Kuripot?

kukakk's picture

Kung magdala tama lang
minsan naman kulang
hindi sumosobra
laging kasyang-kasya

Hindi nagmemeryenda
ang ulam ay tinapa
may kanin lamig pa
makararaos na

Dukutin ang bulsa
merong barya-barya
pambili sa bangketa
gamit galing Tsina

Damit ay kupas
luma ang tsinelas
sapatos nakangisi
medyas may tagpi

Sabon na pampaligo
bareta hindi shampoo
ang para sa labada
ok na kuskos kula

Laging nagtatabi
wala kang masabi
may pera syang pirmi
lalo na sa emergensi

Ginagamit ang dunong
buhay ay susulong
kung ikaw ay marunong
walang butas ang bubong

Sa ligalig ay handa
unos man bumulaga
di maubos ang biyaya
naipon niya sa tyaga

Sa sinop sa salapi
budget hati-hati
pag' anak nanghingi
mayrong ngiti sa pingi.

Walang masama sa matipid
kung kabutihan ang hatid
saya'y walang patid
ginhawa'y nababatid

Masabi mang maramot
wag' kang pasisimot
mas mabuti nang kuripot
kaysa sa umaamot

Mag-ingat nga lang minsan
sa sobrang kakuriputan
'wag maging gahaman
para sa Dios ay maglaan.


jonsdmur's picture

salamat sa tula

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

okay lang maging kuripot kung para sa future ang pagtitipid.. kaso ung iba... nagmamarot na talaga.... minsan naintindihan ko... kasi ang pera pinaghihirapan kaya need na magtipid... pero kung pagiging gahaman na eh ibang usapan na.....

salamat

kukakk's picture

Sa aming mga Ilocano likas

Sa aming mga Ilocano likas po ang pagigiging matipid.. pati kuripot marami rin. Pero ang gahaman tama po kayo ibang usapan na....

salamt din po=) 

Alexander Dagrit's picture

Maganda na sana, nadupilas pa

 

Ang gaganda ng tugmaan: 

 

Sa ligalig ay han

unos man bumula

di maubos ang biya

naipon niya sa tya

 

Magkakatunog, magkakatugma. 

 

 

Nadulas lang dito:

 

sapatos nakangísi

medyas may tag

 

Sabon na pampali

bareta hindi shampoó

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

dyeppri's picture

Kaya nga...

 

Tama si Alexander, kung mahihirapan kang itulay ang bawat tayutay  ay 'wag ng ipilita ang tugma at sukat. Nariyan naman ang malayang taludturan at hindi pa nito maaapektuhan ang bawat nilalaman:

 

 

"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."

                        http://dyeppri.wordpress.com/

 

Alexander Dagrit's picture

dyep,