La Traidora (Part 2/3)

jonsdmur's picture
| | |

Paunawa

Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa

kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay

na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay

na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang

po ng aking malikot na imahinasyon.

la traidora 22

Sa pagpapatuloy:

  

Hindi makapaniwala si Melanie sa kanyang narinig kaya lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso ng kaibigan. Sa kanyang pagkakahawak ay pilit na nagpupumiglas si Eloisa dahilan para mabitiwan niya ito at buong tapang siyang hinarap ng kaibigan.

"Huwag mo akong subukan Melanie."

"Huwag mo akong susubukan Eloisa," agad na sagot ni Melanie.

Mabilis na tumalikod si Eloisa matapos mabigyan ng isang matapang na tingin si Melanie at tuluyan na itong umalis palabas ng gusali samantalang nanatiling nakatayo si Melanie at pilit na pinipigilan ang sarili na huwag masaktan. Hindi siya sanay na makipag-talunan lalo pa kung gulo ang idudulot nito pero kailangan niyang lumaban at huwag magpa-api.

Mula sa di-kalayuan ay may isang babaeng lihim na nagmamasid.... Lihim na natutuwa sa awayang nagaganap. Isang babaeng nakaitim. Isang babaeng may masamang binabalak.

Nilisin ni Melanie ang Spikewest Publishing House na may kirot sa kanyang dibdib at idinaan na lang niya sa pag-iyak ang sakit na nararamdaman habang binabalikan ang bakas nang kahapon.

"Eloisa, paglaki natin sana maging sikat tayo."

"Oo nga! Gusto ko sabay nating marating ang bituin ng ating mga pangarap."

Muling ipinikit ni Melanie ang kanyang mga mata habang inaalala ang matamis na pangarap nila ni Eloisa. Hinayaan niyang tuluyang dumaloy ang mga luha sa pisngi at ilabas ang bigat na nararamdaman.

Alas-sais nang makarating si Melanie sa kanilang bayan. Mababakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan. Mabibigat na mga hakbang ang kanyang ginawa habang pinagmamasdan niya ang kalsadang  kanyang dinaraanan. Maraming mga batang  naglalaro sa gitna ng kalsada at iilan na lang ang mga sasakyang dumaraan. Napangiti siya nang makasalubong niya ang dalawang batang babae na masayang naglalakad habang nagkukulitan. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang pagkakaibigan nila ni Eloisa na bigla na lang nasira.

Napahinto si Melanie sa paglalakad nang mapansing nasa harapan na siya ng tree house. Hindi siya makapaniwalang dito siya dadalhin ng kanyang mga paa. Tumingala siya at nakita niya si Jeffrey na tahimik na nakaupo sa pintuan ng tree house. Ang mga paa nito ay nakapatong sa hagdanan ng tree house.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay pinagmasdan niya ang lalaki. Napangiti siya nang mapansing tulog ang binata at parang isang maamong anghel kung maka-idlip.  Ang ulo nito ay bahagyang nakayuko at ang mga kamay ay sadyang nakapatong sa dalawang malaking hita at nabaling ang atensyon niya sa balbong binti nito. Gumalaw ang lalaki dahilan para matauhan siya sa pagkakatitig. Napahiya siya sa kanyang ginawa at naisipang tumalikod na lang at umuwi sa sariling tahanan ngunit sa di-sinasadya ay nasagi niya ang isang kinakalawang na lata at naglikha ito ng ingay dahilan para magising ito sa himbing nang pagkakatulog.

"Melay?" agad na tawag nito sa kanya.

Muli na naman siyang natigilan at pinipigilan ang sarili na huwag tumingin sa lalaking naalimpungatan at pababa ng tree house.

"Kanina ka pa ba? Nakatulog kasi ako," tugon nito habang inaayos ang damit na nagusot.

"Ah, eh...hindi naman napadaan lang ako. Buti hindi ka nahulog."

"Muntik na nga akong mahulog sa kinauupuan ko buti na lang napakapit ako."

Isang malapad na ngiti ang kanyang pinakawalan sa likod nang kalungkutang nararamdaman. Gusto niyang umiyak at sumandig sa balikat nito para makalimutan ang sakit na nararamdaman. Hindi na niya napigilan ang sarili na muling maiyak at nagulat siya nang bigla siyang hinila ng lalaki at mahigpit na niyakap. Ang malapad nitong dibdib ay naging sandigan niya. Gusto niyang kumalas at magalit sa ginawa nito pero hindi niya kayang tumanggi.

"Kung may bigat kang nararamdaman nandito lang ako," bulong na sabi sa kanya.

Pakiramdam ni Melanie ay nagkaroon siya nang masasandalan. Lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata. Matangkad ito at kailangan pa niyang tingalain upang masilayahan ang mukha nito. Pakiramdam niya sa mga oras na ito ay luha na ito ng kaligayahan dahil sa unang pagkakataon ay nayakap niya ang isang lalaking lihim niyang iniibig.

"I love you kuya!" mahinang turan niya at sa labis na kaligayahan ay hindi siya nautal.

"Ano?" biglang tanong ng lalaki.

"Ah, eh...wala," mabilis na kumalas siya sa pagkakayakap nito.

Isang malapad na ngiti ang itinigon nito sa kanya pagkatapos ay lumapit ito sa puno ng balite at kinuha ang nakasabit na lumang lampara. Sinidihan ito ng lalaki . The lights added to the romantic atmosphere at ngayon lamang niya napansin na tuluyan ng lumubog ang haring araw.

Tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang ginagawa ng lalaki. Isang malinis at malapad na karpet ang inilatag nito sa tabi ng puno. Umakyat ito sa tree house at agad ding bumaba dala ang maraming prutas at tinapay. Masayang inilapag sa karpet at iniayos ang mga pagkaing dinala. Muli itong umakyat at isang awitin ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Isang awiting kumiliti sa kanyang puso.

"Mahal na mahal
‘yan ang damdamin na sa ‘yo'y nararamdamanân «ung ‘di mo alam?
Puso'y ‘di mapalagay ‘pag ‘di ka namamasdan?o, bakit ganyan?
At maging sa ‘king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling; nais makayakap sa t'winaâ
Nang dahil sa ‘yo

Pagkababa nito ay masaya siyang hinila paupo sa karpet. Umupo silang magkaharap at lihim na nakikiramdam sa bawat isa.

Nang dahil sa ‘yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahalâ sadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatanâ ¨huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibigâ  ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaaktan,
Ang puso na sa ‘yo'y nagmahal

Napatingin siya sa lalaki at nagtama ang kanilang paningin. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at parang gustong magwala ng puso niya pero hindi niya ito kayang pakalmahin.

Kumuha si Jeffrey ng isang sandwitch at iniabot sa kanya. Napatingin siya sa sandwitch dahil may nakaipit itong isang maliit na papel at halos mamula ang kanyang pisngi nang mabasa ang nakasulat dito.

Smile! My Hello Kitty!

Ang simpleng ngiti ay nauwi sa mahinang tawa. Napatingin siya sa lalaki at isang matamis na ngiti ang muling nagpatunaw sa kanyang puso.

Tumayo siya upang hampasin ng kamay ang lalaki. "Kuya, sobra ka na," asar na sabi niya sa tumatawang lalaki.

Isang hampas ang pinakawalan ni Melanie at tumama ito sa dibdib ng binata. Isang hampas uli ngunit ang mga kamay nito ay pumulupot sa kanyang baywang and pulled her closer body to his body. Pakiramdam ni Melanie ay hindi siya makahinga sa higpit ng pagkakayakap ng binata. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na dibdib ng binata. Naramdaman niya ang unti-unting pagdaloy ng init sa kanyang katawan.

Napatingin si Melanie sa mukha ni Jeffrey at hindi siya makapaniwala na pantay ang kanilang mga mukha at doon lamang niya napansin na kalong-kalong siya ng lalaki. Ang mainit nitong katawan ang gumising sa natutulog niyang puso. Nagtama ang kanilang paningin at maya maya....


Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!

Napapikit ang kanyang mga mata at umaasang isang matamis na halik ang kanyang malalasap. Naramdaman niyang ibinaba siya ng lalaki at sa kanyang pagdilat.

"I like you.... my little sister."

Parang bombang sumabog sa pandinig ni Melanie. Sa sinabi ng binata ay parang natauhan siya sa kanyang sarili. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na huwag masaktan sa narinig.

" Ten years ang tanda ko sayo. Okay lang ba?"

Sa sinabi nito ay pinilit niyang ngumiti kahit lihim na nasasaktan.

"Alam ko, bakit naman hindi pwede? Sister naman ang turing mo sa akin," kaswal na sagot niya.

"Kahit na ligawan kita."

Natulala si Melanie sa sinabi nito sa kanya. Muling nabuhayan siya ng pag-asa.

