Love may Code?
Love may Code?
Sa aking palagay, palagay ko lang naman… walang code ang Love!
Dahil kung may code ang Love, anong Programming Language ang dapat gamitin para dito? Sa anong Application Program ito gagana? At anong Operating System ito pwedeng patakbuhin? Lagi na lamang nating poproblemahin ang compatibility mode sa t’wing tayo ay magmamahal, diba ang hirap noon?
Ang code kasi ay sumusunod sa Syntax (set of rules), diba kung nagmamahal tayo ang pinakaayaw natin sa lahat ay ung bigyan tayo ng rules na dapat lagging sundin? At kung bigyan nga tayo ng rules, nasusunod nga ba natin ito? Pero lagi nating sinasabi na nagmamahal lamang tayo…
Code for Love hindi s’ya possible… dahil ang bawat isa sa atin ay iba sa bawat isa… iba ang System ng isa sa bawat isa, dahil ginawa tayo ng magkakaibang Manufacturing Company na may magkakaibang Design (structure), not to mention the File Allocation Table ang Bits.
At kung sakali ngang may code ang love ito na yata ang pinakamahirap na pag-aralang code… dahil nga tulad ng nasusulat sa akda ni Sir LS:
“Love is a four letter word that remain undefined for no one really knows the wonder of true love”
Pero di naman masamang mangarap at hilinging sana nga may code nalang ang love, para kayang pag-aralan at kayang ma-master… pero sa dakung huli siguro kung may code ang love isa itong Unicode…
Ang paghahalintulad gamit ang IT terms ay sadyang sinadya ng iyong abang lingkod dahil ito naman ang language na alam ko. Pero hindi po ito literal na paghahalintulad just read between the lines....
simpleng pinkCath lang po!
Meron pala akong kababayan
Meron pala akong kababayan dito... nagkakaintindihan kami.
Ang pinakamahirap pa nito matapos mong mai-code ng tama ang lahat ang mga Users naman ang iyong makakalaban, kung ano't ano ang hihilingin sayo pinapadali mo na nga tranaho't buhay nila.... at ung mga haker din na wala ng ginawa kungdi pasukin at guluhin ang code... kahit pa siguro tayo ang Control Matrix mahihirapan pa rin tayo kung may code ang love....
pero kung binary at hexadecimal diba maraming combination un... baka dumami lalo ang makaagawan mo sa love...
Salamat sa pagbasa at comment!
simpleng pinkCath lang po!
Marahil nga'y walang code
Marahil nga'y walang code ang Love... kasi kung meron sa galing at husay ng makabagong teknolohiya, sabayan pa nang nag-gagalingang programmer bakit wala pa rin nakaka-perfect sa usaping Love?
kung binary 1 + 1 = 10 paano na yan? sa dalawa sampu ang magsasalo!
maharot, malikot titik sa aking tuktok!
May tama ka!
pero ang 10 sa binary diba 2 din un?
parang love lang ano? akala mo 2 lang kayo pero 10 pala...
Simpleng pinkCath lang po!
Layman's point of view
Gawin nating simple in layman's term (for the sake of those who do not know about IT and its applications)
Biblically meron namn tqalgang code ang love eh..bakit kanyo? sa sampung utos sinasabi:
7. Thou shall not commit adultery (but if thy commit thou shall not refuse)
10. Thou shall not covet thy neigbour's wife (husband pwede)
heto pa...
Corinthians 2 verse 21
I am afraid that when I come again my God will humble me before you, and I will be grieved over many who have sinned earlier and have not repented of the impurity, sexual sin and debauchery in which they have indulged.
isang mahalgang rules sa pagmamahal..malaya kang magmahal subalit merong ipinagbabawal and you are liable for the consequences.
May code ba ang love? meron..pero nasa saatin kung susundin natin..kasi malaya naman tayo..yun nga lang brace yourselves for the consequences..gets?
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
ayon sa Wikipedia: A code is
ayon sa Wikipedia:
A code is a rule for converting a piece of information (for example, a letter, word, phrase, or gesture) into another form or representation (one sign into another sign), not necessarily of the same type.
In communications and information processing, encoding is the process by which information from a source is converted into symbols to be communicated. Decoding is the reverse process, converting these code symbols back into information understandable by a receiver.
....
ang iyong nabanggit sa itaas ay isang utos (7 and 10) sa isang encoding process, utos or command ay bahagi lamang ng code pero hindi ito nangangahulugang ito na ang code... code can be written with batch of commands, pero depende pa rin sa laguage na ginagamit ang command na inilalatag.
kaya siguro mas mabuting sabihin na ang Love mismo ang Code (back on top), pero ang Love ay walang sinusunod na code dahil nga depende sa nagmamahal kung anong uri ng code ang gagawin/gagamitin nya kung nararamdaman nya na ito. Para kasing Open System ang Love, lahat pwede mag-ambag para sa lalo pa nitong pagkakakilanlan...
......
kahapon sabi mo sa comment mo kay Kuya Alcor walang code ang love bakit iba na pananaw mo?
simpleng pinkCath lang po!
Dapte general term ang kinuha mo
Ayon sa wordweb:
Code: Noun (kowd)
1. A set of rules or principles or laws (especially written ones)
2. A coding system used for transmitting messages requiring brevity or secrecy
3. (computer science) the symbolic arrangement of data or instructions in a computer program or the set of such instructions.
