La Traidora Part 1-A - Ang Pagbabalik ng kwento
Paunawa
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa
kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay
na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay
na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang
po ng aking malikot na imahinasyon.
Si Melanie.....
Si Eloisa.......
Dalawang babaeng nangarap abutin ang mundo ng nobela
Isa sa kanila ang babansagang.......

"Iingatan ko ang nobelang ito dahil ito ang aking kayamanan."
Mahigpit ang pagkakahawak ni Melanie sa mga braso ni Eloisa pero nagpupumiglas si Eloisa dahilan para mabitiwan siya ni Melanie at buong tapang niya itong hinarap.
"Huwag mo akong subukan Melanie."
"Huwag mo akong subukan Eloisa."
Mata sa mata. Tapang sa tapang. Ang dating matalik na magkaibigan ay mortal ng magkalaban.
Ipinikit ni Melanie ang mga mata at muling binalikan ang bakas ng kahapon.
Part One:
Malamig at malalim na ang gabi. Pakiramdam ni Melanie ay nanuot sa kanyang laman ang lamig ng hangin na tumama sa buo niyang katawan. Niyakap niya ang sarili para malabanan ang lamig na dulot nito. At doon niya natuklasan na nakaidlip siya habang nagsusulat ng nobela sa loob ng Antipolo Del Norte Catholic Cemetery, isa sa pinakamalaking sementeryo sa kanilang bayan.
Napadako ang tingin niya sa isang malaking puno na nakatanim sa isang liblib na lugar ng sementeryo. Ang mga nalagas na dahon nito ay nagkalat na sa lupa. Kilala ang puno na ito sa tawag na Balete, ang pinakamatandang puno sa loob ng sementeryo.
Humikab siya. Inaantok pa rin siya. Sumulyap siya sa kanyang pocket watch na nakapatong sa isang sementadong upuan. Alas-otso y medya na ng gabi. Sa kanyang kalkula ay dalawang oras siyang nakatulog. Oh, God! Kumabog ang kanyang dibdib sa pangambang pumasok sa kanyang isipan.
Iginala niya ang kanyang paningin sa buong paligid at nakaramdam siya nang matinding takot nang mabatid niyang nag-iisa na lamang siya sa kanyang kinauupuan. Wala na ang mga ingay ng mga batang kalye na kanina ay masayang naglalaro sa ibabaw ng nitso. Tanging langitngit na lamang ng mga paniki ang kanyang naririnig. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan nang mahagip ng kanyang paningin ang isang paniking dumapo sa isang nitso.
Naisipan niyang ihakbang ang kanyang mga paa at lisanin na ang madilim na lugar. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang sumigaw pero parang may bumara sa kanyang lalamunan.
Napahinto siya sa paglalakad at natutop niya ng dalawang kamay ang bibig niya nang may nahagip ang kanyang mata na pigura ng isang lalaking nakabalabal ng puting tela na nakatayo malapit sa isang nitso. Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan at sadyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"Hindi ito totoo. Panaginip lang ito," bulong niya sa sarili. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at umaasang wala na sa kanyang harapan ang misteryosong lalaki.
"Melayyyyy!" Isang malamig na boses ang muling nagpakabog ng kanyang dibdib. Nang makabawi lumingon siya sa kanyang likuran at laking gulat niya dahil ang lalaking nakabalabal ng puting tela ay nakatayo na ngayon malapit sa puno ng Balete.
"Sino ka?" malakas na sigaw niya habang pilit na hinahagilap sa kanyang bulsa ang isang ballpen. At nang makuha agad niya iyong itinutok sa lalaki. "Huwag kang lalapit. Akala mo hindi ako natatakot sa ‘yo? Takot na takot na ako." Halos paos na ang boses niya dahil sa sobrang takot na nararamdaman.
Muli na naman niyang naalala ang nobelang isinulat kani-kanina lang na tungkol sa isang babaeng ginahasa sa loob ng sementeryo. Lalo tuloy siyang kinabahan. Baka kung anong kapahamakan ang maengkuwentro niya at matagpuan na lamang ang bangkay niya kinabukasan.
Ano'ng gagawin ko? tanong niya sa kanyang sarili.
Sa kabila ng takot ay napatingin uli siya lalaking kinatatakutan. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil natatakluban ng puting tela ang buong mukha nito.
Is that a ghost?
Halos pigilin niya ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan itong palapit nang palapit sa kanyang kinaroroonan.
"Lumayo ka masamang espiritu." Sa sobrang takot ay napaluhod na siya sa kanyang kinatatayuan at pansamantalang ipinikit ang kanyang mga mata. "Maawa ka. Nakikiusap ako sa 'yo." Iminulat niya ang kanyang mga mata at lalong nanginig ang kanyang katawan nang matuklasang gahibla na lang ang pagitan nila. Sasaktan ba niya ako? Kung saka-sakali, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapahamak siya.
The ghost was killing her sofly. Pinapatay na siya nito sa sobrang takot.
Tumayo siya at minabuting tumakbo na lamang. At sa kanyang pagtakbo ay natigilan siya nang masilayan niya ang isang babaeng nakatayo sa isang nitso. Nakatalikod ito at may malaking ahas na nakapasan sa mga balikat nito. Unti-unti itong humaharap sa kanya at hindi na niya nagawang tingnan pa ang anyo nito dahil minabuti na lang niyang ipagpatuloy ang pagtakbo.
Mabilis na mga hakbang ang kanyang ginawa at alam niyang sinusundan siya ng dalawang misteryosong nilalang. At sa tingin niya ay walong hakbang lang ang layo nito sa kanya.
That was really close.
Gusto niyang sumigaw nang mapansing wala na siyang matatakbuhan pa. Nasa dulo na pala siya ng sementeryo at isang malaking pader na ang nasa harapan niya. Wala na siyang magagawa kundi ang harapin ang mga humahabol sa kanya.
"Lumapit kayo!" malakas na sigaw niya habang iginala ang paningin sa buong paligid. Bumilis ang tibok ng puso niya nang unti-unting lumabas mula sa isang madilim na sulok ang babaeng may ahas sa balikat. Nakayuko ito dahilan para hindi niya maaninag ang mukha nito. Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan nang lumabas naman ang lalaking nakabalabal ng puting tela. "Huwag! Nagbibiro lang ako," maiyak-iyak na wika niya at napasandal na siya sa malaking pader.