"Natatakot ako na baka kuya lang ang turing mo sa akin." Sabi nito sa kanya at lalong lumapit sa kinatatayuan niya. Napa-atras siya sa pag-aakalang muli siyang yayakapin ng lalaki.

"Ah, eh......" tanging sambit niya at agad na lumapit sa kanya at isang halik sa pingi ang kanyang natanggap. Mabilis pero ramdam niya ang init ng labi nito. Napaupo siya sa kanyang kinauupuan at humagulgol na lamang. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil magkahalong saya at lungkot ang kanyang nararamdaman.

"Melay, ‘wag kang umiyak baka may makakakita sa atin at idemanda ako ng child abuse." Tarantang sabi ng lalaki habang may mga ngiti sa labi. Itinayo siya nito at tinatanggal ang mga kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha.

"Melay, I love you! Maniwala ka. Huwag ka nang umiyak. G-galit ka ba?"

Tumigil siya sa kakaiyak at tumingin sa lalaki.

"Umiyak ako kasi ngayon lang ako nahalikan ng isang lalaki. First time ko."

"Bakit ako? First time ko ring humalik na umiyak ang babae."

Sa sinabi nito ay isang maliit na kurot sa tagiliran ang kanyang  pinakawalan. Tumalikod siya at tumakbo palayo sa lalaki. Pilit naman siyang hinabol nito ngunit tumigil din at bumalik ng tree house. Sa nangyari napahinto si Melanie sa gitna ng kalsada.

"Bakit ‘di niya ko hinabol. Akala ko maghahabulan kami sa gitna ng kalsada." Bulas ni Melanie habang may mga ngiti sa labi.

Hindi makapaniwala si Melanie sa sinabi sa kanya ni Jeffrey. Pakiramdam niya sapat na ang tagumapay niya sa pag-ibig para matakpan ang kabiguan niya bilang isang novelist. Muli na naman niyang naalala ang kaibigang si Eloisa. Bukas nakakasiguro siyang magkikita silang muli ng kaibigan. Babalik siya ng Spikewest Publishing House para makausap ang nagmamay-ari nito.

Ipinikit ni Melanie ang kanyang mga mata at umaasang may pag-asang maghihintay sa kanya kinabukasan.

Alas-singko nang madaling araw ay naalimpungatan si Melanie sa tunog ng cellphone. Napangiti siya nang malamang galing kay Sanjie ang mensahe. Agad niya itong sinagot at nagpasama na rin siya sa pagpunta sa Publishing House at hindi hindi siya binigo ng kaibigan.

Bumangon siya ng kama at agad na pinagmasdan ang sarili sa salamin. Isang oversized t-shirt ang suot niya na nagmukhang bestida. Napatingin siya sa kanyang binti at nanlumo siya sa kanyang nakita. Lalong nangitim ang peklat niya sa binti at pakiramdam niya ay hindi na siya pwedeng magsuot ng palda.

Inilibot niya ang paningin sa paligid at nag-usisa. Ang makakapal na kurtina na nakatakip sa bintana ang nakakuha ng kanyang pansin. Lalapit sana siya sa bintana nang mahagip ng kanyang paningin ang naka-hanger na palda. Kinuha niya ito at agad na itinapon sa basurahang malapit sa pintuan ng kanyang kuwarto.

"Diyan ka nababagay. Basura," sambit ni Melanie habang pinagmamasdan sa basurahan ang iniregalo sa kanya ni Eloisa.

6:00 AM

Tapos nang maligo si Melanie at maglagay ng lotion nang marinig ang mga katok sa pintuan. Kasalukuyang nagsusuklay siya ng mahabang buhok at nakasuot na rin siya ng damit. Lumipad sa pintuan ang ang kanyang paningin nang bumukas iyon.

"Melay, si Sanjie hinihintay ka na."

Isang tango ang isinagot niya sa kanyang ate at lumabas na siya ng silid. Naabutan niya ang kaibigang nakatayo at nagulat siya sa kanyang nakita. Naka plain polo white  ang kaibigan at lalaking lalaki ang kilos.

"Anong acting ‘yan?" biro niya sa kaibigan.

Ang mga mata ni Sanjie ay  nakatutok sa kanya mula ulo hanggang paa at naiilang siya roon. Isang tingin lamang nito sa kanya ay parang gusto siyang hubaran.

"You look better," anitong nasiyahan sa nakita.

Napanganga si Melanie sa tinuran ng kaibigan. Hindi siya makapaniwalang lalaking lalaki ang kilos at pananalita nito. Lalo siyang nagulat nang biglang hinawakan ng kaibigan ang magkabilang balikat niya.

"Melanie, mahal kita," sambit nito.

Tuluyan nang natulala si Melanie at naalala niya ang mga katagang binigkas ni Jeffrey sa kanya. Unti-unting ipinikit ni Melanie ang kanyang mga mata at pumasok sa kanyang isipan ang lalaking kanyang iniibig. Ang lalaking nakatira sa puno ng balite na kanyang iniidulo.

Bumilis ang tibok ng puso niya at inisip na si Jeffrey ang nasa kanyang harapan. Nagulat siya nang biglang itinulak siya ng kaibigan.

"Bruha, Feeling mo hahalikan kita?"

Bumalik ang matino niyang pag-iisip at natauhan sa kanyang ginawa. Pinagmasdan niya muli ang kaibigan at sabay silang napahagikgik at nagyakapan.

"I love  you sister," tugon sa kanya ng kaibigan.

"Wow, ang galing mong artista. Akala ko lalaki ka na."

"Naman!" bigkas nito at sila'y muling nagtawanan.

9:00 AM

Nakaramdam na nang pagkainip sina Melanie at Sanjie habang naghihinatay sa labas ng opisina ni Spike. Nagbabasa si Melanie ng nobela ni Lualhati Baustista ngunit wala roon ang kanyang isipan at napukaw ang kanyang curiosity sa sasabihin sa kanya ng may-ari ng Publishing House. Excited siya sa sasabihin nito.

"Mukhang hindi excited ang lola," ani ni Sanjie habang nagbabasa ng magazine at lihim na sumusulyap sa kaibigan.

Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at naiinip na binuklat-buklat ang binabasang nobela. Halatang wala roon ang kanyang atensyon. Kaagad na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa nang bumukas ang pintuan ng opisina ni Spike.

"Good morning! Sir Spike."

Isang matipid na ngiti ang isinagot sa kanya at niyaya siya nitong pumasok sa conference room. Nagpaalam siya sa kaibigang abala sa pagbabasa ng mga Fashion Magazine at isang kindat lang ang isinagot sa kanya.

Nagulat siya nang makapasok nang conference room. Isang mahabang mesa at may mga batikang manunulat na naghihintay sa kanila at isa na si Eloisa. Ang maga mata nito ay sa kanya nakatutok mula ulo hanggang paa.

Pinaupo siya ng lalaki at masusing pinagmasdan. Isa-isang pinakilala sa mga kasama. Nalaman niyang mga senior writer ng kumpanya ang kanyang makakahalubilo at tanging si Eloisa lamang ang baguhan sa kahat.

"Siya si Melanie at kaibigan siya ni Eloisa." Pakilala sa kanya  ni Spike at nabaling ang atensyon nito sa walang imik na si Eloisa.

"Bago ang lahat, Congatulations! Eloisa. Best seller ang una mong nobela."

Lihim na natuwa si Melanie sa narinig. Pakiramdam niya nasa kanya ang tagumpay kahit ninakaw ng kaibigan ang kanyang nobela. Pangalan lang ni Eloisa ang nakalagay sa libro at hindi ang kaluluwa ng nobela kung saan siya ang naglikha.

May kinuha si Spike mula sa isang cabinet at mula dito kinuha ang isang folder na nagkakalaman ng isang nobela. Napatingin siya sa folder at napangiti siya dahil naalala niya ang manuscript na ipinasa niya ilang buwan na ang nakakaraan. Lalong nakaramdam ng tuwa si Melanie sa pag-asang napansin na siya ng publisher.

Ngumiti ang poging may-ari at umupo malapit sa kanya. Sa mga mata nito ang tuwa para sa kanyang tagumpay.

"Muli naming pinag-aralan ang nobelang mong Dorm Mates at masasabing kong konting ayos lang at pwede na ito. Kaibigan mo si Eloisa kaya may tiwala ako sayo." Tugon nito sa kanya.

"The novel was inique and interesting. Sa dami ng tauhan ay nagawa mo pa ring maayos ang nobelang ito. Almost perfect na ang gawa mo, maybe marami ka ng experience in writing and at the same, maganda ang pagkakagawa especially in using punctuation." Tugon ng isang matandang manunulat na kaharap niya.

"I agree dahil naisabuhay niya ang mga tauhan sa kwento at konting ayos na lang at pwede na ito." Dugtong ng isang Editor.

