Liham
Mahal kong katauhan,
nasa loob mo ako
maghihintay ako kung saan hindi mo ako mahahawakan.
Maaaring batid mo na, na nandirito ako
O maaring wala ka ring hinala
sa akin ng higit pa sa wala
dahil iyan ang aking pangalan,
Kawalan.
Kamusta ka na
matapat kong alipin?
Nadulutan ba kita ng labis na sakit?
Nabigyan ba kita ng kilabot na lampas sa ‘yong hinagap?
Ang kapangyarihan ko ba ay hindi kapani-paniwala?
Isang salita mula sa akin,
isang kisap ng pagbabago
at ang iyong mundo ay babaligtad.
Hindi mo ba ito napagtatakhan?
Hindi ba?
Mahal na kawalan,
ako ang iyong panlabas,
sasagutin kita ng may panghahamak.
Ang kamalayan ay hindi nagsisimula sa pagsasalarawan
ng aking kabatiran sa iyong kinalalagyan.
Naririyan ka sa simula pa lang.
Naririyan ka hanggang sa katapusan.
Ang mabubuhay sa katotohanang ikaw ay naririto
ay nagsasanhi ng nginig sa buo kong pagkatao.
namangha ako sa iyong mga kapangyarihan,
nakita ko ang kanilang lahid,
naramdaman ang kanilang bigat,
nalaman ang kanilang katotohanan.
pero tatanungin kita,
naiisip mo ba ang mga pag-igkas
nang mga bagay na iyong ginawa?
Mahal kong katauhan,
s’yempre hindi ko alam!
Ang kaganapan ko ay hindi mula sa matatag.
Lahat ay nakapailalaim sa ‘yo.
Ikaw ang aking manlilikha
Ang ina at ang ama.
Ang kapatid at kaibigan.
Gaya sa parehong panahon, ako ang lahat ng iyan sa ‘yo,
ang palagi mong kasama,
magpapaalala sa ‘yo na sa anumang sandali,
ng kahit anong araw
maari kitang paliitin sa mga luha.
Wala akong pakiaalam sa aking ginagawa.
Alam ko na kapag patuloy kang matatakot
ang buhay ko ay lalong tatagal.
Ako ang iyong nilikha
at ikaw ay akin.
Ang mga kilos ko ay iyo
pero magkabukod tayo.
Mahal kong kawalan,
nakita mo na ba
ang sakit na idinulot mo sa akin?
Naisa-alang alang mo na ba
O naisip na
tingnan ako?
Habang naliligayahan ka sa aking mga sindak?
Nakita ko ang mga armas
sumasalakay sa ligtas kong paraiso sa gabi.
Ninakaw nila ang mukha ng aking mga kaibigan
Binigyan sila ng hiyaw kapalit ng kanilang boses.
At ako,
naiwang nakamasid
nakatali, paralisado, walang magawa.
Narinig ko lahat ng sigaw
Lahat ng iyak, lahat ng tili at lahat ng pag-urong
sa sandaigdigan
Nakapako sa aking mga kabiguan.
Lahat ng salita ay sumpa.
Lahat ng haplos ay sugat.
Ang balat ko ay natutupok
na may hapdi ng aking nadungisang kaluluwa
at walang taong makakarinig
doon sa mga bulong mula sa multo ng nakaraan.
Nakakuha ka ba ng karangalan sa ‘yong mga nalaman?
Mahal kong katauhan,
ako ay ginawa mo lamang
sisihin mo ang ‘yong sarili sa ‘yong sakit at pagdurusa.
Hindi ko ito kasalanan.
Ang dangal na iyong naaalala
na may kahulugan ay ang aking kalangitan.
Nagtagumpay ako sa aking tungkulin
Nagawa ko ang bagay na ginawa ako para gawin.
Tumupad ako ng mabuti.
Ang aking dangal, na iyong tinanong, ay lumubo
para sa pagsabog.
Pinasasalamatan kita para sa kredito.
Tumanaw ka ng utang na loob para sa mga damdamin kung saan
nakapasok ito sa iyong katawan.
Hindi ka nag-iisa kailanman.
Kasama mo ako
ang yong kawalan.
Ipagmalaki mo na iyo ako
At matatawag mong sarili.


