Love on the second time around (part2)

| |

          "Come in." ani Karl nang marinig na may kumatok sa pinto ng opisina niya. Nagulat siya nang makitang iniluwa ng pinto si Jorenn. Nanatili siyang nakatitig dito habang nagsasalita ito.

          "Ahm, sir, ipinapatawag po kayo ni Mrs. Santiago." seryoso ang mukha nitong hindi man lang tumingin sa mga mata niya, bagkus ay nakatingin ang dalaga sa office table niya.

         "Okay. Tell her, susunod na rin ako." aniyang yumuko na upang ipagpatuloy ang ginagawa niya.

         Obviously, may something sa kanila ngayon ni Jorenn, dahil siya mismo ang nagalit dito. Actually 'galit' is not the term kundi tampo. Paano ba naman, ilang araw lang silang hindi nagkakasama ngayon ay hindi na nitong magawang magkwento sa kaniya. Pero sa mga kasamahan nito ay walang tigil ang pagkukwento nito. Para bang hindi sila naging magkaibigan ng matagal. 

         I know it sounds weird. Pero masakit sa ego na tanggihan niya ang alok kong mag-share naman siya sa'kin ng mga kinukwento niya sa officemates niya.

         Bumuntong hininga na lamang si Karl at inayos na ang sarili para mapuntahan na si Mrs. Santiago, the boss of all the bosses.

 

          "Hay naku Yssa.. ang labo niya! Pwede ko bang ikwento sa kaniyang mahal ko siya?" nakasalumbabang maktol niya sa bespren niya. 

          "Malay mo gusto niya lang mabalik iyong dati na lagi kayo nagkukwentuhan.. telebabad hanggang madaling araw.. kwento hanggang hatinggabi.. biruan ng magdamag.." 

          "Whatever.. But the point is, nagalit siya dahil lang d'un?! Ang babaw niya! Para siyang batang hindi makatulog 'pag walang bedtime stories." 

           "Well, that doesn't make any sense. Ang totoong point dun eh namimiss ka ng tao, kaya gusto niyang makipagchikahan sa'yo. Hindi ka ba natutuwang isipin yun? "

           Sabagay, sa loob-loob niya.

           Nanahimik na lang siya upang matigil na ang debate nilang magbespren tungkol sa impaktong iyon. Ang iniisip niyang main reason ng mababaw na pagkagalit ni Karl sa kaniya eh, talagang iniiwasan na siya nito dahil sawa na ito sa ugali niya.  Hindi naman imposible iyon, dahil ang mga lalaki nga naman, ay madaling magsawa. Eh ano lang ba siya nito? High School friend lang, at ngayon ay empleyado na lamang siya nito. 

             How can you be so pathetic Jorenn? reklamo niya sa kanyang utak. Isa pang dahilan ng pagkaaasar niya dito ay ang panliligaw nito kay Zhen. Naghalu-halo tuloy ang mga emosyong nararamdaman niya.

 

 

            Friday, naghihikahos nang pumasok sa opisina si Jorenn, male-late na siya, at paniguradong malilintikan siya sa mga boss niya 'pag nalamang late siya ng araw na iyon. 

            Nakapasok na siya ng agency nang marinig niyang may sumisitsit sa kaniyang likuran. Buset na 'to! Nakita nang magkanda-tapi-tapilok ako dito sa pagmamadali naisipan pa kong sitsitan! Manigas sana iyang dila mo. 

            Patuloy lamang ito sa pagsitsit, at patuloy pa rin siya sa pangdededma sa nasa likod niya.

            Nang malapit na siya sa elevator ay inagaw na nitong tuluyang ang atensyon niya.

            Narinig niyang tumawa ang sumisitsit sa kanya mula sa likuran, lalaki pala ito. "Jorenn, totoo pa lang masungit ka. Akala ko sa una lang iyon." ani ng isang hindi pamilyar na tinig.

