Liwanag sa Dilim

Yuco's picture
| |
 
 Earth
  

 

 Liwanag sa Dilim

 
 
Isang taon nalang 
magiging disyerto ang kabundukan. 
Isang taon nalang 
magiging itim ang kalangitan.
Isang taon nalang 
mauubos isda sa karagatan.
Isang taon nalang 
matutuyo ang mga palayan.
 
 
Isang taon nalang...
 
 
Piprituhin ng araw ang tao.
Magliliyab ang lupa't lahat ay magiging abo.
Bubuhos ang asidong ulan
lulunurin ng luha ang sanlibutan.
 
 
Isang taon nalang...
 
 
Maaring ito'y haka-haka
Maaring ito'y gawa-gawa
Nasobrahan sa kape
o sa kakapanuod ng sine.
Ngunit alam ko na alam mo
mauupos din ang mundo.
Kung di tayo lalayo,
Kung di tayo magbabago,
Kung di mawawala -
halimaw sa puso ng tao.
 
Magpatay na ng ilaw
magsindi na ng kandila.
Hanapin natin:
natitirang liwanag sa dilim.
 
  
YUCO

 

 

 http://ayawmatulog.blogspot.com

 

 


Jack A. Alvarez's picture

Hindi yata ako nakumbinse

Isang taon nalang 
magiging disyerto ang kabundukan. 
(Paano naman ang kapatagan at kaparangan? Bakit kabundukan lang?)
Isang taon nalang 
magiging itim ang kalangitan.
(Mas trip ko kung specific na banggitin mo dito kung ano'ng mangyayari sa bumubuo sa kalangitan tulad ng araw, bituin, buwan, etc...)
Isang taon nalang 
mauubos isda sa karagatan.
(Paano ang iba pang naninirahan sa dagat o iba pang yamang karagatan?)
Isang taon nalang 
matutuyo ang mga pananim.
(Mga pananim lang? Paano naman yung iba pang bahagi ng tubig tulad ng sapa, ilog, dagat, etc?)

Hindi yata ako nakumbinse sa imagery na nais mong ibalangkas sa iyong propesiya.

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Yuco's picture

Salamat jack sa pag-dissect

Salamat jack sa pag-dissect sa aking tula, malaking tulong ito para maimprove yung istilo ng pagsusulat ko; kung meron man. 

 

gusto ko talagang iparating sa mambabasa: naniniwala man o hindi sa global warning na dapat ang paghandaan natin ay kung paano mapipigilan ang tuluyang pagkawasak ng mundo. masyadong naka-focus ang karamihan sa distruction na dala ng global warning pero wala naman ginagawang solusyon. hindi mapipigilan sa isang oras na pagswith-off ng ilaw. isa sa nakikita kong solusyon ay pagtatanim ng puno; malaking tulong para makahinga ang earth ay kung magtatanim ng puno kahit 1/3 ng populasyon sa mundo, bawat taon.

 

Dahil gusto kong i-inform yung babasa sa nilalaman ng tula, ito pala sagot ko sa comment mo... 

 

Isang taon nalang 

magiging disyerto ang kabundukan. 

(Paano naman ang kapatagan at kaparangan? Bakit kabundukan lang?)

DEFORESTATION ang isinasalarawan dito.

Isang taon nalang 

magiging itim ang kalangitan.

(Mas trip ko kung specific na banggitin mo dito kung ano'ng mangyayari sa bumubuo sa kalangitan tulad ng araw, bituin, buwan, etc...)

pagiisipan ko... pero yung mag-iitim na tinutukoy dito ay hangin - AIR POLLUTION ba.

Isang taon nalang 

mauubos isda sa karagatan.

(Paano ang iba pang naninirahan sa dagat o iba pang yamang karagatan?)

ito naman yung pagsira sa karagatan o WATER POLLUTION, ito naisip kong linya baka kasi magmukhang kanta ng ASIN.

matutuyo ang mga pananim.

(Mga pananim lang? Paano naman yung iba pang bahagi ng tubig tulad ng sapa, ilog, dagat, etc?)

