KUTSARA (Halaw kay Paul Mariah)

Allanjohn Andres's picture

Sa kumedor

kanina

may tumira

 

ng kutsara.

Palibhasa

ang duda

 

isa sa bilanggo

ang nagpuslit,

parang sugat

 

ngayong kinakatkat

ang bawat gamit

sa selda. Kinakapkap

 

ng mga bantay

ang kontrabando

na pupuwedeng itago

 

ng preso.

Mahirap nang

makasalisi

 

baka mahuli

ang pagsisisi

kung ang tusok

 

ay palihim

na maipasok.

Marami ang hindi

 

mapakali

habang nakahiga

sa tarima

 

kahit alam nila

na di para sa kanila

ang inumit

 

na kutsara. Ngunit

pasasaan ba

at makikita rin

 

itong kutsara:

maaari, kunwari,

na ginawang singsing

 

sa daliri

ng bagong-kasal

na magkakosa

 

o di kaya

sa tapat ng puso:

isang nakausling bakal

 

sa kimpal

ng sariwa,

mapulang-mapulang dugo.


Allanjohn Andres's picture

;-)

 

Ang pinaghalawang orihinal ay pinamagatang  "Shakedown & More" . Ang tula ay isinulat ni Paul Mariah noong 1971.

Hango naman ang akda sa antolohiyang Prison Writing in 20th Century America; inilimbag noong 1998 ng Penguin Books, at pinamatnugutan ni H. Bruce Franklin.  

Rhea Stone's picture

!

 

Kuya,

 

Isa na po ba itong premonisyon? Tsk! Pinaghahanap ka na talaga. Doble-sala na po ang nagagawa n'yo. Hinalaw n'yo na nga tapos naging mas maganda pa ang pagkakahalaw n'yo kesa sa orihinal.

 

http://reyastone.blogspot.com/

Allanjohn Andres's picture

Premonisyon...

Pero alin kaya ang pipiliin ko sa dalawa? Iyong puso na may nakatarak na kutsara o 'yong makasal sa kakosa na mas maton pa sa akin?

Allanjohn Andres's picture

;-)

Rhea ... 

Lubus-lubusin na ang kaso. Ipapaskel ko na rin pati ang pinaghanguang orihinal, hehe. 

Nang walang pahintulot.

Dahil alam kong magugustuhan ninyo...

----------------------------------- 

SHAKEDOWN & MORE

Silver is missing

From the messhall;

All 

 

Prisoners suspect.

Cells torn open

Like wounds 

 

Setting out

In search of

The germ, 

 

The spoon stolen,

Each frisked

As he returns 

 

To his cell.

Shakedown for

Contraband. 

 

All known hands

Are checked

For shivs. 

 

One lives in

Terror that it’s

Not marked 

 

For him. Still

It may be found

As a ring on 

 

Newly wedded hand

Or as a worse attack

A knife in the back. 

Rhea Stone's picture

!

Kuya, 

 

Mas trip ko po yung magpapakasal kayo sa maton. Mas sweet po yun, makakagawa kayo ng mga love poems sa loob.

 

http://reyastone.blogspot.com/

Allanjohn Andres's picture

;-0

 

Ouch!