Lasing Ka Na Pare!
Ikinuwento ito sa akin ng nanay ko na totoong nangyari dito sa lugar namin ayon na rin mismo sa ina ng kawawang sanggol.
Noon daw nakaraang linggo mayroong lasing na magkumpare na nakatayo sa ilalim ng isang puno ng mangga sa gilid ng creek o mas kilala dito sa amin sa tawag na sapa, daluyan ito ng tubig-ulan papuntang ilog upang hindi magbaha. Kapag tag-araw hanggang talampakan lang ang tubig dito at ginagawang tapunan ng basura at laruan ng mga bata. Pero kapag tag-ulan lampas tao ang tubig dito. Siguro daw hanggang tuhod ang tubig noong araw na iyon.
Isa sa magkumpareng lasing na ito ang may hawak na sanggol, mga ilang buwan na daw siguro ito. Tinanong ko nga sa nanay ko kung bakit nasa tatay ang bata gayung lasing ito, sagot ng nanay ko baka daw pinaalagaan sa kanya ng kanyang asawa.
Napatingala daw ang lasing na tatay sa puno ng mangga. “Pare ang daming bunga! Tara kuha tayo pulutan,” yabang nya. “Pakihawakan muna ang anak ko pare.” Malugod namang kinuha ng kumpare nya ang baby nito.
Umakyat siya sa puno at tuwang-tuwa sa hitik na bunga ng puno. Pumitas siya ng ilang piraso at sumigaw sa ibaba, “Pare! Saluhin mo!” Siya namang salo ng lasing na kumpare at naihagis ang kawawang sanggol sa creek. Marahil nakalimutan nya na may karga siyang bata. Hulog ang baby. At dahil lasing mahina ang balanse nito, kaya bago pa man siya nakapagreact nahulog na din siya sa sapa at nadaganan pa ang kawawang sanggol.
Sa sobrang takot ng ama ng bata nagtago ito.
Pero sa awa naman ng Diyos buhay ang sanggol…