Nanginginig na ang buong katawan niya sa sobrang takot. Baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga ito at kinabukasan matagpuan siyang nakabulagta sa loob ng sementeryo. Pakiramdam niya ay katapusan na niya sa mundong kanyang ginagalawan.
Kumunot ang kanyang noo nang mapansing may sumilay na liwanag mula sa flashlight. At sa tulong nito ay naaninag niya ang mga mukha ng mga humahabol sa kanya. Gusto niyang sumigaw sa natuklasan.
Isang malutong na palakpakan ang kanyang narinig. At ang mga halakhak nito ay parang tawang-bruha sa pandinig niya.
"Okay ang akting mo sister pang-best actress talaga, ang tarush!" sambit ng lalaking may hawak na manipis na tela at kasama nito ang babaeng may hawak na isang laruang ahas habang tinatanggal nito ang maskara sa mukha.
"Sanjie? Eloisa? Mga bruha talaga kayo! Alam n'yo ba na muntik na akong atakihin sa sobrang takot."
Nilapitan siya ni Eloisa at niyakap siya nito. At minabuti naman ni Sanjie na haplosin ang kanyang likuran para kumalma siya.
"Happy Birthday, Melay!"
Saglit siyang natigilan. Ika-22 na kaarawan niya ngayon at aaminin niyang sumama ang loob niya sa pag-aakalang nakaligtaan ng mga ito ang kanyang kaarawan. Sa sama ng loob ay minabuti niyang magsulat na lamang ng nobela sa loob ng sementeryo.
The cemetery was a good place for writing. Payapa ang kanyang utak at walang mga pamangking mangungulit sa kanya.
Tumayo siya at sabay na hinawakan ang ulo ng mga kaibigan at pilit na iniuntog sa bawat isa. Gusto niyang sabunutan ang dalawang ito para makaganti sa ginawang pananakot sa kanya na itinaon pa sa kanyang kaarawan.
"Mga bruha talaga kayo! Papatayin ninyo ako sa sobrang takot," aniya sa dalawang kaibigang nagtatawanan.
Nginitian siya ni Eloisa habang inaayos ang buhok nito na nagulo mula sa pagkakahawak niya. "Friendship, pwede ba tama na ang pag-e-emote. It's your birthday, remember?" malambing na sabi nito sa kanya. Ang yakap nito ang nagpalambot sa kanyang puso at ang inis na nararamdaman ay napalitan ng ligaya.
"Ang sama n'yo naman! Bakit dito pa sa sementeryo? Pero salamat friendship," malambing na tugon niya sa kaibigan at gumanti siya sa yakap nito.
"Opps! Teka, nakalimutan na ninyo na may isang friend pa kayo dito," hirit ni Sanjie habang naka-pamaywang na nakaharap sa kanila. Sa pagkakatayo nito ay parang isang modelo sa isang fashion show. Sa unang tingin ay hindi mo mapapansin na isa itong lalaking may pusong babae.
"Friendship, halika join ka," masayang tawag ni Melanie sa kaibigang mukhang nagtatampo dahil hindi nakasama sa yakapan nila ni Eloisa.
"Naman!" agad na tugon nito saka patakbong lumapit sa kanila.
Ganyan silang tatlo laging masaya kapag magkakasama. Biglang magtatatalon sa tuwa sa hindi malamang dahilan.
Sila ni Eloisa ay magkababata at nakatira sa parehong subdivision samantalang si Sanjie ay nakilala nila noong nasa grade four pa lamang sila at nakatira ito sa kabilang subdivision.
Biglang natigilan si Sanjie. "S-sister... N-narinig n'yo?" Napansin ni Melanie na namumutla na ito sa takot at saka lang niya narinig ang alulong ng isang aso. "Ka-friendship hindi ko na ito carry kaya lumabas na tayo ng sementeryo," dugtong ni Sanjie saka dinampot ang flashlight sa lupa. Nauna itong lumakad palabas ng sementeryo habang siya ay patuloy pa ring nakahawak sa kamay ni Eloisa at animo'y isang batang paslit na nakayakap rito sa sobrang takot.
Iginala niya ang kanyang paningin sa lahat ng kanilang nadaraanan. Malinis ang paligid ng sementeryo. May mga nitsong moderno ang desenyo at ang iba naman ay gawa pa noong panahon pa ng mga kastila.
Nakahinga siya nang maluwag nang makalabas na sila ng sementeryo. Natuklasan niya na nagkaroon ng biglaang brownout. Madilim ang paligid at tanging liwanang lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.
"I-on mo kaya ang flashlight," utos niya kay Sanjie nang mapansing hawak nito ang flashlight pero hindi naman ginagamit. Agad namang binuhay ni Sanjie ang flashlight at halos masuka sila nang tumambad sa kanilang harapan ang isang patay na aso.
"Yak!" sabay na sambit nilang tatlo.
Sa sobrang takot ay bigla na lang tumakbo si Sanjie palayo sa kanilang dalawa ni Eloisa. Dumako ito sa isang madilim at madamong lugar. Hindi siya nakatiis at hinabol niya ito kung saan ito papunta.
"Hoy, Saan ka pupunta?" pasigaw na tawag niya sa kaibigan.
Lihim siyang natatawa dahil alam niyang hinahabol rin siya ni Eloisa at halatang ayaw nitong magpaiwan sa gitna ng kalsada. Para silang mga batang naghahabulan sa gitna ng damuhan.
Habol ang hiningang napahinto siya sa pagtakbo. Naabutan niya si Sanjie sa isang sulok at tahimik na nakatayo malapit sa puno ng saging.
"B-bruha, a-anong ginagawa mo d'yan? H-hihintayin mo bang may lumabas sa puso ng saging?" pabirong banat niya rito habang hinihingal sa pagsasalita.
"Bruha, dyumijingle ako!" hirit ni Sanjie.
Sa sinabi nito ay naging halakhak ang simpleng tawa niya. Hindi niya akalain na nakaramdam lamang ito ng tawag ng kalikasan kaya patakbong lumayo sa kanila ni Eloisa, na ngayon ay natatanaw niyang papunta na ito sa kinaroroonan nila ni Sanjie. Isa na namang malakas na tawanan ang kanilang nilikha sa isang madilim at tahimik na lugar.
