Libro
Submitted by dyeppri on June 24, 2008 - 1:20pm.
Filipino | Poetry
isang daang pahina
isang milyong salita
milyong mga letra itinugma
pinipilit abutin ang pang-unawa
simula una ay nang ---
huhubog
huhulog
saka nambibilog
kay dami ng pumagitan
sa simula at wakas
kahit anong pagpilas
ang pamagat pa rin
ang nakalabas
binalutan man ng plastik
lilitaw at lilitaw
pa rin ang bawat ti-tik
mga lasa ng dahon ay
linam-nam
tumatagos hangang laman
ngunit
ibang pahina ay punit
di alam
kung anong pamalit
sa dulo pa rin kakapit
at
mapagtatanto na
ang lahat ay nagtatapos
sa ending
dyeppri
» login to post comments | 832 reads
em loving your way. :)
Submitted by alcor eldioan on August 11, 2011 - 12:37am.
em loving your way. :)
» login to post comments
ang sarap bigkasin ng
Submitted by d-younker on August 14, 2011 - 10:26am.
ang sarap bigkasin ng malakas. :D
» login to post comments





galing...
galing...