Halos tumalon siya sa kanyang kinauupuan sa lahat ng mga komentong natanggap niya. Pakiramdam niya ay abot-kamay na niya ang tagumpay.

Sa kabilang sulok naman ng mesa ay bahagyang nakataas ang isang kilay ni Eloisa. Hindi makapaniwala sa mga papuring natatanggap para sa dating kaibigan.

"Para sa akin nararapat ka lamang na maging bahagi ng ..."

Hindi na natuloy ni Spike ang sasabihin dahil biglang tumayo si Eloisa at kinuha ang manuscript na isinulat ni Melanie.

"Dorm mates, titulo pa lamang wala ng dating. Maayos mo namang naisabuhay ang mga karakter ng istorya pero ang sa akin lang eh tingin ko masyado maraming karakter involve. Yung tipong hindi mo na alam kung alin ang mas bibigyan mo ng atensyon. Kung di ako nagkakamali, sa isang nobela limitado ang mga karakter dito, para mabigyan ng focus ng mambabasa ang bida sa istorya."

Halos napapailing ang mga Proofreader at mga Editor sa sinabi ni Eloisa.

"Bago lamang ako sa larangan ng panunulat pero alam ko na kung ano ang magandang nobela. Kaibigan ako ni Melanie kaya ako ang nakakakilala sa kanya.Hindi sapat ang galing niya sa mga punctuation mark." Dugtong ni Eloisa.

"Eloisa, sa tingin ko maganda ang kwento," sambit ni Spike.

"Maganda? Oo, pero ang tinitinda natin ay romance novel o hindi kaya isang seryosong nobela. Dorm mates ay isang pambatang kwento." Tugon nito kasabay ng isang malutong na halakhak.

"Tama si Eloisa. Kulang sa romansa ang nobela." Sambit ng isang lalaking Editor na sumasang-ayon kay Eloisa.

Nagsitayuan na ang mga Editor at lumabas na sa conference room. Nagpaalam naman si Spike sa dalawang babae at nagbilin kay Melanie na mag-uusap sila pagkatapos nang biglaang meeting.

Naiwan silang dalawa ni Eloisa sa loob ng conference room. Hawak nito ang manuscript ng nobela niya. Lumapit ito sa kanyang kinatatayuuan at halos hindi niya mapantayan ang tapang ng mukha nito. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para kalabanin ito.

"Alam mo Melanie.... masyadong mataas ang pangarap mo. Alam mo ba kung ano ang nababagay sa nobela mo? Itapon sa basurahan dahil may saysay pa ang kwento ng buhay ko kaysa sa kwento ng nobela mo." 

Nagkatitigan sila at siya na rin ang nagbaba ng paningin dahil hindi niya kayang makipagsukatan ng tapang sa dating kaibigan. Itinapat sa kanyang mukha ang manuscript ng kanyang nobela at bigla itong pinunit sa kanyang harapan. Pira-pirasong pahina ng papel ang kanyang nakita sa sahig. Habang ang babaeng kaharap ay masayang nakangiti. Masayang pinagmamasdan ang mga papel na nagkalat sa sahig.

"Ang isang katulad mo ay walang puwang sa mundong ginagalawan ko." Sambit nito sa kanya at agad na lumabas ng conference room.

Napaluhod si Melanie habang pinupulot ang mga papel na nagkalat sa sahig. Bawat papel na kanyang nadadampot ay siyang pagtulo ng kanyang mga luha. Pakiramdam niya ay bumaba ang kanyang pagkatao. Isang bagay na ngayon lang nangyari sa kanya at ginawa pa ng isang taong naging bahagi ng kanyang buhay.

"Hamakin mo na ang lahat sa akin ‘wag lang ang aking pagsusulat dahil wala kang karapatan." Tanging sambit ni Melanie habang buong lakas na kinuyum sa kanyang palad ang pira-pirasong papel.

Sa kabilang dako naman ay hindi mapigilan ni Eloisa ang matuwa sa sarili. Pakiramdam niya ay nagtagumpay na siya. Best seller ang nobelang inagaw niya kay Melanie at ngayon ay isa siyang Editor-in-chief sa isang kilalang Publishing House. Nasa first floor siya ng gusali  at papunta siya sa 30th floor kung saan may biglaang meeting silang lahat. Gagawin niya ang lahat hadlangan lang ang  tagumpay ng kaibigan.

Pumasok siya sa loob ng elevator at nakahinga nang maluwag dahil nag-iisa lamang siya sa loob at walang ibang sumakay.

2nd floor

3rd floor

4th floor

5th floor

25th floor

Mabilis ang pag-ayat ng elavor at pakiramdam ni Eloisa ay kasing bilis ng tagumpay niya. Sa bawat palapag na nararating ng elevator ay maihahalintulad niya sa mga tagumpay na kanyang makakamit. Nag-iisa at walang kasamang marating ang bituing kanyang pinapangarap. Hindi ako papayag Melanie na ikaw lang ang tatalo sa akin. Ako lang ang kikilalaning magaling na novelist sa henerasyon natin. Tanging bulong niya sa kanyang sarili habang palabas ng elevator at tinungo ang President's Office.

Dalawang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin natatapos ang meeting. Sina Melanie at Sanjie naman ay minabuting magpahangin muna sa labas ng gusali at maupo sa isang upuang malapit sa puno ng Mangga.

Nilabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman sa kaibigan.  Sa tulong nito ay panandalian niyang nakalimutan ang nangyari sa kanila ni Eloisa pero sa kanyang isipan ay inaasahan niyang nabasura na ang kanyang Dorm Mates.

"Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Sir Spike?" Malungkot na tugon niya sa kaibigang nakikiramay sa kanya.

"Kapag nabasura ang nobela mo ako na mismo ang kakalbo sa Eloisang ‘yan. Sister, pa'no na ‘yan at gutay-gutay na ang manuscript mo?"

"May copy ako ng lahat ng nobelang isinusulat ko. Kapirasong papel lang ang pinunit ni Eloisa. Hindi ang kaluluwa ng nobela ko."

"Naman!" sambit ni Sanjie at nanlisik ang mga mata nito nang makitang palapit sa kanila si Eloisa.

 Natahimik si Melanie nang magkaharap silang tatlo. Wala na ang dating sigla kapag nagkikita sila at nagkakasama. Wala na ang makukulit na kulitan at masasayang sigawan na kanilang ginagawa.

Ngayon, parang may isang malaking pader na naka harang sa kanilang pagitan. Isang pader na mahirap akyatin.

"O, magkakatinginan na lamang ba tayo? Frienship," mataray na sambit ni Eloisa.

"Ang kapal ng muk-ha mo."

Sa pagkakasabi ni Sanji ay nagulat ni Eloisa dahil isang sabunot sa mahabang buhok niya  ang ibinigay ni Sanjie. Lumaban si Eloisa sa kaibigan at hindi ito nagpatalo. Kahit may kalakihan ang lalaki ay nagawa niya itong labanan. Pilit niyang iniiwasan ang mga kamay nito na kukurot sa kanyang katawan. Hinawakan din niya ang buhok ng lalaki at sila ay nagsabunutan.

Sa isang sulok ay hindi alam ni Melanie kung ano ang gagawin. Natigilan siya sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang awatin ang dalawa at lapitan ito pero naisip niyang kaka-rebond lang ng kanyang buhok kaya minabuti na lang niya na awatin ang dalawa sa pamamagitan ng sigaw.

"Hoy, tigilan na ninyo ‘yan," malakas na sigaw niya sa dalawang nagsasabunutan.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Sanjie sa buhok ni Eloisa pero patuloy pa rin ang laban ni Eloisa. Isang sipa sa tiyan ang natanggap niya mula kay Eloisa dahilan para mabitiwan niya ang dating kaibigan.

"Ha-hayop ka! Magnanakaw ng nobela. Traidor!" Sambit ni Sanjie habang sapul ang tiyang masakit.

Lumapit si Eloisa sa kinatatayuan ni Sanjie at isang sampal ang ibinigay niya sa lalaking namimilipit sa sakit. Gaganti sana si Sanjie pero huli na ang lahat malakas siyang naitulak ni Eloisa dahilan para ma-out of balance siya ay matumba sa kanyang kinatatayuan.

"Maldita ka Eloisa," sambit ni Sanjie habang nakatukod ang kanyang mga kamay sa lupang kinabagsakan niya. Lumapit si Eloisa sa kanyang kinaroroonan at isang dura ang ibinigay sa kanya nito.

Lalong uminit ang dugo ni Sanjie at agad itong tumayo para lapitan si Eloisa. Pilit niyang hinila si Eloisa pero nagpupumiglas ito. Nabitawan niya si Eloisa at matapang itong humarap sa kanya.

