Liham para kay Joren

aireen's picture
|

082710
8:27pm
Wag n ai, yoko humarap s tao sobra akong dugyot.kahiya.
8:56pm
Bka dw pulmunya.tnx nlng ai. Pray 4me nlang.
I hope so ai. Kpagod n at nakakaaburido. Tnx. i rili nid a lot of prayers.

Nasa inbox ko pa rin ang lahat ng yan, huling pag-uusap natin. Ilang beses mong tinanggihan ang pakiusap ko sa iyo na madalaw ka namin. Na alam mo na nag-aalala kmi sa iyo at naaappreciate mo yun.

Matapos ang ilang araw. Sa pagkakahimbing sa lamig ng magdamag. Bigla kang pumasok sa panaginip ko.
May boses ng isang babae ang nagbulong sa akin na kailangan mo daw ang tulong ko, na agad kitang puntahan.
Nadatnan kitang nakaupo sa sulok ng isang puting silid, doon nakita ko ang panghihina mo.

Pinatatayo kita! pero sabi ko hindi mo kaya..
At nagugutom ka.

Isang saging ang nakita ko (sa dinami-dami ng prutas saging pa!nakakatawa di ba?), sa isang napakataas na eskaparate. Pinilit kong akyatin ang kinalalagyan ng prutas na iyon, ang sabi kasi ng boses na nagsabi sa akin, iyon daw ang kailangan mo. Kahit mahirap, umakyat ako. At agad ko itong iniaabot sa iyo.

Natuwa ako sa mga ngiti mo.. katulad pa din ng dati, nangungusap pa din ang mga mata mo. May kung anong koneksiyon sa ating dalawa, na nakakapag-usap tayo sa mga tingin lang.
At tinuran mo ang mga salitang ito: "Salamat Ai, okay na ako!"

Bigla na lang akong nagising.
Balisa magdamag.

Kaya nagtext ako kinabukasan kay Doni, upang makibalita. Ngunit wala akong natanggap na reply.

Hindi ka na kasi sumasagot sa text ko. Kaya lalo akong nag-alala.
Lalo na ng matanggap ko ang mensahe ni Doni na hindi maganda ang kalagayan mo.

Mas lalo pa ng mabasa ko ang mga comment ng mga kaibigan mo sa FB wall mo.

Kagabi nagdasal ako, katulad ng sinabi ni Sir Noel, na buong puso kitang idalangin.
Sapagka't ang totoo, pagkatapos ng panaginip na iyon. Parati ka ng nasa isip ko. May kung anong mabigat na nasa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag.

Basta ang alam ko, gusto kitang makita.

Pero katulad ng iba, nagkaroon din ako ng suliranin sa pera.
Ayaw ko kasing pumunta sa iyo ng wala akong dala, ng hindi ko man lang maabutan ng kahit konting tulong ang kapatid mo para sa iyo.

Kung kaya't ipinagpaliban ko ang makita ka.
Ang masulyapan muli ang mga nangungusap mong mga mata.

Isang araw lang naman.
Pero bakit hindi mo nagawang maghintay?

Umalis ka na lang bigla!

Siguro nga mas gusto mong maalala ka namin na malusog ang katawan mo, ang malaki mong braso, ang matipuno mong pangangatawan.

Naiintindihan ko.

Nakakapanghinayang lang. Hindi na mauulit pa ang mga sandali ng ating mga tawanan.
Wala na akong bibiruin, wala na akong makakausap sa chat pag emo mode ako.

kasi wala ka na... :( Cry

aireen

noelbarcelona's picture

Pagpanaw

"Sapagkat dumarating ang kamatayan gaya ng magnanakaw sa gabi..." 

 Ipagdasal mo ang kanyang katahimikan. Nakikiramay ako... 

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

aireen's picture

Ganito pala ang pakiramdam

Ganito pala ang pakiramdam Sir Noel!

Walang pinagkaiba sa nawalan ka ng kapamilya. Cry

jonsdmur's picture

musta na?

di ka na email ung pinapagawa mo....

di ko alam na may Pnuemonia si Jo... minsan na rin akong nagkasakit ng ganun.. at nagpapasalamat ako at akoy nakaligtas... naisip ko, maraming masasamang tao bakit si Jo pa? nalulungkot talaga ako....

 

musta na? miss ko na kayo... salamat ulit... kasi isa ka sa mga nagatatag ng loob ko noon... busy lang ako sa pagaayos ng buhay ko pero di ko kayo nakalimutan....

 

jons

 

Adlesirc's picture

ate, nung isang araw lang

ate, nung isang araw lang nagsulat pa tayo sa wall niya. dadalaw pa nga tayo diba? tsk.

 

ang bilis. nakakapanghinayang.

 

RIP jo, hindi man tayo ganon ka-close, alam kong magkaibigan tayo. salamat.

 

adlesirctavas.blogspot.com

jonsdmur's picture

Nakakalungkot!

Jo, Nalulungkot ako sa nangyari. Nalulungkot ako dahil di kita nakausap... naalala ko noon... noong mga araw na bagsak na bagsak ako isa ka sa nagpatatag ng kalooban ko... nalulungkot ako kasi di man lang ako nakaganti... masyado ko kasi inaayos ang buhay ko.. nakalimutan ko na baka kailangan mo ako... minsan mo na rin nasabi sa akin mga pinagdaanan mo sa buhay... nagpapasalamat ako dahil itinuring mo na rin akog kaibigan...

 

Ilang araw ang nakaraan... tinatanong ko sa sarili ko kung nakasama kaba sa EB... dahil hinahanap ko ang pic mo.... di ko alam pero naalala kita.... siguro senyales yon ng pamamaalam....

Alam ko magiging masaya ka.. saan ka man ngayon....

Godbless!

 

Jons

 

 

noelbarcelona's picture

lahat tayo'y magkakapamilya

Iisang pamilya lang tayo, Ai. Kaya masakit talagang mawalan ng kaibigan. Kahit pa kaaway, pagkaminsan, mapagtatanto mong isang malaking kawalan. Siyangapala, magpadala ka ulit ng isa o dalawa pang tula sa akin. Matatapos na rin siya sa wakas. 

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

Luca's picture

salamat,

salamat sa pagdala sa amin dun ai.

ngingiti rin tayo. kasi ayaw ni jo ng maarte. hehe