"KUMOT" (short story)

Rom's picture
| |

 

 

 

 

Sarap na sarap sa paglamon at pag ngasab ang ga-higanteng apoy sa kahabaan ng mga kalye at entresuwelo ng Baranggay Bagong Pag-asa. Ang buong madaling araw na kanina lamang ay payapa, ngayo'y nabulabog ng mga palahaw na nakikipag tagisan ng lakas sa panaka-nakang pagsabog ng kung anong nadidilaan ng apoy.

Napakainit ng paligid, naglalagutukan ang mga kung anu-anong bagay na nginunguya ng apoy. Mistulang duguan ang paligid sa pula ng nagngangalit na mga ngipin ng halimaw, ngumangasab, dumidila, ngumangata, lumulunok---humahalakhak. Parang mga dagang kanal ang mga residente, mga naalimpungatan sa mahimbing na pagkakatulog, naglalakad ang iba-hindi tumatakbo, tila ba tulala sa nangyayari. Umiiyak ang mga batang nawalay sa magulang at mga magulang na nawalay sa anak.

Kalat ang mga gamit, TV, ref, damit, tsinelas, DVD, mga papeles...akala mo'y mga mumo sa hapag kainan ng isang masiba. May mga naglakas loob na dumampot ng timba at nagtangkang sumalok ng kapurit na tubig-nagtulong-tulong. Ngunit nagmistula lamang itong dura sa mukha ng humahalakhak at lumiliyab na halimaw.

Ilang sandali lang, bago pa man sumikat ang araw ay uling at abo na ito. Sa isang pangyayaring tulad ng sunog na ito, hindi halata ang dugo, hindi kayang umigpaw ng pulang likido sa pwersa at itim ng uling at abo.

Nilapa ng apoy ang buong Baranggay bagong Pag-asa...

 

***

 

"Tres-Beinte-syete!"

"ay putang-ina! Antagal kong inaalagaan ang numerong yan a, kung kelan ako hindi tumaya tsaka lumabas!"

Maaga  ang bolahan sa entresuwelong di magkamayaw ang mga aso, daga at pusa sa pag-uunahan sa pagbungkal ng basura. Habang sa tabi nila ay ang mga gigiray-giray na mga barung-barong kung saan nakatalungko ang mga nanay at anak na babae na abalang-abala sa paghihingutuhan. Sa Pondahan na paboritong umpukan ng mga tsismosa at tsismoso, na mga lalaking naglalakihan ang tiyan sa kaiinom ng alak, ng mga lolang tumanda sa pakikialam ng buhay ng may buhay at sa pangunahing taliba ng Huweteng. Dito nag-uumpisa aang umaga at natatapos ang maghapon ng marami sa nakatira sa Baranggay Bagong Pag-asa.

Mabaho at masikip, maputik at malangaw. Ito ang paraiso sa isang siyam na taong gulang na si Buboy, isang batang payat at mukhang mas matanda kaysa edad nya.

 

***

 

Hindi madalas napagkikita sa labas ng bahay si Buboy, di gaya ng mga kaedad niyang sina Jong at Bebay. Kaya madalas tinutukso sya ng mga ito kapag minsang nasumpungan siya na bumibili ng instant noodles sa tindahan ni aling Juliana. Hindi lang sina Jong at Bebay ang nakakapansin sa hindi paglabas ni Buboy nitong mga nakaraang buwan. Maging ang mga tambay sa pondahan ay napuna din ito. Hindi dahil nag-aalala sila sa bata kundi dahil sa "tungkulin" na nila ang pumuna sa bawat galaw ng sulok ng buhay-buhay ng mga tao dito-at walang pinaliligtas ang mata nila maging ang bata.

 

"nay, eto na po'ng noodles, kain ka na...mainit yan para di ka na ginawin..."

 

Walang kibo ang maghapon sa walang imik na ina ni Buboy. Kinariringgan lamang ito ng tinig kung dumadalit ang pag-ubo at tumatahip ang habol-hininga nitong ungol. Walang swerteng maidulot ang paghigop ng "lucky me" na nilunod sa kumukulong isang tabong tubig sa taong nilustay ang baga sa pagdahak ng dugo at plema.

 

"putang-ina yang ama mo...wala man lang pasabi kung nasaan na siya-kung patay na ba siya o buhay pa, basta na lang naglaho!"

