love at first sight
maraming tao ang hindi naniniwala sa love at first sight. kung sa bagay may point sila, how can you say it's love kung first time mo lang siyang nakita. for all we know baka attracted ka lang talaga sa kanya and you mistake it for love. anyway, this is my story of my so called love at first sight...
i first saw him during my sophomore year in college. a very serious looking guy. napatingin ako sa kanya hindi dahil sa gwapo siya, napalingon ako sa kanya dahil sa seryosong mukha niya. i don't know pero there's something about serious men na sobrang naa-attract ako. siguro dahil sa bungisngis ako kaya na-aamaze ako sa mga taong seryoso.
noong una sabi ko wow ang cute niya, tapos sabi ko hmmm, napadaan lang yan dito sa floor namin malamang taga-ibang college yan. kaya naman dinedma ko lang ang unang pagkikita na iyon. tinuloy ko ang buhay estudyante. at true enough ilang araw lang ay nakalimutan ko na agad siya.
pero parang nagtritrip ang pasaway na pagkakataon, isang araw habang kausap ko ang bestfriend ko sa labas ng room namin ay dumaan itong si mr. serious face. syempre nagulat ako. naalala ko ulit ang unang hapon na nakita ko siya sa lobby. at dahil ayokong ipahalata na nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba, kunwari na lang ay hindi ko siya napansin. pero dahil nga malakas talagang magtrip ang kapalaran, hindi rin umubra ang palabas ko lalo na nang batiin ng bestfriend ko ang seryosong lalaki na iyon. sa totoo lang gusto kong tumambling sa sobrang shock ko. tingnan mo nga naman ang pagkakataon! aakalain mo bang kaibigan pala ng bestfriend ko ang lalaking iyon?
hindi kami naipakilala dahil dumating na ang professor namin kaya kinailangan na kaming tumakbo papasok sa room. sa loob habang nakaupo ako at pinipilit makinig sa mga pinagsasasabi ni sir, hindi maalis sa isip ko ang seryosong mukha na iyon. naramdaman ko na lang na sobrang init na sobrang lamig, at ang mga kamay ko ay ayaw mawala ang panginginig. sa sobrang lakas nga ng tunog ng pagpintig ng puso ko parang nabibingi na ako dito. huminga ako ng malalim at pilit na nagconcentrate sa lecture. alam ko mula sa oras na iyon may gusto na ako kay mr. serious face.
sa campus lagi ko siyang nakikita. at sa tuwing matatanaw ko siyang padating ay nagtatakbo ako para magtago. oo para talaga akong sira ulo. hindi ko alam kung bakit ako nagtatago. basta ayokong makita siyang dumaan pero palagi ko naman siyang inaabangan. pag nakadaan na siya saka ako sisilip sa pinto at panonoorin siyang makalayo. ganun ako ka hopeless case. minsan nga naiiyak na ako sa sobrang inis sa sarili ko.
ilang beses kaming pilit na pinakilala ng bestfriend ko pero each time nagbaback out ako at nagtatago sa loob ng room. ayoko talaga. pakiramdam ko kasi magba-blush ako kapag kaharap ko na siya. ayokong malaman niya na may gusto ako sa kanya. baka himatayin ako sa sobrang nerbyos kapag iniabot na niya ang kamay niya para makipag-shake hands sa akin. baka ikamatay ko ang kahihiyan kapag nawalan ako ng malay sa harap niya. kaya naman hindi kami kahit kailan naipakilala.
sa loob ng dalawang taon siya lang ang naging inspirasyon ko. kapag nakita ko na siya buo na ang araw ko. minsan nga isang beses sa isang linggo lang siya kung magpakita pero ayos lang basta makita ko sya okay na ako, kaya ko na ulit ang maghintay ng isa pa uling linggo.
sa pagdaan ng mga buwan parang nagkakilala na rin kami sa mukha. hindi man kami naintroduce formally, sa mga tingin namin kapag hindi ko maiwasan at walang mapagtaguan, may kung ano na mayroon sa mga tingin niya sa akin. hindi ko alam dahil hindi ko naman siya nakausap kahit kailan. basta ang alam ko ay kilala niya ako at walang trace ng contempt sa mga mata niya, actually, it was the opposite.
