komento po para sa ika-uunlad ng aking pagsusulat
Hindi ito ang unang pagkakataon na gagawa ako ng pagsusulat marahil siguro nagtataka ang mga nakakakilala sa akin.
Bakit ako magsusulat? hindi ko alam sabihin na lang natin na gusto kong subukan maging manunulat (pero sa totoo lang eh pilit na pilit). Wala namang masama hindi ba? bakit hindi, katulad din ito ng pananaw kung bakit ako nag-friendster, teka bakit nga ba ako nag friendster? Simple lang hindi para, magkaroon ng maraming kaibigan online kundi mag praktis ng skill sa programming, pilit kong pinapaganda ang aking profile ngunit hanggang ngayon di pa rin ako nagtatagumpay. (dahil tamad ako) dahil sa pagnakaharap ako sa PC eh marami akong nakahiligang gawin isa na dito ang games si Elisha at c Kirsten na pawang mga blonde.
Kung ako ang tatanungin kung anung topic hindi ko pa alam. Pero sabi ng mga manunulat sa isang forum na aking kinabibilangan eh magsulat ka dahil simple meron kang kakayahang magsulat. at dapat daw eh mahilig kang magbasa. Sa ngayon magsusulat ako dahil gusto kung mabasa ng iba ang aking mga saloobin at pananaw. maipahayag sa pamamagitan ng ballpen at papel ang mga kaisipang idinidikta ng aking sira ulong utak. (huwaw ang lalim nun ah..).
Kaya sa mga critics na pupuna (ehem sana meron nga..) di ko hinihingi na ako ay paniwalaan kung meron man mga reaksiyon malugod ko po na tinatanggap ang inyong mga sasabihin ng buong kabababaan (asa kayo) 
Pa comment na rin
Kung hihingi ka ng komento tungkol sa kagustuhan mong magsulat. Ito ang masasabi ko. Ang pagsusulat ay hindi isang hobby o pampalipas oras lang para may magawa ka. Ito ay malayang pagpapahayag ng iyong mga saloobin, hinanakit, kasiyahan o kalungkutan ng buhay. Ang pagsusulat ay hindi para maraming humangang tao sa iyo, kundi ito ay para maka-inspire ng ibang tao, o makaaliw sa mambabasa o kaya upang maibahagi ang iyong sarili sa kanila. Kung gusto mong kumita kaya ka magsusulat, eh medyo matagal na proseso yan, isaisip na itoy bonus lang ng yong kagustuhan sa pagsusulat. Kung gusto mo ng magsulat magsimula ka sa sarili mong karanasan, at gamitin ang malawak na imahinasyon at ikwento ito sa iba.
Ako hindi ako mahilig magbasa, kahit isang aklat wala pa akong natapos pero mahilig akong manood ng T.V . Pero malaki ang maitutulong sa iyo ang pagbabasa, kaya patuloy na magsaliksik at mag-aral.
Kung tatanungin mo ako kung bakit ako nagsusulat, sasabihin ko sa iyo na sa pamamagitan nito naipapahayag ko ng buo ang sarili ko. Masya na ako na may bumabasa nito, at least sa pamamagitan nito ay malaman nila na nageexist ako sa mundong ito. Wala pa man akong napapatunayan sa pagsusulat pero masaya ako kasi natuto akong ibahagi ang sarili ko sa ibang tao.
Yun lang!!!
Good luck,
SpIkE
Nabasa ko ang iyong komento
Nabasa ko ang iyong komento at ito ay aking nagustuhan. Lahat ng mga nasabi mo ay pawang katotohanan. Hilig ko na ang pagsusulat noon paman. Nagsimula ang hilig ko sa mga nobela noong nasa high school pa lamang ako dahilan sa nagsimula akong magbasa ng mga filipino novel tulad ng pocketbook. hanggang ang pagbabasa ay nauwi sa pagsusulat. Hindi pa uso ang computer noon at dahilan sa hindi ako marunong gumamit ng typewriter noon sa papel ako nagsusulat. Kahit ilang pahina ng papel ang nagagamit ko ay hindi ako napapagod kahit pa ilang beses kong ulit ulitin ang mga maling pahina.