 

Sa pagitan ng hingal, mura at higop ng instant noodles lamang laging nahihilam ang mata ng ina ni Buboy. Dahil siguro sa init at usok ng kumukulong sabaw kaya ito naluluha o dahil sa paulit-ulit na litanya ng buhay niya na naibubulalas niya lamang sa tuwing magtatangka siyang humigop ng sabaw.

 

Wala pa ring kibo ang bata. Nakapinid lagi ang bibig. Ngunit hindi ang isip. Kapag tulog ang ina, madalas itong nasa isang sulok lang at nakatalungko, nag-iisip ng malalim. madilim ang bawat sulok ng bahay na ang tanging aninag lamang ay ang pagsingit ng sikat ng araw sa butas ng dingding. May mga panaka-nakang nagmamadaling kilos ang malalaking daga na natutuhan nang makipamuhay kasama ng mag-ina at ipis sa naninimot ng latak sa mangkok ng noodles.

 

Nababasag lamang ang nakabibinging katahimikang ito kapag dumadaing na ang ina ni Buboy, nagmumura sa sakit na nadarama habang sasabayan ng hilahol na ubo-matagal, matigas, masakit na ubo. Dito lamang natitinag si Buboy para idulog ang isang tabo sa ilalim ng gigiray-giray at nanlilimahid na kama. Pansalo sa idinadahak na dugo at plema.

 

Ayaw pahaplos ng ina ni Buboy sa likod habang umuubo at dumadahak, masakit kasing haplusin ang likod niyang butuhan na tinutubuan ng mga nana at sugat sa matagal na pagkakahiga.

 

***

 

Mag-aalas tres na ng madaling araw, gising pa si Buboy. Naroon pa rin at nakatalungko sa sulok. Umuungol ang ina. May naglalakad sa kalye...pauwi na ang mga puta, kumita na...

 

"madalas may mga lalaking umaakyat sa bahay...di ko kilala, basta mga ganitong oras yun. Akala nga ni nanay tulog na ako..."

 

Tumayo ang bata, pinagmasdan ang inang kanina pa umuungol at habol ang hininga, nanginginig sa ginaw...inabot niya ang kumot na nalilis sa binti ng ina, ibinalik ito at ikinumot hangang balikat.

 

"basta pagkapasok nila sa bahay diretso sila sa kama ni nanay, tapos hihilahin yung kurtina..."

 

Bumaba sa maliit na kusina si Buboy, nagsindi ng kalan, nagsalang ng tubig...may hinahanap...

 

"minsan, sinilip ko sila, tinadyakan ako ni nanay-matulog na daw ako. Di naman ako makatulog ‘nun, kasi ang ingay-ingay nila...ungol ng ungol..."

 

Tangan-tangan niya ang isang bote ng kerosene, kalahati ang laman nito ginamit na niya kasi kanina sa pagpapakulo ng tubig sa noodles.

 

"anak, bili ka ng pandesal, may pera na tayo...may almusal na tayo..."

 

Bumalik si Buboy sa kwarto ng ina, dinadalit pa rin ng matinding ubo. Agos ang luha sa pisngi ni Buboy habang ibinubuhos ang laman ng kalahating boteng kerosene sa higaan ng ina.

 

"yehey! Makakakain na din ako!"

 

Ilang sandali pa kumukulo na ang tubig, ngunit walang instant noodles...Ilang sandali pa lumiliwanag na ang paligid...ilang sandali pa at lumiwanag na ang buong Baranggay Bagong Pag-asa...

 

"hindi na giginawin si nanay, hindi na niya kailangan ng kumot..."

 

 

 

Rom

antagal ko nang di nagsusulat...


Allanjohn Andres's picture

-

(Aba, kanina pa pala ito. Akalain mong sa Karikatuura ko pa unang nabasa).

Inihahanay ko ang "talas" ng kuwentong ito sa isa pang di ko malilimutang akda mula kay Lav Indico Diaz. Walang kaawa-awang binasag nito ang arketipo ng ina at anak. Mapait sa panlasa at napakadilim.  

Pagbati, Kasamang Rom. 

