KSP

Patrickman's picture
|

Ako ay yaong

Dumaan sa iyong harapan

Ngunit di mo pinansin

Dumaan nang paroo’t parito

Ngunit di ka pa rin tumingin

Damdamin tuloy ay

Nalulungkot

Nagsusumamo

Pansinin mo naman

Ako

 

Ako ay yaong

Sa isang salita mo lamang ay

Darating

Sa sandaling kailanganin

Nariyan na sa

Iyong piling

Upang pawiin ang

Kung anumang

Pangamba’t suliranin mo

Paniwalaan mo

 

Na ang iba ma’y

Lumayo at umiwas

Sa iyo

Ipagtabuyan ka’t

Hindi na kumibo

Narito ako

Para sa iyo

Para sa iyo

 

Kaya’t kung sakaling

Muling mapadaan

Sa iyong harapan

Huwag hamakin o

Pandirihan

Tanging hiling ko lang

Sa iyo

Pansinin mo naman

Ako.

 

01 Spetember 2010

 

//isang tulang nadiskubre kong sinulat ko pala, habang binubutingting ang aking lumang celfone...

Patrick Orquia

jonsdmur's picture

Gusto ko to!

Ramdam ko bawat salita. Naramdaman ko na kasi yan sa totoong buhay.

Nice one!

 

Dami mo na palang naisulat. parami nang parami

Patrickman's picture

salamat, jons! halos lahat

salamat, jons! halos lahat naman yata dumaan sa ganito e, hehe. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star