Sa sobrang tuwa ni Melanie ay naitulak niya si Sanjie dahilan para madulas ito sa isang nakatagong hukay na tanging mga dahon ng saging ang nakatakip. Sa pagkakahulog nito ay napahawak ito sa kanya at sila ay parehong nadulas pabagsak sa malaking hukay.
"Ayyyyyy!" malakas na sigaw niya. Napakapit siya sa gilid ng hukay at isang makapal na halaman ang kanyang nakapitan. Nakita niya si Sanjie na nakakapit din sa isang sanga ng isang punong kahoy.
"MELAY, Sanjie! Nasaan kayo?" Napapaiyak na si Eloisa habang papalapit siya sa mga kaibigan na biglang nahulog sa isang nakatagong hukay.
Nakarinig siya ng sigaw mula sa mga kaibigan kaya agad niyang nakita ang mga ito. Si Melanie ay hirap na hirap na sa pagkakakapit sa halamang kinakapitan at si Sanjie naman ay nahihirapan din sa pagkakakapit sa isang punongkahoy.
"Eloisa...." garatal na tawag ni Sanjie.
"E-Eloisa tulungan mo ako. Hindi ko na kaya. "Mahina na ang boses ni Melanie at ilang segundo na lang alam niyang bibigay na ito.
Napatingin siya sa dalawang kaibigan at hindi niya alam kung sino ang uunahin. Si Sanjie na maituturing niyang isang kaibigan at kaklase o si Melanie na maituturing niyang isang kaibigan, kapatid at karamay sa lahat ng bagay. Biglang rumehistro sa kanyang isipan ang tinig ng kanilang guro noon.
"Sorry Eloisa mas maganda ang short story ni Melanie kaysa sa'yo kaya siya ang nararapat na makakuha ng mataas na marka."
Hindi niya malilimutan ang minsang nasaktan siya dahil lagi na lang si Melanie ang bida sa kanilang paaralan at kahit saan sila magpunta. Alam niyang pagdating sa pagsusulat ay hindi niya kayang tapatan ang kaibigan.
"Bruha, tatayo ka lang ba diyan?" bulalas ni Sanjie. Doon lamang siya natauhan sa matagal na pagkakatayo. Natigilan siya dahil nasa gitna siya ng dalawang kaibigang nangangailangan ng kanyang tulong.
"Eloisa, t-tulungan mo ko," saad sa kanya ni Melanie.
Lumipad ang paningin niya sa kinaroroonan ni Sanjie at napansin niyang kaya pa nito ang pagkakakapit sa punong kahoy. Si Melanie naman ay para nang bibitaw sa damong kinakapitan.
Melanie needed her help.
Nanatili pa rin sa isipan niya ang kagyat na naalala kanina lang. Napabuntong-hininga siya. Ngayon alam na niya kung sino ang unang ililigtas. Agad siyang lumapit kay Sanjie at iniabot ang kanyang kanang kamay. Buong lakas niya itong hinila at siya ay nagtagumpay na mailigtas ito sa panganib.
"E-eloisa si Melay," sigaw ni Sanjie saka agad itong tumakbo sa kinaroroonan ni Melanie para sagipin ito sa kapahamakan. He tried the best he can pero huli na ang lahat. Nakabitaw na ito sa hinahawakan at tuluyan nang nahulog sa malaking hukay. "Melayyyyyyyyy!"
After Six Months...
RAMDAM ni Melanie ang labis na kalungkutan habang hinahaplos ang malaking peklat sa kanyang kanang binti. Sanhi ito nang pagkakahulog niya sa isang malaking hukay. Ayon sa isang taga-baryo ang hukay ay gagawin palang depositohan ng banyo at matagal nang naudlot ang pagpapagawa nito.
Mapalad siya at walang butong nabali sa kanya. Nagkaroon lamang siya ng isang malaking peklat sa binti nang sumabit siya sa isang malaking alambre. At habang nakikita niya ito ay naaalala niya kung paano siya nahulog sa nakatagong hukay.
Sa totoo lamang ay hindi siya nakadama ng galit kay Eloisa dahil sa hindi nito pagsagip sa kanya. Given na roon na maaari siyang masaktan pero pinili niyang huwag magalit. Kapag nakipagkaibigan siya ay ibinubuhos niya ang lahat, pati na ang pang-unawa at pagpapatawad.
Buti na lang at hindi totoong bangin ang kinabaksakan ko kundi isang malaking hukay lang. Heto na naman siya at kinakausap ang sarili habang dinadama ang peklat sa binti.
May biglang sumulpot sa likod niya. "O, Melay. Hindi ka pa ba aalis?" wika ng kanyang Ate.
Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat. "Ate Pauline, ginulat mo 'ko!"
"Paano naman kanina mo pa kinakalikot ang peklat na ‘yan."
Palabas ng bahay ang kanyang Ate Pauline. Nahulaan niyang mamamalengke ito dahil sa dala-dalang malaking bayong. Maputi ito at likas na maganda kahit nasa edad trenta y anyos na ito.
Ang kanyang Ate Pauline ang naging sandalan niya sa lahat ng pagsubok niya sa buhay. Nasa fourth year highschool siya nang mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang. Sa tulong ng kanyang Ate ay nabuhayan siya ng loob at tinanggap ang katotohanang silang dalawa na lamang ang natira sa kanilang pamilya.
Makalipas ang isang taon ay nag-asawa ito at nagkaroon ng dalawang supling. Ang asawa naman nito ay nagtrabaho sa Saudi at ito ang nagpaaral sa kanya hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. Ang dalawang makukulit na pamangkin ang nagbibigay ng saya at sigla sa kanilang munting tirahan. Ang mga ingay nito ang dahilan kung bakit ninais niyang magsulat ng nobela sa loob ng sementeryo.
Pumasok si Melanie sa kanyang kuwarto at nagpalit ng damit. Isang plain t-shirt ang kanyang isinuot at pinarisan ng isang loose na maong pants. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Kayumanggi ang kanyang kulay na bumagay sa kanyang makinis na kutis maliban na lamang sa bagong peklat niya sa binti. Ang mahaba niyang buhok na kaka-rebond lang ay tinirintas niya na parang buhok ni San Chai sa Meteor Garden. Umikot-ikot siya sa salamin at natawa sa sarili habang pinagmamasdan ang sarili. Napansin niyang sa unang tingin ay mapag-kakamalan siyang nasa high school pa lamang.