Rom's picture

salamat!

maraming salamat bok, sa panahon kasi ngayon maraming nang binabasag na mga "stereotypical" ang mga pangyayari. dati sabi nila "matitiis ng anak ang ina, pero di matitiis ng ina ang anak" basag na ngayon yun sa dami ng mga pangyayaring gaya ng sa luneta, personal ko mismong nasaksihan kuna paano ilako ng nanay ang 5 taong gulang niyang anak para ipagputa.

natutuwa lang ako at dumarami ang humihipo sa ganitong klaseng paglalahad tulad na lang ng mga filmmaker ngayon, gaya nga ni Lav Diaz at ang pinaka huli kong napanood ang "katay" ni Brillante Mendoza. ilang mga piling pelikula na pinag huhugutan ko din ng inspirasyon.

 

salamat sa pagbasa. 

 

KarikaTuura

Adlesirc's picture

congrats

 

kuya habang tumatagal, dumidilim at lumalalim ang mga kwento mo. galing pa rin. para kang nasa eksaktong pangyayari habang binabasa ang kwento mo.

 

congrats! sana magkaron ka ng compilation in the future tapos bigyan mo kami isa isa. yey!

Rom's picture

anne

 salamat anne, ikaw unang makakatanggap ng complimentary book kung sakali hehe...

 

KarikaTuura

Adlesirc's picture

.

Salamat po. Aasahan ko yan kuya =)

 

Magandang Gabi.

cecil_adriano's picture

ako napaiyak

inspired si kuya rom...napaiyak niya ako sa galing ng storyCry

Rom's picture

Ces

salamat ces, ganun ata talaga kapag may nagalaw sa emotion natin either napaiyak, napatawa o napagalit--may bagay na nakaka relate tyo. salamat sa pagbasa.

nagtangka lang akong basagin ang typical na relasyon sa lipunan ang ina sa anak. nabubuhay kasi tayo sa lipunang lahat halos ng nakasanayan natin ay nagbabago ng di natin inaasahan, ang mga nakasanayan ay nag-iiba na dahil na din sa hirap ng buhay. darating ang panahon na sa sobrang gutom baka pati karne ng tao ibebenta na din sa palengke. 

 

KarikaTuura

Jepipoy's picture

ANg Galeng

First time ko makabasa ng Gawa mo Kuya.

 Una sa lahat na pa buklat ako ng inaalikabok kong Tagalong-English dictionary hanglalim ng filipino words. Ang galing ng pag kakagawa ng story tagos sa puso pwedeng movie. Nagustuhan ko sya. Kaya print ko na ahahhaha...

 

"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"

Rom's picture

Jepoy

anukaba Jep! ngayon ka lang pala nagbasa ng gawa ko. ayan ang Karikatuura sa ibaba i-click mo kasi at mag print ka hanggang gusto mo hehe...

irecommend ko sa iyo ang "hang-over sa ilalim ng tulay ng quiapo" hanapin mo ha hehe...

 

salamat sa pagbasa! 

 

KarikaTuura

leigh13diwata's picture

parang...

PIETA... na basag lang ang ending.

Tama ka Rom, sa ngayon ay tipikal na nga ang ganitong istraktura ng "pamilya" dahil na rin sa nararanasang baho at lupit ng lipunan... bagama't may puso ang rason, ay di pa rin ito katanggap-tanggap sa mata ng tao at mata ng DIYOS...

wala akong pinalalampas na mga akda mo... lahat ay may maganda. sana ay marami pa uling kasunod.

... bata-batuta... malaki ang batuta...

Rom's picture

leigh

 salamat Leigh sa pagbasa. nagsisimula na ulit akong magsulat tagal na mula nung huli busy kasi e.

nagbubunga kasi ng mga di katanggap-tanggap na pangyayari ang mga di katanggap tanggap na sitwasyon. gaya ng matinding kahirapan, di natin aasahan na magbubunga ng happy ending ang halos di kumakain na kalagayan ng mga tao. kaya't kung mananatili ang mga tao sa kalagayng hindi talaga katanggap-tanggap malamang mag-iiba ang pagtingin natin sa buhay lalo na sa konsepto ng pamilya. 

 

KarikaTuura

wickedmouth's picture

huhu

I feel sorry for Buboy, napakainosente... At ang lalim ng words mo Kuya!!! hehehe challenge basahin...

 

Rom's picture

glenn

hehe...di pa malalim yan karaniwang salita lang naman yan e.

 

 

KarikaTuura

Ailem23's picture

waaah!