ang relationship namin ay macoconsider na weird, hindi naman kami magkakilala pero may something na namamagitan sa amin. kapag nagkakasabay kami maglakad para bang may kuryente, kapag nagtatama ang mga tingin namin parang telepathy, nag-uusap pero hindi naman nagsasalita. basta mahirap ipaliwanag. i just know na may something between us na hindi namin parehas masabi dahil siguro pareho kaming adik o we just don't know how to deal with it.
december, senior year may kung anong sumapi sa akin. nakita ko syang nakatayo sa labas ng room nila, ako naman ay nasa lobby. alam ko na nakatingin sya sa akin. suddenly, naisip ko na pagselosin siya, wala lang tamang trip lang. swerte namang may kaibigan akong guy na dumalaw sa akin sa floor namin. naupo siya at nagkwentuhan kami na parang ang saya-saya namin. tiningnan ko ang crush ko kung nakatingin pa, nakatingin pa nga siya at parang naiinis dahil panay ang hawi ng buhok niya. ang hindi niya alam ay kinakamusta ko lang ang girlfriend ng kaibigan ko. matagal ding nakatayo doon si mr. serious face at nakatingin sa amin. hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at bigla kong naisip na hatakin ang kamay ng kaibigan ko para tumayo. naghihilahan pa kami dahil ayaw pa daw niyang tumayo. nakita ko na biglang tumalikod si mr. serious face at pumasok sa room nila. tagumpay. nagselos siya, sa isip ko. pero parang may guilt feeling dahil alam ko nasaktan ko siya.
pero ang pasaway marunong palang gumanti. two weeks after ng palabas ko sa lobby, dumaan sya sa harap ko at mga barkada ko na may ka-holding hands na girl. at first wala akong naramdaman, walang reaction. basta napatingin lang ako sa kanya. tiningnan niya ako na parang may ngisi sa mga labi. parang nang-iinis. kulang na lang yata ay belatan niya ako at sabihing beh buti nga may girlfriend na ako!!! nang makadaan na sila doon pa lang nag-sink-in ang nakita ko. may girlfriend na ang mokong? napaupo ako dahil biglang nanlambot ang mga tuhod ko. sunod-sunod ang tanong ng mga barkada ko kung okay lang ba ako? hindi ako makapagsalita. parang biglang umikot nang mabilis ang paligid. nalito ako at sobrang sakit ng puso ko. gusto kong umiyak pero hindi naman ako naiiyak. nakatulala lang ako habang paulit-ulit na nakikita ko ang magkahawak nilang mga kamay at ang tingin niya sa akin na parang may panunumbat at pang-iinis. gumanti siya sa akin.
mula noon sobrang nagalit na ako sa kanya. kapag nagkakasalabong kami hindi ko na siya tinitingnan, hindi gaya dati na nagtitinginan kami. at kahit dumaan siya dedma, parang wala akong nararamdaman na kahit ano. kapag kasama niya ang girlfriend niya mas lalong dedma. hindi ko pinapakita na nasasaktan ako.
at dahil sya ang nagsimula ng totoong gyera hindi ako nagpatalo kaya everytime na nasa lobby sila ng girlfriend niya, sinisiguro ko na mapansin niya na may kausap akong mga kaklaseng lalaki. and everytime i win dahil kapag nilalapitan na ako ng mga kaklase kong guys ay umaalis na sila ng girlfriend niya. hindi niya kayang makipagsabayan sa akin. pero sa puso ko alam ko na unti-unti akong namamatay. lalo na kapag nakikita ko na silang sabay naglalakad. sobrang hindi ko alam ang gagawin ko para lang hindi ko maramdaman ang sakit.
hindi sila nagbreak-up ng girlfriend nya up until we graduated. at kahit na nagdededmahan na kami may nagsasabi sa mga mata niya na sana hindi siya nag-girlfriend. there were times na mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero kapag nakita na niya akong nakatingin sa kanya bigla niyang babawiin ang tingin niya at ibabaling sa girlfriend nya. minsan kapag may programs hindi sila uupo malapit sa amin. madalas din kapag nagkakasalubong kami ay sasadyain nyang hindi ako tingnan. hindi ko alam kung ano ang mas masakit ang makita sila na nagtatawanan at nagkukulitan ng girlfriend niya o yung pinipilit niyang sadyain na iwasan ang mga tinginan namin kahit sobrang obvious naman na gusto niyang mapansin.
