Kidlat
KIDLAT
Mundo 'y dumagundong sa taglay na lakas
Kumpas mula sa langit hatid ay unos
Tulad ng isang kabute na minsan lang tumubo
Ngunit hatid ay ligaya sa tao na may pagnanasa dito.
Himig ng sanlibutan tila ay hindi madinig
Mga puso na nais sumigaw at humiyaw ay napipi sa tuwing
Tinig mo ang maglalayag sa bawat pandinig
Parang isang musika na sa bawat titik ay aabangan ang pagtatapos .
Habang naglalakbay kalakip ng awit dala naman ay panganib
Sa mundo kasama ng mga tao na tila naghihintay sa hahantugan
Sadyang buhay ay mapaglaro minsan dahil kung kailan payapa
Ay darating naman ang isang kidlat na mag iiwan ng tatak.
Oh! Pag Ibig tulad ka ng Kidlat na diglaang dumating
Na nagpagising sa aking kamalayan at kamunduhan
Hatid mo ay pambihirang pagkain na minsan lang matitikman
Ngunit sa aking buhay ay katulad ka pala ng isang kidlat.
Author:
First time ko po gumawa ng tula dito kaya pasensiya kung ito
man ay hindi perpekto.Salamat!