"Bakla!"

Parang simampal si Sanji sa sinabi ng dating kaibigan. Hindi niya napigilan ang sarili na maiyak habang napapaupo sa kanyang kinatatayuan. Agad na tumalikod si Eloisa at hindi na pinansin ang dalawang dating matalik na kaibigan.

Nanatiling nakatayo si Melanie malapit sa puno ng Mangga. Nakatulala at hindi makapaniwala sa nangyari. Nasaktan siya sa ginawa ni Eloisa at lalo siyang nasaktan nang makitang patuloy pa rin sa pag-iyak si Sanji.

Nilapitan niya ang kaibigan at niyakap ito. Pinagpag niya ang mga lupang dumikit sa damit ng kaibigan. Humarap sa kanya si Sanji at patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Oo, bading ako. Kaya kong tanggapin kung sabihin sa akin ng lahat ng tao na bakla ako, bading ako, charing ako. Lahat kaya kong tanggapin. Huwag ko lang marinig sa inyo. Dahil masasaktan ako dahil hindi ko kayang manggaling sa isang kaibigan ang isang insulto sa pagkatao ko. " 

Agad na tumayo ang kaibigan at mabilis itong tumakbo. Nakita niyang sumakay ng taxi ang kaibigan. Pinahid niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang mata. Napatingin siya sa gusali at nakita niya si Eloisa na may kinakausap na isang babaeng nakaitim malapit sa entrance ng building.

Lumapit siya sa kinaroroonan ni Eloisa nang makitang nagpaalam na ang kausap nito. Buong tapang siyang hinarap ng dating kaibigan. Mata sa mata ang kanilang titigan. Bawat isa ay ayaw bumitaw hanggang hindi na nakatiis si Eloisa.

"Alam mo ba kung ano ang tawag diyan Melanie? Insecurity!"

"Wag mo ‘kong pilitin na tuluyang mawala ang respeto ko sayo. Isa na lang Eloisa at makakatikim ka na sa'kin."

"Bakit? Sasampalin mo ‘ko?" sabay lapit ng mukha niya sa mukha ni Melanie.

"Makapal na ang mukha mo Eloisa. Hindi na kaya ng sampal." Matigas na sabi ni Melanie at isang dura ang binigay niya sa nabiglang kaibigan.

Pinahid ni Eloisa ang laway na tumama sa kanyang pisngi at isang malakas na sampal ang kanyang pinakawalan ngunit madaling naagapan ni Melanie ang kamay niya at isang malakas na sampal ang natanggap niya mula rito.

Sapol niya ang pisnging namumula habang hindi makapaniwalang masasampal siya ng isang babaeng tulad ni Melanie.

"Ako na lang ang harapin mo at matitiis ko ang lahat nang ginagawa mo. Huwag mo lang gagalawin si Sanjie."

Isang malalim na buntung-hininga ang hinugot ni Melanie. Hindi niya alam kung matutuwa nga ba siya at nalabanan niya si Eloisa. Nakita niya kung paano nabigla ito matapos niya mabigyan ng isang malakas na sampal. Wala na si Eloisa sa kanyang harapan ngunit pakiramdam niya ay nasa isang sulok lamang ito at naghihintay ng pagkakataong makaganti.

Laking pasasalamat niya nang pagpasok niya sa opisina ni Spike ay kararating lang din nito mula sa isang meeting. Pinaupo siya sa isang upuang malapit sa mesa nito at napansin niyang nakatingin ito sa kanya at bahaghang nakangiti. Magsasalita sana siya pero ang lalaki ang unang nagsalita.

"Nabalitaan ko na pinunit mo ang manuscript mo," anito sa kanya habang nangungusap ang mga mata.

Parang bumara ang lalamunan niya sa sinabi ng kaharap at hindi siya makasagot. Agad itong napansin ng lalaki kaya isang ngiti uli ang ibinigay sa kanya.

"Kung hindi mo alam. Ako ang may-ari ng kumpanyang ito at kahati ko ang kuya ko. The decision is mine. Bagsak ang nobela mo."

Gustong umiyak ni Melanie sa narinig pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ito ba ang dahilan kung bakit siya kinausap ng lalaki ay para ipamukha sa kanya na hindi bumenta ang kanyang nobela.

Tatayo na sana siya at magpapaalam para sa restroom niya ibuhos ang sakit na nararamdaman ngunit pinigilan siya nito at nakangiting humarap sa kanya.

"Congratulations! Starting today isa ka ng Editor-in-chief."

Napanganga siya sa kanyang narinig at parang ayaw na niyang magising pa kung ito ay isa panaginip. Hindi niya napigilan ang sarili at nagpaalam para pumunta ng restroom. Halos patakbo niyang tinungo ito at sa hindi sinasadya ay nabangga niya ang isang babaeng nakaitim. Nagtama ang kanilang paningin at lihim siyang napalunok. Nasa mukha nito isang babaeng palaban. Isang babaeng matapang at mapagmataas. Ang isang kilay ay nakataas na lalong nagpatapang sa mga matang nakatutok sa kanya. Napatingin siya sa damit ng babae at napansin niyang mayaman ito. Isang black mini dress slip ang suot nito na hapit na hapit sa magandang katawan at pinarisan ng mga mamahaling alahas.

Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya pagkatapos ay agad itong tumalikod at iniwan siyang nakatulala. Pakiramdam niya sa kanyang sarili ay isang mabagsik na mangkukulam  ang kanyang nakaharap. Lihim siyang napatawa sa kanyang naisip at tinungo na niya ang rest room.

Mamahalin ang tiles doon. Pati na rin ang salaming kanyang nasisilayan. Sa kabilang gilid naman ay nadoon ang mamahaling urinals. Napa-atras siya sa nakita at nagtaka kung bakit may urinal na para sa lalaki. Halos mapasigaw siya nang pumasok ang isang lalaki at pareho silang nagulat. Agad siyang lumabas at pinagsasabunot ang sariling buhok sa katangahang ginawa.

Sa restroom ng mga babae ay hindi napigilan ni Melanie ang maiyak. Oo nga at hindi nakapasa ang kanyang nobela pero isa na siyang Editor-in-chief. Malaking bagay na sa kanya ang swerteng nangyari sa kanya pero ewan ba niya sa kanyang sarili dahil hindi niya mapigilan ang maiyak sa sobrang kaligayahang nararamdaman.

Bumukas ang pintuan ng isang cubicle at lumapit sa kanya ang isang babae. Nagulat siya at bigla niya itong nilingon. Si Eloisa ang kanyang nakita at nakangisi itong nakaharap sa kanya.

"Masakit ba ang mareject ang nobela?"

"Hindi! Nakikita mo ba ang luhang ito?" sambit niya habang itinuturo ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. "Luha ito ng kaligayahan dahil isa na akong editor-in-chief," dugtong niya at iniwan niya si Eloisa na nagulat sa natuklasan.

Halos nabaksakan ng langit si Eloisa sa narinig. At halos sinampal siya sa sinabi ng dating kaibigan. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan. Pakiramdam niya ay may hahadlang sa kanyang tagumpay. Isang dating kaibigang tatalo sa kanya. Isang kaibigang hadlang sa kanyang kaligayahan.

Lumipas ang mga buwan ay hindi pa rin makakalimutan ni Melanie ang maraming pangyayari sa kanyang buhay. Katulad noong naging best new Editor-in-chief siya sa kanilang kumpanya. Kitang kita niya kung paano umasim ang mukha ni Eloisa noong tinangap niya ang award. Hindi rin niya makakalimutan ang masayang pag-iibigan nila ni Jeffrey. Napatingin siya sa kanyang daliri at pinagmasdan ang singsing na bigay sa kanya ng katipan. Napangiti siya habang naalala ang tagpong hindi niya makakalimutan.

"My  friend, puntahan mo daw si papa Jeff sa tree house."  Tugon ng kanyang kaibigang si Sanji sa kabilang linya. "Sige, bye bye na," paalam nito at agad na ibinaba ang telepeno.

Halos patakbo niyang pinuntahan ang katipan at halos mapasigaw siya nang makitang sira-sira ang tree house. Nakaramdam siya ng takot sa sarili na baka may nangyaring masama sa lalaki. Tumunog ang kanyang cellphone at agad niyang binasa ang mensahe ni Sanji. Lalo siyang naguluhan nang  malamang nasa sementeryo ang lalaki.

Mabilis ang mga hakbang ang kanyang ginawa hanggang marating niya ang sementeryo. Iginala niya ang kanyang paningin sa lahat nang madadaanan at umaasang makikita ang si Jeffrey hanggang marating niya ang puno ng baliteng nasa loob ng sementeryo.

Isang malakas na awitin ang kanyang narinig at napatingin siya sa puno ng balite.

