La Traidora Part 2 - Si Melay at si Dyeppri

jonsdmur's picture
| | |

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Chapter Two

Kulang na lang ay paliparin ni Eloisa ang kanyang mga paa patungo sa bahay nina Melanie. Tanghali na kasi. Pagkalipas ng halos ng dalawang buwan na gabi-gabi siyang puyat dahil sa pagsusulat ng isang bagong nobela.

Isang kakaibang kuwento ang isinulat niya. Isang nobelang tumutukoy sa isang babaeng nagbigay ng himala sa isang bayan. Sa nobelang ito ay muli siyang nabuhayan ng loob. Isang pag-asa ang kanyang nasisilayan na sa unang pagkakataon ay makapasa ang kanyang nobela at kilalaning isang magaling na novel writer. Dahilan ito para yayain niya si Melanie na muling tumungo sa isang sikat na publishing company, ang Spikewest Publishing House.

Laking pasasalamat niya nang maabutan ang kaibigan na nag-aabang na sa kanya sa kalsada. Late na siya nang limang minuto sa pinag-usapan nilang oras. Nakangiting sinalubong naman siya nito na hindi mababakas ang inip na nararamdaman.

"Mukhang pinaghandaan mo ang araw na ito? Kumusta na ang babaeng nagbigay ng himala?" Ang tinutukoy nito ay ang karakter ng kanyang nobela.

Sinamahan niya ng tawa ang sagot niya. "Two months ko nga itong pinaghandaan," aniya at naagaw ang atensyon niya sa sipit nitong folder. "May bagong nobela ka?"

"Ahm, o-oo."

Kumabog ang dibdib niya at nagdulot ng masasakit na sundot sa puso niya sa sinabi nito. Sa tingin niya ay nabuhay na naman ang dating pangamba niya. Si Melanie kaya ang magtagumpay? Alam niya ang kakayahan nito. School days pa lang ay nilalampaso na siya nito kung pagsusulat lang din ang pag-uusapan. Paano kung ang nobela nito ang matanggap? At mabalewa ang nobelang pinaghirapan niya.

Napansin niya na nakahalata ito sa biglang lungkot ng kanyang mukha kaya wala siyang nagawa kundi panindigan ang kanyang kalungkutan.

"Melanie, hindi ko na talaga makakaya kapag na-reject pa ako." Muling nalukot ang mukha niya habang nakatingin sa kausap.

"Tama na ang drama," anito sabay hila sa kanya patungo sa terminal ng bus.

Naintindihan niya kung bakit nagsawalang kibo na lang ito. Ilang nobela na ba nila ang nabasura? Ilang publishing company na ang napuntahan nila? At dahil gusto nilang sumunod sa yapak ni Lualhati Bautista ay patuloy pa rin silang umaasa na balang araw ay ma-published ang kanilang mga akda.

Mahigit isang oras ang itinakbo ng bus patungo sa Ortigas Avenue. Halos itakbo na nila ang paglalakad makarating lamang ng Spikewest Publishing House. At makalipas lamang ng sampung minuto ay narating nila ang nasabing gusali.   

The building was great. Pakiramdam ni Eloisa ay nababagay siya sa gusaling kanilang tinatahak. At habang nasa loob sila ng elevator ay hindi niya mapigilan ang galak sa kanyang puso.

Dito ako nababagay, tanging wika ng kanyang isipan.

Hawak-kamay sila ni Melanie habang palabas ng elevator. Lihim niyang pinagmasdan ito. Naniniwala siyang tulad niya umaasa itong matatanggap ang nobelang ipapasa nila.

May the best woman won!

Magkaibigan sila ni Melanie pero pagdating sa nobela ay hindi siya magpapatalo. Ilang beses na siyang nasaktan at lihim niyang itinatago

Lumipad ang kanyang paningin sa pintuan ng lumabas ang isang matipunong lalaki. Napatayo siya sa kanyang kinauupunan. At muling tinitigan ang lalaking kaharap. Napako ang kanyang tingin sa mukha nito. He was undeniably attractive! Ang makapal at mahaba nitong buhok na umabot hanggang batok was fashionably cut. Makapal ang kilay at maamo ang mga mata nito na binagayan ng mahahabang pilikmata. He has fine features na sa tingin niya ay kamukha ni Eric Quizon.

Nahigit niya ang kanyang hininga habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lalaki. Mistula itong isang cover boy sa mga mamahaling men's magazines.

"Good morning! Call me Spike.... sa wakas nagawa na rin ninyo!"   

Sa sinabi nito ay saka niya na-realized kung ano ang kanyang ginawa. She looked like a stupid teenager swooning over his handsome face! Ang ngiti niya ay kaagad na nabura at napalitan ng pormal na ekspresyon.

"Sir, T-tanggap na po ba ang nobela namin?" agad na usisa niya.

"Yes, pero isa lang sa inyo ang napili ko. Isang nobela lang ang pasok sa panlasa ko,"  tugon nito at agad na iniabot ang isang white envelope. "Basahin ninyo ang laman ng envelop na ‘yan at mababasa n'yo ang ilang komento ko sa isang nobelang hindi ko napili. Nakasulat na rin diyan kung kaninong nobela ang napili ko."

Sa sinabi nito ay lihim siyang natuwa dahil sa lahat ng kumpanyang kanilang pinuntahan ito lamang ang naiiba at may pa-sopresa pang nalalaman. Agad niyang niyaya si Melanie na tumungo sa restroom para doon basahin ang laman ng envelope. Pagkapasok nila sa loob ng restroom ay hinawakan niya ang magkabilang kamay ng kaibigan. At sila ay nagtatalon at nagtitili sa sobrang kaligayahang nadarama.

"Basahin mo na," pautos na wika niya. May galak sa kanyang puso. At aaminin niya sa kanyang sarili na lubos siyang umaasa na siya ang nagtagumpay.

Nawala ang kurba ng ngiti sa kanyang labi nang mapansing lalong sumaya ang mukha ni Melanie. Isa na naman ba siyang talunan? Si Melanie na ba ang nagtagumpay?

"Eloisa, grabe heto na ang pinapangarap ko. Natupad na!" Uminit ang kanyang mata at lalo siyang natigilan sa kanyang kinatatayuan. Sa sinabi nito ay batid niyang ito ang nagtagumpay. Masakit pero kailangan niyang maging matatag.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya. Nabakas niya sa mga mata nito ang nararamdamang kaligayahan.

"E-eloisa, ito na ang pangarap ko..... ang pangarap kong maging isang writer ka. Ikaw ang napili... ikaw... ikaw, Eloisa."

Napakapit siya sa lababo. Hindi na niya kaya pang pigilan ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Sa kabila ng lahat alam niyang luha ito ng kaligayahan.

Lumapit sa kanya si Melanie at niyakap siya nito. Pansamantalang nagtagpo ang kanilang mga mata. Napakalas ang pagkakayakap niya rito nang biglang bumukas ang pintuan ng isang cubicle. Pareho silang napahiya dahil ang janitor ay kanina pa nakikinig sa kanilang usapan.