            Napakunot ang kaniyang noo at wala sa sariling nilingon ang lalaking tuwang-tuwang asarin siya.  MELVIN!!!

            Natameme siya nang makita ang perfect smile na ngayon niya lang nakitang malapitan sa mukha ni Melvin. SHOCKS! Kala niya eh sa panaginip niya lang matatanaw iyon, mabait pala si Lord at binigyan siya ng pagkakataong malapitan ito. At take note... ito pa mismo ang umagaw ng atensyon niya! Eh teka, teka, anong sasabihin niya?

            Tumikhim lang siya at ngumiti dito.

             "Ahm..." Luminga-linga ito. "Do i look familiar? Eh kasi hindi niyo naman ako nakakasama sa duties niyo. Pero tiga-rito din ako. At... mataas ng konti ang posisyon ko dito, kaya't di tayo masyado nagkikita. Melvin here." inilahad nito ang kanang kamay sa kanya.

            SHOCKING TALAGA! Hindi siya mahangin infairness! Eh konti na lang reach na niya ang position ni Karl. At nagboluntir pa itong gwapong ito makipag-kamay sa akin. Ever! Ang cute mo! 

            Kunwa'y balewala lang sa kaniya ang pagkakalapat ng kamay nila sa isa't isa. "Pa'no mo nga ako nakilala?"

            "Ah, bago bago ka lang dito diba? Lagi mong kasama ung babaeng maputi, maliit at laging naka-headband? Since nung pumasok kayong dalawa dito, lagi na kayong napapag-usapan. Isa pa, di ba past girlfriend ka ni Sir Menesses?"

             "Huh? Hindi ah." Napangiti siya nang malamang usap-usapan sila ng buong office. "Eh kuya, matagal ka na ba dito?"

              Kunwari pa'y tinawag niyang 'kuya' si Melvin, nang hindi mahalata ang nararamdaman niya dito. Unti-unti na kitang lalandiin! Bwahaha!

              Natawa ito ng kaunti. "Nauna lang ako ng one year bago kayo pumasok dito. Kaya hindi pa naman nagkakalayo ang edad natin."

              "Ah, gano'n ba?" Naghahanap na siya ng iba pang sasabihin nang muli itong magsalita.

              "I thought you we're in a hurry?" tumingin ito sa wrist watch.

              Natutop niya ang kanyang bibig. Late na siya nang pumasok, lalo na ngayong nakipaglandian pa siya kay Melvin.  "Goodness.." tumingin din siya sa wrist watch niya at nakitang 45 minutes na siyang late. Ang number one rule pa naman ng agency nila ay 'NO LATE COMERS'.

              "I'd rather go. Mauna na po ako kuya, nice meeting you. See you around." Kumaway muna si Jorenn kay Melvin bago pinindot ang button ng elevator.

              "Ahm, Jorenn, alam mo bang worse ang late kaysa sa absent? Sobrang late ka pa man din."

              Napaisip siya nang marinig ang turan nito. "You mean, mag-absent na lang ako? What about the excuse? Anong sasabihin kong dahilan? "

              "Oh, eh di tumawag ka mamaya, magsabi ka ng kung anu-anong dahilan. Ituloy na lang natin 'yung kwentuhan."Pagko-convince sa kanya nito.

              Napadalawang isip siya.  Para namag denidemonyo siya nito, ipagpapalit niya ba ang lalaking ito sa trabaho niya?

              OA mo huh! Isang gabi ka lang aabsent! Isa pa, sobrang late ka na! Gora ka na! Magpatwitums ka na diyan kay Papa Melvin mo!

             Wala na naman siyang nagawa dahil sa dikta ng isip niya. Pumasok sila sa isang pizza parlor sa tapat ng agency. Doon nga nila ipinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan  sa isa't-isa.

              "Akala talaga ng lahat ay bata ka ni Sir Menesses. Lagi ka kasi niya nilalapitan. Kaya lang bakit ngayon, parang nag-iba ata ang ihip ng hangin?"