Bakit nga ba ang puso
Pag nagmamahal na
Ay sadyang nakapagtataka
Ang baawa't sandali
Lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama

Namangha siya sa kanyang nakita. Isang bagong tree house ang nasilayan niya at napangiti siya nang bumaba ang binatang iniibig. Nasa mga mata nito ang labis na kaligahang nadarama. Lumapit sa kanya ang binata at masuyong hinawakan ang kanyang kaliwang kamay at dahan dahang isinuot ang isang singsing. Hindi niya napigilan ang sarili na maiyak sa kaligayahang nadarama.

 Ngayon ay wala nang dahilan para pigilan pa niya ang sariling damdamin. Sobrang saya niya! Hinila siya nito at nagkalapit ang kanilang mga katawan at isang mariing halik ang kanyang naramdaman.. Isang halik na ubod ng tagal, isang halik na ngayon lang niya nalasap. Hindi niya makakalimutan ang araw na tinanggap niya ang pag-ibig nito at isang matamis na halik ang kanyang natikman.

"Melay, bakit parang natulala ka diyan habang pinagmamasdan ang singsing na ‘yan?" sambit ni Fhearl sa kanya.

Natauhan siya sa kanyang alaala at muling inilayo ang paningin sa singsing na kanyang pinagmamasdan. Napatingin siya kay Fhearl at natuwa siya nang makita sa mukha ng kaibigan ang labis na kaligayahan.

Ilang lingo na ang nakakaraan ay masaya niyang ibinalita sa kaibigan na kinukuha niya itong regular writer sa bagong magazine na gagawin ng kumpanya. At labis itong natuwa nang malamang may portion ito sa magazine ang Dear Ate Lovely, kung saan tatalakayin ang ibat-ibang sulinanin na kanyang bibigyang kasagutan.

Sa mga panahong ito ay wala nang hihilingin pa si Melanie sa tagumpay na nakamit. Pakiramdam niya nasa kanya na ang tagumpay. Maliban sa pagiging Editor-in-chief ay gumagawa siya ng isang kakaibang nobela. Pinag-aaralan din niya kung paano ang gumawa ng isang script para sa isang pelikula. Tulad ni Lualhati Bautista ay umaasa siyang maging isang malaking pelikula ang kanyang nobela.

Nagkaroon nang biglaang meeting at lihim siyang nagpasalamat dahil pagdating niya ng conference room ay hindi pa ito nagsisimula. Late na siya nang limang minuto sa napag-usapang oras. Agad siyang naupo at nagulat nang malamang magkatapat sila ni Eloisa nang inuupuan. Pilit niyang sinasalubong ang titig nito sa kanya. Sa klase ng tingin nito alam niyang naghahamon ito ng away na ayaw na niyang patulan pa.

Dumating si Spike na mababakas sa mga mukha nito at tindi ng galit. Tumayo sa gitna at pinagmasdan ang mga taong kabadong nakaupo at  naghihintay ng kanyang sasabihin. Mula sa bag nito ay kinuha ang isang magazine at nahulaan niya na ito ang bagong magazine na ginawa ng kumpanya. Silang dalawa ni Fhearl ang in-charge para sa editing and printing nang nasabing magazine.

"Ms. Melanie, kindly check that stupid magazine."sabay lapag ng magazine sa kanyang harapan.

Kinuha niya ito at dahan dahang binuklat at nagulat siya sa nakita. Ang magazing inayos nila ni Fhearl at siniguradong tama lahat bago ibigay sa printing press ay may malaking technical error ngayon.  Ang mga larawan nito ay nagkagulo at maraming English grammar error.

"Maraming mali, hindi ba?" asik nito sa kanya.

Pakiramdam ni Melanie ay nanunuyo ang kanyang lalamunan at wala siyang maapuhap na salita. Isang marahang tango ang ginawa niya bilang pangsang-ayon sa sinabi nito. At nang lumakad ito palapit sa kanya ay nakaramdam siya ng panghihina. 

"Best Editor-in-chief ka sa kumpanyang ito. Paano nangyari ‘yan? Buti na lang 100 copies pa lang ang naiimprinta."

Lalong nagbara ang kanyang lalamunan at hindi malaman kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya sa kanya lahat nang kasalanan. Nagulat siya nang biglang tumayo ang babaeng naka-itim at lumapit kay Spike. Kinausap ito na tapusin na ang meeting at agad naman itong sinang-ayunan ng lalaki.

Agad na nagsilabasan ang ibang writer at tanging silang tatlo na lamang ang natira. Si Eloisa na sa kanila nakatingin at mababakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan. Si Fhearl na hindi napagilan ang pag-iyak sa sermong kanilang natanggap.

Tumayo si Eloisa at akma itong lalabas nang bigla siyang pinigilan ni Melanie.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ginawa ‘yun?" sambit niya kay Eloisa.

"Wala, ‘wag mo nga akong pagbintangan. Baka na-prapraning ka lang?"

"Sagutin mo ang tanong ko."

"Bakit hindi si Fhearl ang tanungin mo?" sagot nito sa kanya.

"Ikaw ang kailangan ko."

"Kung sasabihin ko sayo. Maniniwala ka ba? Alam mo, kay Fhearl ka magtanong dahil ang praning sa kapwa praning nakakaintindi."

 Lumabas na si Eloisa at hindi na pinansin ang dalawang naiwan sa conference room. Masaya siya sa nangyari at halos pumalakpak ang tenga niya sa kapalpakan ng dalawa. Pakiramdam niya ay siya pa rin ang nasa itaas. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang ginagawang masama.

Sa isang sulok ay lihim na natutuwa ang babaeng naka-itim. Lihim na nagmamasid at lihim na natutuwa sa tagumpay na ginawa.

Nakalubog na ang araw nang makauwi si Melanie at minabuti niyang kausapin si Sanjie. Alam niyang may tampo ang kaibigan dahilan sa hindi siya naki-join sa sabunutang naganap pero nawala ang tampo nito nang sabihin niyang sinampal at dinuraan niya si Eloisa.

"Dapat kinalbo mo na ang maldita. Sisiguraduhin ko na kapag natalo niya akong muli. Babangon ako't dudurugin ko siya." Bulas nito sa kanya.

Ikinuwento din niya sa kaibigan ang nangyari sa conference meeting at tulad niya si Eloisa ang nakikita ng kaibigan na may kagagawan.

"Alam  mo parang nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na yata kayang lumaban. Pakiramdam ko nakakapit lang ako sa isang alambre." Malungkot na sabi niya sa kaibigan.

Tumayo ito at nagpamaywang sa kanyang harapan.

"Buti ka pa alambre atleast matibay-tibay. Ako? Sinulid na lang ang kinakapitan ko."

 Sa sinabi nito ay agad silang napahagikgik at nagyakapan. Malalakas na tawanan ang kanilang ginawa at pagkatapos ay bigla silang natahimik. Pakiramdam nila ay may kulang sa kanila. Wala na ang dating sayang kanilang nararamdam noong tatlo pa silang nagyayakapan at nagtatawanan.

Lumipas ang isang lingo at naayos na rin ni Melanie ang lahat ng problemang kanilang hinarap. Natapos na rin ang unang magazing kanilang ginawa. Nakahinga siya nang maluwag nang mawala na ang galit sa kanya ni Spike.

Pauwi na siya nang mga oras na ito nang makarinig siya ng ingay sa loob ng conference room. Naka-awang ng konti ang pintuan at agad niyang sinilip kung sino ang naglikha ng ingay at halos lumaki ang kanyang mata nang makitang  masuyong hinahalikan ni Spike si Eloisa. Magkadikit ang katawan habang naghahalikan. Halos mapahiya siya sa kanyang sarili at dahan dahan na nilisan ang makasalanang silid. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Halos butahin niya sa kanyang isipan ang eksenang nakita niya sa loob ng conference room.

Halos patumbang humiga sa kama si Melanie nang makauwi nang bahay. Lumipad ang kanyang paningin nang makarinig siya ng katok mula sa pintuan. Matamlay siyang tumayo at pinagbuksan ng pintuan ang kanyang ate.

Umupo ang kanyang Ate Pauline sa gilid ng kanyang kama at pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Naiilang siya sa mga titig nito kaya siya na rin ang bumasag nang katahimikan.

"Ate, ano namang pakulo ‘yan?" Umupo siya ng kama at niyakap ang mabait na ate.

"Pumunta dito si Jeff kanina. Ang sabi sabihin ko raw sayo na pasamantala siyang mawawala.Pupuntahan daw ang kapatid na lalaki sa Manila." Kumalas ito sa kanyang pagkakayakap at pumunta sa salamin at bahagyang nagsuklay ng buhok. "Kapag niloko ka ng lalaking ‘yun ako ang makakalaban niya," dugtong nito habang nananalamin.