"Hmmmm...‘di bale cute naman ako," aniya at masayang nagsasayaw kahit walang tugtugin. "Oh yeh...oh yeh...oh yeh..." kanta pa niya habang paikot-ikot na sumasayaw.
Natigilan siya sa kanyang kahibangan nang maalala niya na may lakad pala sila ni Eloisa. Tinungo niya ang kanyang kama at agad na dinampot ang isang plastic envelop. Nasa loob nito ang mga manuscript na ipapasa nila sa isang publishing company. Aalamin na rin nila ang resulta ng nobelang ipinasa nila ilang buwan na ang nakakalipas.
Ilang beses na silang nabigo at nabasura ang kanilang mga manuscript na ipinasa pero wala pa rin silang humpay sa pagsusulat. Kahil ilang beses ulit-ulitin ang mga nobela para itama ang kanilang mga pagkakamali ay hindi nila magawang mapagod dahil ito ang kanilang kaligayahan, ang magsulat para mailabas ang nasa isipan.
Ini-lock niya ang pinto pagkatapos niyang lumabas ng bahay nila. Pasado alas-otso na. Kinakailangan na niyang magmadali. Mabibilis na mga hakbang ang ginawa niya papunta sa bahay nina Eloisa. Usapan nila kahapon ay susunduin niya ito. Late na siya ng limang minuto sa napag-usapan nila.
Napahinto siya sa paglalakad nang nasa harapan na siya ng bahay ng kaibigan at hindi niya napigilan ang sarili na humanga sa tinitirhan nito. Maganda, malaki at mukhang bagong pintura. Sa kanilang tatlong magkakaibigan si Eloisa ang masasabing may kaya sa buhay. Ang mga magulang nito ay may mga negosyong hawak sa kanilang bayan. Isa na rito pinakamalaking tindahan ng bigas sa kanilang bayan.
Napangiti siya nang lumabas na si Eloisa sa bahay nito. Humanga siya sa kagandahan ng kaibigan. Hindi pangkaraniwan ang tangos ng ilong nito. Maputi at makinis ang kutis. Lalo pang tumingkad ang kagandahan sa suot na bestidang bulaklakin. Tulad niya ay magkasing-laki lamang sila nito.
"Saan ang punta mo? May JS Prom ba?" biro niya rito na may kasamang ngiti habang pinagmamasdan ito.
"Wala lang! I have a feeling na hindi na ako ma-re-reject. Matatanggap na ang aking nobela," pagmamayabang na tugon nito sa kanya.
Isang buntong-hininga na lamang ang kanyang itinugon rito. Sanay na siya na laging iyon ang sinasabi nito sa tuwing pupunta sila sa isang publishing company kaya kapag na-reject, todo ang emote nito at hindi matanggap ang kabiguan.
Eksakto alas-nuebe nang nakarating sila sa terminal ng bus. Minabuti nilang sa likuran na lamang maupo. Binuklat ni Melanie ang librong hawak niya para hindi mainip sa trapikong kanilang masasagupa. At hindi nga siya nagkamali dahil bumber to bumper na ang mga sasakyan.
Halos utusan na nila ang driver ng bus na paliparin na lamang ang minamanehong sasakyan mula Batangas hanggang Cubao. At dahil sa tindi ng traffic ay naisipan nilang bumaba ng bus at sumakay na lamang ng tren. Sa kasalukuyang nasa Cor Edsa, Chino Roces sila at malapit ito sa MRT Station ng Magallanes.
Alas-onse na ng tanghali nang maka-akyat sila ng MRT Station. Siksikan ang tao at wala silang nagawa kundi ang makisabay sa mga taong nakikipagsiksikan para makasakay ng tren.
"Melay, gaya ng dati ano ang gagawin kapag siksikan sa loob ng tren?" bulong ni Eloisa sa kanya at pansamantalang nagtagpo ang kanilang paningin.
"Hawakan ang boobs para hindi masagi!" Malakas na hagikgikan ang kanilang ginawa at sila ay pinagtinginan ng mga pasahero ng tren.
"May mga sapi yata ‘tong dalawa ‘to," hirit ng isang babaeng pasahero.
Pilit nilang pinigilan ang kanilang sarili na huwag nang matawa at manahimik na lamang hanggang sa makalabas na sila ng tren. Siksikan pa rin hanggang sa hagdanan. At wala na silang nagawa kundi ang makipag-siksikan sa mga taong nag-uunahang makababa ng station.
Pagbaba nila ng MRT Station ng Cubao ay agad nilang tinungo ang address ng publishing company.
"Nandito na tayo," sambit ni Melanie sa kaibigan nang huminto sila sa isang napakalaking gusali. Pinakita nila ang kanilang SSS ID sa Security Guard para sila ay makapasok sa loob. At dahil nasa 2nd floor ang opisinang kanilang pupuntahan, kinakailangan nilang sumakay ng elevator.
May kabang nararamdaman si Melanie sa mga oras na ito. Nasa loob na sila ng elevator ni Eloisa. At sa sulok ng kanyang puso ay may pag-alala para sa kaibigan. Baka muling mabasura ang kanilang nobela at hindi na nito matanggap ang kabiguan.
Bumukas ang elevator at tinungo na nila ang opisinang kanilang pupuntahan. Agad silang pumasok sa loob at isang matabang babae ang sumalubong sa kanila.
"Akin na ang mga bagong nobela ninyo at hintayin ninyo at kukunin ko ang resulta ng nobelang ipinasa ninyo noong nakaraang buwan," agad na sabi ng matabang babae na sa tingin nila ay isang secretarya.
Puno ng pag-asa ang nararamdaman nila habang hinihintay ang resulta. Ang nobela ni Eloisa ay tungkol sa mga Babaeng Pilipina na ginawa nito habang sariwa pa ang sugat ni Melanie. Lahat ng talento nito sa pagsusulat ay ibinigay na niya dito samantalang ang nobela ni Melanie ay tungkol sa kanyang buhay na matagal na niyang naisulat.
Hindi napansin ng dalawa na mahigit dalawang oras na pala silang naghihintay. Halos mapuno ng tensyon ang buong silid na kanilang kinaroroonan. Lumipad ang paningin nila nang bumukas ang pintuan at lumabas mula roon ang nakangiting sekretarya.
