Kung bakit ayaw kong Mamalengke sa Umaga (short story)
Lagi akong inaantok sa klase, lagi kasi akong puyat. Alas-dos ng madaling araw kung gumising ako para sumama sa pamamalengke ni Aling Dory. Si aling Dory ang kapit-bahay naming may maliit na talipapa, tindahan ng mga gulay, isda, karne at iba pang hilaw na pagkain para sa mga nagluluto sa kani-kanilang bahay. Habang ang ibang mga bata na kaedad ko ay kasalukuyang nahihimbing at pumapailanlang ang diwa sa pananaginip, eto ako at nakahalukipkip sa lamig ng hangin ng madaling araw, karay-karay ng isang matandang babae, taga bitbit ng bayong na kung tutuusin ay mas mabigat pa kaysa sa timbang ko.
Bakit ko ba kailangang gawin ito? E sino bang bata ang may gusto ng ganito? Ginagabi na nga ako sa pag-aaral tapos gigising pa ng madaling araw. Sabi kasi ni nanay malaki daw ang utang namin kay aling Dory, kakahiya naman daw nung nilapitan siya nito at nakiusap na kung pwede daw na pasamahin ako sa kanya at tulungan siyang mamalengke. Hindi ako pumayag, pero si nanay tumango.
Araw-araw na patang pata ang katawan ko gaya nang umagang iyon pauwi na kami ni aling Dory. Sa tapat mismo kami ng palengke ng Libertad sa Pasay nag-aabang ng jeep na masasakyan, kahit alas-kwatro ng umaga dagsa ang tao dito, tila hindi natutulog ang lungsod na ito. Ang bayong na kanina lang ay napakagaan, narito ngayon at nakikipag bunuan sa payat kong braso para isampa sa jeep. Nauna sa sasakyan si aling Dory, upang hilahin pataas ang mabigat na bayong ng mga pinamili, walang kumikibo…walang gustong tumulong.
“Ay! Bwisit ka!
“nakita mo nang hirap na hirap na kaming magkarga ng bayong sisingit ka pa!”
Wala lang sa pawisang mama iyon, tuloy-tuloy pa rin siya sa loob ng jeep at hindi pinansin ang pagibik ni aling Dory, bagay na pinagtinginan ng mga pasaherong aantok-antok pa at nakahilig na para bang gustong tulugan ang eksena.
Isang tao mula sa likuran ng drayber naupo ang payat at pawisang lalaki na kanina ay sumingit. Nakapagtatakang pawisan ito pero naka suot ng jacket. Mailap ang mga mata nito, panay ang silip sa paligid, panay ang buntong-hininga. Madali mo siyang mapapansin dahil siya lang ang balisa sa lahat ng pasahero, maliban sa isang ale na tila nadukutan ata panay ang kapkap sa katawan niya—bubulong bulong na parang may hinahanap. Ang iba naman ay halos unan na lang ang kulang sa pagkakatulog.
Kandong lang ako kay aling Dory, di ko alam kung sadyang masikip na o nagtitipid lang ang matanda at ayaw akong ipagbayad ng pamasahe. Maingay ang Barker ng jeep, sa buhol-buhol niyang dila na tila lasing ay pilit nagtatawag ng pasahero upang ipagsiksikan sa mistulang bulok na lata ng sardinas na sasakyan.
Huling sumakay ang isang matabang lalaki na may kipkip na dyaryo sa kanyang kili-kili sa tabi namin ni aling Dory. Nainis ako, akala ko ay nasisikipan na ako sa pagkaka kandong ko pero mas lalo pang sumikip ng sumakay ang mamang mataba na ito, di pa nakuntento at nagbukas pa ito ng dyaryo ng akmang aandar na ang jeep. May nakabukol sa kanang tagiliran ng mamang mataba na ito, matigas at masakit ang pagkakadiin sa hita ko, kahit nahihiya ako kay aling Dory pilit kong iniuusog ang sarili ko maiangat lang ng bahagya at makaiwas sa pagkakadikit sa lalaking ito.
Nakakatulog na ang lahat sa mahaba-haba, kahit baku-bakong byahe ng bulok na jeep na ito ng magsalita ang mamang mataba sa tabi ko, sabay baba ng dyaryong kanyang binabasa.
“pards, okey ka lang ba?
Sabay tingin niya sa lalaking payat at pawisin sa harap niya. Tiningnan lang siya nito ng blankong titig. Walang kibo…
“may problema ba? Nasugatan ka ba?” pag-usyoso nya.
Sa pangalawang sambit na ito medyo nahimasmasan ang ibang natutulog at nagtutulog-tulugan, maging si aling Dory ay medyo napapakislot at nag uusyoso kung bakit nakikialam ang mamang matabang ito sa trip ng lalaking payat sa harapan niya. Ang drayber naman panaka-nakang sumisilip sa salamin upang alamin kung ano ang nagaganap.
