LIRA Poetry Clinic

noid's picture
04/30/2008 - 8:00am
04/30/2008 - 5:00pm
Etc/GMT+8

Bukas na pong muli ang Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA)
sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang
pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u hanggang
5:00 n.h. tuwing Sabado at Linggo, at magtatagal nang tatlong buwan,
mula Hunyo hanggang Agosto.

Tulad po ng mga nakaraang taon, magpadala po ng isang pahinang bio-
data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa
liraworkshop@yahoo.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa
UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of
Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay
ang ika-30 ng Abril, 2008.

Ngayong 2008 ay 23 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga
makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni
Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan,
noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina
Edgar Samar, Jerry Gracio, Michael Coroza, Vim Nadera, Roberto at
Rebecca Añonuevo, at Romulo Baquiran Jr.
____________ _________ _____

LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those
who are interested must submit five (5) poems in Filipino along with
a short bio-data and one 1x1 ID picture, sent to liraworkshop@
gmail.com or dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of
Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City.
All submissions should be in on or before April 30, 2008.

The regular clinic period is from June to August and will be held
every Saturday and Sunday from 9: 00 AM until 5:00 PM.

Source