"Ms. Melanie maganda ang pagkakasulat mo pero konting ayos pa ang kailangan at puwede na ito. Ms. Eloisa, I'm sorry talagang hindi puwede ang nobela mo."
Napatingin si Melanie kay Eloisa at pansin niya na kumunot ang noo nito sa sinabi ng sekretarya. Alam niyang masyadong nasaktan ito at hindi matanggap ang resultang kanilang natamo.
Mabibigat ang mga hakbang ang kanilang ginawa palabas ng gusali. Hawak ni Melanie ang kamay ng kaibigan na walang patid sa pag-iyak. Habang lihim niya itong pinagmamasdan ay umalingawngaw sa kanyang isipan ang minsang naabutan niyang nagtatalo si Eloisa at ang Ina nito.
"Alam mo sa inyong magkakapatid ikaw lang ang hindi ko maipagmamalaki. Eloisa, tingnan mo ang kuya mo. Matalino at magaling sa sports. Si bunso, natalo ka pa. Mula grade one hanggang ngayon laging first honor. Ikaw? tanging pagsusulat na lamang ang puwede mong ipagmalaki sa akin pero talong-talo ka pa ng kaibigan mo. Akala ko ikaw na ang magpapatuloy sa pangarap kong maging isang magaling na novel writer."
Panay ang iyak ni Eloisa habang nagsasalita ang ina nito samantalang siya naman ay lihim na nakikinig sa pagtatalo ng dalawa.
"Uy, may drama," sigaw ng isang lalaking nagtitinda ng sigarilyo na nakatingin sa kanila. Doon lamang siya natauhan sa kanyang naalaala.
Paakyat na sila ng MRT Station ng Cubao nang mapansin niyang pugto na ang mga mata ng kaibigan sa kakaiyak. Halos lahat nang nakakasalubong nila ay sa kanila nakatingin.
I care! sabi niya sa kanyang isipan.
Nakahinga siya nang maluwag nang mapansing hindi na siksikan ang tao sa loob ng tren. Naka-upo sila nang maayos sa pinakasulok ng tren.
Binalingan siya ni Eloisa. "Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses nang nangyari sa atin ito. Mabuti ka pa kahit papaano napapansin nila na magaling ka, konting ayos sa nobela.... pwede na."
"Eloisa....." tugon niya na may lungkot sa kanyang mukha.
"Bata pa lamang tayo pangarap na natin ang maging sikat na manunulat. Ikaw, napatunayan mo na.... na magaling ka. Sa school natin laging ikaw ang napupuri sa pagsusulat hanggang sa nakapagtapos na tayo ikaw pa rin. Ayoko ko na Melay. Ayoko na!" Tumayo ito at lumapit sa pintuan ng tren. "Para! Manong, para! Ano ba?" malakas na sigaw nito habang hinahampas ang pintuan ng tren.
"Eloisa nasa tren tayo..." tanging nasambit niya.
Natigilan si Eloisa sa sinabi niya at ngayon lang rumehistro sa isip nito na nasa loob sila ng tren. Namula ang pisngi nito sa kahihiyan. Lumapit sa kanya at parang bata na muling humagulgol habang yakap-yakap siya nito.
LUBOG na ang araw nang dumating sila sa bayan ng Lipa. Minabuti ni Melanie na samahan muna si Eloisa sa bahay nito dahil alam niyang dinibdib nito ang kabiguan.
Eloisa needed her support. Kinakailangan niyang libangin ito para makaligtaan ang kabiguan.
Naabutan nila ang Mommy ni Eloisa na nagluluto sa kusina. Humalik dito si Eloisa at pagkatapos pumanhik na sila sa silid nito. Mamahalin ang mga gamit ng kaibigan at nahagip ng kanyang mata ang bago nitong Personal Computer. Sa nakita, niyaya niya ito na mag-internet muna sila. Umupo siya sa harapan ng computer. At tulad nang kinagawian ang http://www.filipinowriter.com/ ang binisita nila. The site aimed to help every kind of Filipino writers around the globe. It also aimed to encourage others to read the works of Filipino amateur writers, and thus promote a "reading culture" among Filipinos. At kinakailangan nila ito para mapahusay ang kanilang pagsusulat ng mga nobela.
Agad nilang tiningnan ang mga new post stories ng site. Isang malaking ngiti ang pinakawalan ni Melanie nang makitang box office sa komento ang kanilang mga akda.
"Tingnan mo ang idol mo at may komento sa stories mo," wika ni Eloisa sa kanya na may kasamang kindat.
"Sino?" patay malisyang tanong niya.
"Sino pa? eh, di si Kuya Dyeppri." Halos mapatid ang ugat nito sa katitili habang binabanggit ang pangalan ng kanyang iniidolo sa site.
Matagal na niyang hinahangaan ang lalaki at umaasa siyang balang araw ay makikilala niya ito sa personal. Ang picture nito ay isang cute little angel na inaasam niya na sana balang araw ay mapalitan ng tunay na letrato nito. At aaminin niya sa kanyang sarili na habang tumatagal ay lalo niya itong hinahangaan sa larangan ng pagsusulat at sa pagbibigay ng mga komento.
Itinuon niya ang kanyang mga mata sa mga komentong natanggap niya sa kanyang huling akdang isunulat sa site. Kumurba ng isang ngiti ang kanyang labi habang binabasa ang mga magagandang komentong para sa kanya.
"Eloisa, basahin natin ang komento sa stories mo," wika niya at sinimulang basahin ang mga komentong natanggap ng kaibigan.
Lumungkot ang mukha niya nang makitang hindi masaya si Eloisa sa nabasang komento. Bumalik ang kalungkutang nararamdaman. Lahat ng komento sa stories nito ay patungkol sa mga pagkakamali na dapat nitong itama.
Tumayo ang kaibigan at binuksan ang bintana. Nahulaan niyang gusto nitong mag-star-gazing na palagi nitong ginagawa sa tuwing may iniisip itong malalim. Sumunod siya rito at tumingala sa langit. Subalit madilim ang langit at walang bituin. Gayunman ay ipinagkasya niya ang sarili sa panonood sa madilim na kalangitan.
Bumaba ang paningin niya sa mukha ni Eloisa at natanaw niya rito ang mga luhang unti-unting umaagos sa mga mata nito.