Hinaltak ako ni aling Dory, nagulat din ako—ang mamang mataba kasi sa tabi ko ay bigla na lang humawak sa tagiliran niya, kung saan nanduon ang kanina pa masakit at tumutusok na matigas na bagay sa hita ko—hinawakan niya ito na parang namamaywang, waring bubunutin.
“pare, pakihinto nga ang jeep, pababain lang ito”
sabay turo sa kaharap niyang pasahero—ang lalaking payat at naka jacket.
Naka hawak pa rin ang kamay ng mamang mataba sa bukol ng baywang niya habang ibinababa ng dahan-dahan ang dyaryo. Hindi niya inaalisan ng tingin ang payat na lalaki sa harap niya.
Walang kibo ang lalaking payat at naka jacket, nakabaon pa rin ng kalahati ang kamay nito sa kanyang bulsa ng pantaloon na noon ay nakakuyom at halata ang bahid ng sariwang dugo na tumagos sa pantalon niya, dugo na waring nagmumula sa sugatan niyang kamay.
Nasasakal na ako sa higpit ng braso ni aling Dory, sa payat kong iyon halos magkalas na ang buto ko sa higpit ng pagkakahaltak niya na para bang gusto niyang magsumiksik kami sa sandalan ng jeep.
“pare, ano ba yang nasa loob ng bulsa mo?”
“kanina pa kita pinagmamasdan e, napansin na kita habang papaakyat pa lang ako ng jeep”
Nagsimula nang tumuon ang atensyon ng lahat sa dalawang lalaking magkaharap. Ang isa akmang bubunot, at ang isa ayaw naming bunutin kung ano man ang nasa bulsa niyang may dugo. Ang drayber at ang mga nasa front seat ay pawang nangangahaba ang leeg sa kasisilip sa salamin kung bakit huminto ang jeep at kung anong pangyayari ang nagaganap.
Madilim pa rin ang paligid, at sa namumuong tensyon na bumabalot loob ng jeep lalo nitong pina iigting ang takot na namamayani sa bawat isa. Wala nang mga tulog at nagtutulog-tulugan nag aantay na ang lahat sa mamang payat na naka-jacket at hindi kumikibo. Nag-aantay ang lahat na magsalita ito ng kahit na ano, kahit kaunting reaksyon sa mukha niya, o kahit kaunting kilos man lang.
Napansin kong bubulong-bulong si aling Dory, waring may sinasabi na kung ano…”holy mary mother of God, pray for us…
Luminga-linga ang payat na lalaki, napansin ng lahat—napansin ng mamang mataba na kanina pa nangangawit sa kakahawak sa bumubukol sa baywang niya. Bakas na mukha nito na nasukol siya sa kalagayan niyang iyon at kita sa kilos nito ang pagnanasang kumawala sa ganitong sitwasyon. Tatakas siya…akmang tatayo ito upang tunguhin ang daan pababa ng jeep ng bigla siyang hawakan ng mamang mataba sa kamay…kamay na kung saan kanina pa nakalibing sa bulsa niyang tinagusan ng dugo.
Nagpambuno sila saglit…tilian ang mga pasahero, nailabas ng mamang mataba ang kanina pa hawak niyang bumubukol sa tagiliran niya---baril!
Dahil na rin siguro sa di akmang posisyon ng lalaking payat (nakatayo ngunit nakayukod) sa pagtatangka nitong lumabas ng jeep kayat nahila ng mamang mataba na may hawak ng baril ang kamay niyang kanina pa itinatago sa loob ng bulsa.
Tilian at sigawan ang mga pasahero, may napamura at may tumalon sa sasakyan, naglingunan ang mga dumaraang mga tao na nagmamadali pa man ding pumasok sa kanilang pinagtatrabahuan.
Gumulong sa paanan namin ni aling Dory matapos tumama sa hita ko ang isang putol na daliri ng isang babae, may kyutiks na pula ang mga kuko nito, putol siya ng may isang sentimetro mula kamao—may nakasuot na singsing na may malaking bato.
Alam kong hindi sa lalaking payat ang daliring ito, dahilan sa napaigtad ang kanyang mga kamay nang itutok ng mamang mataba ng baril niya dito, kumpleto ang mga daliri nito may bakas nga lang ng dugo mula sa putol na daliri galing sa kanyang bulsa.
Takbuhan pababa ang lahat, ngunit hindi kami ni aling Dory, kami lamang ang natira sa loob ng jeep, nalingunan ko siya na nakapikit tila hinimatay habang nakapangunyapit sa akin.
