Love on the second time around (part 1)
"Ayee! Parating na si Papa Melvin, dali Yssa, tignan mo kung maganda pa rin ako!" overacting na react ni Jorenn habang hinahawi ang nililipad niyang buhok.
"Gaga! Kahit pangit ka pa ngayon, di ka rin niyan papatulan.. Kanina lang nangako siyang ako lang ang mamahalin niya eh!" pagmamalaki ni Jheng.
"Infairness ang kapal ng mukha mo huh! Tignan mo muna dali! Nakatitig ngayon sa kagandahan ko!" ani Jorenn sabay pacute kay Melvin. Todo pacute nga siya, at parang di siya dumaan sa pag-iyak kani-kanina lang.
Hinila siya ni Yssa paharap dito. "Teka nga, kanina lang sabi mo 'I'll never fall in love again' eh ano na naman yang gimik mo? Nakamove-on ka na ba mula sa heartache na natamo mo kay Karl?"
Napawing bigla ang mga ngiti sa mata at labi ni Jorenn. Bumuntong hininga siya. "Honestly, hindi ako makapaniwalang ipinagpalit niya ako kay Zhen. It was the biggest mistake he had ever done! Biruin mo iyon? Ang tagal ko nang nasa tabi niya, ako lagi nasa kasama niya.. umaasa na ako eh! Iyon pala, may ibang hinahanap, at hindi itong tipo ko. "
Puno ng awa ang nangibabaw sa mukha ni Yssa sa kalagayan ng kanyang bespren. “Hmm.. Renn, there’s still someone whose worth it for your presence. ‘Yun na nga eh, lagi ka nang nasa tabi niya, di ka pa rin niya nagawang mahalin. Naku! Buang na ‘yang lalaking minamahal mo! Si Zhen pa ang pinatulan!”
"Walangya! Bespren ba talaga kita? Nawala na nga sa isip ko eh! Nakatuon na kanina kay Melvin, binalik mo na naman sa unggoy na yun ang topic.” Kunwa’y sinabunutan niya ito.
“Aba! Gumaganiyan ka na sa’ken Renn?” gumanti din si Yssa ng pabirong sabunot sa kaibigan niya. At doon na naman nagsimula ang walang humpay nilang tawanan.
Matalik nang magkaibigan sina Jorenn at Yssa mula nung highschool pa lamang sila. Para na ngang magkadikit ang kanilang bituka dahil sa halos lahat ng aspekto ay may similarities sila. Sa lahat ng bagay ay nagkakasundo, sa lahat ng pagkakataon, parehas sila ng likes and dislikes. Marahil ay iyon nga ang naging dahilan kung bakit nila nakasanayang pakisamahan ang isa’t isa. Wala na silang hiyaan at sikretuhan, dahil nga ang turing nila sa isa’t isa ay kapatid na.
Sa iisang kumpanya din sila namamasukan bilang call center agent. Dito nila natagpuan ang Dennis Trillo ng agency nila, at iyon ay si Melvin. Magkakaiba sila ng duties, kaya naman ay kahit kaylan, di pa nagkrus ang landas nilang dalawa ni Melvin. Oo’t hindi nga lamang si Melvin ang makikitang gwapo sa opisina nila, nandiyan sina Karl, ang nagwasak ng puso ni Jorenn(oops! wag na yan! walang kwenta yan!) boss nila, si Jesnel, ang katabing cubicle niya, si Charles, na malakas ang sex appeal(supladong tunay), at marami pang iba.
Speaking of Karl, sa kanya lamang siya nakadama ng matinding heartbreak. Close friend niya ito, nakakakwentuhan, sa personal man o chats and texts, nakakabonding sa lahat ng oras, nakakatawanan sa batuhan ng jokes nila. Ka-batch nilang pareho ni Yssa si Karl, kaya naman ay malapit din ang loob ni Yssa sa lalaki. Ang iba nga nilang kasamahan sa trabaho ay nagseselos sa kaniya dahil iniisip na mayroon siyang gusto dito, which is true naman talaga. Proud na lang siya sa sarili niya na close friend niya ang boss nila.
Well infairness, magandang lalaki si Karl, at panung hindi siya mahuhulog dito, eh nature ata ng ugok na iyon ang pagiging sweet sa kaibigang babae. Nagkamali nga siyang mahalin ang lalaking ito, but it was an honest mistake. Hindi niya ginustong mahalin niya ang lalaking ito, at kung makakapamili man siya, sana nga ay si Jesnel na lang o kaya si Charles, o kaya si Arvin, o kaya naman ay si Paul Jhen…
“Wooh! Heavigat huh! Dame niyong pumapasok sa isip ko!” sigaw ni Jorenn habang nagja-jogging sa sea side sa tapat ng isang sikat na mall. It’s Saturday morning, at exercise ang naka-schedule sa araw na iyon.