"Tingnan mo ang kalangitan. Halos kasing dilim ng bukas na naghihintay para sa akin," ani Eloisa kasabay ng isang buntong-hininga. Natahimik siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya makuha ang nais ipahiwatig nito.
Pinagmasdan na lamang niya ang madilim na kalangitan. Pakiramdam niya ay kay hirap hagilapin ang nag-iisang bituin ng kanilang mga pangarap, kung saan iisa ang kanilang minimithi ang marating ang mundo ng nobela.
itutuloy sa Part 1-B http://www.filipinowriter.com/la-traidora
jonsdmur
Sa inyong lahat maraming salamat....
| Attachment | Size |
|---|---|
| LA1.jpg | 47.2 KB |
wow... i'm glad at nakita
wow... i'm glad at nakita kita dito... musta na jen? malapit na malapit na ma ipost... tinatapos ko pa ang isang chapter... lipay gid ko kay ara ka nga nagabasa sang akon ubra....jonsdmur
Hindi ko kinaya
Hindi ko talaga kinaya ito. Talagang may teaser pa ah!! Wala na akong masabi sa iyo jonsmur, kinakarir mo talaga!! At ang main characters ay si Ka Dyeppri, si melay at eloi. Ibang klase ito.
Pero mukhang interesante ah, sana maipublish yung mga gawa mo. Bat di mo try magpasa sa mga publication. Alam kong konting polish na lang eh, magiging magaling na novelist ka.
Hayaan mo iintayin ko ang unang issue na ito. wag mo lang gaanong hahabaan kasi hanggang limang chapter lang ang kaya kong basahin. Pag mahigit dun. eh tatamarin na ako. Pero look forward talaga sa novel na ito.
Ingat.
Spike
thanks pareng spike at akoy
thanks pareng spike at akoy natutuwa sa iyong komento.... talagang kinarir ko na hehehehe....
Sa totoo lang wala pa akong lakas ng loob na magpasa sa isang publisher... parang wala pa akong tiwala sa aking sarili... parang hindi ko pa kaya o marami pa akong dapat gawin.... matagal ko na talagang pangarap na maging writer kahit sa pocketbook man lang kaso parang ang layo na ng career ko sa pagsusulat like ng work ko hindi related sa pagsusulat..... sa sinabi mo ako ay natutuwa....
Ako'y kinakabahan sa unang chapter ng la traidora... sana ma reach nito ang climax ng lahat ng magbabasa... huwag kang mag alala limang chapter lang ito para sayo.... salamat sa iyo.... jonsdmur
Aba hindi na kita maabot jons!
Aba director na si jons noon author lang, aba aba aba! umaasenso kana dong! sege sege aabangan ko itong malanovelang storya mo , naaliw ako kay cocoy kaya ito naman aabangan ko.
Sege lang bro! keep posting lang ...
Magbabasa lang ako ng nakakaaliw na storya na i popost mo. Basta dong suportahan taka dong! he he he
medyo na eexcite na ako dito sa La Traidora na ito, ano kaya storya nito, drama, comedy, suspense.?????
Hay sege na nga aabangan ko nalang......
Looking forward for La traidora............
Hindi naman... hehehehe....
Hindi naman... hehehehe.... happy gid kay inaabanagn mo ang La traidora.... thnks gid sa imo suporta.... lahat ng nasabi mo un ung concept ng story hehehe.... maghuhula ka talaga....
Thnks sa pag abang... malapit na malapit na.....
Thnks for luking forward hehehehehjonsdmur
woooh!
Ako ang tanungin n'yo kung ano ang nararamdaman ko...kinakabahan ako... hehehe...ang sabi ni orthochild sa isang promotion ek-ek ng la traidora, ipapaprint daw niya ito at ibebenta sa bangketa... naku naman! hehehe... kawawa naman kami, si orthochild lang ang kikita! hehehehe. sabi naman ni Sanjie, kung pwede daw um-extra... hehehe... talagang sumisikat na ito, trailer pa lang ha...ashteeeg na!
balik sa trailer, how I wish ganun ang katawan ko...hehehehe.... la lang nag-ilusyon lang, walang pakialaman... two thumbs up! ang galing ng picture... hanga na talaga ako sa talent mo kuya jons!
ngayong maraming nag-aabang sa la traidora, challenge ito kapatid... 'wag mo kaming bibiguin... hehehe. (i-pressure ba daw! tama ba 'yon?)
alam ko ang konti sa concept ng story mo...alam ko, this is a great story. Good luck....hehehe.
melay
wow ang ating bida at
wow ang ating bida at talagang nag pa rebond pa para sa kanyang pictorial heheheheeh....
THnks sa pagbobola sa picture... ups binola mo lang kasi ikaw ung nasa pic hehehehe
oo nga eh.... affraid akong mag post ng unang chapter... dahil iniingatan ko ang iyong image... dapat very wholesome.... hehehe... wag kang mag alala best actress na role mo dito...
Tama may idea kana.... lalo na sa iyong love team? jonsdmur
hala kuya jons!
lalo ata akong kinakabahan sa mga binabalak mo ha... tandaan mo, pag hindi ko nagustuhan hindi na tayo bati! hehehehe.... joke lang..... tama iyan kuya jons, wholesome ako kaya wholesome dapat ako sa novel mo... whehehe...
at tungkol dun sa pic, gusto mo pa talagang aminin ko sa buong site na bagong ligo lang ako nung kinuhanan ang pic kaya mukhang maganda ang hair ko... gugo lang iyan! hahaha...
love team? bakit sabi ni eloi si kuya dyep daw love team ko? tama ga? nakakaloka naman iyan...
woi, tuturuan mo pa ako mag-ilonggo ha. hehehe.
good luck kuya...
Waaa! Astig! An Lufet!
Wow! Astig! An Lufet! Hindi ka na ata nagpapahinga jondsmur? Paano mo ba pinagsabay-sabay ang work at pagsusulat! Ikaw ata ang may-ari ng shop na pinagtatrabahuan mo kamo! Eto ako, wala namang pahinga sa work kaya minsa lang makapag log-in dito sa Filipinowriter. Superoccupied ang lahat kong oras ala nga akong day-off... waaa super hirap pero kailangan magtiis... di ko lang alam kung kelan matatapos ang ginagawa kong Nobela... Huhu!