on our graduation day sinubukan kong ayusin kung ano man ang hindi magandang nangyari sa amin. pinakiusapan ko ang bestfriend ko na samahan ako para icongratulate siya. nang halos malapit na ako sa kanya bigla kong naramdaman na hindi ko pala talaga kaya. tumalikod ako. sa labas ng nakita ko ulit siya kasama ang girlfriend niya. may lungkot sa mga mata namin pero nang nakita kami ng girlfriend niya na nagtitinginan ay nagpacute na ito at kunwari ay hindi kayang maglakad mag-isa para alalayan siya ni mr. serious face. gusto ko siyang sabunutan on the spot pero naisip ko mas unfair sa kanya dahil wala naman siyang kinalaman sa issues namin kaya umalis na lang ako.
hindi ako nakapag-goodbye sa kanya. at kahit alam ko na yun na ang last chance ko mas pinili ko na lang na lumakad palayo at wag nang guluhin ang kung ano man ang mayroon sila ng girlfriend niya. ayoko ng gulo. besides iyon na ang end at start ng new chapter sa buhay namin.
ngayon mag sasampung taon na kaming hindi nagkikita. may asawa na siya at isang anak. naisip kong isulat ang story na ito dahil nakita ko siya sa facebook. masaya na siya.
aaminin ko na until now siya pa rin ang gusto ko. kahit na nagmahal na ako ng iba, sa puso ko siya pa rin ang talagang gusto ko. inimagine ko na ako ang girl sa tabi niya at yung cute na little girl ay anak namin. madami akong pinagsisisihan sa buhay ko pero siya na yata ang pinakapinagsisisihan ko. hindi ko man lang binigyan ng chance na maging magkaibigan kami. kaya ngayon puro regrets na lang ang naaalala ko kapag naiisip ko siya. siguro panahon na nga para pakawalan ko na siya. hayaan na siyang maging masaya kasama ang pamilya niya.
so my so called love at first sight turned out to be the love of my life...
hello!
hmmm, sabi ng mga classmates ko crush lang daw ang naramdaman ko noon sa kanya. siguro nga kasi hindi naman kami nagkakilala talaga. naisip ko lang bakit it took me seven years to get over it? kung simpleng crush lang yun sana madali lang siyang napalitan pero seven years after nang last kaming nagkita sa graduation, doon pa lang ako talaga tumingin sa iba at nagboyfriend. pero hanggang ngayon siya pa rin talaga eh. hindi ko siya makalimutan...
pinagkaiba ng crush sa love? hmmm, siguro crush mababaw lang madaling lumipas but love it will take you a life time to forget...
thanks sa pagbasa sa pag comment... happy reading at writing
my soulmate is worth the wait...
yah..maganda talaga xa..i
yah..maganda talaga xa..i thought magiging sila but i was wrong...owkie lang yan..life must go on pa rin...
"hindi ako titigil sa pagsusulat...hanggang sa huling tinta ng aking pluma"
===>please do
MEANING OF CRUSH & LOVE!
Ang Crush ay isang pag hanga lang, pwede tayong humanga sa lahat ng tao, halimbawa gwapo siya, matalino, matangkad, matangos ilong, magaling sa sport or kung sa babe naman, maganda siya, mabait, sexy, matalino ibig sabihin nagugustuhan natin ang mga bagay na meron siya, hinahangaan natin pero hindi ibig sabihin eh mahal na natin siya.. kasi pag sinabing LOVE para sa akin eh malalim ang ibig sabihin nun..
Love means is everything..... mahal mo siya kahit sino pa siya, mahal mo siya kahit ano pa siya, mahal mo lahat ng buong pag katao niya, at mahal mo siya kaya siya ang gusto mo makasama habang buhay. minsan kasi nag kakamali tayo ng pag bibigay sa kahulugan ng LOVE...Minsan nga akala natin love na nararamdaman natin yun pala sa una lang katagal tagalan eh wala na , hindi na natin siya mahal..
Para sa akin ang tunay na LOVE eh yung mga lolo't lola na magkasama hanggang pag tanda eh sila pa rin ang nagmamahalan yun ang masasabi mo na love, yung tipong sa hirap at ginhawa mag kasama pa rin kayo, yung tipong kahit maging balyena na ang misis eh nandiyan pa rin si mister na umaalalay at patuloy na nag mamahal sa kanya, yung tipong kahit anong sama ng ugali ni mister or misis nandyan pa rin sila sumusuporta sa isat isa.
