Kung para sa iyo'y kaibigan lang ako! ^_^

Sa gabing madilim

ako'y naka tingin

sa mga bituin

kasaba'y ang ihip ng hangin.

Katabi ay mga rosas

na kay bango,

habang kinakausap

ang mga ito.

Sa lamig ng gabi

ako'y nag-iisa

ang nasa isip

ay ang aking sinta.

Walang ginagawa

at para bang tulala,

gusto kong lumuha

hanggang mata ko'y mamaga.

Ang mga sandali nating

dalawa

ay pilit kong iniisip

at inaalala.

Mga kasiyahan

at ating iyakan

na pilit kong binabalik

sa aking isipan.

Sana noon ay nakilala

na kita

at di na naghanap

pa ng iba.

Ngunit anong magagawa ko

kung talagang ganito

kung para sa iyo'y

kaibigan lang ako.

" love is not a game to be won, but a work to be done"