Love Juice
Bili na kayo! Love juice para sa mga bigo.
Mainam na gamot sa pusong nagdurugo.
Hindi ito katas ng pagmamahalan,
at hindi rin ito katas ng kamunduhan.
Para sa mga nilalang na pinaghaharian
ng lungkot, galit at kapighatian.
Para sa mga pusong wala nang pag-asa
bugbog at pasakit sa pusong pasa-pasa.
Sa love juice ika'y may kasiguruhan,
Tiyak na epektibo at maaasahan.
Bilang katunayan ay wala pang bumabalik,
upang mag-reklamo sa kanilang tinangkilik.
Maging sa hustisya din na inyong hanap,
Sa kamay ng taong nagbigay pahirap.
Laging tandaan, love juice produkto ng Baygon,
Sagot sa kahirapang dulot ng mapait na kahapon.
Isa itong kontribusyon ko para sa araw ng mga puso. Lalo sa mga taong sawi o bigo sa pag-ibig. Nawa ay wag niyong seryosohin ang tulang ito. Katuwaan lang po ito.
Habang naghihintay ng sasakyan kaninang umaga ay naalala ko ang araw ng mga puso at naisip kong gumawa ng tula pero wala akong maisip. Salamat sa lata ng Baygon na nakakalat doon at naka-isip ako ng tula. Yun nga lang di ito kasing tamis ng aking inaasahan hehe!.
Nawa ay maibigan niyo itong tulang ito.
hay naku noel, buti na
hay naku noel, buti na lang at hindi ako nangangailangan ng love juice dahil puno ng pagmamahal ang buhay ko ngayon.
nag-isip pa ako, ano kaya 'yung love juice na yun? - pamatay ipis pala. he he...
kakatuwa naman ang love
kakatuwa naman ang love juice mo noel, buti na lang di ko kelangan yan :-)
Business articles and financial views
http://www.technoconvergingzone.com/
hahaha
salamat sa ideya... nyahaha :D
mas masarap cguro yan pag malamig... hahahha :D
nauhaw ako bigla (ahahaha)
siguro masarap inumin yan habang nakikinig ng lovebug ng jonas brothers.
(Happy S.A.D!)
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
maraming salamat sa pagbasa
Masarap ito pag dinagdagan ng konting asukal at maraming yelo o di kaya blended with mixed fruits hehe!
pabili po!
damn if you do, damned if you don't ... so do if you don't but don't do it!
saan po puedeng umurder nyan? gusto ko... litro-litro. kailangan ko talaga
'lovejuice'!
bakit kailangan mo ng marami?
Resbak ba gusto mo? hehe! sabagay ako talaga ronda-pwersa at full attack ako sa mga ipis nung mga nakaraan dahil umulan dito at naglabasan ang kampon ng mga ipises [sabi ng pinsan kong bata - plural nga naman] - kaya baygon lang ang itinapat ko.
By the way, available ang juice na ito in powder, liquid or even gas form hehe! o say niyo sa juice na ito. Malufet!
nyahaha
hehe.. kuya... kahit loveless ako eh hindi ko kakailangin ang juice mo... hehehe... nakakatuwa ang tula mo kuya...
may naalala lang akong bigla... may kakilala kasi ako na sinubukang uminom ng "love juice" para lang hindi siya iwanan ng bf niyang nagsasawa na sa kanya... tsk tsk! sa awa naman ng Diyos, nabuhay siya. un nga lang, hindi na siya binalikan nung bf niya... napakwento lang... hehehe..
ingatski,
melay
buti hindi siya tinopak
Mga naglason daw kasi minsan nasisiraan ng bait or parang meron ng tama hehe, napansin ko lang sa ilang mga nakilala kong may kakilala na may mga kakilalang nagkaganun - ang gulo ko.
Maraming salamat sa pagbasa.
nice ending!
haha, love juice nga! chaka na ko bibili niyan ser, hehe...
ganda ng rhyming scheme at paggamit ng mga salita. astig!
I'd love to turn you on...
Hindi ka nga kaya
Hindi ka nga kaya idemanda ng Baygon manufacturer?
Har har har!
Korekik lang:
Para sa mga pusong wala nang pag-asa
meron din..
meron din akong alam na patok --- CLOROX.. hehehe
natuwa ako dito, ang galing!
sarap ng comments
Thanks sa mga comments niyo at sa inyong pagbabasa. Mahilig talaga ako gumawa ng mga poems noon na medyo may kalokohan pero bihira na ngayon. Pwede na kaya ito sa book compilation? Pwede ko siguro ipasa ito kay Sir Noel. Pero gawa pa ako this week. Thanks again sa lahat ng nagbasa.
Mukhang masarap....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
kaso nakakatakot.... buti na lang hindi ko pa kailangan ang juice na yan....
OKies...
jonsdmur










Hahaha! :)
Whoa! hahaha... sana nga wag seryosohin ang nakakatawa mong tula! Baygon, so lason yun? Hmmm, wag naman! Ang buhay ay biyaya na dapat pahalagahan at mahalin...
Hindi lang pag-ibig ang nagdadala ng kabiguan sa mga tao, maraming bagay... Nung college nga may nawalan ng pag-asa dahil lang sa thesis niya. Haay... Sayang...
Sige!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*