Sa panahon ngayun maraming mga love affair ang hindi humahantong sa forever kasi minsan nangyayari eh one sided lang, yung tipong isa lang ang nag mamahal, mas masakit kung babae lang ang nag mamahal , masasabi mo na talagang love kung pareho kayong dalawa na mahal ang isat isa, yung tipong satisfied na kayo sa isat isa, yung wala na kayo hahanapin pareho, yung tipong pag magkasama kayo eh masaya kayo pareho.. yun ang masasabing LOVE...
Hayaan ninyong lalake ang humabol at mag mahal sa inyo ng tunay, wag na wag kayo hahabol or magmamahal ng todo todo. mga girls isipin ninyo lagi na ang lalake gusto nila na chachalenges sila sa babaeng nililigawan , nila... 
kaya goodluck sa mga nag hahanap diyan..
ANG PAG-IBIG AY HINDI HINAHANAP, ITO'Y KUSANG DUMARATING SA TAMANG PANAHON, KUSA MO ITONG MARARAMDAMAN AT MASASABI MO SA SARILI MO IN LOVE NABA AKO........
thank you
thank you for reading my story
my soulmate is worth the wait...
ur story is much like mine
I have more or less same story,.=D
But i'm still confused if this is really love or just mere infatuation.
I also felt "hooked" by him the first time I saw him. We became friends because of texting.. and later confessed to each other about our feelings. But it all happened virtually. we never had the chance to talk in person. after a year, we lost the communication because I went to college. (he's younger).
After 4 years, I believe my feelings for him has even gotten stronger. We are geographically separated and he's aware of that. I recently added him in Fb and we chatted for a while (because he initiated it). And although he said that he's already got a girlfriend/s, I still hold on to our past, thinking that he's still into me.
I've been confused for so long now, hurting whenever I remember him. I cry myself at night thinking that if we aren't far from each other, will there be an "us"? Confused about his feelings towards me.
I have no idea as to where I could seek advice from so I'm thinking maybe I could ask someone who has undergone the same thing. If u could spare ur words for this "dilemma", it will be much appreciated.
Anyways, I really liked your story.. I am so much the same as you.. I can't forget someone that easily also especially towards this guy I fell infatuated/inloved? with the first time I looked at his face.. I'm a hopeless romantic and this is not known to friends. hehe.
More power to u.
thank you for reading
advice? hindi naging kami. honestly, never din kaming nagkakilala as in naintroduce at never din kaming nagkausap. nakakatawa nga na maramdaman ko ang ganun sa kanya. unlike sa case mo na nagtetext kayo at naging kayo. ako kasi okay na ako na i let go siya. tanggap ko na yun. pero ikaw iba ang case mo. why not ask him the real score sa inyong dalawa. yun lang kasi ang way para malaman mo. unless pag-usapan nyo talaga. at i strongly advice na kausapin mo siya kasi baka lalo kang magsisi sa huli mabuti nang nalaman mo from him kung ano ba talaga ang place mo sa kanya. malay mo di ba baka iniisip ka din nya pero baka din hindi na ganun ang feelings nya for you kaya you need to know kung may nararamdaman pa rin siya for you. kasi sabi mo nga naging kayo naman kaya may reason ka para magtanong hindi gaya ko na wala naman talagang basehan.
since sabi mo na hopeless romantic ka at kung hindi mo kayang tanungin siya, why not wait kung pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana. naniniwala kasi ako na lahat ng bagay may right time at right place. baka sa case nyo hindi pa right time at place. hopeless romantics are very good in waiting di ba? alam ko kasi hopeless romantic din ako. pinauubaya ko lahat sa tadhana, tadhana kasi ang greatest writer ng love story.
it's up to you really. if you want to know ask him, kung hindi mo kayang pag-usapan ulit ang nakaraan nyo, then leave everything to fate. and wait kung mawawala ba ang love mo for him o kung may bagong love na magpapalimot nang tuluyan sa kanya. either way the memories of you together will remain pa rin naman kahit mawala ang feelings...
my point is baka magsisi ka din gaya ko kaya kung may chance ka grab it pero kung katulad kita na takot at laging nag-aalinlangan, hmmm, then you will have to live your life wondering and thinking what could have happened if only you had the courage to ask him...
besides, kung sabihin nyang hindi na ganun ang feelings nya for you, mas madaling mag-move on. at least pagmove forward mo sa life mo wala nang what ifs dahil ginawa mo na ang part mo... i hope natulungan kita...
anyway, thank you for reading my story... i'm glad to know na may nakakarelate pala sa sinusulat ko...
goodluck to your love story...
my soulmate is worth the wait...