"Ano ba kayo? Kanina tawa kayo nang tawa, ngayon iyak kayo nang iyak," sambit ng janitor at lumabas na ito ng restroom. Sa nangyari ay sabay silang naghagikgikan at muling nagyakapan.

Nasa puso niya ang matinding kaligayahan. Hindi dahil sa tagumpay niya kundi sa unang pagkakataon ay nakalamang siya sa kaibigan. Pinangako niya sa sarili na hindi na siya muling magpapatalo rito dahil gagawin niya ang lahat para maging isang magaling na novel writer.

SOBRANG galak ang kanyang naramdaman ng una siyang lumuwas ng Maynila para pumirma ng kontrata. At ang sayang naramdaman ay abot-langit nang muli niyang makita si Spike. Inalok siya nito na maging Editor-in-chief at agad niya itong sinunggaban. Sino ba siya para tumanggi sa isang napakagandang alok.

Ngayon ay nakahanda na siya para lumuwas ng Maynila. Bagong buhay ang naghihintay sa kanya. Isang buhay na pinapangarap niya. Sa abot ng aking makakaya ay aabutin ko ang bituin ng aking mga pangarap.

Natauhan siya nang tapikin siya ni Melanie sa balikat. At doon lamang niya napansin na nasa harapan na sila ng bus. Humarap siya rito para magpaalam pero pansamantalang hinawakn siya nito sa balikat.

"Eloisa, kapag nakarating ka na ng Manila sana ‘wag mo kaming makalimutan. Sana matulungan mo akong sumunod sa yapak mo," pamamaalam nito sa kanya.

"Sige, titingnan ko. Ulitin mo na lang ang mga nobela mo. Hindi kasi akma sa panlasa ng iba," tugon niya at agad na binitbit ang maleta bago sumakay ng bus.

Marahang isinandal niya ang kanyang likuran sa sandigan ng upuan ng bus. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

ABOT tanaw pa rin ni Melanie ang bus na sinakyan ni Eloisa. Mababakas sa kanyang mukha ang kaligayahan sa tagumpay nito. At mas magiging kompleto ang kasiyahan niya kung sana ay kasama siya sa pag-akyat ni Eloisa sa tuktok ng tagumpay.

Eloisa hired as Editor-in-chief. Isang bagay na pinapangarap niya. Given na roon na masaya siya sa tagumpay nito but, still sinasalakay siya ng matinding selos sa dibdib.  Paano niya matatanggap ang kabiguan kung sa simula pa noon ay siya ang napupuri sa larangan ng pagsusulat?

Oh, Melanie you should be thankful sa tagumpay ng friend mo, sabi ng kanyang isipan saka humugot ng hangin.

After a weeks ay naisipan ni Melanie na ipagpatuloy ang nobelang ginagawa. Napahinto siya sa harapan ng sementeryo saka huminga nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng sementeryo. Nagulat siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at laking tuwa niya dahil mula kay Eloisa ang mensahe.

            "Halo frend psa ka ng nbela

Bigay ko sayo add. Pdla mo na lang lbc

Sure pasok yan.tulungan kita"

Halos magtitili siya sa mensaheng natanggap at hindi na niya alintana na lihim siyang pinagmamasdan ng mga babaeng nagwawalis sa loob ng sementeryo at ito ay natatawa sa kanyang pagtitili.

"Tatapusin ko na ang nobela ko para maipadala ko na kay Eloisa," wika niya sa sarili at masayang naglakad papunta sa paborito niyang tambayan. Ito ay isang nitso na naka pwesto malapit sa puno ng Balite.

Ang nobelang isinusulat niya ay tungkol sa isang babaeng ginahasa sa loob ng sementeryo. Ito rin ang nobelang ipapasa niya sa Spikewest Publishing House kung saan kinuha si Eloisa bilang isang Editor-in-chief.

Umupo siya sa isang mataas na nitso kung saan makakaupo siya nang maayos. Kinuha ang ballpen at papel at nagsimulang ipagpatuloy ang nobelang isinusulat.

"Busy ba?" Isang malaking boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Unti-unti siyang humarap at nakaramdam siya nang takot dahil isa itong malaking lalaki. "Miss, mukhang busy ka sa pagsusulat. Ano ‘yan kwentong pambata?" dagdag pa nito habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Natahimik siya at nawala ang takot na nararamdaman  dahil mukhang mabait ang kaharap. Ang mga mapupungay nitong mata ay bumagay sa matangos na ilong. Maputi at malaki ang pangangatawan nito. Napalunok siya nang muli niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Shit, kamukha siya ni Gabby Concepcion, tanging nasa isip niya.

"Hey, you look familiar at parang nakita na kita," sabi nito habang tulala pa rin siyang nakakatitig sa maamo nitong mukha. "Hmmmm! Suplada mo naman. Ano ginagawa mo dito?"

Tumayo siya at tama nga ang kanyang hinala  dahil hanggang balikat lang siya nito. "Hindi mo ba nakikita at nagsusulat ako. Puwede ba umalis ka na dito," mataray na sagot niya sa lalaki habang nakataas ang dalawang kilay. Napatawa ang lalaki na siyang ikinainis niya. "Anong nakakatawa? Baliw ka yata," dugtong niya habang taas noong nakatingin rito.

Tumigil ito sa kakatawa at kinindatan siya. "Cute ka kasi lalo na kung nakataas ang dalawang kilay, saka kung titingnan ka para kang grade six." Muli itong tumawa na lalong ikinainis niya.

"Kung ako sayo umalis ka na dahil sisigaw ako," pananakot niya sa kausap.

Mula sa bag nito ay may kinuha itong isang puting kandila. Sinindihan ito at inilagay sa ibabaw ng nitso. Natahimik siya at parang nakonsensiya sa sinabi. Naisip niya na siya pala ang dapat na umalis at hindi ito. Sa hiyang naramdaman ay minabuti niyang umalis na lang pero napansin ito ng lalaki at agad siyang pinigilan.

"Wait! Melanie," tawag nito sa kanya. Pumaling ang ulo niya paharap rito. Lumiit ang mga mata niya, halatang nangingilala, bago bumalik sa normal na laki ang mga iyon. "I'm Jeffrey!" dugtong nito.

"Who are you? Hindi kita kilala."

Lumapit ito sa kanya at mula sa wallet nito at kinuha nito ang isang picture ng isang cute little angel at masayang pinakita sa kanya. Halos mapasigaw siya sa sobrang kilig nang makita ang picture. Kilala niya ang picture na iyon dahil iyon ang pinaka paborito niya sa site ng FilipinoWriter. Muli siyang napatingin sa kausap at siya na mismo ang kumuha ng kamay nito para makipag kumustahan. 

"Ikaw ba talaga ‘yan? Kuya Dyeppri?" sabik na sabi niya na hindi mapigilan ang tuwa na nararamdaman.

Matagal na niyang hinahangaan ang lalaking ito sa site ng FilipinoWriter at talagang todo ang suporta niya dito. Kapag may bagong post ang binata at napansin niyang walang nakakapansin sa akda nito ay  siya na  ang unang magbibigay ng komento para sa sinulat nito. Ilang saglit lang ay natigilan siya at naisip kung paano siya nakilala nito. Gusto niyang itong tanungin pero ito na mismo ang unang nagsalita.

