Kilala mo ba si Bob Ong?

Kinse's picture
|

Hindi ko sya kilala ng personal..
pero una kong narinig yung pangalan nya dun sa isa naming kasama sa retreat(Vocation retreat) somewhre in Marikina year 2007
pinabasa ko kasi sa kanya yung ..
ewan ko kung ano bang tawag dun
kwento ata.. oo kwento nga..
na parang nobela hehe
sabi nya kasi para daw akong si Bob Ong magsulat(OMG di nga?!haha)
kasi halu-halo daw..
kung baga hindi umiikot sa isang topic lang..
kung san san nakakarating (malikot talaga isip ko)
kaso that time hindi ko pa kilala si Bob Ong..
si Bo Sanchez lang kilala ko..
yung nasa kerygma..
kala ko sya na yun...
tapos nakalimutan ko na yun (yung Bob Ong topic)

2008
may nakita akong green na book na pinagpapasa pasahan sa QC Office namin..
at nakisingit naman ako at naki "Ako din Pahiram!"
at nung nasa kamay ko na nga..
ABNKKBSNPLako!? kwentong chalk ni Bob Ong
aba teka...
ayun dun na nag umpisa lahat..
Una kong nabasa yung ABNKKBSNPLako..!!
hiniram ko lang dun sa katrabaho ko para gawing pampalipas oras sa byahe namin mula Batangas hanggang Subic (during our company outing last May 2008)
Natapos ko sya nung pabalik na kami (the same day)
Laughtrip nga.. 
Tulad ng sinasabi ng iba para rin akong naglakbay mula sa pagkabata ko..
Pero alam ko namang mga batang nag-aral sa pampublikong mababang paaralan ang mga makaka-relate dun.. 
Tulad ko na sa ganun din nag-aral..
Tapos sunod ko ng nabasa yung
BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO, 
PABORITONG LIBRO NI HUDAS, 
STAINLESS LONGGANISA, 
at ALAMAT NG GUBAT (Feb 2009)
oo tama,binili ko yun lahat sabay sabay,!

(sabi nga sakin ng Boyfriend ko,para naman daw akong mauubusan ng libro, )

kasi nga halos pakyawin ko na 
badtrip nga lang kasi sold out na ung ABNKKBSNPLako.! 
Balak ko kasi bumili ng sarili kong kopya kasi nga hiniram ko lang yung book nabasa ko dun sa byahe naming dun sa dati kong katrabaho..
Naiinis ako kung bakit nung taong 2000-2001-2002 eh hindi ko man lang nabalitaan na me Bobongpinoy na website (kung sabagay nasa grade school pa ako nung 2000-2001 at unang salta pa lang sa High School nung 2001-2002 panahon yun ni Erap di ba?)
Naisip ko nga, siguro kung napa-aga lang sana akong ipinanganak..

(mga panahon yun ni Marcos)

