Limitasyon ng Pagmamahal

Hindi man kita batid,

Wag sanang ipagdamdam,

Pagkat puso koy may ibang iniibig.

Ako'y hindi maaring maging sayo.

Mali ang mahalin mo ako,

sugatan man ang puso mo

dahil sa naging pasya ko,

pasensya na, nagmahal lang din ako

tulad mo.

Ayoko lang lokohin ang sarili ko

para lang mapaligaya ang isang tulad mo.

kung ang puso ko nama'y

hindi ikaw ang minamahal na totoo.

Sanay iyong maunawaan,.

Pasya ko'y igalang,

Dahil yan ang mas mamakakabuti

Sa ating samahan,

Matalik  kong kaibigan!