Koronang Tinik
KORONANG TINIK
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa tuwid na daan ikaw ang hadlang
Pagsulong sa magandang bukas tinik ka
Hangarin para sa mabuting pagbabago
Walang pag-asang makamit dahil sa iyo.
Kinalalagyan mo ay mataas
Mistula kang isang korona na nakalagay sa ulo
Subalit ikaw ay kakaibang korona
Nasasaktan ang ibang dapat tumitingala sa pagkatao mo.
Nagtalaga sa iyo sobra ang pagkampi mo
Ebidensya man ay sapat wala ring halaga
Marahil ay magkatulad kayo
Nagtatamasa ng pera mula pangungurakot.
Nais sa iyo ngayon na magbitiw pakinggan mo
Isipin mo mga taong may malasakit sa bayan
Sinumpaan mong tungkulin noon para sa bansa
Balikan mo sa iyong alaala.
posted also in my blog at www.arvin95.blogspot.com



okey it's ur opinion
okey it's ur opinion anyway..pero sana lang may basis ang mga sinasabi mo..at di lang yung nabababsa mo sa dyaryo at napapanood sa tv or else hearsay sya..
magiging one-sided ka at bias which is di maganda lalo na't ginamit mo ang medium ng tula..pero karapatan mo naman un eh..freedom of expression.
"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"
http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/