"Kanina pa kita pinagmamasdan at naalala ko na ang Melanie sa site ng FilipinoWriter ay dito nakatira sa bayan na ito. Isa pa kilala ko ang picture mo sa site at pangalawa, ang damit na suot mo ngayon ay iyan din ang damit na suot mo sa picture. Pangatlo, nakita kitang nagsusulat. Alam kong mahilig kang magsulat sa loob ng sementeryo. Lintanyang sabi nito na may mga ngiti sa labi.

Natigilan siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya akalain na makikilala siya ng idol niya. Naalala niya na tama nga ang binata. Sa lahat ng member ng FilipinoWriter ay siya lang ang bukod tanging naglagay ng close-up photo samantalang ang iba kung hindi anime, picture ng artista ang nakalagay.

"Sandali lang, magsisindi lang ako ng kandila," sabi nito at sinindihan ang kandilang nawalan ng apoy.

Lumapit siya sa lalaki na may lungkot sa kanyang mukha. "Sino ‘yan? Sorry kanina sa mga nasabi ko. Ako pala ang dapat na umalis at hindi ikaw."

"Wala iyon, siya si Isabel katulong namin."

"Ha, katulong? Aba, dakilang amo," tugon niya at hindi napigilan ang mapahagikgik sa kanyang nasabi. Nakalimutan niya na patay na pala ang pinag-uusapan nila.

"What's wrong Melanie?" seryosong tanong nito na ikinatahimik niya.

"Sorry, ganito lang talaga ako kuya," pagdadahilan niya at hindi napigilan ang mamula sa hiyang nararamdaman.

"Katulong namin si Isabel. Gusto niyang paglingkuran ang pamilya namin para tumanaw ng utang na loob sa lahat ng naitulong ng parents ko sa pamilya niya. Isang araw nagulat na lang kami at nagpaalam itong umuwi. After one month nabalitaan namin  na namatay dahil sa cancer."

Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. Nakita niya sa mga mata nito ang kalungkutang nadarama.

"Isabel, si Melanie.... Melanie, si Isabel," kaswal na sabi nito sa kanya habang itinuturo ang puntod ni Isabel.

"Hello! Isabel," sabay kaway sa puntod ni Isabel at hindi niya napigilan ang matawa. Bigla siyang natauhan nang makitang seryosong nakatingin sa kanya si Jeffrey. "Siensya ka na ganito lang talaga ako," dugtong niya at pinigilan ang sarili na matawa muli.

"Halika na!" Wala na siyang nagawa kundi ang sumama palabas ng sementeryo.

Nalaman niya na nagbabakasyon ito sa kanilang bayan. Ang mga magulang nito ay tubong Batangas. Nabatid niyang sa Manila ito naninirahan at nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya.

"Alam mo hanga ako sa galing mo.  Sa tuwing binabasa ko ang mga akda mo ang saya ko kasi may lalaitin na naman ko," ani nito kasabay ng isang malutong na halakhak.

"Ganoon? Oo nga, hindi ko pa nakakalimutan ang unang komento mo sa akin."

Huminto si Jeffrey sa paglalakad na siyang ikinagulat niya. Huminto sila sa isang malaking puno.

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong niya sa lalaki.

"Uuwi na ako sa bahay ko?" kaswal na sagot nito.

"Uuwi?" sagot niya at iginala ang paningin sa buong paligid. "Okay ka lang? eh, Wala akong nakikitang bahay dito."

"Dito ako nakatira." Itinuro ang isang malaking puno. Sa sinabi nito ay lumaki ang mata niya sa natuklasan.

"Dito? Dito ka nakatira? Eh, puno ng balite ‘yan? Ano ka kapre? Hahahahaha," napatigil siya sa kakatawa nang itinuro ng binata ang bandang itaas ng puno at siya mismo ang humanga sa isang tree house na kanyang nakita.

"Pinili ko ang puno ng balite kasi matibay at malaki pero dalawa lang ang pinagpilian ko kung hindi balite baka puno ng niyog."

Muling napahagikgik siya sa tinuran ng kanyang kuya-kuyahan. Pakiramdam niya ang tagal na nilang magkakilala sa personal. Mabait naman ito kahit lagi siyang niloloko sa site at maligaya siya kapag nagbibigay ito ng komento sa mga akda niya. Tandang-tanda pa niya na minsan nang naging chat room ang site dahil sa mga usapan nila. Ngayon, nasa harapan na niya ang lalaki at personal na niyang nakakausap.

"Halika, akyat tayo para maipakita ko sayo ang mga koleksyon kong libro," wika nito sabay Gusto niyang tumutol pero parang may nagtulak sa kanyang sumunod dito. At dahil gusto niyang maranasan ang umakyat sa puno ng balite. Aaminin niyang natatakot siya sa pag-akyat dahil sa buong buhay niya ay puno pa lamang ng bayabas ang kanyang naaakyat. hila sa kanya.

"Wow!" Humanga siya sa kanyang nasisilayan. Yari ito sa kawayan at maganda ang pagkakagawa. Lahat ng kasangkapan nito ay napakasimple; pawang gawa sa kawayan lahat ng kagamitan pati na ang maliit na papag nito. Lumipad ang kanyang paningin sa mga librong nakakalat sa sahig. Napangiti siya nang mahagilap nito ang isang nobela ni Lualhati Bautista. Napagtanto niya na nagbabasa rin ito ng mga nobela.

Sa dulo ng tree house ay may yerong nakaharang. Akma niya itong pupuntahan para tingnan subalit agad siyang pinigilan nito.

"Huwag kang lalapit diyan. Hindi pa tapos ang pagpapagawa ko. Wala pang pako ‘yan," babala nito sa kanya.

Muli niyang pinagmasdan ang buong paligid. Dumako siya sa bintana ng tree house at napalanghap siya dahil sa sariwang hangin. Maya-maya nakaramdam siya nang panghihilo dulot ng malakas na hangin dahilan para umuga ang tree house. Pakiramdam niya ay matutumba siya sa kanyang kinatatayuan.

"Natatakot ka ba?" malambing na tanong nito sa kanya na ngayon ay nasa likuran niya na handang sumalo sakaling matutumba siya. Humarap siya sa lalaki at nagpanagpo ang kanilang mga mata.

"Kuya ‘wag!" agad niyang sabi nang mapansing unti-unting nagkakadikit ang kanilang katawan at dahan dahang naglapat ang kanilang mga labi. Napapikit siya habang nilalasap ang matamis nitong halik.

"Hoy! Okay ka lang diyan? Bakit ka nakapikit?" pagulat na tanong nito nang mapansing nakatulalang nakapikit siya.

Natauhan siya sa kanyang kahibangan at nagmamadali siyang pumunta sa pintuan ng tree house. Nakakahiya ang kanyang imahinasyon kaya kailangan na niyang umuwi. Saglit siyang natigilan nang maalalang  marunong siyang umakyat pero takot siyang bumaba. God, ano na ang aking gagawin takot akong bumaba.