              "Hmm... we we're just both busy." Maikling tugon niya. Naiilang na siya sa pagkakatapat nila sa table. Hirap din siyang kumain, dahil nga magkatapat sila ng upuan. Kailangan niya pang magpakahinhin, na wala nga sa ugali niya.

              "Inamin mo nga, may relasyon kayo ni Sir." panghuhuli nito sa kanya. 

              "Naku, wala nga. Close lang kami dati. Eh ngayon may lamat na friendship namin, kaya't eto may gap na sa pagitan namin." Wala sa sariling kwento niya kay Melvin.

               Hindi siya makaramdam ng comfortable kay Melvin. Naiilang siya. Di niya alam kung bakit. Basta naiilang siya.

               "Oh! Speaking. Hayan si Sir oh." ani Melvin habang tinuturo sa likuran niya. Mabuti na lamang at nakatalikod siya sa entrance ng parlor na iyon. 

               "Hala! Hwag kang papahalatang ako 'tong kasama mo." kabadong wika niya. Siguradong magkakayarian kapag nakita siya ni Karl doon. Sa halip na pumasok sa trabaho, heto siya't may kadate. 

                "Jorenn, pa'no yan, mukhang papalapit dito. Nakita na ata ako."

                "Basta! Hwag mong sasabihing-"

                "Goodevening Mr. Melvin Galman. " Anitong ang buong atensyon ay kay Melvin lamang. 

                Pasimpleng sumisilip si Jorenn kay Karl. Bakit ganun? Nasa tapat niya na ako di niya parin ako nakikita. Malamang malabo na ang mata nitong mama na'to.

                 Tumayo si Melvin bilang pagrespeto sa boss nila. "Goodevening Sir."

                 Seryoso ang mukha ni Karl nang magsalita. "I came here to fetch Jorenn Salazar. Because i don't think it will be good for her having a date with you whereas she still have a lot of works to do." Tumingin ito sa kanya ng patalim.

                 Nagulat siya at natauhan sa pagkakayuko. Nag-angat siya ng mukha para di naman masyadong mahalatang napahiya siya, then she clears her throat.

                 "Oh yes Sir. I'm sorry."

                  Hinila na siya ni Karl papalayo sa table nila ni Melvin. Lumingon siya kay Melvin na humihingi ng tawad ang kanyang mga mata.

                  Tumango lang si Melvin saka ngumiti. "Next time." anitong naiiling-iling na lamang.

 

 

                   Patawid na sila ni Karl ng kalsada at hawak pa rin nito ang braso niya. Para siyang asawa nitong nangalunya at sadyang pinapahiya sa madla.

                   "Sandali nga!" aniyang pinuwersang alisin ang kamay ni Karl sa braso niya. "Pwede ba, hindi ako aso mong pwedeng kaladkarin!" napabitiw ito sa kanya sa pagkakagulat sa ginawa niya. 

                   Sinapo ni Jorenn ang namumula niyang braso bago muling nagsalita. "Ano bang problema mo? Kahit kelan ka, kontra ka sa kaligayahan ko eh!" naiinis na singhal niya kay Karl. Nakatitig lang ito, at talagang balak niyang makipagtitigan dito.

                   Galit pa rin ang mukha ni Karl. Bumuntong-hininga muna ito at saka nagsimulang magsalita. "First of all, hindi ako nangangaladkad ng babae-"

                   "Eh anong ginagawa mo sa'ken? Inaakay?" sarkastikong turan niya.

                   Umismid lang ito. "Ikaw! Uunahin mo pa iyang lalaki kaysa sa trabaho mo? Ang tanda mo na, para kang estudyanteng ngka-cut ng klase!" Nakapameywang ito na parang pinapagalitan siya ng ama niya.

                    "Eh anong kaso? May ginawa ba akong masama? Naagrabyado ba kita? Tsaka bakit mo alam na nandun kami ni Melvin magkasama sa pizza parlor na 'yon?"