Sa labas, kinakapkapan ng mamang mataba ang lalaking payat, may nakuhang balisong sa tagiliran nito, pinoposasan at pinadapa sa semento. Dumarami ang nag-uusyoso, lumiliwanag ang paligid, sumisikat na ang araw.
Hindi ako nakapasok sa eskwela ng araw na iyon, aywan kung sa puyat o sa pagod…pareho siguro.
Ayaw ko nang sumama mamalengke kay aling Dory, sumasakit ang kamay at daliri ko kakabuhat ng mabigat na bayong…

"minsan pala ang karne hindi lang sa loob ng palengke nakikita..."
Kuya rom, ang galing ng
Kuya rom, ang galing ng suspense ng kuwento mo.
Naalala ko tuloy 'yung nakuhang daliri sa chili bowl sa Wendys dito sa U.S. Napag-alaman ding ang naglagay ay 'yung mismong customer na nagreklamo- para makakuha ng pera mula sa Wendys. In the end, siya ang nakasuhan. Sugapa kasi eh.
Ito ba ang ipapasa mo...
Ito ba ang ipapasa mo kuya Rom sa Aspalto? Maganda ang istorya at napapaisip talaga ang mambabasa. Kinakailangan pa na balik-balikan minsan ang unang tagpo para maunawaan (iyan ang gusto ko, ala detective ka). 'Yung istorya ay parang may pagka puzzle, parang SOCO. Ala Gas Abelgas nga ako dito habang binabasa eh.
Kasi hindi nakakahon ang istorya. Binubuksan ang imahinasyon ko. tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
.
pinag iisipan ko pa kung ito nga ipapasa ko di kasi ako satisfied sa hagod ng mga salita. hindi ko magawang pamulaklakin ang nga salita kasi nga bata ang story teller e mula sa memorya ng bata. kung ikukwento ko ito na parang prosa hindi na kapani paniwala. bagay na sumisira sa style ng pagsusulat ko. halatang baguhang manunulat lang ako di ko pa kayang mamanhik-manaog sa sarili kong estilo ng pagsusulat. ang hirap hubarin ng idinamit tapos papalitan mo ayon sa takbo ng character mo.
salamat sa pagbasa
Okey naman ito Kuya...
maganda ang laman at takbo. Konting areglo lang at gusto ko ang laman dahil talagang nangyayari ang ganito. Pagpapakita lang talaga ito ng totoong mukha ng bayan natin. Konting areglo lang sa salita dahil nakakautal 'yung iba. (hal. Sabi kasi ni nanay malaki daw utang naming kay aling Dory- pag-aayusin ay ganito = Sabi kasi ni nanay ay malaki na raw ang utang namin kay aling Dory.) tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
akala ko nga ay comedy.
akala ko nga ay comedy. habang binabasa ko, iniisip ko kung ano 'yung bagay na may dugo sa bulsa ng payatot - baka karneng ninakaw lang o daga lang. pero ayos na 'tong seryoso kasi di ko akalain na putol na daliri.
rak en rol!
(pahiram lang kislap ha, nabasa ko din kasi ang linyang iyan sa kikomachine!)
.
actually holdaper yung mamang payatot na yun, sa pagmamadaling hubarin yung singsing sa biktima (at hindi niya mahubad) pinutol nya na lang. naisip ko nga paano kaya kung kwintas yun at hindi nya din mahubad? magkakasya kaya sa bulsa niya ang putol na ulo? hehe...
implied, but not written
gets naman na holdaper 'yung mamang payat 'nung lumabas na 'yung daliring putol na may singsing, kaya ayos 'tong kwentong ito.
iyan nga...
iyan nga ang maganda sa istorya na kagaya nito at kailangang mag-isip ng mambabasa. Hindi man direktang sabihin ay anduon ang sinasabi ng detalye. Sabi nga sa SOCO ay wala mang nakakita (eye witness) pero anduon ang ebidensya at sirkumstansya na nagpapatunay sa sinasabi ng istorya. (hindi din sinabi na pulis yung mamang may baril pero mababasa na pinosasan niya iyong holdaper...galing!)
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
implied nga
di ko alam yun a hehe...
ang akin lang nagsa bata ulit ako trying to reach out distant memories nung kinukwento ko ito hindi ko hinayaang husgahan ng isip ko ngayon (mahirap gawin ito) ang memory ko nung bata ako. kaya siguro di ko sinabing holdaper ito at siya pulis. bale kung ano lang obserbasyon ko sa surroundings yun lang ang gumana--walang masyadong analysis kwento kwento lang talaga.
salamat sa matalas nyong obserbasyon may natutunan ako dito :)
tanong lang po...