Love At first sight is the real feelings .....................
It was really nice story i've read. And one thing i can say is love at first sight is true it can happens to anyone. Why i can say it? kasi nangyari ito sa friend ko the first time na nag tama sila ng paningin ng BF niya,it seems like there had connections from the past , that she cannot explain kung ano ba yung feelings na yun, it seems na matagal na silang mag kakilala, and believed me in 3 days naging sila na, umakyat ng ligaw ang guy sa kanila at hinarap ang magulang ng girl para sabihin na malinis ang intention niya sa girl na willing siyang mag hintay hanggang maging ready ang girl to get married
. They really love each other , they almost had the same situation in life, halos mag kapareho sila ng mga point of view in life.. nakakatuwa kasi she couldn't explain kung anong nangyari, she could not believed na sila na talaga.
Hindi siya makapaniwala! she keep wondering kung saan niya na met ang naging BF niya, she almost go crazy kakaisip bakit ganun ka intimate ang nararamdaman niya, until they go in a seperate ways , nag abroad na ang guy but kahit they far away each other , pinanindigan ng guy na talagang love niya ang friend ko kaya now kahit long distance love affair sila masaya sila at talagang mahal nila ang isat isa.
Kaya para inyong dalawa siguro masasabi ko lang na mutual affection lang ang nangyari sa inyo. Kasi masasabi ko lang na love at first sight yan kung both of you ay inlove sa isat isa. Yes nangyayari yan na minsan makita mo lang ang isang tao parang may kung anong strong affections na agad ang nararamdaman mo. nakakalungkot lang na sana the same feelings na naramdaman ninyo yung naramdaman ng guy.
Maniwala kayo sa akin ang love hindi hinahanap yan, dapat u always praying na siya ang magbigay sa inyo , kasi pag dumating na ang real love sa inyo magugulat nalang kayo na nasa harap ninyo na siya at kusa mo itong mararamdaman. ang payo ko lang sa inyo mas piliin ninyong mahalin ang lalaking mahal na mahal kayo kesa lalaking mahal ninyo. Kasi pag ang lalaki mahal ka kaya niya ibigay sayo lahat, pure love, honesty, trust, gagawin niya lahat para maging masaya ka. Kpag ang minahal mo ay lalakeng mahal mo lang magiging miserable lang ang inyong relation and it will end up hurting yourself lang. Dahil maraming mga lalake na gusto nila mahal nila na girl ayaw nila yung girl ang nag mamahal sa kanila ng sobra.
GOOD LUCK SA INYO AND GOD BLESS YOU!!!
Just wait for the right time , love will come in a right time and right place..
Love At first sight is the real feelings .....................
It was really nice story i've read. And one thing i can say is love at first sight is true it can happens to anyone. Why i can say it? kasi nangyari ito sa friend ko the first time na nag tama sila ng paningin ng BF niya,it seems like there had connections from the past , that she cannot explain kung ano ba yung feelings na yun, it seems na matagal na silang mag kakilala, and believed me in 3 days naging sila na, umakyat ng ligaw ang guy sa kanila at hinarap ang magulang ng girl para sabihin na malinis ang intention niya sa girl na willing siyang mag hintay hanggang maging ready ang girl to get married
. They really love each other , they almost had the same situation in life, halos mag kapareho sila ng mga point of view in life.. nakakatuwa kasi she couldn't explain kung anong nangyari, she could not believed na sila na talaga.
Hindi siya makapaniwala! she keep wondering kung saan niya na met ang naging BF niya, she almost go crazy kakaisip bakit ganun ka intimate ang nararamdaman niya, until they go in a seperate ways , nag abroad na ang guy but kahit they far away each other , pinanindigan ng guy na talagang love niya ang friend ko kaya now kahit long distance love affair sila masaya sila at talagang mahal nila ang isat isa.
