LIRA 21st Anniversary and Folio Launch
Posted by Maureen at the UPFI yahoogroup:
LIRA 21
Pagdiriwang sa ika-21 taon ng isang premyadong organisasyon sa
panulaang Filipino
Ang ika-21 anibersaryo ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo
(LIRA) ay ipagdiriwang sa 5 Disyembre 2006 sa Conspiracy Bar (sa
Visayas Ave. tapat ng Shell, Lunsod Quezon), 6:00-9:00 ng gabi.
Kaalinsabay ito sa paglulunsad ng Ang Una Naming Siglo, kalipunan ng
isandaang tula ng 20 fellows na sumailalim sa anim na buwang palihan
ng LIRA sa taong ito. Tampok sa gabing ito ang pagtatanghal ng mga
tulang kabilang sa folio at iba pang pagtatanghal muila sa mga
batikan at baguhang makata.
Ang LIRA ay organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang
Filipino. Itinatag ito ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan,
si Virgilio Almario (kilala rin bilang Rio Alma), noong 1985.
Sa mga palihan ng LIRA nagmula ang mga kilalang makata tulad nina
Mike Coroza, Romulo Baquiran, Vim Nadera, at ang magkapatid na
Roberto at Rebecca AƱonuevo. Kabilang din sila sa mga nagbibigay-
panayam sa taunang palihan o workshop na isinasagawa ng
organisasyon, na bukas para sa mga nagsisimulang makata.