"Bakit gusto mo nang uuwi? Hindi ko pa nga naipapakita sa  iyo ang mga libro ko," malungkot na tanong nito sa kanya.

"Nahihilo ako." Nagtaka siya dahil tumalikod si Jeffrey at lumuhod ito.

"Oh, Sige na sumakay ka na sa likod ko para makababa ka na. Pansin kong takot kang bumaba."

"Ano? Ayoko nga!" pagtutol niya sa kausap. Hindi niya lubos maisip na kaya niyang umaba sa likuran nito para lang makababa ng tree house.

"Sige, ikaw ang bahala. Bumaba ka na at mag-ingat ka dahil baka mahulog ka pa." Tumingin siya mga mata nito. Nabasa niya roon ang kaseryosohan nito.

Napapikit siya at nag-isip. Alam niyang hindi niya kayang bumaba ng tree house dahil mataas ito. Takot siyang bumaba kaysa sa umakyat.

"Well, payag na ako."

Sa sinabi niya ay muling tumalikod ito at inihanda ang likuran para maka-aba siya. Malapad ang likuran ng binata at mahigpit siyang kumapit  na parang isang bata na karga karga ng kanyang ama.

"Ay!" sigaw niya habang pababa sila ng tree house. Lalong napahigpit ang kapit niya sa lalaki. Gusto niyang ipikit ang kanyang mga mata at itaboy sa isipan ang mga nangyayari sa kanya. Hindi niya lubos akalain na ang isang katulad niya ay naka-aba sa likuran ng isang lalaking hindi pa niya gaanong nakikilala sa personal.

"Miss little girl hindi ka pa ba aalis sa likuran ko at nasasakal na ako?" tanong nito at medyo hinihingal na at doon lamang niya napansin na kanina pa pala siya ibinababa nito ngunit napasarap ang kapit niya at nakapikit pa  ang kanyang mga mata. Biglang tayo niya at inayos ang sarili.

"Hoy, tandaan mo hindi na ako a-akyat diyan sa bahay mo." Tumaas na naman ang dalawang kilay niya na ikinatuwa naman nito. Ang totoo masaya siya dahil sa buong buhay niya ngayon lang siya naka-akyat sa isang tree house at ngayon lang siya naka-aba sa likuran ng isang binata.

Sa kanilang likuran ay may isang taong tuwang-tuwang habang palapit sa kanila.

"Frienship!" bati ni Sanjie kay Melanie. Kanina pa pala ito sa kanilang likuran at lihim na nagmamasid. "Galing ako ng palengke at parang may nagtulak sa akin na mapadaan dito." Halos kiligin ang kaibigan habang nagsasalita.

"Sanjie, siya pala si Jeffrey."

"Ako naman si Sanjie," sabi nito habang ang mga mata ay nakatitig kay Jeffrey.

"Sanjie? Member ka rin ng  FilipinoWriter, tama ba ako?"

Isang matamis na ngiti ang iginanti ni Sanjie bilang sagot sa tanong nito.

"Siya ang may angel na picture. Siya si Dyeppri." hirit ni Melanie na siyang ikinagulat ng kaibigan.

Halos magtitili si Sanjie sa natuklasan at dahil sobrang hiya na ang nararamdaman ni Melanie ay agad niyang hinila si Sanjie palayo kay Jeffrey. Sinenyasan niya ang lalaki na tanda ng pamamaalam. Nang makalayo na sila ay isang maliit na kurot ang binigay niya sa kaibigan.

"Ouch, ano ba sister ang sakit ha," inis na sabad nito habang pilit na pinipigilan ang sarili na matawa.

"Ikaw, alam mo nakakahiya ka. Baka isipin niya kinikilig tayo."

"At bakit? Hindi ba? Aba, kung alam ko lang super grabe ang kilig mo. May payakap-yakap effect ka pa diyan."

"Hoy, sabagay tama ka." Sa sinabi niya ay pareho silang humagikgik at nagtatalon sa sobrang kilig. Hindi nila pansin na ang lalaki ay nasa isang sulok at palihim na natatawa sa mga pinag-uusapan nila.

 

ISANG buwan na ang nakalipas mula nang ipadala niya kay Eloisa ang nobelang isinulat niya sa loob ng sementeryo. Aaminin niyang masama ang loob niya sa kaibigan dahil hindi ito nakikibalita sa kanya. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at naisipang tawagan ito.

"The number you dialed is not in service, please hang up and call again"

Nagkibit-balikat na lamang siya at tahimik na umupo sa hagdanan ng kanilang bahay. Kinuha niya ang wallet sa bulsa at kinuha ang isang letrato nila ni Eloisa. Kuha nila ito sa isang workshop. Mababakas sa kanilang mukha ang labis na tuwa habang nagpapakuha ng letrato.

"Melanie, gandahan mo ang posing at baka ma-discover tayo," masaya nitong sabi habang nagpapakuha ng letrato."

Matapos nilang kuhanan ng letrato ay may lumapit sa kanilang isang matandang lalaki.

"Ms. Melanie, ang ganda ng stories na isinulat mo at sa tingin ko sa inyong dalawa ikaw ang magiging isang sikat na novelist."

Natuwa siya sa sinabi ng lalaki pero nalungkot siya nang makitang may mga luha sa mata ng kaibigan.

Sa tagumpay ni Eloisa ay masasabi ni Melanie na masaya siya para sa kaibigan pero sa  sulok ng kanyang puso ay may nakatagong inggit.  Si Melanie na magaling. Si Melanie na walang katulad sa pagsulat ng nobela ay natalo ng isang Eloisa na kailanman ay hindi napuri sa kanyang talento. Bata pa lamang sila ni Eloisa ay mahilig na silang magsulat. Lahat ng writing contest sa school ay nasalihan nila at laging siya ang panalo. Pinupuri ng mga professor at kapwa estudyante pero bakit si Eloisa ang napili ng publisher? Siguro nga talagang mapalad ang kaibigan. Isang buntung-hininga ang pinakawalan niya at muling ibinalik ang letrato sa kanyang wallet.

Napatingin siya sa kanyang relo at nagulat siya dahil alas-tres na nang hapon. May usapan sila ni Sanjie na susunduin siya nito para magpahangin sa Plaza. Agad siyang pumasok ng kwarto at agad na nagbihis at humarap sa malaking salamin. Natatawa na naman siya sa kanyang sarili dahil sa unang pagkakataon ay nagsuot siya ng palda. Ito ang niregalo sa kanya ni Eloisa noong kaarawan niya at ngayon lamang niya ito isusuot.

Lumabas na siya ng kuwarto at naabutan niya ang kanyang Ate Pauline na masayang naka-online sa Filipinowriter. Nginitian na lamang niya ang kanyang Ate at lumabas na siya ng bahay.

"Ang tagal naman ng bruhang Sanjie," bulong niya sa kanyang sarili. Nag-usap sila kaninang umaga na eksaktong alas-tres siya susunduin nito.

Hindi siya mapakali habang nakaupo sa isang sementong upuan at napatayo siya nang masilayan niya si Sanjie na papilay-pilay pa kung lumakad.

