Limang daa't limangpung Pagtakas...

Lemmor Setneuf's picture
| |

Tatlong araw ang matuling lumipas mula ng maranasan ko ang hamakin at alipustahin ng ibang tao ng di ko man lang naipaglaban ang akin sarili. Ang lalaking inakala kong magtatanggol sa akin at nagsasabing tunay akong mahal, nilisan ako kasama ng kanyang mga pangako… lalaban ako… lalaban ako!… papaano?

Muli sumikat na naman ang haring araw mula sa ilang araw na pagtatago nito sa makakapal na ulap, animo’y nagtago ng matagal dahil sa takot mabasa sa ulan’t mangilan-ngilang pag-ambon dala ng masamang panahon… subalit narito sya ngayon muling sumikat, muli ipinamamalas ang angkin niyang lakas… napapaso na ang aking pisngi mula sa kinahihigaan kong kama, dahil kanina pa n’ya hinanagkan ng mumunti niyang sinag na nagmumula sa bintana ng aming bahay.

Buo na ang aking loob, pupunta ako sa tahanan nina Albert ibabalik ko ang tseke ibinigay sa akin ng kanyang ina, sa pamamagitan man lang noon ay maipakita kong hindi matutumbasan ng ano mang halaga ang aking pagkatao… maipakita ko man lamang na kaya kong buhayin ang aking magiging anak, talikuran man ng kanyang ama…

Ayaw ko pa sanang bumangon subalit may nauulilinigan akong inggay mula sa ibaba ng bahay, tila may kausap si inay. Mag-aalas dose na rin pala ng tanghali, ilang araw na rin akong balisa at di nagkakatulog sa gabi, kung kaya mga ganitong oras ako malimit nagigising nitong mga huling araw. Kakaiba nga lang ngayon, dahil ngayon may araw akong nagisnan.

“Walang hiya ka may gana ka pang magpakita dito matapos ng ginawa mo sa aking anak!”  malakas na sigaw ni inay na nagpakaba ng husto sa akin. Sino ang kausap ni inay sa ibaba? Dali-dali akong nanaog pababa ng bahay…

“Ikaw ang dahilan ng lahat-lahat na pagdurusan ngayon ni Grace, Armando!” na sa may hangdan na ako nga marinig ang pangalang Armando, Armando ang aking amahin, bakit sya nandito?

Nanginginig ang aking tuhod dahilan upang di ko maihatbang ang aking mga paa. Ilang baytang nalang sana’y  na sa babang palapag na ako ng bahay. Isang malakas na kalabog pa ang aking narinig, na syang nagpakaba ng husto sa aking dib-dib . kasunod ng isang iyak at pagmamamakaawa mula kay inay. Pilit kung hinakbang ang aking mga paa… pabababa ng hagdan…

Armando huwag! Maawa ka sa amin…”  sakal-sakal ng aking amahin si inay.

“Bitiwan mo ang inay ko, walang hiya ka”

Grace ikaw pala!”  bungad sa akin ng aking amahin, binitiwan si inay sa pagkakasakal at tila baga buong pagmamalaking humarap sa akin. Nahintakutan ako ng mga sandaling iyon, habang si inay ay patakbong lumapit sa akin at ako ay niyakap.

“Armando, pakiusap pabayaan mo na kami. Nagmamakaawa ako sayo, lubayan mo na kami ng anak ko!”

“Madamot ka Elvira, nakikibalato lang naman kasi ako sayo pero ayaw mo”  tugong ng aking amahin kay inay, na halos pautal na nagsasalita dahil narin marahil ito ay lasing.

“Armando ano bang pinag sasabi mong balato?”

“Tanungin mo sa anak mo! Diba Grace, mayaman ka na? binigyan ka ng mga magulang ni Albert ng malaking halaga, akala mo ba di ko alam?”

“Wala kang kasing sama! Matapos mo akong lapastanganin ay may mukha ka pang ihaharap sa akin?”

Anak, tama na… Armando umalis ka na, wag mo na kaming gambalain ng anak ko..”

“Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghihirap na dinanas ko, ikaw ang dahilan kong bakit ako tinalikuran ni Albert… ikaw ang dahilan kung kaya ako  di matanggap ng kanyan mga magulang!”

“OO ako nga, at ako rin ang dahilan kung bakit may salapi ka ngayon!”