Humiga na siya ng kama at nagtaklubong ng kumot at bahagya niyang inilabas ang ulo para makahinga nang maluwag. Napansin niyang lumabas na ang kanyang Ate Pauline. Aaminin niya sa kanyang sarili na sumama ang loob niya sa katipan dahil hindi ito pormal na nagpaalam sa kanya kahit man lang sa text.

Kinabukasan ay nagmamadali si Eloisa na makasakay ng elevator. Napatingin siya sa kanyang relo at halos mataranta siya nang matuklasang alas-nueve na nang umaga. May pag-uusapan sila ni Spike. Lihim siyang natuwa nang maalala ang nangyari sa kanila ni Spike kagabi. Naramdaman niya kung gaano siya kamahal ng lalaki. At alam din niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang ibigay ang kanyang puso.

Nasa 25th floor na siya nang bumukas ito at isang lalaki ang pumasok. Napatingin si Eloisa sa mukha ng lalaki at sa tingin niya ay mukhang artista. Matangkad at matipuno ang katawan nito. Napatingin siya sa lalaki at nginitian siya nito. Halos lumundag ang kanyang puso habang lihim na sinisilayan ang lalaking katabi. Bumukas ang elevator at sabay silang lumabas. Tumungo ito ng restroom at agad na siyang pumunta sa opisina ni Spike.

Isang halik sa pisngi ang ibinigay sa kanya ni Spike at pinaupo na siya sa isang upuan. Lihim siyang natuwa sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakaramdam siya nang gutom habang pinagmamasdan ang mga masasarap na pagkain.

"Special ang araw na ito dahil dadating ang kuya ko. Dalawa lang kaming magkapatid.."

Napangiti si Eloisa sa sinabi nito sa kanya. Hindi niya akalain na may kapatid pa ito. Ang pagkakaalam niya ay nag-iisang anak lang ito. Bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang isang lalaki. Agad itong nakipag-kamay kay Spike. Natulala siya nang makilala ang lalaki. Ang lalaking nakasabay niya sa elevator. Ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.

"Eloisa meet my brother, Jeffrey."

Sa kabilang dako naman ay hindi makapaniwala si Melanie na makikita sa kanyang opisina ang kaibigang si Sanjie. Lalaking lalaki ang dating nito at pormal ang kasuotan. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang kaibigan.

"Alam mo kung hindi kilala. Iisipin ko tunay kang lalaki."

"Naman! Ginagawa ko lamang ito para kahit papaano maging cute boy ako." Isang malapad na ngiti ang ibinigay sa kanya ng kaibigan. "Isa pa, para hindi nila sabihin na may ka-work kang bading,"dugtong nito at hindi niya mapigilan ang sarili na magtaka sa sinabi nito.

"Ka-work? What you mean?" Nanlaki ang kanyang mata habang nagtatanong sa kaibigan.

"Bruha, feeling mo ikaw lang may karapatang magtrabaho sa kumpanyang ito. Well, sister Graphic Designer ako ng magazine ninyo."

Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang kaibigan at sa hindi sinasadya ay biglang bumukas ang pintuan. Nagulat silang pareho ni Sanjie nang makitang lumaki ang mata ni Fhearl sa nasaksihan.

"So-sorry, Ate Melay may.... wala sige aalis na lang po ako."

Sa sinabi nito sa kanya at akma itong tatalikod pero hindi niya ito hinayaang makaalis. Gusto niyang sabihin kay Fhearl na walang malisya ang yakap niya kay Sanjie.

"Fhearl si Sanjie, Sanjie si Fhearl," pakilala niya sa dalawang kaibigan.

Sa hindi maipaliwanag ay may naramdamang kakaiba si Fhearl nang abutin niya ang kamay ni Sanjie. Kanina pa niya nakita ang lalaki at alam niyang magiging partner niya ito sa kanilang magazine. Nagulat siya nang makitang kayakap ito ni Melanie pero lihim siyang natuwa nang malamang walang malisya ito para kay Melanie.

Nagpaalam si Sanjie na tutungo muna sa restroom at hindi napigilan ni Fhearl ang kanyang sarili.

"Melay, magkaibigan lang kayo diba? Alam mo crush ko siya."

Nanlaki ang mata ni Melanie sa narinig. Pinagmasdan niya ito at gusto niya itong i-untog sa pader para matauhan.

Bumalik na si Sanjie mula sa rest room at tulad kanina ay lalaking lalaki ang kilos nito. Niyaya nito si Fhearl para pag-usapan ang kanilang proyektong gagawin. Lihim na napapailing si Melanie sa nagaganap sa kanyang paligid.

Sa puso naman ni Eloisa ay umaasa siya na mamahalin siya ng lalaking tunay niyang iniibig. Alam niyang mahal siya ni Spike pero alam rin niya sa kanyang sarili na ang minamahal niya ay ang kuya nito. Ang lalaking nakasabay niya sa elevator at nagpatibok ng kanyang puso.

Hindi napigilan ni Eloisa ang dumaan ng National Bookstore upang alamin ang sales ng kanyang nobela. Lihim siyang natuwa nang makita ang bago niyang nobela at maraming copies ang naka-display sa loob ng bookstore. Isang buwan na ang nakalipas ng i-publish nila ito. Kinuha niya ang nobela at napangiti siya nang mabasa ang pangalan.

Nabaling ang paningin niya sa isang nobela at nag-iisa na lamang ito. Kinuha niya ito at hindi niya mapigilan ang mapasigaw nang mabasa ang titulo ng nobela.

Dorm Mate ni Melanie Quilla

Agad na lumapit ang sales person at tinanong kung ano ang problema sa kanyang pagsigaw. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

"Wala, gusto ko lang malaman kung bakit nag-iisa nalang itong nobelang ito." Kaswal na tanong niya.

"Ah, ‘yung Dorm Mates po ba? Sold out na po kasi kaya nag-iisa na lang."

"Ah, ganun ba? Hindi mo ba ako kilala? Ako si Melanie," tugon niya sa kausap.

Sumaya ang mukha ng sales person at agad itong kumuha ng papel at ballpen para sa isang autograph. Tinawag din ang ibang kasamahan at napangiti siya nang palibutan siya ng mga tao sa loob ng bookstore.

"Idol pa-autograph naman," sigaw ng isa.

May isang babaeng nag-abot sa kanya ng papel at agad niya itong pinunit. Nagulat ang mga taong humahanga kay Melanie.

"Sorry, hindi ako basta nagbibigay ng autograph."

Sa pagkakasabi ay agad na niyang nilisan ang bookstore at natuwa siya sa narinig.

"Si Melanie ba ‘yun? Ang sama naman ng ugali."

Halos pumalakpak ang tenga niya sa narinig. Masaya siya sa kanyang ginawa at hindi niya ito pinagsisisihan. Simula pa lang ito nang kanyang paninira sa kaibigang kinamumuhian.

Naisipan na lamang niya na bumalik na lamang ng Publishing House at hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

Abangan ang huling kabanata ng La Traidora:

Isang trahedyang magaganap..... isang buhay ang manganganib.....

"M-Melanie, tu-tulungan mo ko," hirap na sambit ni Eloisa.

"Magdusa ka!"

Ano ang mangyayari kay Eloisa? Hindi na kaya maibabalik ang dati nilang samahan?

Paano nagsimula ang pag-iibigan nila Spike at Eloisa? Alamin sa Part 3

Sino sa kanila ang makakarating sa tuktok ng tagumpay? Sino ang babansagang La Traidora?

ABANGAN........

jonsdmur

Hindi ko pa ito na-eedit.... hai... haba na pala.... salamat sa magbabasa...


jonsdmur's picture

Sa wakas na i-post ko na

Sa wakas na i-post ko na rin... mabilisan na mga eksena... gusto ko na kasing isulat ang tru 2 lyf story ko.... sa lahat nag nag aabang maraming salamat... nahirapan na namn ako sa mga grammar.... heheheh..... jonsdmur

Whew!

Ganda naman po nito.....nkakakilig at nkakaintriga!! Ndi na ako mkapag-antay na mabasa ang kasunod na mangyayari. Gudluck po sayo, i believe na malayo ang mararating mo kua Jonsdmur! Godbless po.

jonsdmur's picture

Maraming salamat sayo

Maraming salamat sayo Sely.... Happy ako kasi binabasa mo ang mga akda ko...

Natutuwa talaga ako... Ikaw din.. gaya ng sabi ko sayo kaya mo rin yan... Hanggang ngayon pinag-aaralan ko pa ang ilang gamit na salita...

Wag kang mag alala malapit na ang next chapter niyan....