Kinuha niya ang nasa bulsa niyang ipod at pinalitan ang kanta sa genre na R&B. Masyado siyang nahahawa sa ka-sentihan ni Yssa, she needs to move on! Panandalian siyang huminto at tinuloy ang pagba-browse ng kanta.
“Sh*t!” aniya nang tumumba mula sa pagkakabangga niya sa malaking bulto ng mama. Napaungol siya sa impact ng pagbagsak niya sa puwitan. Parang di niya maigalaw at feeling niya ay nadislocate na ang mga butu-buto niya.
Tinanggal niya ang earphones sa tenga niya at nagsimulang magtatalak sa mamang nakabunggo sa kaniya.
“Hoy manong ano ka ba?! Hindi ka ba naaawa sa payatot kong katawan? Nambubunggo ka diyan, ang laki laki ng katawan mo! Napaka-“ natameme siya nang mapagtantong si KARL pala iyon! Nainis siya nang makitang abot tenga ang ngiti nito. Tila ba natutuwa sa nakikitang pagsapo niya sa puwitan niya.
Inilahad ni Karl ang kaliwang kamay nito para tulungan siyang makatayo. “Are you alright?”
Inis niyang inabot ang kamay dito at inismiran pa ito. “Alright mo your face! Tignan mong hindi ako makatayo dito, tatanung tanung ka pa riyan.” Pilit niya pa ring iginagalaw ang puwitan niya, ngunit hindi niya talaga maiangat.
“Gusto mong i-massage ko muna yang ‘pwet’ mo para makatayo ka?” hindi pa rin napapalis ang ngiti nitong nakakaasar.
“Che! Magtigil ka nga! Aray ko pu!! Anong gagawin ko nito?” Nangingiyak na wika niya.
“Hmm. May kotse ka bang dala?”
“Wala nga eh. Nagko-commute lang ako ‘pag nagpupunta dito.” Tuloy pa din sa pagngiwi ang muka niya.
“Eh di kung gano’n, joy ride na lang tayo.”
“Huh?”
"Basta, come on..” anitong sinabayan na ng pagbuhat sa kanya. Para siyang lumutan sa langit, maingat pa man din ang pagbuhat sa kanya ni Karl. Parang sadyang iniingatan na huwag ma-touch ang mga private parts niya.
“Huy.. maglalakad na lang ako..” naiilang at nahihiyang bulong niya dito. Nakikita niya kasi ang mga taong unti-unti nang nagpupukulan ng tingin sa kanilang dalawa. Mayroon pa ngang naghihiyawan.
Ang nasa isip ata ng mga iyon ay magkarelasyon kami. Hmp.! Pero okay na din, ‘di na ko magpapa-okray, maganda ako, guwapo siya, malamang bagay kami sa mata ng mga tao dito.
Nagulat na lang siya nang may bumirit na isang babae. “Ang sagwa! Halatang malandi ‘yung babae, tignan ninyo oh! Kitang-kita sa mukha nung babae na feel na feel niya!”
Natameme siya at feeling niya ay namula siya sa narinig. Napatingin din siya kay Karl na kasalukuyang malapit lapit sa mukha niy dahil sa pagkakabuhat nito sa kania. Ngumiti lang si Karl at binalewala ang mga naririnig na bulungan ng tao.
Tumuloy sila sa parking lot, bitbit pa rin siya ni Karl. “Asan ang kotse mo?”
“Wala.”
“Anung wala? Nagpunta tayo dito, wala kang kotseng dala? Adik ka ba?”
Binalewala lamang ni Karl ang bunganga ni Jorenn. “Makakatayo ka ba?”
Bigla siyang nahiya sa pagkakahiga sa mga bisig ni Karl. “Ah, oo siguro. Hindi lang ako makatayo kanina kasi-“ at tuluyan na siyang binaba ni Karl.
“Sorry ka, hindi ako nagdala ng kotse, bisikleta lang ang bitbit ko ngayon.” Anitong tila pinakilala nito sa kanya ang mountain bike nito.
“Ah ok, ge, una na ako.” Sabi niya habang pinipilit ngumiti sa kabila ng dismaya.