“Wala kang kasing sama… “ mabilis akong lumapit sa aking amahin, at pinag sasampal ko sya… halimaw ang tingin ko sa kanya ng mgasandaling iyon… isang na kakakilabot na halimaw…

“Grace anak… baka mapaano ka!” pigil sa akin ng aking inay, yapos-yapos ako sa aking beywang Saglit lang na natigilan ang akin amahin ng mga sandaling iyon, subalit agad siyang na kabawi, isang malakas na sampal ang akin tinamo mula sa kanya na nakapagpabuwal sa akin.

“Grace… anak!” sigaw ni inay habang inalalayan ako patayo. Hinawakan ng aking amahin ang buhok ni inay at mula sa pagkakayuko ay pahablot niya itong itinayo…

“Hindi lang iyan ang aabutin nyong mag-ina… simple lang naman ang hinihingi ko, kunti balato mula kay Grace. Kung di naman sa akin hindi nya makukuha ang halagang meron s’ya sa ngayon” Bakas sa mukha ni inay ang takot, at hirap… lumuluha sya ng mga sandaling iyon pero ako pa rin ang kanyang pinahahalagahan…

“Grace lumabas ka na iwan mo na ako dito, anak baka mapaano ka” Tumayo ako gusto kung ipagtanggol ang aking ina… ang aking sarili, lumapit ako sa akin amahin upang tulungan si inay…

“Wala kang kasing sama… ikaw na ang gumawa ng kahalayan sa akin… kay kapal ng mukha mong gawin pa ito sa amin ni inay!” Subalit nahablot din ng aking amahin ang aking buhok habang pilit kong inilalayo si inay sa kanya at pinagsasampal sya, gusto kung ubusin noon ang aking lakas…

Mula sa pagkakahawak nya sa akin buhok ay itinulak nya ako na muling nagpadapa sa akin sa sahig…Ngayon ay sakal-sakal nya na naman si inay… si inay ay lumuluha't nananangis, pilit man magsalita ay di magawa…

“Hindi nyo na sana sasapitin ito, pero madamot kayong mag-ina! Kunting halaga lang naman ang gusto ko… pero mas gusto nyo pang masaktan!”

Dali-dali akong tumayo… mula sa kinatatayuan ko’y natanaw ko ang gulok na naka sukbit sa may gawing pinto ng aming kusina… Nanglalaban si inay, subalit malakas ang aking amahin, nakahiga na si inay sa sahig…. Nagmamaka-awa lumuluha, nananangis… nakayuko na rin ang aking amahin tila inuubos ang huling hininga ni inay… nakasilip ako ng pagkakataon…

Patakbo kong kinuha ang gulok… at mula sa pagkakayuko ng aking amahin ay buong lakas kung tinarak ang patalim sa sa kanyang likod… nabitawan nya si inay, bumaling sya sa akin at isang malakas na sampal pa ang aking natamo mula sa kanya… pinilit n'ya kunin ang gulok na nakatarak sa kanyang likod subalit di nya makuha, lumapit sya sa akin at sinakal ako nga mahigpit… habol-habol ko ang aking hininga ng mga sandaling iyon...

mula sa likod ng aking amahin ay nakita kong tumayo si inay... ibinaon pa ni inay ang gulok na nakatarak sa katawan ng aking amahin…

Mamatay ka, hayop ka!”  buong lakas na sigaw ni inay kasabay ng kanyang pag-iyak. Lumuwag ang pagkakakapit sa aking leeg, babaling pa sana ang aking amahin kay inay subalit nabuwal na ito… 

Niyakap ako ni inay ng kay higpit at kapwa kami umiyak… lumuha… at dahil na rin sa matinding pagod ay napaupo kami sa sahig, sa gilid ng halimaw na aming nagapi…

Subalit di pa ganap na nawalang ng buhay ang halimaw… hinablot ako sa aking buhok at sinakal ng kanyang bisig ang aking leeg…

“Inay!”

“Mamamatay muna kayong mag-ina bago nyo ako mapatay!”

Pinilit ni inay na makakawala ako mula sa pagkakasakal ng aking amahain, subalit tila di pa rin sya nauubusan ng lakas… tumayo si inay at dali-daling dinampot ang isang flower vase at buong lakas na hinampas sa ulo ng aking amahin na nag pawala ng malay dito at dahilan upang  lumuwag ang pagkakasakal sa akin.