dahil ba sa bata ang bida sa kwento kaya ang ending eh.. *Ayaw ko nang sumama mamalengke kay aling Dory, sumasakit ang kamay at daliri ko kakabuhat ng mabigat na bayong…*
naka concentrate lang yung bata sa sakit ng kamay at darili at hindi ang peligrong pwedeng mangyari kaya ayaw na niyang sumama?
yung tipong wala lang sa kanya yung nangyayari sa paligid? wlang trauma trauma factor...
dapat pla komedi to... eh, awa ang naramdaman ko dun sa bata hahaha
ressilient
isa yan sa mga factor ng characterization. kung gagawin ko kasing mala emotional ang conclusion hindi mukhang bata ang nagsasalita. isa sa mga character ng pagiging bata ang ressilient. sa mga bata na nakita kong binugbog ng kanilang mga magulang na halos mamatay na isa lang lagi ang nasasabi nila "mahal ko po ang nanay ko" o kaya "mahal ko po ang tatay ko" kahit magkahiwa-hiwalay na ang katawan nila sa bugbog.
later on sa buhay nila, pagtanda tsaka lamang nakikita ang epekto ng childhood trauma. maaring trauma yung laging nagsusulat ng short story sa FW kahit walang nagbabasa hehe...
salamat sa pagbasa
haha
kung ganun.. antayin ko paglaki niya tignan ko epekto sa kanya nang nagyari sa palengke..ilang taon kaya ang bata sa kwento...? hehehe
may nalaman na naman ako.. "characterization" sarap talaga magbasa... sulat ka pa ha..? :D
on characterization
isang example ng poor characterization yung pelikulang Balweg at Ka hector ni Philipp Salvador. ang character nya kasi dito isang NPA (ka hector) na tubong batangas at sa Balweg naman isang pari na minority ng cordillera. ang galing umarte ni Philipp salvador bagsak nga lang sa characterization e wala ka man lang puntong batangas o ilokano na marinig sa 2 papel na ginampanan nyang yun e. tru-to-life story daw e punto lang ng dialect bopols na e.
buti pa si Jericho Rosales nung ginampanan niya ang papel bilang Manny Pacquiao nag-aral siya ng puntong bisaya.
importante ang characterization yan ang uanng itinuro sa amin ni Ishmael Bernal nung nasa theater pa ako.
oo nga..
kala ko rin comedy pero nung nasa pangatlong paragraph na ako, naawa na ako dun sa bata.
akala ko din nong una magkasabwat yung mamang payat at yung pulis. hehehe
galing kuya!napansin ko kuya, konti lang ang dialogue na ginamit mo pero maganda pa rin ang kinalabasan, maliwanag ang kwento. walang butas.
kadiri yung putol na daliri hahaha!
keep up the good work! =)
Hi Ann
salamat ann, hindi nga ako kumportable sa konting dialogue pero yun ang hinihingi ng kwento e kasi from the point of view ng bata e, kung puno ng dialogue mukhang napaka photographic memory naman nung bata kung matandaan nya yung mga dialogue di ba?
masarap din mag-iba ibang estilo sa pagsusulat mahirap nga lang
salamat sa pagbasa
wow, suspenseful!
galing a... tapos sa bandang huli parang wala lang sa bata yung nangyari... :D
I'd love to turn you on...
wow, suspenseful!
galing a... tapos sa bandang huli parang wala lang sa bata yung nangyari... :D
I'd love to turn you on...
.
ganun ata ang mga bata e resillient, madaling nakakalimutan ang sakit pero nagmamanifest pagtanda na, lumalabas yung trauma. kaya kung ano ang ugali natin ngayon malaki ang kinalaman sa exprerience natin nung bata tayo.
salamat sa pagbasa
honga...
parang nababaon lang sa sub-conscious tapos nagiging sutil paglaki pag lumabas na, hehe...
I'd love to turn you on...
Galing
Okay ang pagsasalarawan ng mga karakter, feeling ko isa ako sa pasaherong kasama nila aling dory hehe!.
Meron lang akong napansin. Talaga bang matataba na ang mga pulis sa atin diyan? haha!
Naalala ko pa....
Alam ko rin ang feeling ng batang ito kasi dati palagi akong kasama ng Mommy ko sa pamamalengke sa Balintawak o sa Blumentrit. Pero ang pinaka-mahirap kong experience e kapag namimili kami sa Divisoria ng mga telang ginagamit niya sa patahian niya. Talagang halos maputol ang daliri ko sa bigat ng mga bayong na dala ko. Kaya ipinag-tahi pa ako ni Mommy ng nilalagay sa kamay para wag masakit buhatin yung mga dalahin ko hehe!









an illustration of a typical
an illustration of a typical Filipino in our surroundings...a classic...nice one although i like your style of suspense in your previous short stories...d me bias ha
Business articles and financial views
http://www.technoconvergingzone.com/