Kaya para inyong dalawa siguro masasabi ko lang na mutual affection lang ang nangyari sa inyo. Kasi masasabi ko lang na love at first sight yan kung both of you ay inlove sa isat isa. Yes nangyayari yan na minsan makita mo lang ang isang tao parang may kung anong strong affections na agad ang nararamdaman mo. nakakalungkot lang na sana the same feelings na naramdaman ninyo yung naramdaman ng guy.
Maniwala kayo sa akin ang love hindi hinahanap yan, dapat u always praying na siya ang magbigay sa inyo , kasi pag dumating na ang real love sa inyo magugulat nalang kayo na nasa harap ninyo na siya at kusa mo itong mararamdaman. ang payo ko lang sa inyo mas piliin ninyong mahalin ang lalaking mahal na mahal kayo kesa lalaking mahal ninyo. Kasi pag ang lalaki mahal ka kaya niya ibigay sayo lahat, pure love, honesty, trust, gagawin niya lahat para maging masaya ka. Kpag ang minahal mo ay lalakeng mahal mo lang magiging miserable lang ang inyong relation and it will end up hurting yourself lang. Dahil maraming mga lalake na gusto nila mahal nila na girl ayaw nila yung girl ang nag mamahal sa kanila ng sobra.
GOOD LUCK SA INYO AND GOD BLESS YOU!!!
Just wait for the right time , love will come in a right time and right place..
salamat sa pagbasa
thank you sa comment... at sa pagbasa...
my soulmate is worth the wait..
love at first sight?
totoo ba ang love at first sight?
ahm,,,
totoo ang love at first sight kung naniniwala ka at kung naranasan mo na. pero sa mga hindi naniniwala at di pa ito naexperience, sigurado, kalokohan lang ito para sa kanila... it's really up to you...
my soulmate is worth the wait..
^^v
kapag crush lang di ba humahanga ka lang sa isang tao kung love naman eh may something special na hindi mo alam kung bakit mo iyon nararamdaman towards to that person. Kahit ako po hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba noon^^v.. nice story po. Sa totoo lang hindi ko pa rin naranasan ang magmahal, crush... obvious naman po na lahat ng tao nagkacrush na.
hindi ka pa nagmahal?
bata ka pa siguro kaya di ka pa nagmahal... masarap magmahal pero laging kasama ng pagmamahal ang masasaktan... kaya maswerte ka kasi di ka pa nagmamahal ibig sabihin di ka pa nasasaktan...
my soulmate is worth the wait..
Still It's Love
Well great love comes in different grand entrances... The funny thing is some great loves are not meant to stay forever....
But it's Love.... So, it's still worth it....
Investigating My Drama
RonnanTristan
MEET or NOT TO MEET
helo po.. im here once again..
it's been a while since i last posted my comment on this topic but actually, i often visit this page... ala lang.. i read ur comments over and over again whenever i remember the one i mentioned before..
this time, i have something to add to the story.
the guy happened to transfer schools this sem and guess where? place i've been for years... shocking eh,.?
that's why im here na naman, to seek advice if i should send him a message that i would like to tour him around the city.. m sure, he'll miss home=D
but how would i do it?
any advice?
hello
hmmm sa tingin okay lang na lapitan mo siya at sabihing hello pwedeng makipag kaibigan. alam ko na girls don't make the first move kaya lang kung fate na mismo ang naglagay sa kanya dyan para magkita ulet kayo, i think this time it's worth the shot? wala namang mawawala kung maging friends kayo. mas nakakapang hinayang kung wala ka na lang gagawin about it.
friends lang naman eh... malay mo baka yan ang start ng mas magandang relationship nyo sa future... hehe...
basta kung ako ikaw based sa experience ko, lalapitan ko siya at makikipagkilala at makikipag kaibigan... life is too short para mag regret na lang tayo lagi sa huli...
go girl ... goodluck...
my soulmate is worth the wait..
