sa sarili mo... tama si kuya dyep... sangkap lang love... mas importante ay iyong tunay na pagkakakilanlan mo sa tao... at hindi iyon nakukuha sa isang iglap... dumadaan iyon sa process... kaya setty sa susunod, sundin mo na sana ang mga naging payo ko sa iyo noon...
PS... ngayong ako ay windang din, baka gusto mo ring iuntog ang ulo ko... ayos lang sa akin... that's what best friends are for...
Ingatski,
melay
korekness!!!
matigas lang talaga ulo ko, siguro naghahanap lang ako ng pagmamahal sa ibang tao. kaya hindi ko kayo sinusunod.. ngayon naman natatakot na ako magmahal kasi nasaktan na naman ako. gusto ko ng magseryoso, ngayon na namang seryoso ko, wala naman dumadating.. saka tingin ko din daming dahilan kung bakit hindi pa dumadating si florenz ko..nakakasawa at nakakapagod ang magmahal..
ang sa'yo naman sundin mo lang, kasi kutob ko pareho kayo.
sige salamat sa pagbasa ng una ko blog..
ingatski.. GOD BLESS....
I don't know exactly what to
I don't know exactly what to say kasi first of all, hindi ko pa nararanasan masaktan ng dahil diyan. Siguro hindi mo nga mapipigilan yung tao kung mahal na mahal niya yun.
Sabagay, minsan hindi ka rin makakapili kung sino ang mamahalin mo (walanjo, ako ba 'to?). Minsan, kahit alam mong mali, ginagawa mo pa rin kasi nga mahal mo yung tao eh.
Pero ang sakin lang, dapat pa rin pairalin ang utak. Ang nangyayari kasi minsan, nagpapasakop ang iba sa nararamdaman kaya hindi na masyadong makapag-isip at nauuwi sa pagkakamali.
Enjoy nga siguro ang magmahal. Nakakatuwa, masarap mangarap (ayon sa mga nababasa kong pocket books). Pero ang lahat ng iyon, may kaakibat na sakit (or struggles). You have to be strong para lagpasan yon, kasi lahat ng taong nagmamahal dumadaan sa ganyan.
Siguro nga hindi kayo para sa isa't-isa. may mas deserving.
Think positive Setty.
walanjo nga!
walanjo nga! ikaw ba 'yan eloi!!! ahihihi ....
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
kaw ba to..
eloi, kaw ba to.. ito ba ang nakukuha mo sa pagbabasa ng stallion boys. hehehe..
siguro nga hindi kami para sa isat' isa, pero sa totoo lang, natatakot na ako magmahal ulit. ayaw ko na talagang masaktan. this tym kasi seryoso na ko. alam mo ba na iyong guy, ay pinakilala ko sa parents ko, tapos ganito lang ang mangyayari.. kilala ninyo na naman ninyo si setty, siguro hindi pa talaga dumadating si florenz ko, hehehe.. matigas lang ulo ko, siguro kelangan na talaga butasin, walang effect iyong ginawa sa akin ni melay.. hindi umobra iyong paguntog sa ulo ko at pagsabunot.. hehehe..
okie, dito na lang, salamat sa pagbasa.
God bless!! ingatski...






Sadyang mahiwaga ang
Sadyang mahiwaga ang pag-ibig. Nakakabaliw ang mga eksena na inaabangan. Dahil sa pag-ibig ang tao ay nagiging masaya, nagiging makulay ang buhay. At dahil din sa pag-ibig may puso ring nasasaktan.
Hindi masama ang umiibig. Hindi masama ang humanga at gawing inpirasyon ang taong iniibig. Tama ka, bago tuluyang umibig kilalanin muna ang bawat isa para hindi masaktan.
Sadyang ganyan talaga ang pag-ibig....