Salamat... Be happy always....jonsdmur

Ailem23's picture

the la traidora fever!

kahit kagabi ko ito nabasa eh fresh na fresh pa rin sa isip ko... mabasa nga ulet mamaya...ung buo... naka-save pa sa pc ko eh... hehehe. Aba, kahit napakasakit ng ulo ko kagabi eh hindi ko napigilan ang magbasa...exciting kasi ang kwento at kaabang-abang talaga.

 (Pangalan lang ni Eloisa ang nakalagay sa libro at hindi ang kaluluwa ng nobela kung saan siya ang naglikha.) gusto ko ang line na ito... iyon 'yon eh. palitan man ang title, pangalan ng characters at setting, at pangalan ng may-akda, hindi pa rin mawawala sa story ang kaluluwa at puso ng tunay na may-akda... astig di ba? iyon ang hindi mananakaw kailanman.

gusto ko ang gravity ng pagkakaibigan ni melay at ni sanjie. ramdam ko iyong intensity. Gusto ko rin iyong awayan... ang taray talaga! kaya lang hindi ko masyado type ung rason ni melay na dahil rebond ung buhok niya kaya hindi niya agad naawat sina sanjie at eloisa. kasi bigla akong natawa. kung sana eh may mas malalim na statement do'n... hehehe. suggest lang po... kaw ang bahala kuya kung susundin mo...

akala ko magiging lalaki na si sanjie... hehehe... false alarm pala. pero hihintayin ko ang pwedeng mangyari kina sanjie at fhearl. 

habang binabasa ko ito, nagngingitngit ako sa inis kay eloisa... Sa character ha hindi sa aking labs... hahaha. Effective para sa akin ang character ni eloisa dito... hmmmm, nakakaimbey, sarap hamunin ng suntukan.... hehehe.  

feeling ko sa ending eh babaligtad ang mundo... tingnan na lang natin kung tama ang hula ko o baka naman gagawa pa ulet si kuya solmeyt ng twists.

ganda talaga nito kuya...konting polish pa...pwede na ito i-submit sa publisher.. wanna try kuya??? tulungan ka namin ni eloi...

keep it up kuya... and thanks sa lahat-lahat...

melay 

jonsdmur's picture

Kung inaabangan mo ang La

Kung inaabangan mo ang La traidora... inaabangan ko naman ang komento mo... parang may kulang kung hindi ako makakatanggap ng komento mula sa aking solmate hehehehe....

Happy ako kasi nagustuhan mo ang kwento...

Gusto ko rin ang line na iyo... habang sinusulat ko un... parang hinatak ko sa aking puso.... kahit nakawin niya ang nobela at palitan ng titulo at ilagay ang name niya.... ikaw pa rin ang gumawa ng puso ng nobela....

Habang ginagawa ko ang role ni Eloisa talagang iniisip ko siya... hehehehe sabi ko parang bagay yata heheheh joke... alam ko naman na mabait si Eloi....

marami mangyayari sa kwento... pinagaaralan ko pa na gawing maikli pero hindi bitin at tama lang sa pangyayari...

Siguro tama nga na dapat tumulong ka or umawat kahit bagong rebond.. tapos pareho kayong mahuhulog sa putikan ni sanjie hehehehh drama di ba heheheehhe.....

Sa part 3 malalaman ang biglaang relasyon nina spike at eloisa... kung paano ito nagsimula...

Ano ang magyayari at na love at first sight si Eloisa kay Jeff.....

Saka sa love story ni Sanjie at Fhearl...

ang mahabang parte ang isang trahedyang magaganap.... at kung sino ang babansagang la traidora....

Sino ang babaeng naka-itim? malalaman.... 

jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

"Oo, bading ako. Kaya kong

"Oo, bading ako. Kaya kong tanggapin kung sabihin sa akin ng lahat ng tao na bakla ako, bading ako, charing ako. Lahat kaya kong tanggapin. Huwag ko lang marinig sa inyo. Dahil masasaktan ako dahil hindi ko kayang manggaling sa isang kaibigan ang isang insulto sa pagkatao ko. "  -  pinaka-favorite kong quotation. Ang ganda kasi ng friendship.

maayos ang pagkaka-describe ng mga kilos ng bawat karakter.

Meron pa ring mali sa technical pero madali lang namang maayos yun.

tatlong araw na akong hindi nakakapag-charge ng cellphone kaya malamang hindi ko nare-receive mga messages niyo ni ate labs.

Saka talagang tarayan kung tarayan ang kwento ng la traidora. Wuuu, grabe 'to. kakangitngit si Eloisa eh.  Melanie, panahon na para lumaban! haha!

Muntik ko na ngatngatin yung notebook na hawak ko sa inis! whehe.

Sino kaya yung itim na babae? Kaabang-abang na ito.

medyo mabilis nga yung kina Spike at Eloisa, nung una hindi ko na-gets kung bakit ganon agad ang eksenang nabasa ko. Pero sa sinabi mo nga sa huli, isa yun sa mga twist na kailangang abangan sa susunod na kwento. Magaling! Bravo! hehe.

Kina Sanjie at Fhearl, mukhang magkakaroon ng identity crisis si sanjie dito. hehe. Aabangan ko yan. Panahon na para magpakamacho Sanjie! Yebah!

Yung plot, ayos naman.  Pero meron pa ring mga salitang paulit ulit. Gamitan mo kuya ng ito, nito yung pangalawang taong mababanggit sa isang paragraph. Parang ganito:

Dumating si Schizvenir at nilapitan si Xyrix. Inutusan niya itong magpalobo ng sipon.

(yung niya ay tumutukoy kay Schizvenir  at  ang ito naman ay tumutukoy kay Xyrix).

Meron ding mga natanggal na apostrophe. YUng sayo dapat sa 'yo. Tapos May ginamit ka kuya na yun. Since medyo formal ang kwento, mas maganda kung iyon o kaya 'yon. Kapag Yun kasi ang ginamit, para kang nagte-text. hehe.

Suggestion lang yun ha. hehe. Ok lang ba?

Basic lang ata iyon ng technical. Tama ba ate? Na-edit mo naman ito di ba kuya? hehe.

 

Pasesya na kuya at ngayon ko lang nabasa itong obra maestra mo. Madami kasi akong ginagawa nitong mga huling araw. Ni hindi nga ako nakapag-charge ng phone. hehe.

 

Bilisan mo kuya yung part three! (yown! demanding ang lola!)

<(='.'=)>

 

 

 

 

 

 

jonsdmur's picture

like ko din ang linyang

like ko din ang linyang yun.... talagang iniimagine kong may nagsasalita sa aking harap at bigkas ang linyang yun...

Uo nga no... minsan talaga hirap ako pag inuulit na ang name... takot nga me gumamit ng 'Ito" akala ko sa bagay lang pwede heheheh... kaya puro kaibigan o babae o lalaki nasasabi ko....

Thnks sa pagturo sa akin.... wow.... nagiging titser na kita ha...

minsan talaga nakakalimutan ko ung mga text type na salita... minsan sa comma at tuldok... nakakalito...

Babait kaya si Eloisa sa kwento? Sa part 3 sayo ung ibang point of view... habang ginagawa ko ang karakter ni Eloisa.. iniisip kita.. sabi ko parang bagay yata hehehehe....

sa part three I try my best na maging ok na ang technikal...

Salamat... gudluck sa study sa harap ng pc....

jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

ayos lang yan kuya. Naging

ayos lang yan kuya. Naging problema ko rin ang technical...hanggang ngayon haha!

Titser? Nako, malayo yun sa pangarap ko. Hindi ako bagay maging ganun hehe. Baka makatay ko lang mga estudyante ko.

babait ba si Eloisa sa kwento? Parang oo.. hehe.

Ganun?  talaga? May duraan moment pa talaga sila ni Melanie ha?

Ate melai, naiinggit ako. Tara nga, magduraan din tayo. haha!

<(='.'=)>

jonsdmur's picture

Sa part 3: Malalaman kung

Sa part 3:

Malalaman kung sino ang babaeng nakaitim....

Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila....

May matetepok ba? depende sa mood ko heheheh...

May isang trahedyang magaganap...

ang mainit na romansa ng mga love tim..... heheheeh

Higit sa lahat... sino ang sisikat sa titulong La traidora... at bakit ito ang pamagat.... abangan....

Ailem23's picture

pasingit ulit

 eloi, tama yung komento mo sa technical... nahiya na ako mag-comment sa technical dahil sa text ni kuya jons nung isang gabi... napraning ako at na-conscious na baka nabuburyong na si kuya sa pagbanggit ko ng technical errors niya... hehehe. sige, one time, magdramahan tayo...la traidora talaga... naka-save naman sa pc ko ung kwento... hehehe. batuhan tayo ng linya...  la lang trip...

kuya... i-post mo na ang part 3... para masimulan na natin ang paghahanda sa pagharap mo sa mga tunay na publishers... hehehe...