KAKAINIS
well honestly, im still afraid to do that .coz i think that most possible thing that would happen is he'll reject me. kasi wen u come to think of it.. hindi man lang nia ako n.notify na dito na xa mg.ttransfer. di man lang xa ngmsg or chat mn lang. tska, feeling ko ayaw niang mkpagcommunicate sakin. parati kasi xang offline,.. kahit halos every hour akong online. well, alam kasi niya na once i'll chat him, di ko na xa tatantanan,.. kukulitin ko tlga xa to the max. =D
share ko lang the last time we chatted (last september),.. wala na yung kilig na dati nandun. kasi naman, hindi na xa gaya ng noon. hindi na xa ngbibiro.. parang feeling ko serious na tlaga ung atmosphere between us.
kaya naman, ayaw kong mg.message. parang gusto ko, hintayin ko nalang xa.. until he appears online again. and one more thing, there is this girl, that he sees often lately (fb pics)...and well, i don't wanna ruin their "blooming" relationship. or kung anuman between them.
but mkikipagfriends lang namn ako dba? urgh. i could not find kasi a way para mapalapit sa kanya without hurting my ego. ano kaya dpat approach ko neto? haha. funny! desperate na tlaga noh?
and share ko lang to. mas mahirap pala na andito xa., mas masakit. kasi alam mong ang lapit lapit nyo na, pero di mo pa rin magawang makita xa. lahat ng pagkakataon anjan pero mahirap lalo na't takot kang harapin and katotohanan.
KAINIS naman o.. ba't kasi sa dami ng lugar na pede niang pagtransferan, dito pa! tapos, ngayon pa na (hopefully) ggraduate na ako this coming march. babalik na ako sa province. asar..
hope hindi ka naguluhan,. ;D pero gusto talaga tanungin to directly, pano ko po kaya xa eaaproach without hurting my pride? in such a way na hindi naman ako mgmumukhang cheap sa kanya?..
THANK YOU once again. =D God speed.
ahm... hmmm...
mahirap ang sitwasyon mo eh... una parang umiiwas siya sayo, tama ba? hmmm, tapos may ibang girl na sa picture... tsk. tsk. tsk. alam ko kasi pag ganyang may ibang involve na sa picture eh mahirap ng pumasok kahit friends lang buti sana kung siya ang gagawa ng move para maging friends kayo...
gusto ko sanang sabihing i let go mo nalang yan kasi parang walang way para mapalapit ka sa kanya pag ganyan ang sitwasyon, kaya lang sayang naman di ba ang pagkakataon... hmmmm... kung ako nasa sitwasyon mo malamang di ko na ipipilit yan para kasing napaka imposible na hindi mahurt ang pride mo eh...
ito nalang, timbangin mo nalang, makikipag friends ka pa rin kahit na i-reject ka niya, o hahayaan mo nalang na fate ang gumawa ng way para magkalapit kayo... kasi may ibang girl eh, malamang umiiwas yan kasi nararamdaman niya na gusto mo siya.. or baka natatakot siyang ma-misinterpret sya ng girl pag naging friends kayo... haha ang dami kong naiisip na dahilan bakit siya umiiwas...
ako din eh ganyan din ang sitwasyon ko ngayon... there's this guy na gustong-gusto kong makilala pero everytime may chance ako nauunahan ako ng takot at kaba na baka pag nilapitan ko siya ay mamisinterpret nya at isiping crush ko siya ahaha... which is not true kasi gusto ko lang talaga siyang maging friend... kaya yun dinadaan ko nalang sa dasal na sana one day ang langit na mismo ang gumawa ng way para magkakilala kami that way hindi naman masyadong nakakahiya di ba? ahehe...
pero dahil fanatic na ako ng carpe diem ngayon dahil nga super short lang ng buhay, advice ko na try mo kahit once lang na lapitan siya... ewan siguro tanungin mo siya kung kamusta ang province nyo o kamusta siya... or bago ka umuwi ng province email mo siya at sabihin mo ang nararamdaman mo kung hindi mo kayang mahurt ang pride mo ng harapan...
ang importante malaman nya di ba? at the end of the day naman kasi yun ang importante at yun ang laging gugulo sa isip natin kahit dumaan pa ang one hundred years... yung regret na hindi natin nasabi ang gusto nating sabihin sa isang tao. so what kung magmukhang cheap tayo, at least kahit madalas nakakapag sisi sa huli bakit pa natin sinabi ang nararamdaman natin sa isang tao, mas makakapag move-on tayo kung wala ng what ifs sa past natin... what if sinabi ko? what if ginawa ko? what if nalaman niya?
besides baka pag nasabi mo yan eh biglang marealize mo na okay tapos na alam na nya problema na nya kung paano nya yun tatanggapin o kung paano sya magrereact. ang sa atin lang naman eh malabas natin ang nasa puso natin... care natin kung paano nila yun i dedeal di ba?