Pagiisipan ko pa... medyo may kulang o masmagandang alisin ang linyang ito; dapat resulta ito nung tatlong bagay sa taas (deforrestation, air and water polution).  

ito naman yung resulta ng global warming:

 

Piprituhin ng araw ang tao.

Magliliyab ang lupa't lahat ay magiging abo.

Bubuhos ang asidong ulan

lulunurin ng luha ang sanlibutan.

 

tapos ung saknong sa ilalim ay (opinyon ng persona) pagtukoy kung sino ba talaga papatay sa sankatauhan etc...

 

Maaring ito'y haka-haka

Maaring ito'y gawa-gawa

Nasobrahan sa kape

o sa kakapanuod ng sine.

Ngunit alam ko na alam mo

mauupos din ang mundo.

Kung di tayo lalayo,

Kung di tayo magbabago,

Kung di mawawala -

halimaw sa puso ng tao.

 

sana sa susunod na post maabot na ng tula ko ang panlasa mo,  kahit man lang sa backgroud picture :D

 

Maraming salamat Jack!

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

 

 

robleza's picture

hi

___________________________

alam mo kapatid wala akong nais na sabihing dapat mong baguhin o dapat mong alisin lahat ng bagay na naglalaman sa tula ay itinakdang mailagay upang maging isang tula... batid ko ang nais mong iparating maganda ang pag bubukas ng mga mata bilang tema ng pagsulat... sa kabuuan,, gayong nakatatakot man ay mayron ding positive view sa huli nito.. salamat sa paalalala kapatid

__________________________________ 

"The great way to feel happines is to know nothing like what you have did when you're in childhood age."

Yuco's picture

salamat

 Maraming salamat bro at napairating ng tula ko ang napapanahong mensahe at paalala; ito ang mas mahalaga sa lahat. 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

Jack A. Alvarez's picture

Maganda nga pala yung

Maganda nga pala yung background pic. Pero hindi ako partikular doon. Hindi naman kasi ito poster making. Naka-sentro syempre ang reader sa content ng iyong tula. 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Yuco's picture

  Pasensyan na jack isang

 

Pasensyan na jack isang pabirong komento lang yun.. pero may plano talaga akong pagsamahin yung visual sa lilikhain kong tula, hindi pa ito yun.

 

Maitanong ko pala jack, bat ito yung napili mong sagotin sa hinaba-haba ng sagot ko sa taas? sana makapagbigay ka din ng komento sa naging sagot ko.

 

Salamat ulit.. Mabuhay ka!

 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

 

 

julia_aquila26's picture

Mahusay...

Maganda ang komposisyon ng tula, pero takot at kalungkutan lang ang dala nito. Wala talagang mababago sa tinakda ng Diyos kung paulit-ulit lang na sasabihin ng iba't-ibang tao ang mangyayari sa hinaharap. Pero, kung susubukan nating lahat na gumawa ng hakbang para dito... Wala pang ISANG TAON, maayos na ang buong mundo. 

Yuco's picture

  Salamat  julia! Huwag

 

Salamat  julia!

Huwag sana tayo matakot sa haka-haka.  Maskatakutan natin ang tunay na nangyayari sa ating paligid. Maskatakutan natin ang mabilis na pagkawasak ng kagubatan dahil sa logging. Maskatakutan natin ang pagka-ubos ng mga bakawan. Maskatakutan natin ang tuluyang pagkalason ng mga pananim at pagguho ng kabundukan dahil sa mining, Maskatakutan natin ang pananahimik ng karamihan at sa katutuhanan na walang ibang wawasak sa mundo kundi ang sangkatauhan din. 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

 

 

julia_aquila26's picture

Walang ano man...:)

Natural lang ang matakot, tao tayo eh. Pero naniniwala parin ako na "action speaks louder than words". Siguro umpisahan nalang natin ang pagbabago ng mundo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aksyon.

Yuco's picture

  Agree ako dyan.. ang

 

Agree ako dyan.. ang takot dapat ay magsilbing apoy para sa pagbabago nating lahat.. sana lahat ay katulad mo na may positibong ideya at handang magsagawa ng aksyon para sa iligtas ang naghihingalong daigdig... 

 

huwag na natin hintayin pa ang isa pang Ondoy para magising tayo sa katutuhanan at hindi sa takot lang. 

 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/