 Natulala na naman ako... grabe,,,iba ka talaga amang! kabog.... anyway, buti nakasulat ka na.... sayang may isusulat din sana ako tungkol sa sunog, nauna ka na... hahaha.... 

sulat pa ulit kuya. nakaka-miss iyong mga gawa mo...(kunwari di mo alam na nambobola lang ako! hehehe).

Ingats, 

melay

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Rom's picture

melay

 salamat sa pagbasa melay. ginaganahan ulit akong magsulat nyan--actually andaming ideas kaso hahanapan ko pa ng panahon para maisulat. hindi naman matagal magsulat isang sitting nga lang kaso kailangan sa isang sitting na iyon nandun lahat ng "illumination" na kinakailangan mo para makabuo--at yun ang medyo mailap ngayon. puno kasi ang utak ko ng ibang pinagkaka abalahan kaya't naaagaw ang "illumination."

new year's resolution ko ang magsulat muli at bumangon mula sa pagkakahinto sa pagsusulat, magpinta at gumawa ng documentary films. 

sama matupad... 

 

salamat sa pagbasa. 

 

KarikaTuura

parasol's picture

ang galing!

napakasarap talaga sa pakiramdam

magbasa ng isang akdang marikit ang pagkakasulat,

maliwanag ang mensaheng ipinararating sa mambabasa

normal ang istilo na tradisyon na rin sa iba

ngunit ang akdang ito katulad din ng marami ay kahanga hanga. 

masarap mabanaag ang unti unting pamumuo ng bawat eksena,

mabilis ko itong binasa na binatay ko sa pakiramdam na idinulot o panahon na inihatid sa pakiwari ko'y  ganito rin ito isinulat ng may akda

isang bugso ng damdamin at talino..

artistiko..

Rom's picture

Parasol

 

salamat naman at "nahipo" ng kwentong ito ang damdamin mo, bagay na sinadyang  gawin ko. mahirap kasi magsulat ng kwentong ang pangunahing sinasagi ay ang utak (reasoning) kasi nga magkakaiba-iba tayo ng pamantayan, talino at pinag-aralan kaya't madalas sa hindi may tagisan ng talino ang nangyayari. pero kung ang sasagiin mo ay ang damdamin ng mambabasa tumbok mo pati utak nya. 

kung ang kwento ay nakapag pabilis ng tibok ng puso, nakapag paiyak, nakagalit o nakapagpatawa--- malamang mag-iisp ang nakabasa. Dahil dito aariin na niyang kaniya o  isinabuhay na niya ang kaganapan ng kwento parang na LSS na sya.

salamat sa pagbasa! 

 

KarikaTuura

galing ah!

nakakabagabag ang mga titik na iyong ginamit sa paglalarawan ng sunog.  Palagay ko magiging Idol kita. hehe Good works!

Rom's picture

hey joe!

 salamat sa pagbasa! 

at nabagbag ko pala ang iyong damdamin hehe... 

 

 

 

KarikaTuura

...Because of poverty

                                  Choice of words     = very vivid

                                  writing style           = flashback

                                   Eye witness acct   = Buboy

                                   A little bit mystery

           Ang may akda ay gumamit ng bulgar na salita para isalarawan ang katotohanan sa likod ng kahirapan na nararapat lamang sa tingin ko dahil ito ay ayon na rin sa deskripsyon ng lokasyon.  Mahusay na nailahad ng may akda ang naging sanhi ng higanteng sunog.

          Nagsimula ang kwento sa kasalukuyan pabalik sa nakaraan. Magaling ang pagkakagawa. At sa tingin ko hindi lamang ito isang imahinasyon--dahil ang prostitusyon ay nagaganap sa loob at labas ng ating tahanan because of poverty.

          Killing or suicide as a solution to the problem of poverty.                                    Ito ang nakitang paraan ni Buboy.

 

 

 

 

 

Rom's picture

pards

 pards, salamat sa pagbasa!

 

KarikaTuura

cecil_adriano's picture

sulat pa ulit!

 sulat pa ulit!!! saludo ako sa iyoWink

Rom's picture

ces

 salamat ces, may ilalabas ako this week matapos lang ang video editing ko :)

 

KarikaTuura

dyeppri's picture

Wow...may bago kang istori kuya!

papasok na kasi ako kaya mamaya ko na lang babasahin ito. mukhang maganda at may picture pa ah---- ang sispag naman ng mga tao na yan na maglinis ng kanilang kabayan at binabanlawan pa talaga nila ang bubungan. Inis-is ba nilang mabuti yung yero.Sealedbabalikan ko ito at magkokomento ako. tnx

 

 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Rom's picture

dyep

 anukaba dyep, pyesta ng San Juan yan kaya sila nagsasabuyan ng tubig...