Gudluck sayo Jonsdmur! For sure marami kang napasaya sa mga akda mo!
Pasensya na at ngayon lang ako nakabalik...
Bye2 at God Bless!
uy, hindi naman hehehe...
uy, hindi naman hehehe... ikaw ha baka mabasa nila hehehehe... nagsusulat ako after my duty.... never during duty hours hehehehe....
Give tym to relax... wag masyado magpagod... matatapos mo din yang nobela mo at aabangan ko yan...
Thnks for ur gudluck.....
Ok lang un at akoy maligaya sa iyong pagbabalik....
jonsdmur
wow!
ang dami nang nag-aabang sana malapit na... galingan mo kayang kaya mo yan!
maraming salamat at
maraming salamat at pinalakas ninyo ang aking nanghihinang puso heheheh.... malapit na malapit na po.... jonsdmur
hala!
oi, direk, may utang ka pa saming talent fee! kelan mo ibibgay?
Kagagaling ko lang sa duty ngayong wik kaya medyo bangag pa ako. Hirap mtalaga ng buhay studyante.
waaaa... medyo bangag ka pa
waaaa... medyo bangag ka pa yata....hehehe keep in touch
malapit na malapit na ang La traidora..... nasa MTRCB pa.....jonsdmur
waaah! ashteeg!!!
wuuu! masubukan nga namin ni eloi ang eksena na iyon...hehe. Kuya, antagal naman...nabibitin ako... i'post mo na!!! go go go!!!
ang astig talaga!!!
"'Wag mo akong subukan Melanie."
"'Wag mo akong susubukan Melanie."
Haha! Yown! Nagparaktis na! Ayus ah. Feel na feel pagiging kontrabida.
magawa nga natin sa National Bookstore? Tara, punta tayo sa Rob hehe..
Weh!
Binibitin mo na naman kami! Waaahhh


Mukhang kakaiba ang mga eksena dito ah! Siguro may kaunting similarity ito sa akda ni Melay for sure... Yung "I'll take Care of You"
Gudluck Jons!
Pero xenxa na muna kung di pa ako makapagkoment sa mga next day medyo busyness na ako sa work ko, baka pag naglog-in ako ulit ay ma-epost ko na rin ang next novel... sana lang... pag kaawaan ng Diyos at matatapos ko..
ge, jonsdmur, ingatzkie sir!
hihintayin ko ang iyong
hihintayin ko ang iyong pagbabalik at bagong nobela...
Siguro magkaiba sa novel ni melay kasi iikot ang kwento sa love story at awayan ning bida... pero mga writer sila hihihihi...
Sana matapos mo na ang nobela mo...
Ingats...jonsdmur
elow..
bago lang ako dito.. katropa ako ni melanie at ni eloisa.. ako nga pala si Setty alyas Sepyang (iyong nasa dalawang yelo nga).. hehehe.. katuwaan lang namin ni melay na gamitin iyon sa kwento, nakakatuwan kasi ang pangalang Sepyang..
excited na ako sa la traidora... babasahin ko talaga iyon.. Kilalang kilala ko kasi si melay at si eloisa.. kaya excited na ko sa kalalabasan ng kuwento... hehehe..
hanggang dito na lang. sana maging friends tayo..
hi... nice to know u
hi... nice to know u sepyang... ganda ng name ha.. mamaya baka maipost ko na... buti inaabangan mo ang la traidora hehehe... simpleng kwento lang un... nobela sana kaso baka short story na lang... pinaikli ko na lang ung story pero mahaba na rin...
Bakit bago ka lang dito? sana dati ka pa sumali at mag eenjoy ka talaga..
okie... di bale pag nagkita kami ni melay... ireregards kita hehehe
sa inyong lahat maraming
sa inyong lahat maraming salamat....
Nahirapan ako sa pagsulat ng kwentong ito... nahirapan ako sa grammar... di bale aayusin ko pa naman ito....
Sana magustuhan ninyo ang kwento....
To melanie and eloisa maraming salamat...
Ang mga pag-uugali ng karakter ng bida sa kwentong ito ay walang kinalaman sa tunay na pagkatao nina melanie at eloisa ......jonsdmur
isa akong asong lalapit sayo para iyong amuin at himasin....
to melay... wow thankful
to melay... wow thankful ako sa sinend mo sa aking attched file... salamat sa mga tips na binigay mo sa akin.. ung iba na palitan ko na... ung iba...hmmm di ko pa alam kung paano palitan... hehehe para akong may exam na itama ang mali heheheh..... hirap talaga ako sa quoted sentences.. kung ano ilalagay ko period o comma.... hirap pa aksi ako gumamit ng punctuation mark...
salamat talaga.... masya ako kasi nagustuhan mo ang kwento....
abangan ang mainit na love team sa La Traidora... jonsdmur
kuya solmeyt!
Ay sus, wala iyon... masarap tumulong sa kapwa... tsaka, that's the reason why we are gathered in this site... ang matuto at magbahagi ng natutunan... hehehe.. that's what friends are for....
nung nagsisimula kami ni eloi, ganyan din kami. nagtatawagan pa nga kami sa phone para lang pag-usapan kung comma ba o period ang gagamitin.. o kung nito o niya... haha..kakalito talaga... pero pag tagal, nasanay na rin... masasanay ka rin...
inaabangan ko talaga ang part 2... kahit may idea na ako... kaabang-abang pa rin...
good luck...
melay
kaya nga thankful ako at
kaya nga thankful ako at nandyan ka para tulungan ako at turuan sa mga kahinaan ko...
Malapit na ang part 2.... jonsdmur
aabangan ko yan kuya!
aabangan ko yan kuya! hehe
Ano na naman kayang kasamaan ang taglay ko sa part 2?
yown, emote si kuya!
hehehe... wala na tayong ginawa kundi ang mag-tenkyu tapos mag-welcome... hehehe... basta if you still need help, text ka lang...basta wag tungkol sa pera, pulubi ako eh... hehehe... salamat din sa...basta salamat... hehehe.
kuya solmeyt, di pa nga pala kita napapasalamatan dahil tinupad mo ang pangarap kong "pagpaldahin" si Eloisa... hehehe. I remember, naka-bestida pa nga siya sa kwento! wahaha. ang taray ng lola!!!
goodluck sa part 2....
melay
uo nga... naiisip ko kasi
uo nga... naiisip ko kasi na baka bagay sa kanya ang palda...heheheh Sana nagustuhan mo ang part 2 ng la traidora.... nasa part 3 na ang lahat ng mangyayari.....nahirapan na naman ako sa grammar heheheh Gudluck sa iyong application... sana tawagan ka uli.... happy ako kasi si di ka naligaw....
jonsdmur
Ako nakapalda? Yak! Yak
Ako nakapalda? Yak! Yak talaga! Nako, pinagtulungan pa talaga eh. Maisip ko pa lang na magpapalda ako, kinikilabutan ako.