"Anong nangyari sayo at paika-ika kang lumakad?" masayang salubong niya kay Sanjie.

"Eh, kasi naman nadulas ako habang pababa ako ng tree house." Lumaki ang mata niya sa sinagot nito sa kanya.

"Tree house? Anong ginawa mo doon?" takang tanong niya sa kaibigang himas-himas ang paang masakit. May pumasok sa kanyang isipan kung bakit medyo pilay ang kaliwang paa ng kaibigan. "Uy, baka naman may ginawa kang kalokohan."

"Loka, ano na naman ang pumasok sa kokote mo?" Umupo si Sanjie sa isang upuang kahoy malapit sa kanilang kinatatayuan. "Eh, kasi naman napadaan ako sa puno ng Balite at nagulat ako dahil may sumipol sa akin. Tumingala ako at nagulat ako dahil may nakadungaw sa bintana ng tree house. Isang malaking kapre este isang malaking cute guy, si papa Jeff." Halos tumalsik na ang laway nito sa sobrang kilig habang nagsasalita.

"Tapos umakyat ka? Anong ginawa mo?" kilig na usisa niya.

"Well, may binigay siya sa akin?" agad na tugon nito sabay dukot sa kanyang bulsa.

"Ano ‘yan? para sayo?"

"Hindi, para sayo friendship." Isang kapirasong papel ang inabot sa kanya nito. Agad niya itong binasa at napansin niyang tula na para sa kanya.

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Madilim ang loob

Parang kakainin ako ng buong buo

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Makulay ang loob

Pero bat ang hirap pumasok

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Kulay dugo ang loob

Ayoko ko ng pumasok

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Parang sasabog ang loob

Pinipilit akong pumasok

Tok , tok ,tok, tao po

Bakit ayaw magbukas ang pinto

 

P.S. pwede ba akong pumasok sa iyong pintuan? Tok..Tok..Tok...

Sumingkit ang mga mata niya sa sobrang pagkainis. Hindi na niya nagawang tapusin ang tulang binabasa at nakuha na niya ang mensahe nito at alam niya kung ano ang ibig ipahiwatig nito. Naisip niyang puntahan ang lalaki at ibalik ang tulang ginawa para sa kanya. Pakiramdam niya ay nabastos siya ng lalaking nakatira sa puno ng Balite. Sa isip niya ay hindi siya papayag sa gustong mangyari ng lalaki. Agad siyang sumugod sa puno ng Balite at iniwan niya si Sanjie at wala na itong nagawa dahil masakit pa ang mga paang napilayan.

Pinagmasdan niya ang puno ng Balite at napansin niyang may tao sa loob ng tree house. Heto na naman siya at muling a-akyat sa mataas na puno ng Balite. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad niyang inakyat ang puno para marating niya tree house. Hindi na niya pinansin na siya ay naka-palda lamang sa mga oras na iyon.

"Hoy! Lalaki nasaan ka?" malakas na sigaw niya habang papasok ng pintuan.

Pareho silang nagulat ni Jeffrey. Nagulat ito dahil sa lakas ng boses niya samantalang siya ay nagulat dahil walang damit na pang-itaas ang lalaki.

"I-ikaw, ano ang tula mo? Para saan ‘yon?" tanong niya at hindi niya magawang sulyapan ito.

"Para sayo Melay. Nagustuhan mo ba?" Lalong nainis siya sa kanyang narinig. Lalo siyang lumapit sa binata at ito ay hinarap.

"Alam mo manyak ka at kung akala mo makukuha mo ako nagkakamali ka."

"Ha? ano?" tanong nito na hindi maunawaan ang mga pinagsasabi niya.

"Ang tula mo. Akala mo hindi ko naintindihan? tok! tok! tok! tao po.Ang tula mo malaswa! Akala mo makukuha mo ako?"

Malakas na tawa ang iginanti ng binata na lalong ikinainis niya. Pakiramdam niya ay lalo siyang inasar nito. Huminto ito sa katatawa at humarap ito sa kanya.

"Alam mo ibang kahulugan ang ipinahihiwatig ko doon. Baka naman iba ang naiisip mo. Ikaw ang nagbigay ng ibang kahulugan?"

Natauhan siya sa narinig. Naisip niya na baka nga tama ang binata. Siya lang ang nagbigay ng kahulugan sa tula. Ibig sabihin siya ang malaswang mag-isip. Shit! Nakakahiya, bulong niya sa sarili. Tumalikod siya rito para maikubli ang pamumula ng kanyang pisngi. Naisipan niya na lumabas na lang at baka maiyak pa siya sa sobrang kahihiyan pero naalala niya na hindi siya marunong bumaba ng tree house. Oh, hindi! halos maiyak na siya sa kanyang naisip dahil muli na naman siyang kakalungin ng binata para muling makababa ng tree house.

"Alam mo pagod na pagod na ako, parang gusto kong matulog muna." anitong habang naghihikab.

"Hoy, ibaba mo ko dito."

"Aba! ang bilis mong umakyat kanina. Akala ko nga may bagyong dumating," tugon nito kasabay  ng isang malutong na halakhak na lalong ikina-asar niya.

"Okay, bati na tayo. Ibaba mo na ko dito."

"Eh, kung ayaw ko."

"Sisigaw ako ng rape?"

"Eh, di sumigaw ka," sagot nito habang nakangiting pinagmamasdan siya na hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

Natigilan siya nang mapansing nakatitig sa kanya ang lalaki. Napadako ang tingin niya sa balbong dibdib nito. Sa kanyang isipan ay naghihinala siyang may gagawing hindi maganda ang lalaking kaharap.

 "Ikaw, ‘pag hindi mo ko ibinaba dito, tatalon ako." Lumakas na ang boses niya sa tindi ng pangambang nararamdaman. Sa sobrang galit niya ay pinaghahampas niya ng kamay ang dingding ng tree house hanggang sa marating niya ang isang bahagi nito na hindi pa gaanong naaayos. Napasandal siya dito at biglang nabuwag ang dingding. "Ahhh," bulahaw niya.

Mabilis ang mga pangyayari at tuluyan na sana siyang mahuhulog sa tree house ngunit mabilis ang pagsaklolo sa kanya nito at agad siyang nahawakan paa. Pakiramdam niya ay bumaligtad ang mundo niya. Nalulula siya sa kanyang kinalalagyan  at lalong bumaliktad ang sikmura niya nang malaman niyang sa paa siya nahahawakan ng lalaki.

"Huwag kang malikot Melay. Hihilahin na kita." 

"Oh! Shit!" daing niya. Ngayon talagang sigurado na siya na sa mga paa siya nahahawakan ng lalaki. Nahulog siyang pabaliktad at nahawakan nito ang kanyang kanang paa para hindi siya tuluyang mahulog. Lalong namutla siya nang maalala niyang nakapalda lamang siya at ito ay bumaliktad na dahilan para matabunan ang kanyang mukha.

"Bitiwan mo ko. Gusto ko nang mamatay," malakas na sigaw niya. Ang totoo takot siyang mamatay pero sa hiyang kanyang nararamdaman ay parang gusto na niyang mamatay.