 

ingatski,

melay 

jonsdmur's picture

malapit na ang part 3  

malapit na ang part 3

 

I read this last night at

I read this last night at naiyak ako sa ilang eksena. Naggagalaiti pa rin ako sa kontrabida...

Maganda kasi sa part na ito may kilig, may drama na kung saan matatawa ka at maiiyak at maiinis.. halo halong emosyon...

Saan na po ang next nito?

Ang gusto kong eksena ung kina Sanji at Eloisa at melay na nagaway sila...

Saka yung eksena nina Melanie at Jeff nakakakilig po

jonsdmur's picture

Salamat agatha.... salamat

Salamat agatha.... salamat sa iyong pagsubaybay...

Yun din ang gusto kong eksena yung mga awayan at kiligan...

Sa kasalukuyan ay ginagawa ko na ang next part nito.

Salamat

VIVA

naiintriga ako kung may basehan ang mga karakters..(kasi mga names ng members eh)  heheh kasi parang kinikilig na din ako sa loveteam ni sanjie at fhearl.. hehehe

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

ako din kinilig hihihihihi

ako din kinilig hihihihihi Smile mas pinakilig ko pa ang eksena nina sanjie at fhearl sa part 3... saka ung suggestion nina melai na haharanahin ni sanjie si fearl pero kemekendeng ito habang sumasayaw ihihihhihi

Salamat sa pagbasa...

Jonsdmur

dyeppri's picture

ayos...

ayos ito ah.maganda ang kwento.kahit ilang linggo na itong nakapost dito 'tol ay tagni-tagni ko lang nababasa. pangako tatapusin ko ito sa off day ko sa martes at ating hihimayin. Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapagbigay ng maayos na komento dito sa site eh. Sana wala na yung mga doble kara o doble-doble pa, yung mga okray. hehehe...

nasimulan ko na basahin ngunit inantok ako sa haba...(maganda siya kaya lang pagod talaga ako dahil panggabi ang duty ko. Ramadan kasi.) Napansin ko lang ay para sa atin na magkaka"frendz" dito ay madali itong mauunawaan ngunit papano kaya kung ibang tao o malathala na ito sa ibang pahaayagan makukuha din kaya agad nila? (tatanong lang po) Kasi para sa akin ay nakulangan ako sa pag-eeksplisika ng bawat tauhan at pangyayari.Subukan mo kayang pagputol-putulin ang bawat eksena sa ganoon ay madaling matanto ang bawat mahahalagang pangyayari. Pero nasasayo pa rin 'yan kasi may kakaiba ka namang galing sa paglalahad at ako lang ito 'tol jonds...regards kay melay (tsaka eloi).ahihihi....

isa pa pala jonds ay nabasa ko na ang unang parte nito (ngunit limot ko na ang saktong detalye) at nagkaroon ako ng takot. Kung ito ang napagnilayan ninyong ipapasa sa isang manlilimbag ay natatakot ako na baka ikamangha niya ang hindi naipaliwanag na ka-kwelahan ng istori... halimbawa nito ay bakit sa puntod nagmumuni-muni ang magkakaibigan (sa atin kwela ito dahil alam nating minsan nabanggit nila melay na ginagawa ng anila iyun sa totoong buhay) isa pa ay ang tree-house (na alam naman nating pinulot mo ito sa isang istori ko) ay baka hindi rin maarok ni mamang tagalimbag. Para sa akin ay kailangang rebisahin mo pa ito. Kung dito lang sa site na ito iinog ang istori mo ay sasapat na ito para sa akin--->pangamba lang ay sa labas ng bahay natin.ahihihi. (ako lang po ito. uy. baka mapulaan nanaman ako.---> ito'y pagsisiyasat lamang dahil sanggang dikit ko iyan si jonds. ahihihi)TY

promis ang ibang komento ay sa martes...naglalaba pa kasi ako.tsaka maglilinis sa munting tree house kaso dumaan ang isang unos dito,lindol at baha.Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Salamat sa komento. Musta

Salamat sa komento. Musta ramadan diyan?

Sabagay may point ka. Kailangan ko sigurong dagdagan ang ilang detalye. Sa ngayon inaayos ko yan sa mga teknikal na grammar saka mga tamang gamit ng punctuation mark. Sa takbo ng kwento hindi ko pa hinihimay kaya nakatulong ang mga kometo mo sa akin. baka bawas dagdag ang gagawin ko sa nobelang ito. Medyo nahirapan nga ako sa pagsusulat ng ending na ito.

Sa sinabi mo alam ko na kung ano ang babaguhin ko. Salamat talaga.

Tanong ko lang kinilig ka ba sa love team n'yo? hihihihi

Ano masasabi mo sa mga eksena ninyo ni Melay?

Sa ngayon inaayos ko pa mga grammar ko at may mga eksena akong inayos din. Napansin ko rin na may kulang talaga sa ilang detalye. Baka may ilang eksena akong papalitan.

Ingats...

Jonsdmur

Ailem23's picture

pasingit ulit ang bida-bidahan kuno

kuya dyep, nasabi mo rin ang nakalimutan kong sabihin kay kuya jons nung nagkita kami... tungkol sa paghaba ng kwento, ang plano ni kuya jons eh hatiiin ito into chapters... marami pa talagang babaguhin.... at alam kong may plano na si kuya jons para dito...

tama ba ako kuya jons? pasensiya ka na, hindi ko mabigyang oras itong la traidora mo... yaan mo pag nagka-time seryosohan nating ayusin ito...

Ang part 3 may nabago for sure ano? napag-usapan na natin iyon di ba?

basta, magka-oras lang ako, tulungan kita... sa ngayon kasi, alam mo naman, ngarag pa ako... hehehe...

ingatski,

melay 

jonsdmur's picture

okie lang un heheheh...

okie lang un heheheh... natapos na ang edit ko sa part one and two... okay na mga punctuation.. dagdag bura na lang sa mga eksena gagawin ko... Pinagiisipan ko pa kung ano pa mga kulang na detalye...

Salamat sa inyong dalawa... happy ako at tinutulungan ako ng love team ng la traidora heheheeh

keep in touch

jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

Kuya, musta na? Long time no

Kuya, musta na? Long time no see ah.

 kelan ba ang picnic? Gusto ko nang katayin ulit la traidora mo. hehe.

Ingat lage.

fhearl08's picture

Huwaaaahhhh!!!

Ang dami yung titser d2 Jons ah!? Actually may napupulot din akong additional informations about novel writing...

Pasensya na ngeon lang kz aq nagkoment, pano matgal-tagal din akong di nakabalik d2 sa site at ska sufa haba-habado kz ng mga Nobela ni Melai kaya mejo natagalan aq dun, heheh, kaya heto ngeon q lng nasilip ang La Traidora u.

Ala pa bang Part3? Hindi pa ba ito tapos?

At saka nu yun? Gulat ako dun sa nabasa ko, nagkakaCRUSH ako kay Sanji?!  Waaaaaaaahhhhh!!!CryCry actually, madali akong makipagpalagayang loob sa vadish kasi mababaet kz ang mga yun eh...mas okay nga silang friend keysa girlalo.EmbarassedEmbarassed Pero teka cnu ba c Sanji? Diba yung sa ONEPIECE na Anime? Yun, ung CRUSH ko! Wahehehe! Isa sa mga favorite anime q yung OnePiece eh.  Pero seryosohan, dq pa talaga nakilala c Sanji, sana di xia magalit sa koment ko sayo especially of saying Vadi--? Yun kz yung role niya doon. 

May gawa na rin ba xia d2 sa site? Sana mameet q rin xia and became friend ... wooohhhh... uu... promise!

Ganda ng kwento Jons, gravicious ang kiliglicious! Binasa ko na lang ang strory mo, bahala na sina Melai for commenting typographical error, technical error at iba pang error, sila yung magaling jan eh...

Ge Jons, thanks sa mgandang kwento...

ingatz! 

Oi! Yung part3, meron na ba? 

jonsdmur's picture

uy, musta na.. buti nabasa

uy, musta na.. buti nabasa mo na... naayos ko na uli ang chapter one nito... medyo gumanda ng konti heheheheh.... Baka kilala mo na si Sanjie.... siya si balintuna.... ang nagpost ng ang pugitang mabahong paa... nabasa mo na ba ang post ko abput sa pagkikita namin nina melay at eloi? Sana makasama ka sa susunod... picnic tayo hehehehe....Marami na nga akong natutunan medyo heheheh sana maapply ko sa next novel ko.... editing pa rin ako sa la traidora...binago ko ang chapter one at two... maraming ginalaw... email ko sayo kapag natapos na.. Salamat at nagustuhan mo ang kwento... mabait din si sanjie at sana makilala mo siya.. may friendster ka ba? add mo naman ako... Hope your okay... saan ba shop mo para mabisita kita kapag nasa manila ako hihihihi...jons