                    "'Wag mong paikutin ang usapan. Instead of working.. lumalandi ka diyan sa tapat!"

                    Naningkit ang mata niya sa sinambit ni Karl. Lumalandi? Hayop 'to, parang alam mo ang lahat ng nararamdaman ko ah! Nangilid ang luha niya sa galit.

                     "Well said, Sir." wika ni Jorenn na kunwa'y ngumiti pa, saka nagsimulang tumawid papuntang agency.

 

 

                   Nakausap man niya at nakahalo sa isang dinner si Melvin, yet hindi nakatutuwa ang araw niyang iyon. Napakabigat ng loob niya. Naririndi na siya sa patuloy na pagpa-flashback ng mga sinabi ni Karl sa kaniya. Isa pa, nabalitaan niyang ilang araw pa lamang nanliligaw si Karl kay Zhen, ay sinagot na nito agad ang binata. Kaya naman ay tutulungan niya na ang sarili niyang maging maligaya.

                   Maybe it's the right time for me to forget him.

                 Months na ang lumipas, pero hindi pa rin sila nag-uusap ni Karl. Ni hindi nito magawang mag-sorry sa kanya, kaya naman ay ipinaubaya niya na lamang kay Zhen si Karl. Di na siya muling aasa sa tipaklong na iyon. Dahil magkatrabaho, di maiiwasan ang mga pagkakataong nagkakasalubong sila, nagkakatinginan, pero binabalewala na lamang iyon ni Jorenn. Dahil nga ang sabi ng isip niya, 'FORGET HIM AND MOVE ON'. Sa ganoong paraan, kahit papaano'y nakatulong na rin iyon kay Jorenn para makalimot sa sakit.

                Habang nasa bahay at namamahinga, binuksan ni Jorenn ang kanyang mail account sa kanyang mumurahing laptop. Sa tagal niyang di na nabubuksan iyon ay natagpuang niyang libo-libo na ang mga unread messages niya. Nang sinimulan niya nang bulatlatin ang mga messages niya, nakita niyang umuulan ng mail sa kanya si Karl. Tinignan niya ang mga date, at nakita niyang matagal na pala ang mga iyon, ang latest mail naman nito ay kani-kanina lan. 

                Binasa niya ang mga mail nito. Iisa lamang ang nilalaman:

 

                 Jorenn ganda,

                            I'm sorry that I can't even talk to you in person. The fault is mine. It's me and my big mouth. I'm sorry.  Don't want to ruin our friendship just because of that incident. I'm sorry. 

                                                                                                                          Karl pogi :)

 

                Bumuntong hininga na lamang siya. Kahit na anong paraan pa ng pagpapatawad ang gawin nito ay non-sense na. Nangako siyang tutulungan niya ang sarili niyang maka-overcome sa sakit. At gusto niya nang ipagpatuloy iyon. 

                Nang tignan niya kung sinu-sino ang mga naka-online sa lists niya, nakita niyang naka-online din sa Karl. Nagulat pa siya nang mag-appear ang pangalan nito sa kanyang screen at kausapin siya. 

                 "Hi Renn!"

                 Hindi siya nag-reply dahil hindi niya naman talaga alam ang sasabihin niya. Nanginginig pa ang kamay niya habang kumakapa ng ita-type na reply dito.

                 "Sorry huh. Galit ka pa ba?"

                 "Ok lang." matipid niyang sagot.

                 "Kamusta na? Long time no talk." Pangangamusta ni Karl.

                 "I'll go ahead. May gagawin pa ako."

                 "Sungit mo naman ganda."

                  Hindi na siya muling nag-reply. Sayang, nakita niya pa man din si Melvin na naka-online. Pinanhihinayangan niya rin ang mga araw na niyayaya siya ni Melvin for dinner, puro tanggi ang ginawa niya rito, dahil nga sa pagmumukmok niya.