Hinugot ni inay ang gulok na nakatarak sa likod ng aking amahin… pinatihaya niya ang walang malay na katawan nito at buong lakas na pinag-sasasaksak sa dib-dib… kasabay ng iyak… kasabay ng bawat patak ng luha…

Ilan unday ng saksak pa’y niyakap ko si inay…

“Inay tama na po… “

“Grace, madali ka magbihis ka anak! Iwan mo na ako dito”

“Inay papaano po kayo? Umalis na lang tayo dito…”

“Ako na ang bahala dito anak, ako ang pumatay sa amahin mo!”

“Inay baka mapaano po kayo”

“Kaya ko ang sarili ko anak, ang mahalaga ay ikaw… ang iyong anak, ang aking apo”

“Inay…”

“Grace…” isang mahigpit na yakap mula kay inay kapwa kami lumuha at impit na iyak ang tanging maririnig ng mga tagpong iyon.

“Grace, lumuwas ka ng Maynila. Kausapin mo ang Tiya Evita mo na doon ka muna tutuloy. Tatawagan ko sya mamaya kung may pagkakataon. Hindi tayo dapat parihong mawala dito… papanagutan ko kung ano man ang kakahinatnan nito” paliwanag ni inay habang sige pa rin ang daloy ng luha sa kanyang mata.

“Inay papano po kayo kung sakaling…” pinigil ni inay ang ilang ko pa sanang sasabihin.

“Anak, malalagpasan natin ito… kung saka-sakali man, ako lang ang dapat na magdusa kung pagkakasala mang matatawag ang aking ginawang pagtataggol sa ating mga sarili… hindi ikaw Grace, hindi Ikaw!”

Dali-dali akong  umakyak sa itaas ng bahay, hinubad ko ang aking damit na may bahid ng dugo. Saglit akong naligo upang linisin ang aking katawan na halos mabalot ng dugo…  nag-impake ng ilang mga damit, kailangan kong lisanin ang lugar na iyon sa lalong madaling panahon.

Pagbaba ko ko’y nakaupo si inay sa sala, pinagmamasdan ang aking amahin na nakahandusay at naliligo sa sarili nyang dugo… lumuluha pa rin si inay… pagkakita sa akin, siya ay tumayo at lumapit sa aking kinatatayuan.

“Grace ingatan mo ang iyong sarili, susunod ako sa Maynila anak” kanyang pagtitiyak.

Nais ko man syang yakapin at hagkan ay pinigilan nya ako, dahil narin siguro’y ayaw nyang mabahiran muli ng dugo ang aking katawan… ang aking pagkatao.

Lalabas na lamang ako ng pinto ng mula sa bintana ay natanaw namin ni inay na may mga ilang taong paparating… mga tanod… marahil ay may ilang nakarinig sa kaguluhan naganap kanina…

“Grace sa likod ka na dumaan. Magmadali ka sa paglakad anak, doon ka nalamang dumaan sa taniman ng kamoteng kahoy mag daan para walang makapansin sa iyo.” Bilin ni inay.

Labag man sa aking kaluoban ay sinunod ko si inay sa kanyang nais, umalis ako ng bahay na lumuluha…  

“Miss pasahe po nila”  tanong ng kondoktor ng bus na nagpagising sa akin sa pagkakatulog dala narin marahil ng pagod.

“Magkano po ba ang pasahe pa Maynila?” ang aking ganting tanong.

Ang kanyang sagot… “Limang daa’t limangpung piso”

Lemmor Larrab Setneuf

Bahagi ng isang nobelang aking ginagagawa para sa FW...

pakibasa na lamang ang ilan pang bahagi ng nobelang ito.

http://filipinowriter.com/limang-libot-limang-daang-pag-ibig

http://filipinowriter.com/limang-pong-libong-paalam


PinkCath's picture

Nice one...

parang teleserye di lang pang primetime, pang buong araw pa!

Ako unang na ka comment, price ko :)

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Lemmor Setneuf's picture

Salamat!

Salamat Cath, kumain ka naman sa bahay noon Wenesday diba? iyon na 'yon.

Sakay ka na lang! 

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

-lemmor-

sinta isaac's picture

...

 

Hindi ba dapat ay, limang daa't limampung pagtakas?

 

o mayroon kang nais ipahiwatig sa limang daan't limang pong pagtakas?

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

Lemmor Setneuf's picture

Salamat...

Salamat sa puna... ito ay isang malinaw na pagkakamali sa gamit ng salita. Halaga ng salapi lamang talaga ang nais kong ipahiwatig dito.

muli salamat sa pag-basa at sa komento...

 

"Isang karangalang makita ang iyong ngalan sa isa sa aking pahina dito sa FW"

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

-lemmor-