Lovers in Paradise

adliserc's picture
|

Si Mitch ay isang dalagang ina. Maraming beses na syang nasawi sa pag-ibig. Makailang beses na rin syang malapit nang ikasal But in the end, parati syang naiiwan nang dahil sa third-party. Never nyang inisip na magkakaroon pa sya ng isang makakasama sa habambuhay dahil sa mga kasawiang naranasan sa buhay. Pero may nakilala syang isang lalaki sa Maynila, si Joseph. Kaklase nya daw to sa Kindergarten. Pero di na nya maalala. Nagkapalagayan sila ng loob at kalaunan nga ay naging sila. Nararamdaman naman nyang mahal na mahal sya ng lalaki pero di nya alam kung ano ang nararamdaman nya para kay Joseph. Mabuting tao si Joseph. Maginoo, masipag at matalino. Ipinapadama naman ni Mitch sa kanya ang kanyang appreciation sa mga ginawang kabutihan ng lalaki. Pero ang di nya lang kaya ay ang mahalin ng lubusan si Joseph. Hindi naman nya alam kung bakit. Wala din naman syang ibang napupusuan. Isang araw ay nagpropose na ng kasal ang lalaki. She doesn't know what to do. Di nya alam kung ano ang sasabihin nya. Ayaw naman nyang masaktan si Joseph. Mahigit 3 years na rin silang magnobyo. At ni minsan sa 3 taon na iyon ay di sya sinaktan ni Joseph. But she is not yet prepared for a lifetime commitment. She decided to have a vacation. Tour around the world ang drama nya para makalimutan ang lahat ng problema. Gusto nyang mapagisa para magmuni-muni.

    Sa barko, may nakabangga syang isang lalaki. "Ay, sorry!", sabi ng lalaki. Biglang may spark na naramdaman si Mitch na kakaiba. Natulala sya nang minasdan nya ang lalaki. "Miss, OK ka lang ba?". "Ha?Ah, oo. Oo naman!", sagot ni Mitch. ""I'm Lawrence"."I'm Mitch". Sabay nag-shake hands sila. Simula noon ay hindi na maalis sa isip ni Mitch si Lawrence. Minsan ay inaabangan pa nya ito sa lobby at sa dining hall. Minsan ay nagkasabay pa silang kumain. "Hi Lawrence, can I sit here?". "Oh, sure!", ani Lawrence. Mahaba haba din ang kanilang kwentuhan. Nalaman ni Mitch na may asawa't anak si Lawrence. Taga Pasig lang pala sya. Nasa barko ngayon para sa isang mahalagang business meeting. Ang dami pa ng sinabi ni Lawrence pero di na naintindihan ni Mitch ang iba pa nyang sinabi. Ang paulit ulit na bumabagabag sa kanyang isip ay ang sinabi ni Lawrence, "I have a beautiful wife and daughter". Di nya alam kung bakit pero medyo may kirot, may sakit. Lumipas ang ilang sandali pa ay nagpaalam na si Lawrence. Di naman magawa ni Mitch na bumalik sa kanyang kwarto. Hindi sya makatulog. Alam nyang hindi dapat. Pero talagang masakit. Sobrang sakit. Naglakad lakad sya. Umiiyak. Hindi nya alam kung saan sya patungo. nang biglang tumunog na lang ang alarm ng barko. Parang may sumabog sa basement ng barko. Hindi na alam ni Mitch kung saan sya tatakbo. mabilis na lumulubog ang barko.