Ang pinagtuunan mo kasi ng pansin sa iyong depenisyon ng kowd ay ang computer language lang..not the set of rules, princilples or LAWS (especially written ones) 10 commandments are written laws dear..
ENCODING is a verb...and therefore not applicable in this context...we are talking of the code itself. when we discussed about code we simply mean a set of rules that need to be followed when it comes to love or a guiding principle to be visited when love is at stake..at kelan man ang LOVE di magiging code ever..kasi ang love is an abstract.. it is like a concept without specific example it only exist in the mind and in the heart.
correct, i said to alcor na wlang code ang love..but i did that just to spark a discussion with alcor ang cute kasi nyang sumagot eh at crush ko sya..hehehe kahit lalaki sya.
to borrow your words...."pero ang Love ay walang sinusunod na code dahil nga depende sa nagmamahal kung anong uri ng code ang gagawin/gagamitin nya kung nararamdaman nya na ito."
TUMPAK! ikaw na mismo ang nagsabi..walang sinusunod na code ang love pero meron syang code..marami nga lagn ang di sumusunod becoz of the magic of love...
peace tayo ha...love pa namn kita..
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
Naging consistent lang ako
Naging consistent lang ako Starblaze, kaya mas pinili ko ang nakasaad sa Wikipedia if you can read again my note sa post ko…
I know that Encoding is a verb kasi nga process ito ng code… at alam ko ring na noun ang Code pero hindi ito proper noun, kaya nga hirap itong hanapan ng pagkakakilanlan.
Kung babasahin mo ulit ang post ko nakasaad doon na ang code ay may syntax (set of rules). Kaya naging set of rules ang meaning ng Code dahil sa taglay nitong syntax na kung di susundin ay di gagana ang code (program).
---
10 Commandments are spiritual laws from God. Hindi ito ginawa para lamang sa pag-ibig “love” at hindi naman sinasabi na ang number 7 and 10 ay para sa love. At hindi lahat ng adultery ay naganap ng dahil lamang sa love, pwede ring lust maging ang covet para sa asawa ng iba.
At diba gusto mong humingi ng layman’s term? Bakit sa Bible ka kumuha, di nga ba pantas lamang daw ang syang makakapagpaliwanag ng maigi nito? Kung kaya kay rami ng magkakagulo sa usaping Bible.
---Ganoon pa man, kahit crush mo si kuya Alcor hindi parin maglalahu ang pag-ibig na minsan kong inialay sayo… may code man o wala!
simpleng pinkCath lang po!
Therefore i conclude
Therefore i conclude..na ang pagibig ay may code at walang code..may code in the sense na may sinussuod itong "program" para gumana...at waalgn code dahil kahit ondoy o katrina di ito kayang pigilan..tmaan ang tamaan..
let the love rest in peace..let it be rest in our hearts..
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
tama ka (At kung sakali
tama ka (At kung sakali ngang) may code ang love ito na yata ang pinakamahirap na pag-aralang code…
“Love is a four letter word that remain undefined for no one really knows the wonder of true love” jologs pero totoo yan.
nagkakaiba-iba kase muna ng definition ng love muna tapos code kaya di magtugma.
sa sinulat mo: uhm, di ako nasayahang basahin. hindi dahil hindi ako IT. basta hindi.
nkunaman. pinag-uusapan pala ako dito.
kaw kasi pasimuno ng code eh
laht naman pwedeng ikabit sa love eh
tulad ng:
pledge of love, love spell, love song, love triangle, love quotes at napakarami pang iba.
pero tingin ko wala talagang code. kasi kung meron napg aralan na sana ang decoding wala sanang nabibigo sa pag-ibig at walang nasasktan. kasi nga alam na ng lahat ang code. sa dami ba namn ng hackers sa mundo.
Si Paruparongberde ay isang estudyante at kumukuha ng Business Management major in Marketing sa isang eskwelahan na ang logo ay berde
Ngee paruparongberde
al-el
napag-aaralan siya perhaps,
first lesson: failing
para siyang lesson na, uhm, di ko masabi. basta something so intimate and infinite like-yup!-blur!
maiintindihan lang siya o mapag-aaralan kapag... pano ba sabihin...
ayun, parang yung line from a character sa Naruto:
"Pain is only understood when it's felt..."
parang
"You can only know a person when you feel his pain... ", now the latter is falling apart.
yup basta yun nga yun..
pero it doesn't mean na love is pain (malawak kasi), and it doesn't mean na kailangan nating i-communicate ang pain..
ayun, natuwa ako sa topic ng blog na to... ngayun ko lang nakita. :)







mahirap nga kung may code
mahirap nga kung may code ang love.
matapos ang katakut-takot na refactoring at class restructuring ang gawin para malutas ang mga syntax error,
matapos gawing public ang dating private, gawing private ang dating public, at gawing protected ang dating hindi para malutas ang issue ng security,
sa bandang huli ay babatuhin ka lang din pala ng compiler error
malutas man ang problema sa syntax at compiler error, hindi pa rin maiiwasan ang mga external factors na susubok sa robustness ng code.
hahanapin ultimo kaliit-liitang abnormal scenario hanggang sa bandang huli ay haharapin mo na lang ang isang malaking unhandled exception.
kung ako ang tatanungin, mas gusto ko sigurong maging binary o hex code ang love para hindi mapakialaman ng kung sinu-sino