Nagsusulat ako para mailabas ko ang saloobin ko at para sa akin dito ko nailalabas ang lahat ng saloobin ko. Tulad mo masaya ako kapag pinapabasa ko ito sa lahat ng mga kaibigan ko.
Noong nasa college na ako hindi pa rin nawala sa akin ang hilig ko sa pagsusulat. Kahit sa papel ko lang ito isinusulat masaya na ako at di ako nakakaramdam ng pagod kahit ilang beses ko pa ulitin para maitama ang mga maling salita. Masarap sa pakiramdam kapag nagandahan ang mga kaibigan ko sa mga naisulat. Ang totoo nagsusulat ako para din sa kanila para makapagbigay ako ng kasiyahan sa kanila. Unang una mga pangalan ng mga kaibigan ko ang ginagamit ko bilang mga tauhan sa kwento. Sa mga naisulat ko noon talagang masaya ako habang binabasa nila kasi kahit na sa papel lang nakasulat binabasa nila. Sinabi ko sa aking sarili na sana dumating ang araw na hindi na sa papel nakasulat ang kwentong gagawin ko.
Inaamin ko pinangarap kong maging isang writer ng isang pocketbook noon pero hindi ko nagawa at nawalan na rin ako ng pag asa noon. Naiisip ko kasing mahihirapan akong magsulat sa typewriter.
Dahil na rin sa naging abala ako sa pagaaral ko napatigil ako sa pagsusulat ko. Hanggang sa nakatapos ako ng kurso ko, Computer Course at ngayon ay nagtratrabaho ako bilang isang Computer Assistant sa isang Internet Shop. Nahiligan ko ang pag lalay-out at naiisip ko masarap siguro magsulat ng isang nobela lalo pa kung ikaw mismo ang gagawa ng cover nito.
Sa ngayon bumalik ang hilig ko sa pagsusulat kaya habang libre ang oras ko isang nobela ang ginawa ko. Ngayon hindi na sulat kamay ang nobelang isusulat ko at lubos ang kaligayahan ko ng maiprint ko ito sa papel. Tulad ng dati ginawa ko iyon para sa aking mga kaibigan. Masaya ako kasi natuwa sila sa regalo ko. Pina book bind ko kasi para maging maganda lao pa kung ako mismo gumawa ng cover nito.
Sa pagsusulat nalaman ko na hindi lahat ng nagbabasa ay magugustuhan ang isinusulat mo. Sa una medyo sumama ang loob ko pero naiintindihan ko. Ako din mismo ang nagtatanong sa kanila kung ano ang hindi nila nagustuhan. Tinatanggap ko din ang mga komento ng mga kaibigan ko lalo na ang mga kamalian ko sa pagsusulat.
Sabi nila bakit hindi ako humanap ng isang publisher? Sa ngayon naisip ko mahirap yata. Tulad ng sinabi mo matagal kung talagang gusto mong kumita. Naiisip ko nagsusulat talaga ako hindi para kumita talaga kundi para mailabas lahat ng emosyon ko at makapagbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan ko. Naisip ko din na sana may makabasa din sa mga taong hindi ko pa nakikilala.
Ang totoo hindi ko naman masasabi na magaling talaga ako. Isa akong baguhan at wala ding napapatunayan. Masaya na ako kapag nagugustuhan ng mga nagbabasa at inaayos ko ang mga maling nakita nila. Nakaktulong kasi kapag may nagkokomento kahit pa ito ay negatibo makakatulong kasi ito para malaman ko kung ano ang pagkakamali sa naisulat ko.
Nagreply ako sa komento mo kasi nagustuhan ko ang lahat ng nasabi mo. Maraming salamat...jonsdmur
comment?
ano nga ba ang trabaho ng manunulat?
sabi sa nabasa ko, ang trabaho ng isang manunulat ay ipakita ang mga bagay na nakikita nya at hindi nakikita ng ibang tao.
nagsusulat ang isang tao dahil ito ang gusto nyang gawin, passion baga, kahit na walang nagbabasa ng sinulat mo. ngunit kalaunan ipapabasa't ipapabasa mo din ang sinusulat mo dahil ito lang ang way para mag-improve ka dahil kahit kelan ay hindi uunlad ang isang tao kung sa isang perspektibo lang ang pinagbabasehan nya.
