"Love/Obsession" Poetry Night @ Powerbooks Live 13Feb2009: Isang Pagbabalik-tanaw sa aking Pers Taym
Nakakakaba ang first time. Pero enjoy, yey!
First time kong tumula ng aking mga tula sa harap ng maraming tao. Akala ko ay hindi ako kakabahan. Pero nangyari pa rin. Ewan ko ba. Dapat ay nilapitan ko ang emcee na si Tobbie para at least alam ko kung pang-ilan ako, at para sana hindi niya na ako tinawag from the audience. Nakakahiya, pakshet. Sana mas naghanda talaga ako.
Nanginginig ako habang papalapit sa stage. Alam kong halos lahat ng mga mata ng mga naroroon ay nakatingin sa akin. Mga bihasa na sa mga ganitong events. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Ang olats pa ng plastic folder thingy na hawak ko. Doon ay nakaipit ang anim na pirasong bond paper na may nakasulat na siyam na tula. Tinulungan ako ng kaibigan ko bago magsimula ang event kung ano ang babasahin. Plano ko sana e ibabatay ko sa mga mauunang magbabasa ng kanilang mga akda kung ano yung babasahin ko. Kaso pang-apat ako, nagsisimula pa lang ang palabas. Medyo shock pa ang lahat sa ginawang performance ni Kislap Alitaptap with matching slides pa kahit hindi raw siya gaanong naghanda pero sumisigaw-sigaw pa. It's hard to top that, lalo na't umpisa pa lang. So medyo hebigats din binanatan ko. E kaso hindi ako masyadong into performance arts or whatnot kaya, ayun. Binasa ko lang. Konting emote nang onti, tingin sa audience every now and then. Nakinig naman ata sila at pumalakpak pagkatapos. So medyo naging okey naman ang una.
Pagdating sa pangalawang tula, medyo may onting problema. Hindi ako sigurado sa kung ano ang babasahin ko sa umpisa. So medyo light-hearted naman binanatan ko, puro rhymes and metaphors. Mahilig ako sa mga ganun lalo na dati. So yun nga binasa ko. Ganun uli, konting emote, tingin sa audience, repeat until fade. Hindi ko alam kung na-absorb ng audience ang binasa ko pero naging okey naman siguro. Pumalakpak din sila afterwards.
At ayun, natapos din. Nakahinga na ako nang matiwasay sa wakas. Pero sana sa may bandang huli na ako tumula. Para nagingkasing-okey ako nung mga sumunod sa akin.
At sana rin pala nagdala ako ng mga Tagalog na tula. Sana nagdala ako ng digicam. Sana nahingi ko yung number nung mga cute na girls doon kaso tyope ako. Sana fashionista rin ako. Sana naging mas papansin pa ako kesa kay Paolo Juddah (tama ba spelling? siya raw yun e sabi nung kaibigan ko, na-starstruck ata.). Sana nag-hello man lang ko sa iba pang FW pips na naroon, kaso hindi ko sila kilala. Sana may gitara rin ako at may effects na parang Pink Floyd, puro delay at reverb at distortion. Sana may handheld pc rin ako para wala na akong hawak na olats na plastic folder. Sana ako yung fire sa exit at cock sa a-doodle-doo.
1st time. Memorable. Sa susunod na lang, mas paghahandaan ko. Puyat lang to.
wala ata...
wala atang nakakuha ng video sa akin, hehe. ok lang yun. sa susunod na lang siguro, kung mauulit...
I'd love to turn you on...
.
oks lang yun bro, ako man perstaym ko rin sa poetry reading ok naman yung dating mo. mas maganda nga na nauna tayo tingnan mo yung huling nag perform nagsiuwian na ang mga tao halos mga performers na lang at si ricky lee ang natira sa bandang huli e.
nerbyos talaga ako nga nung nasa harap na blanko ang tingin ko sa audience e parang walang nanonood at nakikinig kaya parang nag iisa lang ako which is effective hehe...
si Kislap nerbyos din kaya nga tumatalon-talon to shake off the tension.
sana maulit ulit ito
sa bagay...
gusto ko sana kasi makakaita ng mga samples ng mga performance e, like those romancing venus (?) gurls, sobrang sanay na sa mga ganun. enjoy na enjoy sila sa pagbasa ng mga tula nila, complete with anecdotes and stuff. kung medyo sa huli tayo, sana mas naging maganda pagbasa ko nung tula ko, at least.
btw, punta ka sa site ko. halos lahat ng mga tula ko, andun, from way back 2000 pa. magpopost din ako ng marami pang mga tula dito.