pero nasa iyo na rin yan...
pano ang magandang approach? hmmm, school yan di ba? asus maraming way para magkaroon kayo ng chance na magkalapit basta magaling lang ang timing... even a book can do miracles... kapag ginusto mo lang... ahehehe... im sure you'll think of something great para malaman nya ang feelings mo... or kung after ka talaga sa friendship then do it, basta honest and true ang intentions mo sigurado nothing will go wrong...
update mo sana ako kung ano man ang mapagpasyahan mo ha...
fate o carpe diem kaw na ang pumili... isipin mo nalang ang story ko...
hmmm napaisip tuloy ako sa parehas nating pinagdadaanan ahahaha... oh well what the hell... at the end of the day tayo pa rin ang magdedecide kung gusto nating lagyan ng excitement ang buhay natin o kung hahayaan nalang nating mamatay tayo sa boredom... minsan tuloy naiinggit ako sa mga taong go lang ng go kahit ano pang maging consequence at mga taong walang pakialam sa pride nila... sa tingin ko kasi sila yung talagang nakakaranas ng saya at sarap ng mabuhay sa mundong to... wish ko lang ganun din ako katapang gaya nila... ikaw ano sa tingin mo?
gusto mo bang maging matapang at maranasan ang saya ng buhay o gusto mo yung palaging playing safe at ayaw masaktan at mapahiya...? it's your choice... goodluck girl...
my soulmate is worth the wait..
To be continued
thank u po sa advice,.tagos na tagos sa puso, hehe..
anyways, when u mentioned that u were a fan of the carpe diem nowadays, i suddenly realized that I have become one too. haha.
yes, i seized the day,. i sent him a message. he replied. PERO, nalaman kong MEJO, hindi in favor saken ung pagkakataon,..I felt na parang wlang silbi ang friendship we had in text.. so, yah... baka ito na yung simula ng paglimot ko sa kanya...
Sad rin din naman ako kasi, after 4 years,.. ngayon lang ako nglalakasloob na subukang malimot xa hehe. feel ko rin naman po kasi, may iba na xang gusto talaga.. inayaya ko naman xang lumabas to build friendship, ayaw nia,.. kaya yun, bahala na xa...;D
MY HEART FEELS HURT. However, i did not get hurt without earning something in return. AT least po talaga, na.experience ko na malapit lang xa,.. now, i don't have to live my life wonderin' how would it be if we're near from each other. parang NO REGRETS talga yung feeling.
and sa sinabi po ninyo, at least I've tried. kung sa sikat na phrase pa, It's better to try and fail than not trying at all. Open pa din naman ako to make friends sa kanya. pero hindi ko na sya pipilitin,.simula ngayon, tadhana na ang mag.uudyok saken para magpatuloy sa mga alang kwentang lovelife... ;Peace
-to be continued.
...
Hindi sa tinutuligsa ko ang paniniwala nang sumulat nito at ng mga taong nag komento dito, pero para sa akin, ang lova at first sight ay isa lamang likhang isip. walang katotohanan.
Hindi ako naniniwala sa love at first sight, dahil paano mo nga ba mamahalin ang isang taong unang beses mo pa lang nakikita? Naniniwala kasi ako na magagawa mong mahalin ang isang tao kung may sapat kang dahilan, iyong ibang tao, iniisip nila na umiibig sila kahit walang dahilan, ngunit ang totoo'y may dahilan, iyon nga lamang at hindi nila ito magawang ipaliwanag at bigyan ng akmang kahulugan.
Sapat na bang mahalin ang isang tao sa unang hagod ng mata? sa saglit na pag-uusap? sa isang daplis na ngiti? sa unang pagtatama ng paningin?
Matatawag mo nga ba itong pag-ibig?
at sa isinulat mo, binibini, ang pagkakaunawa ko'y hindi ito love at first sight, sa tingin ko lang naman. Atraksyon ang unang nadama mo nang makita mo siya sa unang pagkakataon, atraksyon na nauwi sa pag-ibig habang araw araw mo siyang nasisilayan, habang unti unti kayong nagkakakilala.
iyon lamang.
Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...







hi?
nice story...!
pero, ano po bang pagkakaiba ng "CRUSH" lang sa "LOVE"?