 

KarikaTuura

asassin's picture

hi

hi good day im a student of university of the east, can i ask for your permission about your story, for my term paper.hoping to grant my request.thanks

Rom's picture

ebe

 natanggap ko PM mo gusto sana kita sagutin kaso naka disable ang messaging mo dito sa FW. ano ba paggagamitan mo ng short story ko?

email mo ako rom26factolerin@yahoo.com.ph 

 

KarikaTuura

asassin's picture

term paper

required kasi kami maghanap ng short story para sa midterm research paper.kailangan sa filipinowriter kukuha,
napili ko yung story mo kasi maganda saka nakakaiyak.malaman ko sana sagot mo asap.thanks

 

Rom's picture

oks cge go ahead. balitaan

oks cge go ahead. balitaan mo na lang ako a reaction ng professor mo. goodluck

 

KarikaTuura

white villain's picture

woooooww!!!!!!

astig naman! saludo talaga ko sa pinoy.. sa kabila ng sandamakmak na problema, laging kabalikat ang pagmamahalan.. nakz! (ako ba to?)

*laughs*

 ganda po ng story, pinoy na pinoy ang morale..

keeps sharing po.. ^^, 

Rom's picture

WV

hehe...pano mo nasabing may pagmamahalan sa kwento?

salamat sa pagbasa 

 

KarikaTuura

grabe po ang emosyong

grabe po ang emosyong pinapakita nyo sa akda. nakakaantig at nakaka-iyak. Gudluck po and godbless. babasahin at aabangan ko ang iba nyo pa pong mga akda.

Rom's picture

shelly

salamat sa pagbasa shelly. click mo yung karikatuura sa ibaba nandyan ang iba ko pang gawa.

 

salamat uli 

 

KarikaTuura

dyeppri's picture

ngayon lang ako nagkapanahon basahin ito K Rom

* Pangatlong basa ko na ito ngunit mayroon akong hinahanap. Matindi ang pangyayaring sunog ( na akala ko noong una ay paglilinis ito) ngunit parang hindi ko madama dahilnakulangan yata ako sa detalye. Alam ko na nagtitipid ang may akda sa titik ngunit na sobrahan naman ata at nawala para sa akin ang bigat na magbubuhat sa damdamin sa bawat eksena. Kinapos kung baga. 

(kuya Rom may Nag Text: Magtipid sa tubig hindi sa salita dahil sa papasok na ang tag-tuyot.- MAYNILAD)Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Rom's picture

haha! flash fiction kasi ang

haha! flash fiction kasi ang ganitong style kaya matipid. pero pwede pang palawigin at siksikan ng detalye.

salamat sa pagbasa dyep kelan ka ba makapag post ulit ng kwento? 

 

KarikaTuura

cecil_adriano's picture

ang henyo...he,he,he

 "malibang ituon ang pansin sa mga bagay na malayang masasalamin at doon aahon ang kathang pupukaw ng damdamin"

 kuya rom nasaan na iyong nobelang sinasabi mo? naku dapat mabasa ko na at ng mabigyan natin ng evaluationWink.  si melay may published book na kaya dagdagan mo pa para mas masaya! 

Congrats ulit sa iyo at kay melay quillaLaughing

 

Rom's picture

Ces

henyo ka dyan hehe...

mukhang matatagalan pa yung nobela ko e kasi naging mas busy ako ngayon sa fishing farm. siguro kapag na settle ako dun sa kubo ko, ayun mas may time ako dun magsulat at mag-isip.  

 

KarikaTuura

cecil_adriano's picture

naku gaganahan ka niyan

 "malibang ituon ang pansin sa mga bagay na malayang masasalamin at doon aahon ang kathang pupukaw ng damdamin"

 wow fishing farm mas gaganahan ka talagang magsulat kapag na ganiyang lugar ka tapos kubo pa, sarap kaya matulog sa kubo. then mahangin at sariwa ang simoy ano, grabe relaxing iyon kahit di ka na mag Boracay! he,he...

sige abangan ko na lang nobela moLaughing