Larawan ng Langit

| |

      Minasdan ko ang kagandahang ipininta ng Maykapal sa bawat pagtingala ng tao sa itaas sa labas.Tila nangungusap ang mga ulap at nagpapahiwatig ng pagsuyo sa awit ng mga berdeng puno at halaman.Sa pagtaas ko ng aking kamay sa liwanag ng kalangitan nahahati ang kinang nito at para na ring nahahawakan ko ang pisngi ng ulap.

      Nangungusap ang mga kulay nito.Hindi nga kapansin-pansin kung ito ay hindi susuriin.Mayamang siya ay kariktan at nagtitiwala sa mga ulap na naghuhugis sa damdamin ng tao.Mukha siya ng kabutihan at kalinisan.Nilalaman niya ay kapayapaan.Ganoon ko siya minasdan.May isang sabi ang langit "siyang kulay,siyang ligaya".

      Inagaw ng ibon ang aking mga mata.Siya ang dekorasyon ng kagandahan nito.Malayang nakikipaghalubilo sa buhay sa ulap.Nababagay siya ibahagi sa asul at nangangakita ng ningning sa bawat paglipad nito.Pinapasyal niya ang langit kumbaga naghahanap ng kagandahan.Siyang nagpaganda ng paningin ko at nagpatunay na ang langit ay may puso.Hindi ko tinigil na padgmasdan ito hinahanap ko sa itaas na kalangitan umaasang makikita kung ano ang matagpuan ng puso ko.Tiyak akong maidadala iyon ng hangin sa mithi nitong puntahan.

      Patuloy pa rin akong naglalakad habang nakatingala ako sa mukha ng langit ngunit hindi ko namasdan ang dinadaanan ko  may bato pala saka ako nabigla at tuluyan ng nadapa.May isang bagay pala ako nakaligtaan sa susunod na paglabas ko titingnan ko muna ang tinatapakan ko minsan pala dapat tumingin ka muna sa lupa bago sa langit...

 

Rosy

Bigyan ng kahulugan ang nais kong idiin.Suriin ng mabuti ang huling talata.Think Twice!!