Eh di sana isa ako sa mga regular visitor nung site nay un at malamang
Isa rin sana akong Martial Law Baby (kaso nga hindi..)
tapos nabasa ko yung MAC ARTHUR (Aug 2009 courtesy nung friend ng boyfriend ko )
Kasi alam nya kung gaano ako kabaliw sa mga libro ni Bob Ong. (marinig ko lang yung pangalan na Bob Ong, nagkaka spark mga mata ko,ewan ko kung bakit..)
Sunod na yung KAPITAN SINO,
Na halos maglupagi na ako sa kakaiyak 
Para sabihin sa lahat na yun na lang iregalo sakin sa kris kringle naming
kaso bag yung binigay sakin..(ok lang ..)
tapos nagpabili ako sa friends ko sa SM LUCENA nung book na yon 
kaso SOLD OUT na daw,!!
At sinuyod ko rin ang SM LIPA, at ROBINSONS (basta lahat ng malapit na National Bookstores sa amin)
kaso SOLD OUT ulet..!!
kaya sinadya ko pa sa SM STA. ROSA 
kasabay ng pagbili ko ng ABNKKBSNPLako,at MC ARTHUR 
tandang tanda ko pa yun. 
3 yung libro na yun..
hawak hawak ko sila nakalagay pa sa plastic ng NATIONAL BOOKSTORE 
(kasi dun ko nga binili..)
hawak hawak ko lang talaga 
kasama yung iba pang paper bags..
ewan ko kung ba't di ko naisipang ilagay sa bag ko..
sobrang na-excite lang ata ako (na di naman halata na kating kati na kamay ko na buklatin yung ibro kahit naglalakad)
kasi finally may sarili na kong kopya nung 2ng book na hiniram ko lang
at sa wakas may KAPITAN SINO na ako..
kaso nung kakain na kami sa MANG INASAL... **!chiingg!** 
di ko na alam kung nasan na yung mga aklat ko. 
sinuyod ko pa talaga yung mga nilakaran ko (lahat ng nilakaran ko)
mukha nga kong sira kasi para kong nagpa-flash back na ewan sa gitna ng mga dumadaan daan na tao eh..
kaso ayon..
di ko nakita.. 
KAYA NAIINIS AKO PAG NAALALA KO YUN!..
anyway..
dahil sa awa sakin ng boyfriend ko, (awa ata or napilitan na sya kasi di talaga ako natatahimik sa kakabanggit nung Kapitan Sino na yun)
kaya niregaluhan nya ko nung KAPITAN SINO.(Dec 2009..nung monthsary namin hehe)
haaaaayy!
ansaya saya saya saya ko talaga!
hahaha pero sana..
kung sino man nakapulot nung mga libro ko 
ingatan nya na lang..huhu..
anyway, 
gusto ko lang sabihin sa lahat na ganun ako ka adik sa libro ni Bob Ong!...
avid fan,
yeah ako nga yun! 
wheew! 
At ayun..
sa araw araw na buhay ko eh di mawala yung mga quotable quotes nya..
Ang pinagtataka ko lang kung san nanggaling ang mga naglipanang mga quotes na nagkiclaim na ke Bob Ong galing yun
eh binasa ko na at nabasa ko na ulet lahat ng aklat nya (pwera syempre yung ika walo na ilalabas pa lang at unknown pa kung kelan) 
eh wala naman akong natatandaang me ganun nga syang sinabi..

 

ikaw? 

Kilala mo ba si Bob Ong?


scherle's picture

yap,kilala ko siya.. avid

yap,kilala ko siya.. avid fan di ako ni Bob Ong eh..nakakainis nga lang.wala akong copy ng Kapitan sino..huhu

yung mga quotes? hmm, yung iba nasa book talaga.  Sabi naman ng friend ko galing daw sa website ata. I'll ask her agian.ehe 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

Kinse's picture

onga po.. galing lang sa web

onga po.. galing lang sa web yung iba.. galing sa kung saang saang site... nakailang ulit ko na binasa yung 7 book nya di ko makita dun yung iba nyang qoute kunyare ay yung saying na...

wag maghintay ng lalandi sayo..dapat lumandi ka rin...

saka yung....

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

 

yung mga yun di ko makita marami pa yun di ko na lang maalala yung iba hehhehe 

scherle's picture

ako man ilang beses ko ng

ako man ilang beses ko ng binasa mga libro, pero sadyanng di ko makita yung iba.. 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

Kinse's picture

onga po ate.. naalala ko

onga po ate.. naalala ko yung isang page sa facebook.. may mga book teaser dun si Bob Ong tapos may mga nakalagay din na mga quotes-quotes-tan... galing kay Bub Ong, Gul Ong atibp. di daw natutuwa si Bob Ong sa mga ganung qoutes na nagki-claim na galing sa kanya..

jode_abbot_1988's picture

^^v

nabasa ko na po halos ang kanyang gawa. Tama po kayo yung ibang quotes niya eh makikita sa web niya at yung iba naman sa kanyang libro pero ang tanong ng karamihan eh ano po ang itsura ni bob ong^^v

Kinse's picture

yun din tanong ko eh.