                 Narinig ni Jorenn ang pag-doorbell sa bahay niya kaya't agad siyang bumaba upang tignan kung sino ang bisita. Nagitla siya but on the other hand natuwa sa nakitang bisita niya ngayong araw na iyon.

                  "Yssa.. Melvin? Ba't nandito kayo?" takang tanong ni Jorenn.

                  Ngiti lang ang binigay ni Melvin nang tignan niya ito. Binalingan niya si Yssa.

                  "Bes, ito kasing si Melvin, kinulit akong samahan siya sa pagpunta dito. Birthday niya kasi, at gusto niyang i-celebrate it with me, este with us." Todo ngiting kumikindat-kindat pa sa kaniya si Yssa.

                  Natawa siya sa gawi ni Yssa. Bumaling ulit siya kay Melvin. "Ay sus. Di ka man lang nagpasabi.. eh di sana ngayon.. may regalo kami sa'yo. Isa pa, hindi pa ko nakakapag-grocery, walang pagkain dito."

                 "Don't worry dear.." hinawakan nito ang baba niya. "Anong silbi nito?" anitong tinaas ang basket. Basket na mukhang punum-puno ng pagkain.

                 Sumingit na naman si Yssa. "Oo nga! Dito na lang tayo mag-celebrate ah!"

                Ngumiti siya sa dalawa. "Tara, pasok kayo."

 

                 "Ang cute pala ng bahay mo Jorenn.." wika ni Melvin. Nakaupo na ito sa sofa at nililibot ang mata sa paligid ng bahay niya. Siya naman ay kasalukuyang inaayos ang dala ng dalawa sa kusina. 

                 Napangiti siya, madami ngang nagsasabi no'n. Ginamit niya kasing kulay sa bahay niya ay green-pink motif. Babaeng-babae ang dating at napakamodern. "Siyempre no! Cute ang may-ari!" biro niya.

                 Muling sumingit si Yssa. "Eto ang tunay na cute." sambit nito sabay wave ng kamay nito na tila pang Miss Universe at nag-beautiful eyes pa.

                 Sabay-sabay silang nagtawanan. Kasabay ng tawanan nila ang muling pag-doorbell ng pinto.

                 "Yssa! Paki-tignan kung sino yan." sigaw niya mula sa kusina.

                 Nagboluntaryo na si Melvin na buksan ang pinto. "Ako na lang." anitong sinabayan na ng pagtayo.

                 Sumilip na rin si Yssa sa pagbukas ng pinto

                 "Sir Menesses?" sabay na sambit ni Yssa at Melvin.

 

 

                 Nakita niya ang gulat sa mga mata ng nagbukas ng pinto. Kahit siya ay nagulat sa nakita niya. Si Melvin at Yssa nasa bahay ni Jorenn? 

                Badluck! Sosolohin ko nga dapat ngayon si Jorenn para magkaayos na kaming maiigi ng long time friend ko eh! Ano't nandito pa ang impaktong Melvin na 'to?

               Bumati ang dalawa. Tinanguan niya lamang si Yssa, at yung si Melvin ay hindi niya pinansin.

               Narinig niya ang boses ni Jorenn na nanggagaling sa kusina. "Sino 'yan, Melvin?"

               Aba't close na 'tong dalawang ito?

               Sumagot si Melvin. "Si-"

               "It's me, darlin'!" pinarinig niya ang tunay na boses niya para makilala ni Jorenn kung sino nga ang bisita.

               Nasa pinto pa rin siya, ngunit kitang-kita niyang humahangos sumilip si Jorenn sa pintuan.

               "Karl?"

 

itutuloy...


manhater.xxiv's picture

Like!

 Maybe it's the right time for me to forget him.

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

       bakit pu?

 

 

 

 bakit pu? nakakarelate po kayo sa sentence na yan??

 

 

 

 

"I said LEAVE.. but baby all i WANT is you..."

manhater.xxiv's picture

Palagi.

Haha. Gasgas na nga yan saken e.

 

http://forcedengineer.wordpress.com