“Anong una? Isasakay kita dito. Ayaw mo pa?”
“S-sakay.. A-angkas diyan?”
“Oo! Anong masama doon? Tara na! Baka tumaas na sikat ng araw at masunog pa’ng balat nating dalawa.” Isinuot na nito ang helmet at sumakay sa bike. “Ano? Tutunganga ka lang riyan? Tara na!”
“E-eto na po.” Nalilitong turan ni Jorenn.
“Ahaha.. Ano ka ba? Parang hindi naman kita kaibigan kung iiwanan kita rito at hahayaang magtaksi na lang.” sabi ni Karl na parang sinagot ang tanong na nasa isip niya, kung bakit pa siya nito iaangkas sa bisikleta.
“Ok lang ba sa’yo?”
“Sus! Kaw pa! Lakas mo sa’kin. Eh teka, Ok lang ba sa’yo?” Huminto ito at tumitig sa mga mata niya.
Nailang siya bigla, kunwa’y sasakay na siya sa bike at nagsalita. “Oo naman noh!”
“Ahaha, tara tara.”
Nagtaka si Jorenn sa biglang pagliko ni Karl dahil dapat ay dumiretso ito, papauwi sa kanilang bahay. “Kain muna tayo, nanghihina na ‘ko eh.”
“Sus! Kala ko malaki katawan mo, weak ka din pala.”
“Hoy babae, malaki nga katawan ko. ‘Ba’t malay ko bang mabigat pala yang mga butu-buto mo.”
Hinampas niya ito sa braso. “Oh! Hwag kang ganiyan, gusto mong sumemplang tayo at madaganan kita?”
Napangiwi si Jorenn sa imaheng nakikita niya sakali mang mangyari iyon.
“Baka mapisa kita niyan sige ka. Konsensya ko pa.”
“Naku! Magtigil ka na nga diyan. Ayusin mo na lang pagmamaneho mo diyan.” At ako ay patuloy na lalanghapin ang kili-kili mo. Hmm! Sarap! Nakaakap ka na ata sa’ken! SANA TRAFFIC!
Huminto sila sa isang fast food restaurant na drive thru. Hinintay muna ni Jorenn na maiparada ang bisikleta bago pumasok sa fast food.
Pinaghanap na lamang siya ni Karl ng mauupuan at ito na raw ang bahalang mag-order ng agahan niya. At dahil doon, may kaunting kilig siyang naramdaman sa puso niya. Dumating na si Karl bitbit ang mga inorder nitong pagkain.
“Parang napakadami naman yata niyan? Kaya ang laki ng katawan mo eh. Puro ka lamon.” Biro niya nang maupo na si Karl sa tapat niyang upuan.
“Unggoy! Di yan akin. Sa’yo yan lahat. Ubusin mo yan. Pag di mo yan inubos, iiwanan kita rito, bahala kang umuwi mag-isa.”
Napangiwi siya. Papatayinn na ata ako nito. Di lang tiyan ko mabubusog, konti na lang busog na rin puso ko.
“Oh ano? Tutunganga ka lang riyan?” tinapik pa siya ni Karl sa pisngi.
“Hay… Labag ata sa loob mo ang magpakain eh. Sinasampal mo pa ako.” Pagdradrama ni Jorenn.
“Ikaw, buang ka na ba?” Naka-kunot ang noo nito. “Kung anu-anong lumalabas diyan sa labi mo. Malamang gutom lang ‘yan.”
Ngumiti lamang si Jorenn. Akmang susubo na si Karl ng pagkain nang pigilan niya ito sa braso.
"Ano na naman? Nagugutom na ko. Ang bigat mo kaya, napagod ako.”
“Ahah. Che! ‘Asan ang prayers before meal?” inaalaska niya na lamang ito.
“Mabaet na bata..” Umiling-iling na lamang ito, at nagsimulang mag-sign of the cross. “Bless us oh Lord, and these thy gifts, which we are about to receive, from thy bounty through Christ, our Lord…”
"Amen.” Sabay nilang tugon, at saka muling nag-sign of the cross.
Habang nakaupong magkatapat sa iisang mesa, tahimik lamang silang kumakain. Minsan ay napapatingin si Jorenn kay Karl.. halos mahulog nga ang puso ni Jorenn dahil sa cute nitong kumain. Nagulat pa si Jorenn nang marinig magsalita si Karl.
“Himala, tahimik ka?”
Inirapan lamang ito ni Jorenn. “Anung bago dun?”
