loving someone
Ang pinakamasarap na atang mangyayari
sa buhay mo ay ang maranasan mo kung
paano magmahal.
Espesyal ang damdaming
ito bukod sa araw araw na ngiting
hinahatid sa’yong mga labi, dinadala
ka pa nito sa isang hindi maipaliwanag
na kasiyahan.
Totoo nga halos ako’y hindi
makapaniwala noong naramdaman ko kung
paano magmahal , kung paanong ang
bawat araw na dumadating sa buhay ko
ay puno ng sigla at ng ligaya, kulay
bahaghari ang buo kong paligid.
Kapag nagmamahal ka lahat ng bagay sa
paningin mo ay maganda, walang mali
lahat ay tama, natututo ka sa maraming
bagay, ang mahabang pagpapasensya,
pang uunawa, pagtanggap sa iyong mga
kamalian at pagtanggap sa kanyang mga
nakaraan.
Kapag nagmamahal ka tinatanggap mo ang
lahat, kinakaya mo ang lahat alang
alang sa kanya kahit na hindi
naibabalik sa iyo ang pagmamahal na
binibigay mo.
Napakasakit isipin na ang salitang
pagmamahal ay may kasamang pagkabigo,
kapag nagmahal ka dapat ay handa kang
masaktan at ito rin ang nararanasan ko
ngayon
Nakakulong ako sa dalawang damdamin,
nagmamahal ako kasabay na nasasaktan
napakahirap ng ganitong damdamin
kinakailangan ng matagal na panahon ng
proseso ng paglimot para lamang mawala
ang sakit, ang hirap ng kalooban at
tanggapin na kahit kailan….
Na kahit kailanman hindi magiging kayo
ang para sa isa’t isa!
Nagmahal….nasaktan….ngayon ang
paghilom!
Paghilom sa pusong nasugatan upang sa
gayon ay muling makapagmahal at tunay
na maunawaan kung ano nga ba ang
kahulugan ng salitang “pag ibig”
Totoong panahon lamang ang gamot upang
makalimot!
At darating ang araw na kapag tunay ng
nahilom ang sugat sa aking puso…
At tamang panahon na binigay NIYA
Muli at muli
Magmamahal ulit ako!


i agree with u...
dkarimjr:
talagang ganyan ang pagibig, mahirap na masaya, masakit na malungkot.
siguro parte na ng pagmamahal ang masaktan. pero ang mahalaga, matutu tayong tumayo ulit. Marami pang bukas, malay mo, di mo lang napapansin naryan lang sa tabi ang taong handang magmahal ng totoo. ang mahalaga alam mo pa kung paano magmahal ulit....
good luck sayo...