kwento ng buhay ko...

ako si potpot's picture

balik na naman sa normal ang buhay ko. ang bilis ng panahon, parang kelan lang andito silang dalawa. bukas, birthday ko, uuwi na sila sa kanya-kanya nilang pamilya.

  Nung sinabi ko nun sa isa kong post..

 

"im a filipino but im living with my parents here in U.s"(parang ganun)

nung linggo lang na yun. 2 weeks silang nagsama. at namalagi sa bahay parang tutuong mag-asawa. naiintindihan mo ba ang pinagsasabi ko?

(ayan na, tumutulo na luha ko, teka, dapat mamaya pa to tutulo, waaaa!!)

ok. balik na tayo sa topic.

meron akong magulang pero hindi sila kasal at hindi din nagsama. meron na silang kanya-kanyang pamilya.

ganito kasi un, (sorry kung pati un, sinsabi ko pa. wala kasing mapgsasabihan)

bunga ako ng one-night-stand nilang dalwa nung mga bagets pa sila. ako ang bunga. Hindi ako lumaki ng kasama sila. sa mga lola at lola lang. Ngayun, nandito ako, nakatira sa bahay ng KAPATID NG LOLA KO. nakakalungkot isipin an kapatid pa ng lola ko ang kumuha sa akin dito kasi parang naawa siya. ehem. ang twag ko sa kanya, MOMMY.

hindi ko alam kung paano magmahal ang isang magulang. pero kung hahayaan kong maging tiwaling bata ako, ako ang kawawa sa huli. kaya nga pinagbubui ko ang pag-aaral ko kahit na nahihirapan ako kasi nga meron akong dyslexia.pero hindi namn daw halata. Buti pa si mommy, naging magulang ko. minsan naiisip ko, buti na lkng at naawa siya sa akin, para makapunta ako dito at maging malapit sa mga magulang ko. atin-atin lang to. feeling ko ayaw nila sa kin. kasi kung gusto nila ako, kahit papano, dun nalang nila ako pintira sa bahay nila. pero, aywa ko na. mas mabuti pa ng andito ako kasama si mommy. ayus na yun. kahit na hindi ko kasama ung mga magulang ko at pera lang ang ipinapadala. ang kawawa daw ng buhay ko.

 

pero kasi, mahirap ipaliwanag na kahit ganun sila,,

mahal ko pa rin sila. minsa nasasabi ko sa isip ko, may mabuting dulot din pala ang nagagawa ng tao kapag lasing. dahil sa pagkakamali na iyun, nabuhay ako.Cry

pero,

hindi naman ibibigay ni lord yung mga nanyari sa akin na hindi ko kaya diba? kaya nia to binigay kasi kaya ko!!!!!!

 

at, binigyan pa din nila ako ng pangalan. PATRICK ALEXANDER.

pinabinyagan nila ako para maging katoliko.

masaya na ako dun!!

 

yehey....

hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila.

sa mommy ko na kumuha sa kin dyan sa pinas.....

thank you po, kahit na aywa nyu sa alaga kong ahas. tinaggap nyo pa din siya. salamat kasi nakarating ako dito sa america at nagkakapgaral.  salamat.

 

geh......

(nakaka-adik ang blog. dito nalang ako lagi. daig ko pa ang may kakwentuhan sa chat..!!!)


ako si potpot's picture

huhuhhhu

kaya yung may mga magulang pa diyan, mahalin nyo sila, kahit pa minsan, nasasabi nyung epal kasi mahigpit, mahalin nyo pa din,. kasi malapit na sa inyo. abot pilik-mata na ang pagsasabi nyo na love nyo sila. kaya, love your parents most. love our god, more. nakatime ang isipan ko sa pilipinas, pero ang totoo, sa makalawa pa ang 24. dito.

eloisa marie hernandez's picture

asteg 'tong kwento ng

asteg 'tong kwento ng buhay mo pare. AyosLaughing. Nakakagaan din minsan ng loob na naikukwento dito sa site yung mga bagay na gusto mong ibahagi sa iba para matuto sila sa'yo at  maging inspirasyon 'tong buhay mo ( whoooh naks haha).

May mga kilala din akong katulad mo. Gaya mo, ganyan din ang mga tanong nila sa buhay. Pero dahil nakikita nila yung magagandang bagay sa paligid nila, naiiwasan na mapunta sila sa maling daan. Parang ikaw di ba? Kaya go, go, go fight! Cool(o ye, o ye!)

Ang importante lang naman dyan eh nasa tabi mo pa rin naman yung Mommy mo at kinikilala ka pa ring anak ng magulang mo. Tama ba? 

May mga bagay talaga na kailangang mangyari dahil may purpose. (wuuu, ako ba 'to? haha)

kaya potpot. Rakenrol! huwahaha  

PS

bakit potpot?

 

<(='.'=)> eloi

leigh13diwata's picture

mas okey pa...

... itong si POTPOT... nakakapagbigay ng mga payo sa mga matatanda...

hanga ako sa iyo POTPOT at taas ang kamay ko sa LOLA mo na nagpalaki sa iyo kasi nabigyan ka niya ng wastong panuntunan sa buhay upang lumaki at maging isang huwarang kabataan... panatilihin mo ang kababaang loob at manatili kang may pananalig sa AMANG LUMIKHA.. malayo pa ang iyong lakbayin at asahan mong kasama mo kaming mga kapatid mo dito sa FW sa bawat hakbang ng iyong buhay...

salamat sa pagbahagi ng iyong buhay.. touch ako.. hayaan mo, mamahalin ko ng husto ang mga magulang ko...

ingat lagi jan POTPOT!

... bata-batuta... malaki ang batuta...

Ailem23's picture

patrick

 okay lang bang tawagin kita sa pangalan mo hijo? hehe. It was so nice that despite of all, you never put yourself to the rebel side. sana lahat ng kabataan tulad mo, malawak ang pang-unawa at malakas ang loob..

you are right. kahit pagbali-baliktarin mo kasi ang mundo, hindi mababago na sila ang magulang mo. Nabuo ka man sa sa isang paraan na ginusto man nila o hindi, pasalamatan mo pa rin sila dahil hindi ka nila inabort. at least ngayon, nakikita mo pa ang kulay ng mundo. 

Ingatski,

Melay

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

keep it up

yaka mo yan bro!! you're stronger than you think!

~[derushagath]~