+ink_yhubos+
dahil gusto mong maging manunulat
Ahm, hindi ko alam kung nasa posisyon po ako para mag-komento dito. Oo, madalas kong sabihin na isa akong "writer" kapag may mga friends akong nagtatanong kung anong trabaho ko. pero hindi ibig sabihin no'n ay inihahanay ko na ang sarili ko sa mga manunulat. Hindi pa rin...kahit na magkakaroon na kami ng pinsan ko ng published book next year. Kasi naniniwala akong kulang pa rin ang nalalaman ko sa pagiging isang manunulat o nangangarap maging isang manunulat.
Ang masasabi ko lang po, magsulat ka dahil gusto mong magsulat. Ako graduate ako ng finance pero humaharap ako araw-araw sa computer hindi para mag-compute ng financial statements kundi ang magsulat ng kwento para sa kapwa ko kabataan. I best suggest, basahin mo po iyong "Stainless Longganisa" ni Bob Ong. Doon ka makakakuha ng lakas ng loob, at kaalaman kung ano ba talaga ang isang manunulat. Iyon din ang sandigan ko noong nagsisimula pa lang akong mag-take ng risk maging isang writer kasama ng pinsan ko.
Sinabi doon sa libro, kapag magsusulat ka kailangan mahagip mo at least isa man sa mga ito: makapagbigay ng impormasyon at makapag-entertain. At mas maganda daw kung pareho mong mahagip para mas effective.
Tama iyong sinabi mo po na ang isang manunulat ay dapat mahilig magsulat at magbasa. Iyon ay para nga mahasa ang skills at makapulot ng technique, concept, idea at marami pa. Importante rin ang technicalities kahit pa sabihing informal kang magsulat...
Eto lang po ang masasabi ko, "Ang isang akda ay repleksyon ng puso, diwa at isipan ng may-akda." Malalim ata siya. hehehe.
pasensiya na po kung po ako ng po. Di ko kasi alam kung sino po mas matanda sa atin.
Iyon po,
Melay
lahat ay may dahilan
madalas ko ring maramdaman iyan hanggang nayon kaya hindi ka nag-iisa kuya ba o ate? iinisip ko na lang na may dahilan ako kaya ako patuloy na nagsusulat, anuman ang magiging outcome ang mahalaga ay nagawa kong ipahayag ang aking saloobin, ang aking pananaw at bahagi ng aking pagkatao. gayundin nais ko ring magkaroon ng kabuluhan ang aking mga naisulat kaya ito ay aking ibinabahagi sa iba. mas fulfilling kasi kung nagawa kong maipahayag sa iba ang nilalaman ng aking isip kaysa itago na lamang sa aking sarili ang mga iyon, lalo na hindi naman ako expressive na tao at sa pagsusulat lamang ako nakakapagpahayag ng aking sarili. kung nais mong maging passion ang pagsusulat, gawin mo ng buong puso at hayaan mong maging malaya sa anumang agam-agam ang iyong sarili. at kung nais mo namang mahasa ang iyong kakayahan sa pagsusulat magbasa ka ng mga aklat tungkol dito o kaya magsurf ka sa net maraming techniques na makukuha dun na makatutulong sa iyo o kaya dito mismo sa filipinowriter. sumali ka sa mga contest ( stepping stone din iyan, di ko lang magawa naman ), dumalo ka sa mga workshops...maraming paraan basta gusto mo. at magagawa mo basta magtiwala ka lamang sa iyong sarili. 







komento po?
Ano ba ang hinihingan nyo ng komento?
Kung ang hangaring magsulat at makagawa ng isang libro ay ikaw na din ang nagsabi na wala namang masama mag=try...wala naman talang masama dahil syempre sa magandang aral naman ang nais mo sigurong ipahiwaatig at sa hindi kuna sa ano pa man...
Kung sa teaser naman ay medyo "intriguing" nga at parang gusto ko mahiram ang libro.Yung iba ay medyo narinig ko na (o napanoob ata sa pelikula)at ang iba naman ay napalitan lamang ng konting salita para maiba sa original nito.Medyo witty naman siguro sa pagkagamit nito sana. Abangan na lang kung ano talaga ang konteksto ng libro...
Lahat naman ng kasali sa karera ay nagsimula sa staring line...
Goodluck... Sana makarating yan dito at ng mabasa ko/namin...tnx
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...