The Kontrabida

jonsdmur's picture

 

Without doubt, sa ating buhay, there is a KONTRABIDA  isang taong magiging sagabal sa tahimik mong buhay. In short, hindi nawawala ang mga taong maninira sayo saan ka man mapunta.

Ang buhay ay parang pelikula dahil sa totoong buhay ay may bida at may kontrabida. Ang kontrabida ang magbibigay nang malaking suliranin sa bida. At sa bandang huli ay lalabanan ito nang naaping bida.  

Ang kontrabida ang siyang sasaksak sa iyo nang patalikod at maninira sa abot ng kanyang makakaya. Kontrabidas makes your life miserable. Mga taong gagambala sa iyong katahimikan at patuloy na wawasak sa iyong pagkatao.

Minsan sa pelikula nagagalit o naiinis tayo sa mga nagiging kontrabida pero naisip mo na rin ba  na baka naging kontrabida ka na rin sa buhay ng iyong mga kaibigan. Naramdaman mo na ba na minsan naging kontrabida ka sa isang tao? At minsan, sa hindi sinasadya ikaw pa ang lumalabas na kontrabida?  

Heto ang aking kwento:

Bata pa lamang ako nagkaroon na ako ng yayang kontrabida. Api-apihan ang inyong lingkod. At tulad ng ibang bida hindi rin ako nagpatalo dahil lumaban ako at nagsumbong. Read my life story

http://www.filipinowriter.com/jonsdmur-proudly-presents-my-life-plus-ofw-stories-0

Nang ako ay naging studyante hindi rin ako nawalan ng kontrabida. Mga kaklaseng walang magawa kundi ang asarin ako at gawing katawa-tawa. Lagyan ng bubble gum ang aking inuupuan o di kaya siraan sa mga titser namin. Nakawan ng assignments o di kaya iwala ito. Buhay nga naman! Nanahimik pero hindi pinatatahimik.

Nang ako ay umibig sa unang pagkakataon ay may kontrabida na naman sa buhay ko at walang iba kundi ang aking ka-love triangle. At nang ako ay natalo sa laban ako na naman ang kontabida sa kanilang pagmamahalan. Bida-kontrabida ang papel ko ngayon. Sa bandang huli ako pa ang sagabal sa kanilang pagmamahalan... kontrabida sa mga kaibigan at kakilala ng lalaki. Ako na nga ang inagawan ako pa ang naging kontrabida sa buhay nila.

Sabi nga nila saan ka man mapadpad ay hindi nawawala ang kontrabida sa iyong buhay. At minsan aminin mo man o hindi naging kontrabida ka na rin sa tingin ng iba.

Ikaw kaibigan may kontrabida ka ba sa iyong buhay? Naranasan mo na rin bang maging kontrabida sa paningin ng iba?

Salamat


kontrabida sa buhay marami

kontrabida sa buhay marami ako nyan... kahit sa trabaho hindi ako nawawalan.. mga paninira at kung anu-ano pa... ganyan talaga ang buhay.. parang pelikula.. may bida at may kontra...

 

jonsdmur's picture

salamat agatha.. sana mabasa

salamat agatha.. sana mabasa mo rin ang ilang akda ko..

God bless

naku ako rin may kilalang

naku ako rin may kilalang kontrabida. di nya lang iniisip na siya yun pagkatapos ako pa ang tungkulin na masama. bwisit talaga. ok itong sinulat mo.

jonsdmur's picture

salamat din sayo Tilla

salamat din sayo Tilla Trinidad... Smile

sa tingin ko..

ito na lang, balanse talaga ang buhay at maganda ang pagkakalikha ng mga bagay.

kunsabagay paano nga ba kikinis ang dyamante kung walang nagbabagang apoy na kontrabida?

nakaka-irita sila minsan pero mahalagang papel ang kanilang ginagampanan.

 

ang sabi ng boss ko pagdating sa mga kontrabida: "don't get angry with them, get even."

minsan tama iyan. kaso wag ka na lang gumanti, isipin mo na lang mahal ka nila kasi ikaw ang makakalasap ng biyaya ng paghihirap..

gandang umaga jon.

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

Salamat sa komento... tama

Salamat sa komento... tama ka dapat huwag nang maghiganti... saka wag magalit.. naisip ko na may dahilan ang lahat kung bakit may kontrabida.... kahit sa teleserye ganun din... minsan dati silang mabait hanggang naging masama dahil sa paghihiganti at poot na nararamdaman...

Sige papakinggan ko ang mga awitin mo sa iyong site...

Salamat kaibigan... Smile

 

my pleasure sir....

my pleasure sir.... tinatapos ko lang ang jelous at babasahin ko na ang mga akda nyong nobela... nasilip ko lang ang mga komento sa sinulat nyo at mukhang maganda... cute namn ng aso....

jonsdmur's picture

kaw naman wag na sir... jons

kaw naman wag na sir... jons na lang o jonsdmur.... sige maganda ang kwento ng jealous sana matapos mo na... nangyayari un sa tunay na buhay...