Malakas ang binata dahilan para mabuhat siya at maiahon sa tree house. "Ikaw, walang hiya ka. Ano nakita mo? Ano nakita mo?" Halos hampasin na niya ang buong katawan ng binata sa sobrang galit at hiyang nararamdaman at dahil naiirita na ito sa bunganga niya ay ito na ang nagkusa para kalungin siya at ibaba sa tree house.

"I hate you! I hate you!" malakas na sigaw niya habang pababa sila ng tree house at tulad ng dati naka aba siya sa likuran nito.

Hindi na napigilan ni Melanie ang maiyak sa sobrang kahihiyang naganap at nang nakababa na sila sa tree house ay agad siyang tumakbo palayo rito.

"Melay!" Napahinto siya sa kanyang pagtakbo saka lumingon sa binata. "Mahilig ka pala sa Hello Kitty," sigaw nito habang may ngiti sa mga labi. Lalong nainis dahil naalala niya na ang underware na suot niya ay may Hello Kitty.

"Ahhhhhh! Ayoko na," malakas na sigaw niya habang patuloy sa pagtakbo.

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

jonsdmur

jonsdmur

My Second novel sa site na ito........ saka ko na uli edit...

jonsdmur@yahoo.com

 

Nahirapan ako kung ano ang ipapangalan ko sa babaeng naka-itim.... ngayon alam ko na! hihihihihihi

 

paunawa: Parang nagulo sa copy paste... 


AttachmentSize
la traidora.jpg77.75 KB
jonsdmur's picture

 It's na nice story na

 It's na nice story na dapat ninyong abangan hehehehe... Sa lahat ng tumangkilik ng Cocoy salamat po..... Abangan ang La Traidora pagkatapos ng MASKARA ni Garuthay.(The MASK of Garuthz), a short story.

si jonsdmur ay nag propromote ng kanyang nobelang DOON LANG at AKO SI COCOY, a virgin boy.... please read and give a comments hihihihih!

eloisa marie hernandez's picture

whahaha! whahahahaha!

Haha! Aabangan ko yan. Si ate ang bida? hahahaha! Ayos ah, parang pelikula... Ate melay! bagong raket? hehe...

 ito na yung sinasabi mo kuya ano? haha! natatawa na talaga ako mag-isa dito. hindi ko ,mapigilan.

jonsdmur's picture

heheheeh... wag kang

heheheeh... wag kang mag-alala starring ka dito hehehehe.... gusto ko nga ilagay pic mo dyan heheheh... thnks sa pag komento.. ikaw ang una.... malagay nga sa eksena ang humaba ang leeg mo sa exam hehehe... keep on writing.... jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

whehe..

ako talaga yung kontrabida ano? Ayus yan. matutpad na ang pangarap ko. Haha!

Sa wakas ate melay, matutupad na ang pangarap natin. Mag-aaway na rin tayo. ahuhuhu. Sa story nga lang.

Ailem23's picture

pasingit sa usapan...

wow.... dramatic pero natatawa rin ako... lam mo na kung bakit...pinag-usapan natin sa text di ba? hahaha.. I can't imagine talaga.... kontrabida si eloi dito... ay naku...aabangan ko 'to... pag di ko nagustuhan, di na tayo bati... hehehe. joke lang.... pasensiya ka na kung natatawa kami... walang kinalaman ang concept ng story sa dahilan kung bakit kami natatawa... ganito lang talaga kaming mag-pinsan... hahaha.

kinilabutan ako nang mabasa ang pangalan ko... hehehe. di ko alam kung bakit...

pagbutihan mo kuya...  

dyeppri's picture

astig ito ah!

Ibang klase na ang level mo jons ah! astig na astig ito at parang peluka este pelikula ang dating noong dalawang babae!!! nice post... kakatawa na sa umpisa pa lang...comedy b 2 o suspense? abangan... 

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

jonsdmur's picture

heheheh... natutuwa po ako

heheheh... natutuwa po ako at nakita ko kayo dito.... huwag kayong magalala kayo ang leading man ng La traidora hehehehe.... jonsdmur

silvertearz's picture

kuya jons aabangan ko rin

kuya jons aabangan ko rin toh...

 

more power to u... 

jonsdmur's picture

Salamat sa inyong lahat....

Salamat sa inyong lahat.... abangan.... pagkatapos ng Maskara ni Garuthay..... di pa tapos ang shooting...... hehehehe  jonsdmur

jonsdmur's picture

salamat at iyong

salamat at iyong inaabangan.... jonsdmur

orthochild's picture

Astig!

Aabangan ko 'to promis!!!!

tapos print ko at ibebenta sa bangketa waaahhhhh..... joke

 

 

Sometimes I Run, Sometimes I Hide.... Hit me baby one more time!!!

jonsdmur's picture

kuya kim salamat.... thnks

kuya kim salamat.... thnks sa pag abang  

 Sometimes U Run, Sometimes U Hide.... Hit U baby one more time!!! 

jonsdmur

pasali sa nobela hehehe

Sama ako kahit alalay lng ni melay hehehehe

 

aStig ng likod ng babae? kaka excite ah! basta jons kasama ako jan ah hehehe extra mo lng hehehe 

Sanjie

jonsdmur's picture

hihihihhii! thanks sa pag

hihihihhii! thanks sa pag abang... yup kasama ka dun... abangan.....jonsdmur

Sana nagustuhan mo ang role mo dito... salamat...

jonsdmur's picture

heto na po ang karugtong...

heto na po ang karugtong... enjoy reading..... jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

"Makapal na ang mukha mo Eloisa. Hindi na kaya ng sampal."

"Makapal na ang mukha mo Eloisa. Hindi na kaya ng sampal."-  hehe... gano kakapal?

nai-imagine ko tuloy hahambalusin ako dito ng bareta o kaya ibabato sakin yung mga libro sa bookstore hehe.

Ayos to ah. Pasensya na kuya, kung hindi lang pangalan namin yung ginamit, madadala ako sa emosyon. kaya lang kuya, natatawa talaga ako kapag nakikita ko pangalan namin. Haha!

Oi ate melay, try din natin 'to once hehe. Gagawa din tayo ng eksena. Hehe.

Grabe hindi ko kinaya ito! Whooo.

 

 

Ailem23's picture

sa wakas... nabasa ko na rin...

Comments sa technical… ang mga susunod na comment ko ay ayon lang po sa aking nalalaman base sa aking mga natutunan sa workshop at sa aking mga mentor. Inilagay ko po ito dito para po makatulong sa iba… baka sakaling makatulong po ito... comment na ito sa 1 and 2...

1. sentence construction…

eto ung quoted sentence na considered as one sentence.

"Hindi ito totoo. Panaginip lang ito." Bulong ni Melanie sa kanyang sarili.

Ganito dapat ito: "Hindi ito totoo. Panaginip lang ito," bulong ni Melanie sa kanyang sarili.

Eto ung quoted sentence na considered as two sentences.

"O, Melay. Hindi ka pa ba aalis?" nagulat si Melanie sa biglang salita ng kanyang ate.

Ganito dapat ito: "O, Melay. Hindi ka pa ba aalis?" Nagulat si Melanie sa biglang salita ng kanyang ate.

