Kung ako na lang sana
Kung ako nalang sana ang iyong minahal
Sa silong ng langit tayo ay maglalambingan
Di ka sana ngayon lumuluha at nasasaktan
Sa pag-ibig na iyong inilaan sa taong hangal
Kung sana sa aking yakap ka humimlay
Mararamdaman mo ang wagas na pagmamahal
Ngunit iyong tinanggihan pag-ibig kong tunay
Mas pinili mo siyang di totoong nagmamahal
Ngayon ikaw ay labis na nasasaktan
Hindi mo ba alam?
Ang pait na iyong nararamdaman ay akin ring nilalasap
Ayaw kong makita na ikaw ay lumuluha
Kaya kahit ako’y nasasaktan
Ikaw ay hinayaan kong tumangis sa kandungan ko
Tiniis ko ang hapdi’t kirot at tinimpi ang aking luha
Bakit ka ganon?
Sinaktan ka na nga niya
Siya parin pala
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Sa silong ng paraiso tayo ay nagsasaya
Talagang ganyan mark.. kahit
Talagang ganyan mark.. kahit gaano katamis at kasarap pa ang pag-ibig na gusto mong ialay.. kung ayaw naman tanggapin at lasapin ng gustong pag-alayan.. la kang mgagawa...
Pero 'wag mag-alala pasasaan ba't liligaya ka din... 
Alam mo ba ang kanta ni Bituin Escalante? KUNG AKO NA LANG SANA..
Akma sya sa tula mo..
-------
Heto ka na naman
Kumakatok saking pintuan
Muli naghahanap ng makakausap
At heto naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan ...
Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba`t kailan lang nang ika`y iwanan nya
At ewan ko nga sa `yo
Parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita ...
Refrain:
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo, oh-oh-oh ...
Heto pa rin ako
Umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito`y magbago
Narito lang ako
Kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang
Mahalin mo rin akong lubusan ...
(Repeat refrain)
Kung ako na lang sana, oh-oh-oh..
(Repeat refrain)
Kung ako na lang sana ...
loves ko salamat sa lyrics...aireen
sarap kantahin......
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Masarap nga syang awitin
Masarap nga syang awitin talulot... kahit di naman nangyari sa akin ang nilalaman ng kantang yan..dama ko pa rin ang bawat linyang nakapaloob sa awitin...
sarap gawan ng tono...
ganda ng lyrics pwde gawing linya sa kanta...pag may time gawan ko ng tono yan hehe...




bakit walang comment? ang
bakit walang comment? ang ganda nito....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."