yun din tanong ko eh. actually kasali ako sa isang yahoo group Bibong Pinoy.. mula sa site ng visprint umaasa kasi ako na isa dun si BO hehe, kung lalantad sya sa tao at magpapa autograph malamang ako yung unang unang nakapila dun. kaso di sya ganun eh, badtrip nga. sumasakit na ulo ko kakaisisp kong sino sya, taga san sya, at kung ano ba talaga ang lasa ng toning water... :)

scherle's picture

kung hindi ako nagkakamali,

kung hindi ako nagkakamali, nabanggit niya sa isa sa mga libro niya na hindi siya nagbibigay ng autograph.. ano nga naman ang gagawin ng mga tao sa pirma ng isang sikat na writer o artista? ehe.. no offense 

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

Kinse's picture

wala.. didisplay ko lang...

wala.. didisplay ko lang... hehe oo nga eh, kaya nga nagustuhan ko sya, kasi hindi sya after sa fame, ang sa kanya mabasa yung mga gawa nya at makatulong sa mga foundations na sinusuportahan nya.. ayus nga eh..

scherle's picture

correct.. and he supports

correct.. and he supports Gawad kalinga. Mabasa lang mga gawa niya ayus na sa kanya.. 

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

Nearyou's picture

Ahm

Stainless Longganisa po.. binabasa ko un.. kktpos ko lng dun sa Line na inde sya nag papa autograph.. astig tlga.. 

d-younker's picture

i also love to collect his

i also love to collect his books.

i already have it all and still waiting for his new crafts.:)

scherle's picture

pano mo nalamang naiinis

pano mo nalamang hindi siya natutuwa sa mga yun?

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

Kinse's picture

nabasa ko po sya sa page na

nabasa ko po sya sa page na to ate..

facebook.com/bobongpinoy

try mo po sya ibrowse.. i dont know if sa kanya talaga yun pero i believe na sa  kanya nga yun.. hehe may mga book teaser din dun.. andun na rin yung book teaser ng "ika-walo"

heres the complete qoutes posted by him on that page.. (video po yun regarding BO qoutes)

Ang buhay ay isang sugal,kailangan handa kang mawalan kung gusto mong magkaroon... - Mahj Ong

Matuto kang maghirap at magtrabaho,

hindi lahat ng oras nasa taas ka..- Gul Ong

Ang Lahat ay may katapusan, hindi maibabalik ng luha mo ang dati ng nawala... - Kaba ong

Kaya mo mang protektahan ang mahalaga sayo, sino naman ang poprotekta sayo? .... - Bub Ong

Ewan ko sa inyo... - Bob Ong 

P.S.

Ang magpasa ng maling text may tae sa pwet..

 

yan po yung nilalaman nung video hehehe...

 

scherle's picture

Ang galing.. kelan kaya

Ang galing.. kelan kaya lalabas yun?sabihan mo ako ha..thanks 

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

Kinse's picture

opo..sabihan ko kaya agad..

opo..sabihan ko kayo agad.. hehe thanks sa kumento...

sino si bob ong?

research ko nga sino siya.

Kinse's picture

isa syang Filipino author.

isa syang Filipino author. Try mo po syang i-research..

Bob Ong The Best!!!

 Naalala ko 2nd year college ako ng una akong nakakita ng libro ni Bob Ong.

-(Unang pagtatagpo )Nasa bank ako nun (at inip na inip na),kita ko nagbabasa yung lalaki sa harapan ko,enjoy na enjoy siya sa binabasa nya.Tinandaan ko yung title (Ang paboritong libro ni hudas)

 -(Pangalawang pagtatagpo) Date ng friend ko saka nung nanliligaw sa kanya sa canteen ng school namin dala ng kumag yung book na green (ABNKKBSNPLKo!)pinahiram niya sakin para hindi ko sila istorbuhin.Right there and then na inlove ako kay Bob! 

-(Mga sumunod pang pagkakataon) Simula ng mabasa ko ng gawa ni Bob Ong inidolo ko na talaga siya.Wala akong gustong regalo kundi libro ni Bob.hahaha Actually lahat ng Bob Ong books ko regalo sa kin.Hahaha!

-Astig talaga siya,simple yung style nya pero astig talaga ang dating my impact kumbaga.

-Ngayon nag aantay ako kung kelan ilalabas yung bago niya.(sana malapit na!)