KRUNG KRUNG
Sa dami ng mali ko sa buhay
Sa dami ng tamang nagawa ko rin
Hindi man ako pantas mas lalong hindi naman mangmang
Hindi rin nagmamaang-maangan
Bukas ang mata ko sa pag-idlip ng utak ko
Ang daming bagay na hindi masimulan
Ngunit ang totoo ‘y natapos ko na pala ang aking labahan
Pasensiya na sa kuwento ng aking buhay
Patawad rin kung ikaw ay nababagutan
Sa teleseryeng hindi mo naman inaabangan
Ganito lang talaga ako hindi nakikibagay
Sa seryusong takbo ng buhay
Hindi ko kailangan pang mag-aral
Pagkat ang pinag-aaralan ay alam ko na
Hay naku huwag mong pansinin ang kakrung-krungan ko
Pero kuwida’y minsan lahat tayo’y krung-krung


weird ka din
ginoo, salamat ho sa komento nyo sa blog ko... actually, weird ka din., at nung binasa ko ung krung-krung na yon... ah naisip ko... normal lang pala talaga sa tao ang minsang maging krung-krung. magandang araw.