I'd love to turn you on...
Asan nga ba yung video mo?
Dahil isa kang tubong bulakenyo, nanalaytay sa ating mga ugat ang pagiging makata, marahil ito'y naipamamana ng ating mga magagaling na manunula katulad ni Balagtas. hehhehe!! May ganun, isinama ko pa ang sarili ko!!
Asan na yung video mo pre?
Pero ano pa man, CONGRATULATION, kasi naibahagi mo ang masidhi mong damdamin sa pamamagitan ng tula.
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
ganun ba yun? hehe...
tama, may lahi tayong makata, ehehehe...
salamat! bulakenyos ROCK! yeah!
saan ka sa bulacan? taga-san jose del monte ako...
hindi ko alam kung may nag-video sa akin... kung meron man... paki-post na lang. kung olats, kahit wag na, ehehe... :D
I'd love to turn you on...
wow naman...
uy! may video rin pala ako! thanks rom! Ü
now, this will be very weird watching myself, haha... ok, done... i looked boring, dyahe... gotta have more energy next time! Ü
I'd love to turn you on...
To reclaim your honor
Patrick....Tom Estrella Sr. And The shadows is inviting you to read for us on the 17th
Bri-Iw bar, Kamuning...
For that gig you will be our vocalist.
All you need to do is read your poems.
Earl tengal Drilon, will be drumming...He is an indie film maker and also the country's premier experimental musician. And he is a Brockas member.
of course Palanca grand Prize winner Iwa will still do the bass for us..
Hope you will join us....please.... we want you to.
we are begging you to.
of course there will be a naked guy named j.luna jerking off beside you, but please don't mind him. As tobbie mentioned, the j.luna guy read the entire khavn delacuz book for 5 hours naked in green papaya arts project, but don't mind him..j.luna is insignificant...What is important is that your poems will be heard.
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
bukas na agad?! nakow...
whoa... um... it would be a big honor to be there and read my poems and be backed up by your band... but i need to pass on this gig, i'm so sorry. i will be out of town tomorrow night to meet some relatives.
but if it will be ok for you, you may read any poem that would meet your standards and whatnot from my site. maybe you can just tell your fans that they are my poems and stuff. just don't jerk off while doing it. please, i beg you. :D
maybe, if you have a sat night gig, you can tell me. it's quite tricky during weekdays because i have an early morning shift at work. anyway, hopefully, i'll get to join you onstage someday.
I'd love to turn you on...
Hello Patrick! There's
Hello Patrick!
There's always a first time, cliche, but you were okay for a first timer. I mean, not all people can brave standing in front and reading their poems out loud.
I hope to watch you again, like the others.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
yeah...
i think i'm ok standing in front of an audience. medyo shocked lang ako during that night because i had to do it early in the event plus tobbie called out my name from the audience haha... my bad. i would have done better if i read my poems some time during the middle of the eventso that i would have seen how the experts do their stuff.
I'd love to turn you on...
aus lang yan
aus lang yan patrickman..
Akala ko nga magsasama-sama ang mga FW that night.. pero iilan lang ang nagpakilala..
Siguro nagkakahiyaan lang ang ilan..
Pero aus naman patrickman ang tula mo...
hanggang sa susunod.. try lang ng try hanggang sa ma-overcome ang pagka-shy...
cheers!
aireen
thanks
yep. i'll do better next time. sana marami pang next time.
I'd love to turn you on...








patrickman! ayos yan,
patrickman!
ayos yan, cool pa rin. nakuhanan ka ba ng video nina kuya rom?
http://katya14.multiply.com/journal