kung ako ay susulat

|

kung ako ay susulat gusto ko malupit

ung tipo lahat ng tao pagbinigkas ko ang  mga kataga

ang lahat ng tao ay mapapatili

lahat sila ay magsisigawan, sisigaw ng ahooooo at ahiiiiiii!

kung ako ay susulat gusto ko astig

Yung tipo lahat ng nabubuhay sa paligid ko ay manginginig

lahat sila ay matatakot, lahat sila'y mangingiwi.

lahat gusto ko mangyari sa akin maganda

hindi nag papahirap, hindi kumakaliwa

lahat gusto ko mangyari, lahat gusto ko maging posible

ang hindi pwede ay magiging pwede,

ika nga nila, masarap talaga gawin ang bawal

sa katagang iyon napatunayan ko na lahat ay puwede mangyari

kung gugustuhin mo magagawa mo, kung dehins ka gagalaw hindi rin sila aalagwa

kung ako ulit ay susulat gusto lahat masabi ko na,

may sense o wala, may dating or mapagkamalan  man praning

ang aking kataga hindi man malupit

pero pag binasa mo ito, sigurado ako tsong sa sarile mo ay para ka ng hinagupit.

Masakit? oo kasi tinamaan ka pero wala ka pakialam dahil isa kang manhid

tinawanan mo lang ang lahat ng nabasa mo pero sa loob loob mo

"Hazel tong taong to simple bumirada pero masakit,

tinamaan ako ng husto, ang sakit shet."

Kung sa huling pagkakataon akoy susulat

lahat na gusto ay may katapusan

kasi ayoko na ng ganito

parang gobyerno at mga pulitiko

ang husay husay hindi naman makapaghintay

lahat gusto nila sa kanila lahat gusto nila ari arian nila

Kaya kung ako ay susulat gusto ko na may kapangyarihan

yung may powers, para lahat ng gusto mo ay mangyayari.

kung ako ay susulat magpapasalamat na ako ng todo...

salamat sa DIYOS, sa pag likha at pag gabay sa akin,

salamat sa pamilya ko at nandiyan sila lage sa akin,

salamat sa mahal ko.. i love you very much,

salamat sa mga kaibigan ko bilang inspirasyon sakin.

at gagamitin ko rin itong pagkakataon na mag pasalamat SAYO

sa pagbibigay ng oras konting oras para mag basa saking tula salamat.

kung ako ay susulat..... BOW....