Kung Ako ay may Baril

Amos Tarana's picture
| |

Kung Ako ay may Baril

-Ni Amos Tarana

 

Kung ako ay may baril

Ilang bungo ng mga diyablo

Kaya ang pasasabugin?

 

Ako'y 'di magdadalawang isip

Na agad lipulin

Lahi ng mga diyablong

Sa kayamanan ay sakim.

 

Uusigin ng aking bala

Ang pamahalaang bugaw

Na sa dugo at pawis

Ng mga kababayan ko'y

Nagsasamantala't uhaw.

 

Kung ako ay may baril

Malacanang, Kongreso,

Korte Suprema, Senado,

Crame at Aguinaldo

Ay aking lulusubin;

Lahat na may utang na dugo,

mandaraya't sinungaling doon

Ay aking uubusin.

 

Susunduin ng aking bala

Ang pagsikat ng pulang umaga

Na siyang magpapangindapat

Sa sambayanang

Malaya sa pagdurusa.

 

Kung ako ay may baril

Bungo ng mga anghel

Na rin siguro ang kapiling --

Sa payapang langit

Nakahimlay na mahimbing.

 

Ngunit ako'y walang baril

Armas ko lang ay papel

At bolpen.

 

Sana nga lang, ako ay may baril.

 

 

18 Enero 2011

Deira, Dubai, UAE

 

Amos Tarana

Yuco's picture

:)

Mahusay... 

 

at kung sakaling magkatotoo, sabay-sabay ba tayong lulusob? 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

Amos Tarana's picture

salamat yuco, tara na. baka

salamat yuco, tara na. baka may gusto pang sumama?

 

- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/