>>>See the difference…  Naka-highlight ung mga nakita kong mali para mas madali ang pag-edit mo dun sa nasend ko sa email mo.

>>>halos naglalaro ang quoted sentence mo sa “sabi ni”, “tugon”, “tanong”

>>marami pang iba na pwedeng gamitin… such as: aniya, anito, ani, sambit, dagdag, hirit, untag, bulalas, sabat o  sabad… suggestion lang po ito.

 

2. Tumayo si Melanie at sabay na hinawakan ang ulo ng mga kaibigan at pilit na iniuntog sa bawat isa. Gusto niyang sakalin ang dalawang kaibigan para makaganti sa ginawang pananakot sa kanya at itinuon pa sa kanyang kaarawan.

>>>itinuon…. Mas okay siguro iyong itinaon… typo lang ata ito…hehehe.

3. "Sister, narinig niyo?" Agad na sabi ni Sanji. –medyo kulang sa emosyon….

>>> suggestion: kung gawin mo kayang ganito… “S-sister… N-narinig niyo?” >>>may utal effect…mas ramdam ung takot ni Sister Sanji.

4. mga buto ng mga kalansay. –parang redundant ata… alisin mo na lang kaya ung “mga buto”…mga kalansay na lang..

5. garatal means garalgal pala…hehehe… may new term akong natutunan…tenk you!

6. San Shai – di ba spelling nun eh San Chai o San Cai??? Ewan ko rin. Double check mo kuya...

7. teka lang…short story ang sinabi ni Eloisa na ipapasa tapos nobela ang ibinigay sa secretary… conflicting… check mo iyon kuya. At saka, idea lang po…baka kasi may magtanong… normally kasi, it takes a month or two para matanggap ang result kung pasa sa publisher ang manuscript o hindi o for revision… sa story ilang oras lang… medyo imposible ata yon…

8. redundancy ng pagbanggit ng pangalan…eliminate mo pa ng konti kuya… gumamit ka ng niya at nito…kapalit ng mga pangalan… at…kanino bang point of view talaga ang story? Medyo hindi ata iyon na-establish ng husto…

9. "Shit, kamukha siya ni Gabby Concepcion." Tanging nasa isip ni Melanie.

>>> kuya kapag sa isip lang sinasabi ng character ang statement, pwede ng walang quotation mark… Shit, kamukha siya ni Gabby Concepcion. Iyon ang pagkakaalam ko.

10. Natigilan siya sa narinig. Hindi siya makapaniwalang si Eloisa ang bumaksak sa nobela nito. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa hanggang matapos niya ang isang chapter nito.

>>>bumagsak… nagbagsak… anong pinagkaiba? Mas accurate ata ung nagbagsak…

 

jonsdmur's picture

salamat.. na open ko na sa

salamat.. na open ko na sa email ko... nahirapan ako heheheh... ung iba na edit ko na.. mamaya.... edit uli hehehe... thnks...

buti na lang may isang tulad mo na handang tumulong sa akin hehhehehe... thnks  jonsdmur

Ailem23's picture

at tungkol naman sa story….

wuuu! At last, naka-post na!  Maganda ang story at nagustuhan ko talaga… may konting resemblance sa akin ang karakter ni “melay” dito… gusto ko ang twist… nakakatuwa at may kilig factor… kaabang-abang ang part two, may misteryosang babae pa… magaling din ang pagkaka-established ng bawat character….gusto ko ang karakter ni Eloisa… may impact at may dating… ang ganda ng pangalan ng publisher… Spikewest Publishing House… wow, kuya spike…bigatin…publisher ang drama mo dito. hehehe… gusto ko ang intrada ng story, parang horror pero hindi naman pala…. un trip na pagsusulat sa sementeryo, naisip na namin iyon ni eloi noon. Di pa nga lang  namin naitutuloy ang trip na mag-brainstorming sa sementeryo… 

At tungkol sa pang-aagaw ng gawa ng may gawa… naalala ko noon. May kaibigan akong lalaki na nanghiram ng mga literary works ko… after few months, nakita ko sa diyaryo sa school publication nila na naka-publish ung short story ko under his name… masakit ang manakawan ng gawa… balita ko pa, nanalo iyong kwento ng literary award… mantakin n’yo iyon, sarili kong gawa, iba ang nakinabang… naalala ko tuloy….

Nakita ko ang improvement ni kuya solmeyt from “doon lang” to “cocoy” to “la traidora.”

Congrats kuya solmeyt…nag-improved ang mga gawa mo…  ung comments sa technicals na binigay ko sa iyo, i-apply mo na lang pag nag-edit ka na. Share ko lang naman iyon sa iyo. Nasa sa iyo pa rin kung susundin mo.

Aabangan ko ang kasunod…. 

Ingatski,

melay

eloisa marie hernandez's picture

kuya,

Sang-ayon din ako sa mga technical na sinabi ni ate. hehe peace.

pero malaki nga yung naging improvement mo.

May konting problema sa grammar pero siguro dahil na rin yun sa pagiging excited na ma-i-post yung kwento? hehe. Pano naman kasi ang daming nag-aabang.

 

Ayos din yung moment na pumupili si "Eloisa" ehem.. ng sasagipin-kung si Sanjie ba o si Malanie.

 

nikwento nga sakin ni ate melai yung tungkol dun sa lalaking nang-agaw ng gawa niya. Sakin may gumawa din nun eh.  Masama talaga sa pakiramdam lalo na kung pinagkatiwalaan mo talaga. grabe, parang pinag baksakan ng langit at lupa.

 

 

 

Grabe na talaga ito Jon

Grabe na talaga ito Jon hindi ko inasahan to ha... starring role pala talaga ako dito mabigyan ko kaya talaga ng justice ang pagiging mabait kong ate? hehehe bilang mambabasa magkokomment ako ha nagustuhan ko ang kwento hindi dahil kasali ako kundi may panghatak sya dahil dun sa factor na mga pamilyar na pangalan itong mga ginamit mo at binigyan ng buhay sa sobrang effective nung pagkaggamit ng pangalan eh hindi na tuloy maalis sa isip ko na si Melanie at Dyeppri magka-loveteam hahaha nakakaingganyo na ituloy talaga ang kwento at nakakatickle ng imagination kasi kakaiba ang mga twists ng kwento ha malaki ang improvement compared to the Cocoy story... I will leave the critical analysis sa mga mas nakakaalam basta as a reader nag-enjoy ako at may bonus pa. Ang karugtong wag nang patagalin nabibitin ako sa love story ni Melanie at Dyeppri pati na sa magiging future ng friendship ni Eloisa at Melanie mababalik pa ba yung bond? o pati na si Dyeprri eh aagawin ni Eloisa kay Melanie? si Fhearl ba mabigyan pa kaya ng break sa pagsusulat ni Sir Spike considering na dinaya din ni Eloisa ang pagbabasa ng manuscript ni Fhearl? kelan marereveal ang true identity ng babeng naka-itim at ano ang purpose nyasa pagmamasid? sino kaya yun? daming tanong ano?

