Libro ni May. Part 2

ishna101's picture

Ilang buwan din ang lumipas at naging matalik kaming magkaibigan ni Val. Ako ang naging supporter niya sa lahat ng gigs nila ng banda niya, ako ang taga-salo ng problema niya, ako lahat. Ganun ko siya kamahal eh. Lahat kaya kong gawin wag lang siyang mawala sa buhay ko. Kahit alam kong kaibigan lang ang tingin niya sakin, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magising siya isang araw na ako na ang mahal niya. Pero patuloy pa rin akong binabagabag ng mga katanungan. Ano ba ang meron sa Libro ni May? Ano ang meron sa punong yun at hindi niya makuhang iwan? Minsan, tinanong ko siya tungkol dito.

"Ano ang meron sa punong yun?" 

"Puno ni May." simple niyang sagot.

"Eh sa libro, ano ang meron?"

"Libro ni May." simple niyang sagot.

"Sino si May?"

Ngumiti lang siya sakin. Ilang beses na akong nagtanong sa kanya. Paulit-ulit nalang pero hindi pa rin niyang makuhang sumagot ng matino. Nakakatampo na siya minsa. Nagseselos na tuloy ako sa May na yan. Sino ba kasi siya? Ang alam ko, wala siyang naging gf kahit isa. O wala nga ba talaga?

...............................................................................

Sinamahan ko siya papunta sa bahay nila. May naiwan daw kasi siya. Sa kanyang pagmamadali, pinahawakan niya sakin ang Libro ni May ng hindi sinsadya. Dali-dali ko itong binasa. At dun ko nalaman ang lahat. Letter ni May para kay Val. Parang compilations. Pero isang natatanging sulat ang nagpaantig sa aking puso.

Dec.24, 2006

Dear Val,                                                                                                            

       Sa isang taon nating pagsasama, napatunayan mo sakin kung gaano mo kamahal. Hinding-hindi kita makakalimutan kahit kailan. Naalala mo pa nung una nating pagkikita? Umiiyak ako nun kasi hiniwalayan ako ng boyfriend ko. Sabi mo, "May rason ang Diyos sa lahat ng nangyayari. Ang lahat ng nawawala sa atin ay may kapalit. Higit pa dun. Kaya dapat maging masaya ka." Ngayon, ako naman ang magsasabi sayo Val, maging masaya ka. Alam ng Diyos kung gaano kita gustong makasama habang buhay pero sa ibang bagay ako nakatadhana. At kahit na anong mangyari, mananatili ka pa rin sa puso ko. Paalam.

                                                                                                                          

                                                                                                                             

.........................................................................

Tumulo ang luha ko. Sino si May? Girlfriend niya ba ito? Ba't niya iniwan si Val? At asan na siya ngayon? Pero nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Val, galit na galit. Madilim ang paningin.

"Val, hindi ko sinsadya----"

"Sino ang nagbigay pahintulot sayo para pakialaman 'to?"

"Sino si May?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot.

"Sino si May? Girlfriend mo ba siya?"

Hindi siya sumagot.

"Putaina! Tintanong kita! Sumagot ka!"

Tinignan lang niya ako. Walang ekspresyon sa kanya mukha. Tinitigan niya ako sa mata bago niya sabihin ang mga salitang dumurog sa puso ko.

"Ano ba kita? Mag-ano ba tayo?! Wala tayong relasyon para magtanong ka sakin ng ganyan!"

Umalis ako. Hindi ko nakuhang sumagot sa kanya. Oo nga naman! Ano ba niya ako? Wala naman kaming kahit na anong koneksyon bukod sa kaibigan. Kaibigan lang kami. Ako lang naman itong si tanga na nagpupumilit i-siksik ang sarili ko sa kanya. Tumakbo ako papalayo habang umiiyak.

IPAGPAPATULOY.


alierose's picture

 sino nga ba si may?

 sino nga ba si may? napaisip naman ako..

nabitin..

at aabangan ko.. 

 

"huwag mo akong kausapin may ginagawa ako."