Hindi ko pa nababasa yung part two. kapag natapos na siguro duty ko...
Hay naku, kapagod. Sige.. hanggang dito na lang.
<(='.'=)>
ngeks!
@ Eloy,
Ngeks!!!
Akala ko pa-gerlash ka kc long hair at parating naka-rebond.hehe!
2 Jonds. About sa story eh...e-private msg ko na lang sa'yo po kpg may time ako ha. Ito pa lang ang kaya kong basahin sa ngayon. Busy eh.
inuman na 'to.ayos!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
aabangan ko komento mo...
aabangan ko komento mo... parang kulang kung wala ang komento ng lob tim ni melay ehehehehhe.... gusto ko kasi malaman kung kinilig ba si Jeffrey sa eksena.... heheheheh.....
pa-gerlash?! whaha! 'yong sa
pa-gerlash?! whaha! 'yong sa picture, pagbabalat-kayo lang 'yan. hehe. Hindi talaga ako nagpapalda.
Busy talaga si kuya dyeppri eh. madalang ko na lang nakikita mga comment niyo ni Kuya Spike. Nakakamiss din pala. haha! 
Si ate melay nga pala eh may trabaho na kaya madalang na lang bumisita sa site.
Ako, baka one week ding hindi makakapagbukas simula monday kasi may duty na sa hospital.
<(='.'=)>
elow po
kuya jons, nabasa ko na iyong la traidora, nakakainis iyong kwento pero maganda iyong takbo, ang mga lines din magaganda. panama talaga..
ana ganda po talaga.. wala akong masabi..
sana magsulat ulit kayo ng ganitong story.. ingats po..
Bakit nakakainis na maganda
Bakit nakakainis na maganda hehehehe.. thnks for reading.... Im happy at nagustuhan mo.... have a great day
busy eh!
napadaan lang sobrang busy eh.... may na post din ako kanina lang. yun lang po muna. ingatz
musta sa tropa na lang jonds...
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
yown padaan din!
hehehe... na-miss ko ang site ah...hehehe... busy sa trabaho eh... hehehe. ka-start ko lang kasi sa work... kuya solmeyt, pagpasensiyahan mo na si setty.magulo talagang kausap iyan...as in... hehehe... pabasa ko sa iyo ung novel na ginawa ko para jan kay setty nang maintindihan mo na magulo talaga kausap minsan ang best friend kong iyan...
hehehe...setty...aka arlene...yow, birthday mo ngayon ah... bakit di ka man lang nagparamdam???? manlibre ka naman jan..
kuya dyepp, miss ko na komento mo pati komento ni kuya spike, miss ko na rin...
hehehe...
Salamat sa pagdaan...
Salamat sa pagdaan... mukhang busy nga ah,,,, ingats....jonsdmur
bday mo ba? hapy hapy
bday mo ba? hapy hapy bday... di u nagparamdam ha...
bday ni setty ngayon
hehehe...si setty ang may bday...la ako load eh..bukas...may load ako. chika ulet tayo about dun sa session na gagawin natin sa la traidora mo...hehehe
okie.. cge... heto busy sa
okie.. cge... heto busy sa duty... musta na work... tagal mo ding di naka online ha...
Salamat sa lahat ng nagbasa
Salamat sa lahat ng nagbasa ng la traidora.... ito ang paborito kong nobela dahil tauhan dito ang ilang kaibigan ko sa site... sa inyong lahat maraming salamat...
La traidora is story of strong friendship
Kwento ng Inggit at pagtratra-idor sa isang kaibigan
Kwento ng pag-ibig
Kwento ng trahedya
Kwento ng pangarap
May comedy.. may drama... may suspense....
Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...
Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story
Hatid ko ay aliw sa inyong laha
ang haba bro! pero aus
ang haba bro! pero aus lang... ang galing! 
Try mo magpasa sa publishing company.. sayang ang talent.. hihihihi
Aus ang mga karakter na ginamit.. makatotohanan...
Salamat sa
Salamat sa pagbasa... marami akong binago sa nobelang ito... at inaayos ko na ngayon ang ending...
Para sa akin napakahalaga ng nobelang ito... special ang mga tauhan sa kwento... pero likhang isip din ang lahat at walang katulad sa tunay na buhay o pag uugali....
Thnks talaga happy ako kapag nakikita kita..
Gards po sa cute son nyo po... God bless always
Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...
Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story
Hatid ko ay aliw sa inyong laha
Ang haba naman nito pero
Ang haba naman nito pero nagustuhan ko ang chapter na ito. kala ko horror hindi pala. sa kwentong ito may suspense at drama at nakakakilig ang mga ilang eksena...hmmmm
mukhang ok ang love team dito? nakakakilig talaga hahahahahahah
Di ko pa nababsa ang part 2 pero sa part one nag enjoy na ako. Copy paste ko nga lang sa word kanina ang haba kasi...
Enjoy ako sa pagbabasa. Sa stories ang masasabi ko ay tibay ng friendship at inggit na rin. Pagkasakim at pagtratraidor sa kaibigan. Puno ng pangarap ang kwento at may sisira dito.
Maganda po.. sana marami pa ang makabasa... may ilang mali sa teknikal pero sa kwento ok na ok...
nakakakilig si jeff at melay grabe natatawa ako na kinikilig... at sa other side ng kwento ay naggagalaiti ako sa inis sa kontrabida.
Ang pagbabalik
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Muling nagbabalik ang kwento nina Melay at Eloy....
May ilang nagbago sa kwento...
Sa lahat.. maraming salamat.... parang kailan lang nang isinulat ko ito... parang kailan lang nang una ko kayong nakilala.....
Jons










malapit na ninyong
malapit na ninyong matunghayan......abangan.....jonsdmur