“Wala… hindi lang ako sanay. Kwento ka naman.”
Lumagok muna siya ng pineapple juice sa baso saka nagsalita. “Walang bago sa’ken. Ikaw? Parang may gusto kang ikwento kanina pa.”
“Sungit naman nito. Ngayon na nga lang kita ulit nakasama eh.” Sumandal ito sa bangko at saka bumuntong-hininga.
“Sus! Kuniyari ka pa riyan. Magkwento ka na!” hinampas pang pabiro ni Jorenn si Karl.
“Tara, dito ka sa tabi ko…” Inayos pa ni Karl ang bangko para maupuan niya.
Tinitigan niya muna ito nang matagal. It was the man of her dreams, ang boss niya, boss nila. Napakasarap kasama, ang ganda makitungo sa kahit kanino man. Hindi perpekto si Karl, sa totoo lang, mahilig itong mang-asar hanggang sa sumuko ka o kaya naman ay maiyak na sa pagkapikon. Pero, nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya para sa isang kaibigan.
Naka-braces ito at bumagay naman iyon sa mapupulang labi nito. Maputi, mahihinuhang mayaman talaga, matangkad, na kayang-kaya namang dalhin ng pangangatawan nito. Dati nga, nung mga magkakaklase pa lamang sila, mataba-taba ito, pero habang nagtatagal, pumapayat, at lalong pumopogi.
Lumipat na nga si Jorenn sa tabi ni Karl at handa nang makinig sa kung ano mang ikukuwento nito.
“Close ba kayo ni Zhen?” masaklap ang naging pambungad nito. Kaya't muntik nang mapasibangot si Jorenn, buti na lamang at napigilan niya agad ang kanyang nguso.
Sinasabi na eh! Pucha. Ako pa napiling pagkwentuhan tungkol sa babaeng iyon! “Ahm… ok lang.”
“Si Zhen.. ang ganda niya di ba? Napakasimple pa.” Malayo ang tingin ni Karl habang nilalarawan si Zhen, tila nasa harap niya lamang ang babae.
Bruha yung malanding iyon! Inaagaw pa sa akin si Karl! SIMPLE? Naku! Puro kalorete nga ang mukha. Eh ako? Pulbos lang sapat na… iyon ang simple! Susmeo, ang tagal nang umiiyak ng puso ko dahil sa’yo Karl… magmu-move on na nga ako eh… sinundan mo na naman ako. Lumayo ka na nga!
Nalungkot siya at nasaktan sa mga sinabing papuri ni Karl tungkol kay Zhen. Ang layo layo ni Zhen, yun pa rin nakikita ni Karl, pero siya, heto siya’t katabi niya lang, puro panlalait lang naririnig niya dito.
“0-oo nga… Ligawan mo na.” aniyang sinabayan na ring tumayo upang matapos na ang usapan nila. Gusto niya nang umuwi.
“Oh, san ka pupunta?” pansin ni Karl sa biglang pagtayo niya.
“Uuwi na.” matabang na sagot niya.
“Teka lang, mamaya na. Baka magkasakit ako nito sa bato, kakakain ko lang…magba-bike agad ako?” hinila siyang pabalik sa silya.
Napabuntong-hininga na lamang si Jorenn. Napakahopeless niyang babae. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo niya. Hindi niya tuloy napigilan ang sumimangot kasabay ng isa pang hingang malalim.
“Problema mo?” tanong nitong muli.
“Wala…” umiling siya.
“Wala?”
Gumawa na lamang siya ng dahilan upang makauwi na agad sila. “Kumukulo na tiyan ko sa dami ng pinakain mo sa akin.”
Pigil na napatawa si Karl. “’Yan ang gusto ko sa’yo eh. Walang hiya-hiya.”
“Wala yun sa bokabularyo ko.” Naupo siya’t kunwaring hinawakan ang tiyan.
“Tara na nga! Nakakahiya kung dito ka pa magkalat. Sabihin ng mga tao may girlfriend akong dumudumi kung saan saan.”
Tumigil ang mundo niya...
“Huh?”
Tumawa na naman ito. “Wala. Tara na!”
Nabingi lang ba siya o totoo ang narinig niya? Girlfriend nga ba ang narinig niya?
hi po! Nagbabalik si bhelle:)
tulungan niyo po akong maipagpatuloy ung gawa ko. gusto ko po sanang magcomment kayo about sa mga maipapayo niyo at puna, para maisaayos ko pa ang kwento ko.
thanks.!