Salamat sa interest na basahin mo ang mga akda ko...

Hindi yan aso.. ako yan pic ko hihiihhihihi

sige jons na lang kuya. yup

sige jons na lang kuya. yup natapos ko na rin ang jelous. baka bukas mabasa ko na ang la traidora. nabasa ko na po ung isang kwento ninyo nuong bata pa kayo. binasa ko bago mag duty.

sorry akala ko aso kamukha po kasi kayo

kapatid ko may hika 12 yrs old na siya. ventolin ang inhaler niya. lagi nga siya absent.

sige jons

eloisa marie hernandez's picture

hay nako, may mga ganyan din

hay nako, may mga ganyan din sa  uhay ko. Yung parang ang pakiramdam mo eh nasa teleserye ka.

kung ako naging kontrabida na? Ewan ko lang. Siguro. hehe.

 

naalala ko ang blog na ito.

naalala ko ang blog na ito. Pano ba naman kanina sa supermarket nakita ko ang kontrabida sa buhay ko. Ang gf ng ex bf ko dati, hai grabe...

Antipatika talaga grabe kung manira. sad to say sa kampo niya ako naman ang kontrabida... buhay nga naman...

 

jonsdmur's picture

ganyan talaga ang buhay..

ganyan talaga ang buhay.. minsan bida ka minsan kontrabida lalo na sa paningin ng iba.. ang mahalaga alam mong wala kang ginagawang masama....

Salamat sa pagbabasa ng mga akda ko.

Jonsdmur

salamat po? taga iloilo ba

salamat po? taga iloilo ba kayo? nabasa ko na po ang la traidora at galing nyo gumawa ng kontra bida.

 

jonsdmur's picture

salamat sa pagbasa. oo taga

salamat sa pagbasa. oo taga iloilo ako. pero sa ngayon nasa laguna ako.

habang ginagawa ko ang karakter ni Eloisa sa La traidora ay iniisip ko lahat ng kontrabida sa buhay ko..

salamat talaga. Masaya ako kasi may nagbabasa pa ng mga akda ko. matagal na kasi ang nobelang La traidora. Salamat sa interest na basahin mo ang mga isinulat ko.

jonsdmur

hi

Ok lang yan my kontrabida sa buhay natin, dyan nasusubok kun paano u malalampasan ang pagsubok di ba heeeeeeeeeeeee

jonsdmur's picture

salamat sa pagbisita sa blog

salamat sa pagbisita sa blog ko. May punto ka sa sinabi mo.. salamat

Ailem23's picture

parte ng buhay ang kontrabida

sa buhay natin, kung walang kontrabida walang career ang bida... bahala na lang tayo kung anong posisyon ang gusto nating maging.... kontrabida o bida...

maraming naging kontrabida sa buhay ko, ung tipong lahat na lang ay napuna sa akin kahit hindi ko naman siya inaano. pati talento ko ay harap-harapang nilalait... ang sarap sanang gumanti dahil kayang-kaya ko namang gumanti kung gugustuhin ko... pero dahil mali, hindi ko na lang pinapansin... natutunan ko na kapag lalo mong pinansin ang kontrabida, lalong tataas ang perseverance niya na asarin ka...

minsan, hindi ko na napigilan sarili ko... pinatay ko ang kontrabida ng buhay ko... pinatay ko sa nobela.... (imagine nyo na tumatawa ako... demonic laugh!) Ini-associate ko siya sa isang karakter namin ni eloi na naging biktima ng serial killing ng mga wiccans... Pero last na iyon... di ko na uulitin... bad un eh...

may kontrabida pa ba ngayon sa buhay mo kuya? iharap mo sa amin ni eloi nang maupakan... hehe joke lang po... Peace!

ingatski,

melay 

jonsdmur's picture

Hindi nagtatagal ang

Hindi nagtatagal ang kontrabida sa akin. Sila na mismo ang nagsasawa... kahit noong studyante pa ako maraming kontrabida...

Sila na mismo ang tumitigil dahil ikinatutuwa ko ang mga ginagawa nila heheheeheheh ako kasi ang lumalabas na bida eh ayaw nila ng ganun kaya titigil na sila.

Sa ngayon wala na.... sa pagkakaalam ko... sana wala ng dumating na bago...

Salamat sa komento

Jonsdmur

jonsdmur's picture

bubuhayin ko....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

dahil sa mga kontrabidang umaaligid sa ating paligid....

bakit kaya ang mga kontrabida... ay nasa paligid lamang... tahimik na nagmamasid....

jonsdmur

alam mo kung anong tawag ng

alam mo kung anong tawag ng mga "kontrabida" sa mga bida? Kontrabida din!

kasi first, ang tao sa sarili nya e bida ganoman siya kasama...

lumalabas lang na ang negatibo talaga ang kontra... pero in real life, maski si Gloria Macapag, tingin sa sarili nya bida...

jonsdmur's picture

sabagay may point ka rin

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

 

alam mo kung anong tawag ng mga "kontrabida" sa mga bida? Kontrabida

heheheheeh

ingat!

jons