Teka Jons maiba ako, per line/dialogue ba ang talent fee dito? uhhm when do we get our paycheck? hehehe joke lang! Congratulations Jons.

jonsdmur's picture

Ako din na eexcite habang

Ako din na eexcite habang binabasa ang komento ninyo... Salamat po sa mga nasabi ninyo at higit sa lahat nagustuhan po ninyo ang kwento...

ako rin ay talagang kinikilig sa mainit na love team nila hehehehe.... at abangn nyo po ang mangyayari sa dalawang magmamahalan...

yup malaki rin po ang role ni fearl dito.. at ang babaeng nakaitim ang magiging isa pang kontrabida heheheh... dont worry hindi po kayo un hehehehe.....

malapit ko na rin po matapos ang next chapter... pinagaaralan ko pa ang mga linyang gagamitin ko... heheheh

salamat po sa time para basahin ang aking story....

Sino kaya ang talagang la traidora? abangan?  jonsdmur

dyeppri's picture

grabe!

Uy, Jonds ikaw ba yan? bkit ipinakita mo na ang totoo mong mukha. Hindi kita nakilala ah! nyahahaha! 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Yana ng alaga kong doggy...

Yana ng alaga kong doggy... lagi kaming magkasama sa hirap at ginhawa...

mahal niya ko mahal ko rin siya...

para nga kaming mag ama.... heheheh

Ailem23's picture

makikisingit ha... hehehe.

noong binabasa ko ito, kinalimutan ko ang pangalan ko... focus ako sa story at talaga namang hindi ko nabitawan ang pagbabasa... pagkatapos kong maglinis ng kusina eh, nagbukas na naman ako ng pc para basahin... naka-saved pa nga sa pc ko hanggang ngayon....sabi ko nga kay kuya solmeyt eh, para siyang isang special tv show na ang mga gumanap ay ang filipinowriters family... 

may idea na ako sa part 2....hmmmm.ako na ang nagsasabi sa lahat...exciting ang part 2 nito... as in...

tungkol sa improvement ni kuya solmeyt(teka nasasanay na ata akong tawagin kang kuya solmeyt.hehehe), grabe  tama si ate pauline...malaki talagang improvement mo... malayo pa ang mararating mo kuya...  keep it up....

congrats!

ingatski,

melay 

jonsdmur's picture

salamat sa papuri... ako nag

salamat sa papuri... ako nag improve? heheheh salamat at ako'y natutuwa.. sa lahat ng tumulong sa akin at tinuruaan ako salamat...

Thnks sa mga tips na binigay mo sa akin....

Sa inyong lahat salamat....

saludo ako sa love team ni

saludo ako sa love team ni jeff at melay dito grabe di ko na take ang eksena sa puno hahahahahah

infairness effective ang kontrabida siguro aagawin ni eloisa si jeff kay melanie bukas ko na basahin ang part 2 at nanakit ang aking mga mata.

Maganda ang ilang eksena. at nakakasad ang agawan ng nobela.

jonsdmur's picture

Salamat at nagustuhan mo ang

Salamat at nagustuhan mo ang nobela kong ito...

jonsdmur's picture

Mas kaabang abang ang

Mas kaabang abang ang susunod na kabanata.... salamat kay eloi at melai sa pagpayag nila na gamitin ko ang name nila

Kay sanjie kay ate pau kay fherl kay dyep at spike.... salamat 

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

frend, inspired ka atah!

 

naaliw ako.. ang saya naman ng mga pangyayari (sa aking point of view!!)

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

salamat sa iyong pagbasa...

salamat sa iyong pagbasa... kala ko di ka nagbabasa ng nobela kasi mahaba... kaya happy ako at binigyan mo ng time ang akda kong ito...

habang isinusulat ko ang nobelang ito ay iniisip ko ang mga karakter na sina eloi melai hiihhihii kaya yan ang kinalabasan hiihhihihi

Saka natutuwa ako sa love team na ginawa ko diyan...

Gandang umaga... Smile

jonsdmur

free ngayon eh

naku, nagka time ako hehehe, sige magbabasa pa ako...

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

oo nga eh tagal mong di naka

oo nga eh tagal mong di naka online... tapos na guro exam mo... itong nobela ang inaayos ko ngayon kaso naudlot kasi sinusulat ko ang love story ko para i post dito....

 

jonsdmur's picture

Abangan ninyo ang pagbabago sa part 2.....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

ang sarap balikan ang mga kwentong nagawa ko na dati.... minsan kapag binasa ko ulit.. nakikita ko na mga errors ko....

Salamat sa lahat....

to melay and Eloi.... goodluck sa book launch....

jons

jonsdmur's picture

hindi ko akalain

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

na mangyayari ito sa tunay  na buhay ni Melay hihihihihihi

Ang kabuuan ng part 2.... malapit na.....

jealousy29's picture

hi kuya jon

tapos na poh ba ang part two nito??? galing nio poh talaga graveh.... lalo na dun sa timawo at love story.... poh lahat ng gawa nio mabasa koh.... bago pa lng poh aq ditoh sa FW pero matagal n poh aqng nagbabasa dito...

jonsdmur's picture

salamat!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

tapos na ang part 2.. ipost ko na rin un dito.... wait mo lang... ito ang pangatlong entry ko dito sa FW... hanggang ngayon di ko pa napost ang buong kwento... sige ipost ko ang part 2 nito...

salamat sa pagbasa...

Godbless!

Sana di ka magsawang magbasa ng mga stories dito sa FW... Enjoy! Welcome sa site....

jons

jealousy29's picture

salamat poh s pagwelcome

sige poh abangan koh na lang poh kuya ang part 2 ng latraidora....

at sa lahat poh ng mga writers dito sa FW sana poh ipagpatuloy nio lng ang pagsusulat ng mga kwentoh....  marameh poh kaung papasaya pagbabasa ng kwentoh nio... at isa na poh akoh dun

hay nasa may talent din akong katulad ninyo may mga mahika ang mga kamay kaya nakakagawa ng isang magandang novela o suspence man... 

GOD BLESS POH SA LAHAT!!!!!

jonsdmur's picture

pinost ko ito para sa'yo

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

sana mapasaya kita sa kwento ko.. salamat sa pagsubaybay!

Kaya mo rin magsulat... subukan mo minsan....

sensya ka na ha.. medyo naiba ang format sa copy paste.. mukhang nagulo sa mga space...

salamat

jons

jealousy29's picture

para sakin???? akoh ba tinu2koy moh kuya???

ai...isa ka na poh sa mga writer na idol koh ditoh s site (pwera biro poh) magandang libangan ang pagbabasa ng mga kwentoh dito may makukuha pang moral lesson....

ala naman poh akong alam sa tamang format ng pagsusulat kaya bastah maganda poh ang istorya ok na ok na sakin... hehehehe

ok sige kuya para rin poh sa inyo try koh pong magsulat.... hehehehehe

thnks kuya...........................

 

Miss Pajama's picture

 Haha..ok ah. Pares-pares

 Haha..ok ah. Pares-pares pala dito (lol)

 

 

Huhulihin ko ang buntot ng cold front...

jonsdmur's picture

salamat sa pagdaan....